19
Aug
11

Lambing went to manila ♥ part 1(bus love story epek)

Hindi ko perstaym lumuwas ng manila, pero nung isang linggo nag decide ako mag leave at magpakasaya. Nag paalam ako sa boss ko kung papayagan ba akong mawala ng tatlong araw sabay bale…. and once again napasagot ko ang pinaka mabait kong boss ( empre mabait pinayagan ako kaya thankful ako.)

Ayun lagi naman ako sumasakay sa 10 wheeler truck sumasabay ako dun para malibre ang pamasahe ko sya pang matitipid ko dun sa pamasahe diba diba? Oo na ako na ang cowboy este cowgirl pala babae ako eh.. ayun kaya kahit puro pahinante kasama ko sa truck wa ako care para paraan lang yan kung paano makakatulog. ( ang 10 wheeler truck pala ay ginagamit ng company namin panghakot ng biscuit sa manila ayun) eto yun…pero mas malaki pa dyan

Dahil hindi naman work related  ang pinunta ko dun kundi mag lagalag lang syempre mag kaiba ng way truck na sinakyan ko at pupuntahan ko kaya binaba ako sa bulacan. Medyo nag aalala ako kasi last time na luwas ko sa manila nun december … flashed back muna tayo….

punuan ang bus papuntang cubao at nakatayo ako wala manlang gentleman na nag paupo saken, sa balintawak nako nakaupo noon halos napaka dami ko pang dala ang travelling bag kong pang 3 araw lang pero parang pang isang buwan ang laman ( ayaw ko kasi magdala ng kaunti na damit gusto ko di ako mauubusan ayun) bitbit ko rin sa kaliwang kamay ko  ang san ka tutak na superstix at chocomucho pasalubong sa mga kids.. hawak hawak ko lahat yun shocks nawala ang lambing  poised ko.

Balik tayo sa kasalukuyan toinks! Nag aalala ako  baka maulit uli yun, pag baba ko ng truck may nakita akong girl at boy nag aabang din ng masasakyan, di ko alam kung mag ano sila . Nakasakay na ang girl sa jeep naiwan si boy.. tapos si lambing nasa likod.. medyo nag aalangan ako mag tanong kase maputi , matangkad at wafu ang boy.. baka kasi suplado mga taga syudad at di pansinin ang probinsayanang lambing.

Pero kiber kailangan ko mag tanong baka maligaw ako.. sabi ko..

” eksmyuskee.. joke lang empre excuse me with pa cute face ahehe…

may dumadaan pa bang Baliuag bus  pa cubao ng ganitong oras? ( past 9 na so medyo tanghali na baka kasi punuan nanaman)

wafu boy : Meron pa naman.. kaso punuan na swerte mo kung makakaupo ka. . “

(sabi ko na nga ba sabi ko sa isip ko.. )

Wafu boy : Ayan may bus na…

Kaso lumampas kaya di ako sumakay…

Wafu boy:  Gusto mo sumakay ka saken este sumabay ka nalang saken pa cubao rin ako🙂 (di kasali yun sumabay ahe sumakay pala wahehehe nangungulit lang😆 )

( oo naka smile sya saken kaya may smiley ) Ayun medyo di ako nabahala dahil sabay daw kami weeeeee… Dumating ang bus ..

Wafu boy : ayan may bus na lika na! ( sabay kinuha yung malaking traveling bag ko at sa akin ay ang isang bag na may tatlong kilong pansit cabagan at biscuit na pasalubong ko sa bestfriend kong demanding.)

Na touched naman si lambing kasi sa panahon ngayon bihira nalang na may makasabay na gwapo na gentle man pa. Ayun buhat nya bag ko ako pa pinauna sumakay at blessing kasi nakaupo kami pareho di nga lang kami mag katabi.. dun sya sa likod ako malapit sa harap pag lingon ko nakatingin sya sabay sabi ko ” thank you🙂 :oops:  . ( empre may smiley nanaman dahil naka smile talaga ako ahek).

So ayun nauna sya bumaba saken di ko namalayan.. pero ang swerte ng gf nun kasi di nya kakilala tinutulungan nya pano pa kaya kapag gf na nya diba? Ayun bibigyan ko 98 pogi points si wafu boy.. bakit 98? empre di ko naman naging biep eh😆

Anyone can be heroic from time to time, but a gentleman is something you have to be all the time.
                                                                                              –    Luigi Pirandello –


17 Responses to “Lambing went to manila ♥ part 1(bus love story epek)”


  1. Agosto 19, 2011 bandang 6:06 hapon

    hi lambing sana tumuloy ka sa akin para nagkita tayo….

    • Agosto 19, 2011 bandang 6:11 hapon

      ayan na… nag tampo na si mommy… apat na araw lang po kasi ako ahaha di ko nga po alam kung sino ang pag bibigyan ko alam nyo po bang tatlong araw iba ibang bahay ako nakitulog kamusta naman yun… yaan nyo po next time mommy dear..

      alam ko po marami pa nagtatampo dyan sa tabi tabi at di ko nasabi nandyan ako sa manila haha

      pa kiss nalang ! mwah! ♥

  2. 3 apollo
    Agosto 20, 2011 bandang 2:24 umaga

    haha! kala ko naman nakilala mo pa ung gwapong un. kinuha ko sana ang number. ahihihi! lols!

    naku, bigla ko tuloy naalala ang mga bus stories ko. hahaha!

    • Agosto 20, 2011 bandang 9:59 umaga

      …@ apollo

      hmmmm nabasa ko yung bus stories mo sows.. ikaw yung hindi tumatayo pag may babae wahahaha…

      sayangs! mahiyain kase ko sa personal eh ahehehe kaya di na ako nakipag kilala baka sabihin saken feeling close ako hahaha.. dapat tinatantya muna lols

      diba? diba? mahiyain ako?

  3. 5 jen
    Agosto 20, 2011 bandang 11:15 umaga

    bitin ako ate,isulat mo na agad ung part 2 hanggang sa end na para mas exciting ang pagba2sa ko. Gusto ko malaman kung ano mga maga2ndang nangyari sayo dun sa pinuntahan m. Mukhang meron kakilig kilig part sa pinuntahan m.

  4. Agosto 21, 2011 bandang 10:31 hapon

    me ganun palang eksena sa bus parang di yata nabanggit sa akin bwahahaha
    mas kinilig pa yata ako sa eksena sa bus kesa dun sa ibang eksena sa pinuntahahan mo ..pero empre aabangan ko pa rin ang kilig moments mo with toooooooooooot

    wafu ba talaga sayangs di mo nakatabi sa upuan..hmmm baka avid reader mo din un di kaya???

  5. Agosto 21, 2011 bandang 11:20 hapon

    hello, lambing… andami kong like dito. hmmn… taga-isabela ka pala. pengeng pansit cabagan? hehe… sarap yan, pramis.

    gusto ko yong travelling bag na pang-isang buwan, ahaha.

    tsaka, yes, yong wafu na gentleman pa. naku, bibihira ‘yon. tamo nga naman? kumusta?🙂

    • Agosto 22, 2011 bandang 9:05 umaga

      opo ate ko taga isabela nga ang inyong makulit na lingkod haha

      gusto mo ipagluto kita? Lambing ni lambing sayo hehehe

      ayun iniwan na ako ni wafu wahahaha…. natuwa lang ako sa kanya teh.. di sya nagsusuplado lol kahit wafu hehehe kasi minsan may mga lalaki di na nga kagwapuhan nuknukan pa ng kayabangan at suplado pa… ampff

      • Agosto 27, 2011 bandang 11:39 hapon

        hello uli, lambing.

        ten to 12 years ago, i used to go to tuguegarao three to five times a year. work-related na mga lakad, marami-rami rin akong mga katsokaran dyan na naglilibot sa ‘kin para isa-isahin ang mga kainan ng batil-patong at pansit cabagan, ahaha. bawat kainan, may kanya-kanyang toppings – namnam! yown…

        aba, siyempre, would be delighted na matikman ang luto mong pansit, naman…

        happy long weekend sa ‘yow!🙂

      • Setyembre 1, 2011 bandang 2:53 hapon

        ay talaga ate ko nakarating kana pala dito… sarap yun batil patong .. pati na rin pansit cabagan ahaha actually i ba blog ko sana yun nun nagluto ako nung isang linggo ang kaso na corrupt ang file sa memory card ko… waaaaaaaaa

        ate ko wala akong long week end diretso ang pasok ko mula linggo hangang linggo .. eka parang napagod ako ahhh

      • Setyembre 5, 2011 bandang 6:47 hapon

        antay ko ang post na re: pansit. aantayin ko. sarap ‘yon…

        wlalang long weekend? siguro, ilan lang kayong empleyado dyaan. baka mas marami pa ang trucks sa empleyado, huh?🙂

        di bale, ikaw na ang masipag. ikaw na ang pagpapalain… mwah!🙂

  6. Agosto 23, 2011 bandang 2:53 hapon

    mas maswerte sya kung ikaw ang GF niya, sa lambing lang busog na siya.

  7. Agosto 23, 2011 bandang 11:03 hapon

    welcome to manila lambing..enjoy enjoy lang ang buhay!🙂

  8. Agosto 24, 2011 bandang 2:50 hapon

    Hello😉 Ang bongga naman ni pogi. Infairness, kokonti na lang ang gentleman ngayon. At mas lalong konti ang gentleman na pogi😀 hehehe.

    napadaan lang po ^^


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2011
M T W T F S S
« Jul   Sep »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: