01
Jun
12

Noon at ngayon..

Sabi nila ang buhay parang gulong, minsan nasa itaas minsan nasa ibaba. Pero para sa akin ang buhay weather weather lang yan..

Kung noon nagtataka ako sa nanay ko kung bakit galit na galit na may malapit lang sa akin na lalaki aba,  ngayon nararanasan ko na ito sa kapatid ko bilang tumayong ina sa kanya nang gagalaiti ako may maka text lang ang kapatid ko.. At sinong hindi magagalit dalawa dalawa tumatawag sa kanya may hon tapos mahal ko.. sinong inang hindi uusok ang ilong dun.. Ayaw ko pa may pangarap pa ako para sa kanya..

Sa isip ko.. sayang naman pag papaaral ko sa iyo kung hindi ka makakapag tapos at mag aasawa ka lang agad. Aba eh iba na kasi ang panahon ngayon ano? Daming temptasyon.. gusto ko lang mapabuti sya… hay nanay ngayon naiintindihan na kita bakit umuusok ilong mo noon.. pero pinatunayan ko naman sayo na magtatapos ako diba? At hindi ako maaga mag aasawa.. yun nga lang ikaw ang nang iwan.. Kita singol pa rin ang lambing mo ngayon.

Kung noon asar na asar ako sa nanay ko kakautos , maghugas ng pinggan , kung ano ano pa eh.. malamang si osang na ang asar na asar sa akin sa kauutos ko. Natural galing ako sa trabaho at dadalawa lang kami.. kelangan nya matuto sa gawaing bahay isa pa tinitirahan nya yun kelangan malinis iyon . Salamat uli kay inay at natuto ako sa gawaing bahay kahit san man ako mapunta may alam ako at mabubuhay ako ng hindi umaasa sa iba.

Kung noon nalilito ako bakit laging mainit ang ulo ng nanay ko, makagawa lang ako ng mali yun lagi nakikita kapag nakagawa naman ako ng magagandang bagay hindi na aappreciate .. ngayon nararanasan kong mainit lagi ang ulo, siguro dahil sa responsibilidad na nakapatong sakin.. walang kasalo siguro nga ganon rin si nanay noon.

Siguro nga may mga bagay lang tayong maiintindihan kapag nararanasan na natin. Tulad ng pag titipid dati rati noong nag aaral ka pa sige ang gastos mo.. pero kapag ikaw na ang kumakayod halos ayaw mo na maglabas ng pera dahil sayang kung hindi naman para sa mahahalagang bagay.

Kung noon nagtatampo ako sa nanay ko bakit kelangan pa nya mag asawa ulit eh nandito naman ako. Hindi ko naman sya iiwan… Hindi ko lubos maisip bakit kelangan pa nang ibang tao eh pwede naman kaming dalawa lang masaya naman kami.. kaya noong nag asawa sya parang pinagtakluban ako ng langit at lupa…  pero ang  sagot nya BALANG ARAW ANAK MAIINTINDIHAN MO RIN AKO… “

Dumating na yata iyong panahon na naiintindihan na kita.. kasi ngayon.. ramdam ko yung takot na mag isa .

Pero ganon pa man.. kahit natatakot ako maiiwan pa rin saken iyong mga baon kong turo mo.. na kapag natatakot ako magtiwala lang ako sa Maykapal at iyon ang hindi mawawala saken..

Wala lang namimiss lang kita nay… belated happy birthday at happy mothers day na rin🙂


7 Responses to “Noon at ngayon..”


  1. Hunyo 1, 2012 bandang 1:47 hapon

    belated happy birthday to your mom.🙂

  2. Hunyo 1, 2012 bandang 2:10 hapon

    ayy pareho tayo ng nararanasan ngayon.. nung ako pinapagalitan ng mga magulang ko, asar-na asar ako.. pero ngayong magulang na ako, lahat ng sinabi sa akin ng nanay ko, sinasabi ko na rin.. ganun ata talaga.. happy birthday sa mother mo adelle!

    • Hunyo 1, 2012 bandang 3:16 hapon

      ahaha natatawa tuloy ako potski para yatang bumangon ulit si madir sa katauhan ko.. ayaw ko man gawin sa kapatid ko ewan ko ganon na ganon din ako sa kanya waaaaa…

      kaya nga hindi ko na binanggit ang tumatanda.. pero ganon nga yata yun hihi

  3. Hunyo 5, 2012 bandang 8:14 hapon

    haha, hula ko, mas istrikto ka kaysa sa Nanay mo, whehehe. good luck kay sister.😉

    hello, lambing girl. regards sa inyo…🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hunyo 2012
M T W T F S S
« May   Jul »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: