05
Jan
13

ilog

May isang ilog sa di kalayuan, nahalina akong mag tampisaw, noong una natakot ako pero gusto ko talaga ang nakakahalinang agos ng ilog na iyon. Una hinakbang ko ang paa ko malamig , at tuluyang lumubog sa tubig. May mga sumisigaw sa likuran ko” huwag kang tumuloy malalim yan” sabi ko sa sarili ko kaya ko to marunong naman ako lumangoy ng kaunti.

Sa pagtatampisan di ko namalayan lumalakas ang agos.. patuloy akong inaagos ng tubig patungo kung saan.. mabato pa rin. Lumingon ako sa kanan nakakahalina pa rin magpaanod pero di ko alam kung saan ako dadalhin noon, natakot ako nang tumama ang tuhod ko sa may batuhan nagasgas, nagdugo.

Sabi ko sa sarili ko tama na, kailangan ko nang umahon medyo mahapdi na ang sugat ko dulot ng bato. Nilingon ko ulit ang ilog.. gusto ko pa rin lumusong doon pero hindi muna ngayon, nakakadala mag paagos di ko rin alam kung ligtas pa ako doon. Tatanawin ko nalang muna ang ilog sa ngayon hindi ko rin sisihin ang ilog dahil alam ko naman sa sarili kong ginusto ko rin yun.

Maraming ilog dyan na pwedeng pagtampisawan dyan, mas kumportable lang ako dun sa ilog na malapit sa amin, nagmadali kasi ako hindi ko muna natantya kung gaano kadelikado doon. Pero syempre sa susunod alam ko na.

 

 


8 Responses to “ilog”


  1. Enero 8, 2013 bandang 3:53 hapon

    happy new year, lambing!🙂

    at least, sumubok kang magtampisaw. at gagaling naman ang iyong tuhod pag nakailan… may mga iba pa namang ilog – malayo at malapit. sa amin, sapa lang ang meron… :c regards and cheers!😉

  2. Enero 15, 2013 bandang 12:02 umaga

    nakakahalinang lubos,
    ang bawat lagaslas ng agos

    nakapagpapagaan ng kalooban
    ang daloy ng kahabaan

    ang lamig ng tubig
    kaysarap nakaka-ibig

    masarap damhin
    sa balat padampiin

    sa linaw na tining
    nakapagbibigay ningning

    tila inaakit nito ang bawat sensasyon
    sa pagdalos di alintana ang babalang naka-amba
    ang mangilan ay di nakakapansin
    ang mangilan ay tuloy na inaagos…

  3. Enero 19, 2013 bandang 5:07 umaga

    ako rin siguro ganyan ang gagawin ko. masarap magtampisaw sa tubig lalo na kung emotionally high ka.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,130 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Enero 2013
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: