13
Jun
12

kumpisal ng isang malaya

Tuwing gigising sa umaga bukang liwayway aking inaabangan

Hamog sa madaling araw aking ninanamnam

Sinasamyo ang hanging malamig

Kay sarap maging malaya

Sa lahat walang aalalahanin

Walang bumabagabag

Kung tutuusin kay sarap maging malaya

Malayang magagawa ang lahat ng  naisin

Walang magdidikta

Walang sumasaway

Ngunit bakit kapag palubog na si haring araw

Tila nakikisabay yaring pakiramdam sa pagkulimlim

Pag sapit ng gabi  pagal na katawan ay nais nang humimlay

Tanging kanlungan sa gabi’y malambot kong higaan

Doon kapiling  ko’y mabangong kumot at unan

Bumalikwas sa pagkakahimbing

Kumot at unan ay hindi natitinag

Katahimikan ang bumabalot sa madilim kong silid

Isang buntong hininga ang pakakawalan

Babalik sa pagkahimbing

Aabangan ulit ang bukang liwayway..

Mananalangin..

Magpapasalamat..

Magpapagal..

Ngingiti..

Iiyak

Matutulog, mahihimbing

Magigising..

Paulit ulit sa araw araw…

Masarap maging malaya pero malungkot ang mag isa..


8 Responses to “kumpisal ng isang malaya”


  1. Hunyo 13, 2012 bandang 3:55 hapon

    huhuhu… totoo yan ….

    masaya pag maraming ginagawa

    pag may araw

    pagsapit ng dilim at narealize mong mag-isa ka pala,

    walang kausap,

    walang kayakap (hihihi)

    andun na ang pakiramdam na ikaw ay parang nilulukuban ng lungkot at parang may malaking puwang na dapat mapunuan…

    smile na lang tayo at maglambing sa gustong magpalambing ^_^

  2. Hunyo 14, 2012 bandang 11:33 hapon

    Awww..ganon talaga lambing, may mga advantage at disadavantages ang pagiging malaya or nagiisa..Hamo’t darating din ang takdang panahon….;-)

  3. Hulyo 5, 2012 bandang 12:35 umaga

    alam mo, dear, sa totoo lang, mahirap maging malaya… habang nakatali tayo at may mga mabibigat na pasanin, sumisigaw tayo at naghahanap ng kalayaan. pagdating naman ng panahong lumaya na tayo, naghahanap tayo ng bagong tali at bagong pagkagapos. para bang hinahanap natin ang pakikihamok, ang pakikipaglaban sa mga sitwasyong sabi nati’y nagtatali at umaalipin sa atin. ayon, ang gulo, di ba…😉 kumustamos, kapatid?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Hunyo 2012
M T W T F S S
« May   Jul »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: