19
Oct
11

Sagot sa tanong na… bakit single ka pa girl?

Isa ka ba dun sa mga nagpagtatanungan palagi kung kamusta na ang lovelife mo? Bakit hanggang ngayon wala ka pang boyfriend? Asawa? Habang Lahat ng mga ka klase , kapit bahay, mas batang pinsan, kapatid , ex boyfriend eh may kanya kanya nang pamilya. Samantalang ikaw eh walang maisagot sa bawat tanong nila. What happen to you? Hanggang ngayon ba naman eh choosy ka pa rin? You’re running out of time my dear baka sumara na lahat ng dapat sumara sayo. Huli ka na sa byahe. Mga ganon comments.

For all I care!!!! Wa ako care!!! Wala nga ba talaga? Hmmmm empre meron.. kapag nag iisa ka nalang at nag mumuni muni tatanungin mo rin yan sa sarili mo.. why o why bakit nga ba o bakit hanggang ngayon eh hindi pa nasusungkit ang iyong pusong bato ? Pusong bato ka ba? Ennnngggg ( katunog ng buzzer pag mali ang sagot) Manhid ka ba? ENGGGG!!!! ( parang pareho lang naman yun) Picky ka ba? Enngggg! uli… Choosy ka ba???? Enggggg! (Hindi ako choosy juicy ako juicy!)  Ang chappy mo naman… ( hindi ako chappy .. chubby ako chubby!! )

Oweno ba talaga ang problema bakit singol ka pa rin???  Meron din naman ibat ibang dahilan kung bakit single pa kami.. siguro yung iba may dahilan baka…

  • May trauma na sa pagiging sawi. Sobrang nasaktan sa huling relasyon kaya naduduwag sumubok ulet.. thinking na mauulit lang ulit yun,dahil sa sobrang sakit na naranasan nya.
  • Siguro dahil sa hirap ng buhay ngayon , naisip nya mahirap mag pamilya, paano na yung mga magiging anak ko? Takot sa responsibilidad.
  • Galing sa broken family… siguro natakot sya kase nakita nya yun hindi magandang nangyari sa relasyon ng magulang nya kaya ayaw nya matulad dun. Hindi naman sa ayaw nya magkapamilya gusto nya lang wag maulet sa kanya yun nangyari sa magulang nya kaya sya nag seset ng standards.
  • Siguro dahil Masaya naman na sya sa buhay nya , kontento na sya dahil maraming nag mamahal sa kanyang kaibigan mga kamag anak, may sarili syang career kaya hindi sya nag aalala na kahit na walang lalaki sa tabi nya kaya nyang mabuhay dahil kumikita naman sya .
  • Baka may hinihintay? Bakit mag hihintay? Siguro dahil doon tumibok yun puso nya ,kahit nasaktan sya nito ng sobra sobra eh hindi na nya kayang ipagkatiwala ulet yun puso nya sa panibagong mang iibig kaya nag I stick sya dun sa taong kahit nasaktan sya nito eh alam nya na mahal nya eto, takot sya na magtiwala ulet sa ibang tao kasi paano kung saktan din sya nito di ang dami na nakasakit sa kanya? Tama na ang isa, dalawa, pangatlo eh too much na yun.. Napapagod din kami.

Pero lahat naman yan eh nadadaan sa mabuting usapan, pwede pa rin kami masungkit kahit may mga dahilan kami kung bakit kami single..  Kailangan lang siguro Makita naming yun qualities na hinahanap namin sa isang lalaki. Siguro nga Kaduwagan lahat ng dahilan sa itaas pero pwede din naman maalis ang takot namin kapag may isang tapat na mag aalis lahat ng takot na nararamdaman naming at magpapatunay na hindi lahat ng kinakatakutan mo eh magkakatotoo meron ding happy ending at the right time at sa tamang tao. Pero bago kami mag tiwala syempre kailangan muna may qualitities sila sa mga listahan namin.. You heard it right .. may listahan kami…

Hindi naman sa pihikan kaming mga babae, meron lang talaga kaming mga listahan , checklist  , standards para masungkit ang iniingatan naming mga puuuusooo…  Alam lang naming talaga kung ano yung hinahanap namin.. eto ang sampol…

  • May itsura ba? ( Empre lahat naman ng tao unang tumitingin sa physical appearance… No one falls inlove agad sa character unang tinitignan eh yung unang lumilitaw.. Mukha.. kahit hindi gwapo basta maginoo at hindi bastos… So ano ang gusto ko mangyari? Hindi rin masyadong mahalaga ang appearance samen,  kaya  kung your running out of time babaan mo na yung standards mo kung may itsura ba kunwari kung 1-10 kahit 4-5 patusin mo na… ok ok  kaming mga babae hindi basta basta bumibigay , kahit gwapo ka kung mayabang ka naman eh major turn off yun.
  • Responsable ba? Eh kung sugalero, at madami kang bisyo , alak. Sigarilyo, babae hay nako….. Para lang kami kumuha ng batong ipopokpok namin sa ulo . Di mas magandang mag isa nalang kaysa mangunsumi ka sa lalaking ito. Pero kung nakita mo naman na responsible aba eh dagdag pogi points yun..
  • Gwapo (optional)
  • Polite
  • May dimples
  • Maganda ang ngipin
  • Matangos ang ilong
  • May sense of humor
  • Talented
  • Responsible
  • Matalino
  • Maginoo pero medyo bastos ( ayaw namin ng binabastos agad… mag paka ginoo ka muna)
  • Father material
  • Marunong magluto
  • Matangkad
  • Mahilig sa Music
  • Humble
  • Sweet
  • Maalaga

….. at marami pang iba…

Yung iba napakahaba ng listahan… pero sabi nga if your running out of time aba eh lower your standards… yang haba ng listahan mo eh minsan mauuwi nalang yan sa 5

  1. Kung nararamdaman naming na mahal kami kahit wala ka pang itsura
  2. Kung secure kami sayo winner ka tsong…
  3. Kung napapatawa mo kami another pogi points
  4. Kung pareho kayo ng interest hobbies para walang dull moment
  5. Kung pareho kami ng paniniwala… relihiyon.. malaking point din ito kasi kung ang hanap mo eh magiging partner kailangan talaga pareho kayo ng pananampalataya para hindi mo na kailangan magaya kay supsup na sumagot kung sino ang pipiliin God o Sya … dapat pareho kayong may God. Yowwwnnnn…
  6. Kung pareho kayo ng level ng pag iisip… o mas maganda mas mataas sya… mapaguusapan kayo at hindi magiging boring.. dahil kung hindi kayo magkakaunawaan eh nakaka disappoint lang yun.

Kaya kung etong mga qualities na ito meron sa listahan naming eh malamang masungkit din ang tinatawag nilang pusong bato. Kaya kapag tinatanong ka ng mga echoserang frog na naawa sayo kung bakit ka pa single hanggang ngayon?  Huwag kang ma stress…  Nakakabawas ba ng pag katao ang pagiging single? Nakakapangit ba? Tingin ba nila eh may kapansanan ka?  May kulang sayo? Miserable ka ba????

HINDI NO!!!!

Being single doesn’t mean that you are unloved, unwanted, unhappy, or unappreciated. In the end, it’s wiser to be single, than in the wrong relationship.

CHECKLIST  VS. CHUVACHUCHOOO?

Alam mo lang kung ano yung talagang gusto mo, at alam mong kapag hinintay mo yun mga nasa listahan mo hindi man kumpleto alam mo sa sarili mong magiging Masaya ka sa mga choices mo. . after all checklist lang naman yan at kapag ang puso ay tumibok kiber din sa checklist checklist nay an ang mahalaga pa rin eh yung nararamdaman mo…chuvachoochooooo wins!

Women need to value themselves more and see that it is better to choose wisely than to waste time with the one they settled for. If they are patient and choose wisely, they will be rewarded.


30 Responses to “Sagot sa tanong na… bakit single ka pa girl?”


  1. Oktubre 19, 2011 bandang 4:40 hapon

    hay naku! at kapag nakapag asawa ka naman tapos peke pala ang mga unang qualities na nakita mo sa kanya tiyak sasabihin mong kung pwede lang maibalik sa dating single ang buhay mo. Lahat ng saya, ng lungkot ng ligaya, ay dumaan sa timbangan ng Panginoon, may asawa ka o single ka man may kanya kanyang level ng saya ang binigay sa atin. Kung marunong ka naman magmahal, makisama sa mga pamangkin, kapatid kamag-anak kaibigan, magulang kumpleto na rin ang saya natin. Yong mga nagtatanong wala lang maibati yon. hehehe!

    • Oktubre 20, 2011 bandang 10:44 umaga

      wahahaha… tama mommy dregm pero syempre choice natin mga babae na pumili ng makakapag pasaya sa atin … katulad ng pag bili ng isang magandang damit… gustong gusto mong bilin yun .. napasayo na… pero habang sinusuot mo nakita mo may damage pala .. no return no exchange pero pinili mo yun eh kaya paninindigan mo yun🙂 i repair kung ano man ang damage at i enjoy mo isuot yung pinili mo🙂

      • Nobyembre 11, 2011 bandang 1:47 hapon

        kasarap kaya ng dalaga
        sa obligasyon ay libre ka
        maraming pera at sagana
        sa sarili lang ay sobra sobra pa

        walang anak na magulo
        ang mambubulabog sa’yo
        gastos doon, gastos dito
        Diyos ko, talagang nakakaloko!

        at sa gabing madilim
        tulog mo’y mahimbing
        walang asawang makulit
        na maya’t maya’y mangangalabit!

      • Nobyembre 11, 2011 bandang 3:11 hapon

        nyahaha natawa ako dun sa nangangalabit wahaha

        doc talaga oh….

  2. Oktubre 19, 2011 bandang 4:50 hapon

    Panalo sis ang checklist.

    Pero tama! Kapag totoong tumibok na ang puso, hindi na kailangan ng pamantayan.

    • Oktubre 20, 2011 bandang 10:46 umaga

      kaya nga sis… ang checklist eh checklist lang.. katulad ng pag bili sa palengke… dami mo listahan.. pero may nakita ka na mas gusto mo kahit wala dun sa listahan…. bibilin naten yun gusto naten hindi ba?? parang ganon lang yun hihi🙂

  3. Oktubre 19, 2011 bandang 4:52 hapon

    hehehehe. okay cool topic again, na-e-excite akong sumagot kasi nakaka-relate.

    natanong ko na ang aking sarili. napansin ko na hindi naman talaga choosy sadyang wala lang akong muwang sa pag-ibig. hehehe. mahilig akong magka-crush sa may salamin pero hindi naman ibig sabihin nun lahat ng nagustuhan ko ay mestizo na nakasalamin ala-harry potter. hindi rin naman ako mahilig sa sobrang pogi at may-kaya. actually mas mahirap pala makahanap ng lalaking tama lang ang timpla. hehehe

    at mahirap din yun wala kang standard.. parang di well organized. hehehe. isa pang factor ang pag-iibigan kasi ngayon base na ata sa oras at gastos. ata lang naman hehhe. pero di pa naman ako nawawalan ng pag-asa na hindi ako bbibyan ni Lord. una hindi ako pangit, pangalawa hindi ako masamang tao, at above all I can define love.

    love is room for scientific experimentation mga ganun… hehehe

    • Oktubre 20, 2011 bandang 10:50 umaga

      wow sis natuwa naman ako dun sa walang muwang sa pag ibig hehehe…. yaan mo mag kakamuwang ka ren nyahahaha.. hay nako kailangan talaga natin piliin mabuti no??

      tama lahat ng sinabi mo basta marunong tayong mag mahal ibibigay saten yung karapat dapat🙂

      tama yan wag ka mawalan ng pag asa darating din ang harry potter ng buhay mo ayiiii ako naman mala john lloyd ang gusto pwede rin si aljur nyahahaha kung wala naman sige na nga pwede na si coco martin🙂

      • Oktubre 28, 2011 bandang 11:23 umaga

        naku madali naman pala ang mga trip mong guys kasi una sa lahat hindi ka mahilig sa artistahin. hehehe

        ako naman kailangang bumi-British accent. joke!

        seriously, marami naman ang makakapagpatunay na ang love nandyan lang yan. madadama mo na lang yung extra special.

        God bless sa ating mga love life at pagiging single. masarap ang maging single lalo na kung sanay na sanay kang single. 100%

  4. Oktubre 19, 2011 bandang 7:38 hapon

    hello, lambing…🙂

    bongga ang comeback blog entry mo, sister. ang taray, ahaha…

    you go, girl. hindi bato ang iyong puso. 🙂

    • Oktubre 20, 2011 bandang 10:52 umaga

      hello ate ko !

      i sooooo miss you hehehe…

      ay sensya naman sobrang busy sa work hihi

      na miss kita talaga at saka natatouch ako kasi nag babackread ka ng mga entries ko hehehe… mwahnesss

      natuwa lang ko.. share ko lang yang pusong bato na yan.. naaalibadbaran kase ako sa kanta na yan kahit saan ako mapunta yan ang pinatutugtog shocks tapos may tumawag pa saken na pusong bato daw ako nyahahaha… ayun nagkwento daw ba🙂

      • Oktubre 28, 2011 bandang 9:05 hapon

        hello, lambing girl! naman, siyempre ay miss kita, kapatid. ilan lang kaya ang malalambing dine sa buladaspir? at ilan lang ang sisters ko, aber? mwah na may akap pa, hehe…🙂

        btw, alam mo bang noong same day na inilathala mo itong post mong pagkaganda’t pagkahusay ay may masamang ugaling blogger (hehe) na nagtanong sa akin sa YM ng tanong na ba’t single pa ako hanggang ngayon? itinanong mo raw kasi kaya ipinapasa nya sa ‘kin. talagang walang modo ang mokong, hehe…

        e, di ba nga? sinagot ko na ‘yan doon sa post kong kailan huling nagpasya ang iyong puso? naman, siguro hindi nya binasa… ayon. eniweys, nagalingan sya ng husto rito sa post mo. sabi ko sa kanya, siyempre, sister ko yon, eh. yown!🙂

  5. Oktubre 20, 2011 bandang 4:40 umaga

    lambing sis,
    single…hayst ..same tau single until now..tama yan sabi mo..Being single doesn’t mean that you are unloved, unwanted, unhappy, or unappreciated. In the end, it’s wiser to be single, than in the wrong relationship……

  6. Oktubre 20, 2011 bandang 1:45 hapon

    hi lambing..galing ah may post ka rin bout single person…;-) well theres a lot of reason why do some people stay single..its a matter of choice na rin siguro..natuwa ako dto ah un iba di ko na mention sa post ko..thanks fo sharing…

  7. Oktubre 25, 2011 bandang 8:41 hapon

    ang simple lang sana ng konsepto ng pag-ibig. boy loves girl, girl loves boy. tapos.

    kaso hinahanapan pa natin sila ng kung anu anong paliwanag which is totoo rin naman na kagaya ng sinabi mo. pero basta, its just a matter of time, of magic or anything na without thinking of it, andun na lang siya bigla. then, dudugtungan nyo na lang yung simula ng kwento.

    magandang araw, adel!

  8. Nobyembre 1, 2011 bandang 5:42 hapon

    pag nagmahl ka, wala na yang standard tandard na yan…. makakalimutan mo na once tumibok yang puso mo….wow bago na pala ang theme ah….

    napadaan lang ms. lambing.

    namiss kita…hopefully na miss mo din ako….

    *hugs*

  9. Nobyembre 24, 2011 bandang 4:24 hapon

    tomoh!!!!!!!

    napadaan here at nakarelate…hehe😉

  10. Marso 24, 2012 bandang 5:30 hapon

    hahahaha, grabe hirap naman ata maka-pass sayo… pasok ba pag simpleng tao lang..

  11. Abril 10, 2012 bandang 9:59 umaga

    hanapin daw ba, and2 lang ako sa tabi-tabi.. nagpapahigop ng mainit na sabaw, hmmm wala pa nga bagong lutong noodles eh, wala mapaghugutan. sigh…..

  12. Abril 10, 2012 bandang 10:00 umaga

    napapa smile lang ako pag napapadayo sa lambingan mo (dahil sa smile at kulay pink). hahaha

  13. 30 lovelyn
    Pebrero 25, 2014 bandang 10:32 umaga

    even u have lovelife or not it still up to u how to handle ur self. pero nga naman mas maganda pag may someone who always at ur side kapag na ngangailangan ka, me to im young but fist time i was full in love i do everything to make our relationship very good but still nothing becous were break up.it was so sad at does time. i feel so emtpy … nothing porpuse my life.. with out him…pero nakayanan ko dahil after all, my loving family is alway at may side .for me love ,,,,,,,,,misterius,,,, it becouse you did not know what day they come at your life. t


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Oktubre 2011
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: