06
Oct
12

LBM vs. CONSTIPATED

WARNING! Kung maarte ka wag ka na magbasa!

Ano ba ang mas maganda? LBM o Constipated? Paumanhin sa mga kumakain o kakain pa lang. . Mag coconnect lang ako tungkol sa pag-ibig pero sa dami ng ihahalintulad eh sa pag ebs pa talaga no? Hayaan mo na pagbigyan nyo na ako ngayon lang ulit ako nakakatipa. Nakapag kape na rin ako kaya yun nerves sa utak ko eh medyo nagana, hindi  nga lang sing talas ng utak ng iba pero promise may sense itow😀

LMB kung ihahanlintulad mo sa pag ibig yung walang pakundangan kung magparamdam ng pag ebak este pag-ibig sino ang ganito? Yun tipong hindi mo kayang pigilan , kahit saan pwede mong iparamdam, kahit pigilan mo mahahalata pa rin sa iyong mukha kase  ” mukhang guilty”.  Panay panay ang pag labas ng nararamdaman hanggang sa maubusan ka na ng katinuan sa katawan este ng tubig pala. Bahala na kayong umintindi. Nagagamot ito sa pag kain ng saging.. wag lang sobra baka maconstipate ka naman. O kaya uminom ka talaga ng gamot. Ayusin mo buhay mo.. Nagbabasa ka pa ba? Bahala ka.. next!

CONSTIPATED eto naman daw tawag sa pag ibig na hindi mailabas labas.. ehem natatawa ako.. ang hirap kaya sa pakiramdam nun! Yun tipong gustong gusto mo ilabas pero hindi mo magawa.. lahat ng powers mo binuhos mo na hindi talaga.. bakit? dahil matigas… oo matigas ang dibdib mo.. dami mong iniisip kaya ayaw lumabas.. kelangan mo talaga magconcentrate pare / mare para mailabas mo yan.. Ang sarap kaya sa pakiramdam kapag nailabas mo success ika nga!

Eto na! Kung tatanungin mo ako kung nasan ako dito? Hmm pareho siguro… masarap din mag ka LBM kasi na eexpress mo yung gusto mo iparamdam nailalabas kung baga… kaso nga lang eto yun paraan na hindi mo mapipigilan medyo pangit rin yun sobra sobra… kapag its constipated naman masakit sa tumbong yun este sa puso pala magkakaroon ka pa ng sakit sa puso nakakadugo ng tumbong este puso haha . Ang kulit lang ng mga tumatakbo sa isip ko…

Gusto ko kasi maglambing hindi ako makapaglambing.. pero naglalambing naman ako.. Lambing lang naman ang katapat ko.. haist buhay! Minsan gusto ko rin magka LBM para success lagi ang dating yung tipong walang pake.. sarap kaya pakiramdam nun.. kaso hindi ganon… may pumipigil… sana lang maging maayos ang lahat… sinusunod ko naman ang puso ko.. sana lang maramdaman ko rin na mahalaga ako o importante ako yun lang… Ayan na emote na tuloy…

Isa lang naman talaga ang gusto ko.. iyung sa pagpaparamdam ko.. maisigaw  ko sa huli na ….

SUCCESS!😉 BOOM!


13 Responses to “LBM vs. CONSTIPATED”


  1. Oktubre 6, 2012 bandang 12:29 hapon

    Haha natawa namana ako sa metaphor mo… Napakalakas ng imagination mo…🙂

  2. Oktubre 6, 2012 bandang 1:00 hapon

    naku kung minsan ang pag-ibig diba inihahalintulad din sa lagnat, hehe, kelangan yakapsul at kisspilin. o di kaya sa isang kulangot (ika sa isang kanta ng My Amnesia Girl), kasi daw hard to get. Ika naman ni Cup, isang rosas, napakaganda lalo pat may iba ibang kulay sa tuwing namumukadkad, ngunit dapat tandaan na ang puno nito ay full of thorns na maaring makasugat, kung kayat dapat laging pag-ingatan. Sigh naku, masarap pa rin talaga ang regular na Ebs. hahahahahahahahahahaha.

  3. Oktubre 8, 2012 bandang 11:06 umaga

    tumitibok ang tumbong ko.. este ang puso ko… ehehehehehe.. nung bata ako consipated ako, ngayong matanda na ako, lagi akong LBM.. dumating na siguro sa punto na hindi na ako nahihiya sabihin sa taong gusto ko na gusto ko talaga siya… lumalabas ng kusa… parang ebs… naggo “go with the flow” lang.. ehehehehehe miss you adelle!!

    • 6 Lambing
      Oktubre 9, 2012 bandang 10:28 umaga

      hihi natawa ko dun sa tumitibok ang tumbong wahaha…ahaha ayus ah di ibig sabihin nun wala ka na kahihiyan ngayon potski ahahaha ! i miss you too mwahh!

      • 7 potsquared
        Oktubre 9, 2012 bandang 4:45 hapon

        uu.. makapal na mukha ko.. ehehehehe.. ilang beses na rin akong nagtapat sa mga kinahuhumalingan kong lalak.. este babae.. sinasabi ko na crush ko sila.. eh wala namang masama, hindi na naman tayo teenager para maginarte pa.. hihihi… *kilig*

  4. Oktubre 12, 2012 bandang 11:47 umaga

    Lambing lang ang katapat mo! Hahaha. Natuwa ako sa pag compare mo. Di ko alam kung narelate ko to sa pag-ibig. Pero ayos rin yung nasa gitna nang LBM at Constipated. Balance. May masabi lang. Pagpasensyahan mo na.

  5. Nobyembre 1, 2012 bandang 11:27 umaga

    kapatid, antay ako rito ng bagong post… sana ay nasa maigi ka😉

  6. Nobyembre 9, 2012 bandang 1:46 hapon

    hmmm ako ata nasa constipated mode when it comes to love. malapit na ako sa wala nang maramdaman. hehehe

    pero wag naman gusto ko rin i-feel ang tamang lbm be in love and work

    LBM about sa work alam mo? hehehe

    naglalambing lang.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Oktubre 2012
M T W T F S S
« Sep   Nov »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: