06
Jun
12

Panalangin

Natatandaan ko noong college ako masipag akong magdasal. Gabi , umaga, madaling araw nag dedevotion ako. Pinapanalangin lahat ng pangangailangan ko, mahal sa buhay , kapit bahay, kras at kahit na sino ang maisip ko hanggang sa lahat ng tao nababangit ko pati presidente ng Pilipinas at world peace.

Hanggang sa magkatrabaho na ako unti unti na nababawasan ang pagiging madasalin ko. Minsan nalang.

Pag may kailangan..

Pag nasasaktan..

Kapag hindi makatulog…

Pero nagdadasal naman ako sa isip ko. Hindi nga lang pormal katulad ng dati. Namimiss kong maglambing sa best friend ko.. si ” Bosing” . Alam kong nagbago na ang relasyon namin. Kung baga sa pakikipag break ” its not you.. its me ” Its my fault.. the one who got away.

Ewan gawa siguro ng may nagawa akong kasalanan at di ko mapatawad ang sarili ko.. Guilty feeling.  Pero sabi ko naman sa isip ko Lord babalik ulit ako mag aayos lang ako ng sarili ko. Alam ko namang ikaw ay mapag patawad lalo na sa mga humihingi ng kapatawaran at nag sisisi.

Na miss ko yung bonding naming dalawa, ang pagising ko sa madaling araw alas tres enpunto nakikipag usap sa kanya medyo puyat pero nagigising ako ng alas tres para makipag usap sa kanya.  Masarap ang feeling.. magaan sa pakiramdam kaya may kapayapaan ka palagi sa puso..

Gusto ko ulit ibalik iyon.. kasi alam ko kailangan natin ito , iyon ang pinaka mahalaga sa lahat.. unahin ang relasyon sa kanya at lahat ng panalangin kanyang tutuparin sa lahat ng sumusunod.

Nagpapasalamat ako sa kanya kasi kahit pasaway ako, kahit madalas nasasaktan ko sya sa katigasan ng ulo ko. Hindi nya ako pinapabayaan, bagkos pinagpapala pa ng higit sa kailangan ko.

At nitong mga huling araw naramdaman ko nanaman ang pagmamahal nyang umaapaw. Nandoon na ako sa point na di na alam ang direksyon ko, kung kakayanin pa ba.. pero sabi ko sa sarili ko na di nya ko pababayaan.. at araw araw ko rin namang hinihiling iyon sa kanya.. Kapos man sa mga bagay na hinihiling ko pero hindi Sya nagkukulang sa mga pangangailangan ko.

Nanalangin ulit ako ng mataimtim…

Sabi ko Lord gusto ko nang pumayat… akalain mo kinabukasan nagtatae na ako.😀

Seryoso.. Nanalangin ako na pagpalain nya pa ako, di ko alam kung saan mang gagaling ang pagpapala at kanino pero humiling ako.

At sinagot nya nga.

Walang hanggang pasasalamat ang gusto kong iparating at ipag kalat sa buong blogsperyo na ang Panginoon ay sumasagot ng panalanging puro ang hangarin.

At sa pagbigay nya sa akin ng isang taon uli para mabuhay sapat na iyon para maging masaya ako at makuntento lalo na sa mga instrumentong ginagamit nya para matupad ang mga kahilingan ko.

Salamat sa mga kaibigan na nagpapahalaga sa akin. Sa mga mambabasa ko.. isa man o dalawa salamat sa inyo sa pag bibigay sa akin ng inspirasyon para ngumiti ng madalas lalo na sa pagbabasa ng mga nagpaparamdam🙂

At sa mga bumati at gumawa ng paraan para mapasaya ako sa kaarawan ko kahapon salamat🙂

Every long lost dream led me to where you are
Others who broke my heart, they were like northern stars
Pointing me on my way into your loving arms
This much I know is true, that God bless the broken road
That led me straight to you


6 Responses to “Panalangin”


  1. Hunyo 6, 2012 bandang 9:12 hapon

    neng, kapatid, sali ka sa patimpalak ni kulisap, instant (haha) essay writing contest, 3 hrs from now ang deadline, ahihi. magaling kang maghabi kaya naalala kong i-recruit ka, hihi. baka kasi di ako umabot pati, la pa meng idea whatsoever, shaks.

    try mo, here- http://kainaman.wordpress.com. regards and cheers, mwah.😉

    • Hunyo 7, 2012 bandang 11:26 umaga

      nako ate nag tago ako kahapon ahaha kasi ako ay alipin ng trabaho.. gustuhin ko man kailangan pag laanan iyan ng panahon para makapag habi ng magandang tinig.. ahe… makikiusyoso nalang ako.. nabasa ko na nga pala ang lahok mo ang galing mo yun parin ang sasabihin ko😉

  2. Hunyo 8, 2012 bandang 11:15 umaga

    belated happy birthday!🙂

  3. Setyembre 21, 2012 bandang 10:12 umaga

    basag o buo, lapit pa rin tayo sa Kanya.🙂 super belated happy birthday! bet ko ang random thoughts mo. sulat pa!🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hunyo 2012
M T W T F S S
« May   Jul »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: