22
May
12

shadap

Pagkatapos kong kiligin eto nanaman ako at naiinis. Ang bilis talaga magbago ng mood ko. Ako na ang may topak. Saka lang naman ako tinotopak pag may dahilan. Topak topak na ang tawag dun kapag tinotopak ng walang dahilan ano daw?

Nakaka  inis ishhhh.. Sa lahat ng ayaw ko yung ginagawa akong sinungaling para mapag takpan lang yung mga gawain nila. Kaya nga hindi ako nagtrabaho sa gobyerno dahil ayaw ko ng sinusuhulan di ko naman sinabing lahat ng nasa gobyerno nasusuhulan ayaw ko lang talaga yung pinipilit akong gawin ang isang bagay na labag sa kalooban ko.

Ayaw ko rin nagpapalit ng presyo sa resibo.. dagdag bawas ganon.. di ako manggagantso lalong di ako manloloko. Kaya nga galit saken si mamang pulis nun mga panahon na nagtatrabaho ako sa gasolinahan kase gusto magdagdag ng liters.. ano ka?? hilo!  sabi ng boss ko pag bigyan na daw dahil customer daw.. oh kahit may baril ka pa may prinsipyo ako hmmmp.. tinanong nya ako.. sino ka ba? sumagot ako ..

“AKO SI LAMBING ”🙂

Ay anak ka pala ni LTO blah blah oweno naman ngayon di ko parin papalitan ang bilang ng litro na naikarga nya no?

At dahil naiinis ako ngayon, naiisip ko lahat ng taong gusto akong suhulan at gawin ang mali..  Ate Lambing sige na pumayag ka na para may dagdag tayong kita… Kahit mahirap lang ayokong mangaling yun kinakain ko sa panloloko at panlalamang hindi ako ganon.

Ayaw kong manloko .. kaya ayun tinanong ako ng boss ko kung sino ang mga nagnanakaw sinabi ko.. at tanungin daw ba ako bakit ako mag reresign? Kasi ayaw ko pong matulad sa kanila. Kahit titigan mo ako ng diretso.. malinis ang konsensya ko.

Dati rati sa sobrang bait ko kahit ano pinapayagan ko. Pero kung patuloy ka pasasakop sa maling gawain kahit kaibigan  ko pa sya kailangan kong manindigan sa prinsipyo ko…

“best paki sabi kay tooot! na sa inyo ako natulog kagabi..”

Eh ilang linggo ko na nga di nasisilayan pagmumukha mo sa pamamahay ko sasabihin mong sa akin ka natulog. Utang ng loob di ako sinungaling at kung sakaling mabugbog ka ng walang hiyang uling na tao na yan bahala ka na sa buhay mo. Tapos na obligasyon ko, nagawa ko na lahat ng maitutulong ko…

Kasalanan mo. Lusutan mo.


8 Responses to “shadap”


  1. 1 kayedee
    Mayo 22, 2012 bandang 3:26 hapon

    ay ang taray..
    white lies pwede?😀

  2. Mayo 24, 2012 bandang 4:44 hapon

    wow! nakakabilib naman at may prinsipyo ka adelle.. pero tama ka.. kaya tayong mga pinoy nasanay sa mga “under the table” transaction… alam mo ng mali, pero nagmamatigas pa na tama yung ginagawa nila.. saludo ako sa iyo adelle dahil hindi ka sinungaling at may prinsipyo!

  3. Mayo 25, 2012 bandang 10:02 umaga

    “Its better to to do what is right than to be nice”…

  4. Hunyo 8, 2012 bandang 12:50 hapon

    sarap talaga yakapin ang sariling prinsipyo, nakakapagpagaan ng loob. sarap mag-clap. clap – clap – clap.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Mayo 2012
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: