Nakakita ako ng isang bituin
Sa unang tingin ko palang alam kong marami nang matutuwa sa kinang nito
Siguro dahil sa natural nyang ganda kumikislap ito sa karamihan
Napangiti ako, sabi sana mapasaakin yun bituin na yun..
Pero ako mismo sa sarili ko hindi ko mapaniwalaan na mapapasaakin nga yun
Mananatili na lang itong isang pangarap alam ko.
Tititigan ko nalang ito sa malayo, masaya na ako.
Pero may mga pangarap pala na natutupad..
Nakasama ko ang bituin, itinatangi ko ito sa lahat ng mga bituin na nakikita ko
Alam ko iba sya, Kaya laking tuwa ko nalang nang mapasaakin iyon..
Pero isang araw biglang nawala ang bituin..
Umiyak ako, pero alam ko sa sarili ko na makikita ulit ang bituin..
Hanggang sa paglipas ng panahon nakita ko ang bituin mas makinang sa dati…
Naakit nanaman ako, gusto ko nanaman makuha ang bituin ngunit sa pangalawang pagkakataon parang mas mataas ang kinalalagyan nito kaysa dati..
Gusto ko syang abutin.. pero nandun pa rin ang takot ayaw kong mawala ulit ito baka masaktan lang ulit ako.. Pero mas malakas yung nasa puso ko na gusto ko talaga ito kaya kahit natatakot akong abutin iyon naglakas loob ako sa ikalawang pagkakataon..
Kakalimutan ko lahat ng takot, mas ibibigay ko pa ang lahat ng kaya ko ibigay, mas ipakikita ko ang kaya kong iparamdam.
Ang sarap pala sa pakiramdam iyong sundin mo yung tinitibok ng puso mo, wala nang sasarap pa na pakiramdam iyong pagbigyan mo yung nararamdaman mo . Pero bakit ganon ? Iniwan nanaman ako ng bituin ko..
Naiisip ko baka nga iyong bituin na iyon ay sadyang hindi para sa akin.. baka hanggang pangarap lang talaga yun, hanggang panaginip..masakit.. pero tinanggap ko sa sarili ko na hindi nga para saken talaga iyon…
May mga bituin akong nakikita, marahil mas makinang pa nga sa bituin na itinangi ko, pero naduduwag ako, may mga bituin rin naman na binigyan ko ng pansin pero parang kulang yung kasiyahang maibibigay nya sa bandang huli nasaktan din ako, hanggang sa naiisip ko pa rin ang kakaibang kislap ng bituin nasaan na kaya yun?? Pero naisip ko pinakawalan ko na iyon..
Hanggang sa nasilip ko ulit ang kinang nya, natuwa ako at nag krus ulit ang landas namin pero mas natakot kasi ang layo nya lalo. Hindi na ako kasing tapang ng dati.. wala na rin iyong lakas ng loob na bumubuhay saken dati, kasi alam ko na kung paano masaktan, alam ko na kung paano ipaglaban iyon nararamdaman..kaso hindi sa paraang inaasahan ko ang nangyari.
Aminin ko man o hindi may sumisigaw pa din dun sa kaibuturan ng puso ko na gusto ko uli’t masilayan ang kislap na iyon…
Napapaligiran man ako ng mga bituin , sa pagkakalatis ko iyong iba peke ang kinang ang iba naman mas makinang pa sa kanya..
Gusto ko na lumagay sa tahimik, ayoko na rin mabalot sa nakaraan ko pero wala kong makitang sing kinang nya.
Hindi naman ako naghahanap ng katulad nya… mas may mga mas higit pa nga..
Ang gusto ko lang naman eh maramdaman ulit iyong pakiramdam hindi ako pangunahan ng takot na mawala uli ito sa piling ko, iyon bituin na hindi mawawala sa paningin ko…iyong hindi ako iiwan, kaso sa palagay ko wala pang ganong bituin..
Hanggang sa binigyan ko ulit ng atensyon ang itinatangi kong bituin.. natuwa , nagkaroon ng kaunting pag-asa baka maiba naman ngayon.. Ang tagal na nang panahon baka may mag bago sa sagot sa panalangin ko.
Nag hintay ulit akong lumapit sya.. binigyan ko ng panahon… hanggang sa naabot ko ang panahon na inilaan ko sa pag hihintay sa kanya… binale wala ko ang ibang bituin dahil hinihintay ko sya.. pero napagod ako sa kakatingala.. ang lapit na nya pero parang malayo pa rin.. ginawa ko na lahat ng paraan para mapansin nya ako pero parang hangin lang ako…. kelan ba ako magiging sapat para sa kanya? Nakakapagod na… Ano pa ba ang gusto nya marinig? Na hoy UNGAS! mahal na mahal pa rin kita bakit hindi mo maramdaman iyon? Naghihintay pa rin ako sayo pero ayokong magmukhang tanga pero eto ako… naghihintay sa wala.. hinihintay mo pa na ligawan kita?? Hindi ako marunong man ligaw pero marunong akong mag blog.. kaya heto… nagbabakasakali ulit.. pero kung talagang wala na talaga.. hahayaan ko nalang baka nga hindi talaga pwede ipilit..
Sana madali lang ang lahat… alam ko namang sapat na ako. Alam kong sapat na ako para mahalin… Nasa iyo lang ang problema. Masakit lang… pakawalan ka ulit gayong hindi ka naman na akin.. hindi na kita maramdaman.. nauubos na rin ang pag – asa ko.. baka mali ulit ako ng nararamdaman ko.. at kelangan ko na magising na kahit kailan ang bituin ay hindi kailan man maaabot ng isang ordinaryong tao tulad ko.
I’ve always been hurt by the one I love. Always been loved by the person I don’t. The hard thing here is even though I tried to choose the one who loves me; still my heart belongs to the person who hurts me.
Happy New Year, lambing… Kung gusto mo talaga ‘tong bituing ito, abutin mo pa rin. Kung siya talaga ang magpapasaya sa ‘yo, why not, choc nut?
Hehe… pero ikaw talaga ang makakapagsabi kung tingin mo, may pag-uumpisahan uli between the two of you. Anuman, basta, yong pasya mo, di mo dapat pagsisihan.
Hugs sa ‘yo… :}
happy new year ate ko!!! pasensya ka na.. ngayon lang nakasagot hihi medyo lutang kasi ang kapatid mo ngayon… sya nagpapasaya dati pero hindi ko lam kung sasaya pa rin ako sa bawat pag-iwas parang nakaka ubos na ng lakas.. ewan ko sa kanya…
hugs ate ko 🙂
hmmmmp parang kilala q yan lambing, habang binabasa q npa2 isip aq kung cno pero nung nsa kalagitnaan n un lam q n king cno ang tnutukoy mo
alam mo na??? hihi takte yun… na miss kita mariposa mukang nabuhay ka sa himbing nag pagkakatulog mo??? mabuhay!!! mwah!
hindi ko kilala ung sinasabi mo dito… pero kung sino man un, malamang abot hanggang ngalangala ang kilig nun habang binabasa ito… update na lang kung meron update sa story na to.. hahaha!!!
happy new year nga pla.. pasensiya ngau na lang ulit nakadalaw senio…
hahaha… nakakakilig pa ba yun yvarro? hmmmp manhid yata yun eh… natawa ko sa abot hanggang ngala ngala ang kilig nyahahaha.. ewan ko lang kung mababasa nya ito.. kaso sad to say wala na update ang story na to hehehe closure na itow.. 😦
Kung sakali ba na makakasama mo ulit yung bituin na gusto mo, magiging kasing-saya kaya ang pagsasama nyo kagaya ng pinananabikan mo?
Kung oo ang sagot dyan, hindi ka dapat tumigil at mawalan ng pag-asa pero kung hindi, kailanman ay hindi magiging masaya ang relasyong iisa lang ang nagdadala.
Bakit di mo naman subukan ang araw at buwan? Malay mo yun pala ang para sa’yo/
Pumapag-ibig na 2012 Lambing! ^_^
ang galing naman ng idol ko…hemmmmp..loveyou..muah muah..
Ipaglaban mo kung ano ang dapat…di na importante kung mssktan ka mahalaga sinusubukan mo ng paulet-ulet.
Gudlak try lng ng try malay mo 1 day its ur turn na. Try mo kayang paduktor yun or pasalaminan baka skali makita ang effort mo. Baka kse bumabatak ng anesthesia yun eh kya manhid.
ang ganda nmn??