11
Jun
12

Para sa akin ikaw pa rin ang panalo :)

Hindi naman ako gaano mahilig sa boxing katunayan nga kapag nanunuod ang papa ko ng boxing noong kabataan ko bored na bored ako. Pero nung naging champion si Manny lagi ko na syang sinusubaybayan. Bawat panalo, pagkatalo noong 2005, tapos yung sunod sunod na panalo nya nitong mga nakaraang taon. Masaya pag nanalo si Manny lahat ng Pilipino nagbubunyi kasi kaisa tayo sa tagumpay nya. Proud to be Pinoy ika nga.

Its all about Manny Manny Manny. Mommy Dionesia, Jinky, Freddie Roach, Buboy,  sinong hindi nakakakilala sa kanila?

Minsan nagsasawa na ko kasi sila nalang lagi laman ng balita, minsan parang yumayabang na si Pacquiao pero Idol ko pa rin sya.. kaya nitong mga huling araw na natagpuan nya ang faith nya bumilib ako sa kanya lalo. Im proud of him. Nalulugod ang Panginoon sa ginagawa mo.

Hindi ko rin ugaling sumakay sa mga issue panalo na si Manny , kahit mag post sa fb status ng panalo si manny etc etc … at hindi pa ako nakakapagsulat ng pag congratulate sa kanya sa lahat ng laban nya dito sa blog ko.

Pero kahapon noong napanuod ko ang laban nadismaya ako sa resulta.. Ano nga lang ba ang ginawa ni bradley kundi ang yumakap ng yumakap kay pacman sino ba naman ang makakasuntok ng malakas kung bumubwelo ka pa lang eh may yumakap na sayo tyak yun maantig ang puso ng niyayakap mo.. pero hindi lambingan moments ang sitwasyon kahapon boxing yun boxing !

At nayayabangan ako kay bradley hindi pa nag uumpisa ang fight ang angas nya sa mga interview andun pang may ticket na sya para sa rematch.. ano nangyayari? Alam na agad? sabi nya ” if i say im a win the fight , im a win! ” Oo slang sya ginaya ko lang pati pag tabingi ng nguso nya. Hanep sa confidence magaya nga.. ” if i say im a lose weight im a lose weight ! ” nyehehehe  Pero ang yabang nya wala naman pala panay yakap lang sya. Ang masaklap pa nito sya pa ang nanalo… bading? Pati judges?

May mga tsismis na kumakalat na kaya daw nanalo si Bradley dahil sa sinabi ni Pacman tungkol sa issue na hindi sya sang ayon sa same sex marriage, at sa amerika daw eh maimpluwensya ang mga third sex sa us.. narinig ko lang naman… so alam na.. wag bababanggain..

Isa pa, “rematch” means more money.. aabangan yan sa november palagay ko.. so which is which? Ewan ko ang gulo ng boxing.. eh bat ba ako affected?

Hindi ko kasi kinaya malambot lang ang puso ko.. ayaw ko natatalo si Manny, pero hindi ako mahihimatay o maiiyak pero mag ba blog ako para mailabas ko ang pagngingitngit ko.

Nag abang ako ng live na laban sa cable kahapon akala ko yung pinapanuod namin eh live nun nilipat ko yung chanel sa iba 12 round na sa kabilang channel eh umpisa lang dun sa pinapanuod namin.. Tapos maya maya andyan na nagsipatext na talo si Manny panako si neggy este Bradley. Sabi ko spoiler naman! Sabi ng pamangkin ko.. ” tita hindi yan spoiler late ka lang talaga nanuod kaya ganon !😆 ” Nakakangitngit diba?

Pero para sa akin ikaw pa rin Manny ang Panalo… mahal na kita🙂 Ikaw pa rin ang Champion para sa akin🙂

At gusto ko hiramin itong sinabi ni  Deputy Presidential spokesman Abigail Valte-

“Sa anumang larangan, may nagwawagi at may nagagapi. Ngunit gaya ng ilang ulit pinatunayan ng lahing Pilipino, ang bawat pagkadapa at pagkalugmok ay pagkakataon upang ipamalas ang kakayahan nating taas-noong bumangon. Basta’t patuloy tayong nagkakapit-bisig, tiyak tayong titindig tungo sa tagumpay, kung saan lahat ng Pilipino ay panalo” 


4 Responses to “Para sa akin ikaw pa rin ang panalo :)”


  1. Hunyo 11, 2012 bandang 12:21 hapon

    hala, nag-iba ang theme – dumilim, sister. :c si Manny ang panalo. ipinatalo sya para ma-humble, hihi.😉


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hunyo 2012
M T W T F S S
« May   Jul »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: