26
Nov
15

ILANG BESES BA DAPAT MASAKTAN PARA MATUTO?

Sabi nila ang magmahal at mahalin ang pinakamasarap na pwede mong maranasan sa buhay mo, pero isa rin ito sa pinakamasakit na mararanasan mo. E di wow? Eto nanaman ako nag eemote. Ewan ko ba. Sa dinami dami ng  takteng pag momove on na isinulat ko bakit paulit ulit nalang ang pag momove on ko. Hindi naman sa iisang tao iba iba syempre kagandahan eh😀 Ahahay😉

Sabi ko sa sarili ko magpapaganda ako, magpapapayat at  mag uumpisa uli ako gaya ng mga lumang araw. Nagtagumpay naman ako naka move on ako. Hindi naman isang beses lang ako nasaktan sa katunayan ang dami na… palagi na lang.. akala ko manhid na ako sa pwede kong maramdaman pero ganun pa rin pala may kirot pa rin sa bawat pag hinga.. mabigat sa dibdib tuwing iisipin kong makipag hiwalay na .. bumitaw na .. kalimutan nalang lahat ng nang yari ang masasayang araw ninyo .

Pero ngayon lang uli ako sumubok magmahal ulit.. sa tinagal tagal kong kinulong ang sarili ko sa pagkataas taas  na pader para hindi ako  masaktan pero kahit anong taas nyan may nakakaabot pa rin , mapipilitan kang pag buksan ng pinto pero nandoon pa din ang pagdududa , nandoon pa rin ang pag aalilangan susugal ka kasi gusto mong maging masaya uli .. yung may kasamang tumatawa, humahalakhak, kumakain ng sabay , iyong ipinagluluto ko, iyong maramdaman mo na maganda ka uli hindi dahil sa insecurities ha gumaganda ka dahil may nagagandahan sa iyo. Mga bagay na masasabi mo ang sarap pala mag mahal ulit.

Iyong nakikita mo iyong kislap ng mga mata nya habang nakatingin sa iyo na nagsusumamo subukan mo ako. Hindi kita sasaktan, hindi kita sisirain ikaw naman mapapaisip susugal ba ako? Totoo na kaya ito? Mapapakanta ka ikaw na ba si Mr. Right? ang sarap ng filling parang rebisco choco hehehe

Kaya ngayong naramdaman mo nanaman yung nakakaadik na pakiramdam parang pag ka addict ko sa kape ayaw mo na mawala, ayaw mo na pakawalan kase napakalungkot makulong ulit sa madilim, malamig at mataas na pader at maghintay kung meron pang darating.

Pero hindi naman sinabing pagnagmahal ka puro masarap na pakiramdam nalang.. sa una masaya hanggang sa yung pagdududa lumakas ng lumakas yung pagmamahal pinipigilan mo na uli tumataas nanaman yung pader inihahanda ang sarili sa maaring mangyari eh hindi pa nangyayari enebeyen? Ngayon kinakain ka na ng nakaraan mo, ganito yung nangyari noon eh.. aray ko.. eto nanaman sinasaksak nanaman ng punyal ang puso mo dinudurog masakit utang ng loob huwag mo sabihing oa dahil talagang masakit di pa ako gumagaling sa dating sugat eto nanaman sinasaksak nanaman yun bakanteng puso ko aguy…

Kelan daw ba ako matuto? Ano ba ang kailangan kong matutuhan? Iyong kailangan ko muna kilatisin ng mabuti at hindi laging puso ang pinaiiral sa pagdedesisyon? Gamitin daw ang utak.. dahil panay daw ako puso puso puso…

Anak ng puso ng saging …. nakakapagod na rin umiyak , magmukmok, self pity paulit ulit nalang, bakit ba kasi hindi yung totoo ang mapunta sa iyo laging sinungaling .. ang gusto ko lang naman maging tapat sya sa akin bakit ganon? Err.. inhale exhale…

Nakakasawa na magmahal minsan.. panahon naman na siguro iyong sarili ko nalang ang mahalin ko… sa kakahanap ko nang mamahalin nakakalimutan ko na iyong sarili ko.. Bangon bangon din pag may time .. medyo mabigat pa ngayon pero kiber ba.. ang dami kung reference ng pag momove on tatlo na yata naisulat ko. Pero seryoso nasasaktan ako ngayon kaya pag bigyan niyo na muna ako.

 

 

 

 


4 Responses to “ILANG BESES BA DAPAT MASAKTAN PARA MATUTO?”


  1. 1 diwangtanglaw
    Nobyembre 29, 2015 bandang 12:12 hapon

    Sabi nila ang magmahal at mahalin ang pinakamasarap na pwede mong maranasan sa buhay mo. Toomoo! Kaya dapat ay ihanda mo na rin ang sarili sa posibilidad na masaktan dahil package ang dalawang yan. Hindi pwedeng paghiwalayin para piliin lang yung puro saya, sarap, tamis at kilig.

    At ang pinakaimportanteng parte ng pagmamahal ay ang pagtitira ng para sa sarili. Parang negosyo lang. Huwag mong ipupuhunan lahat. Kailangan mong magtira ng sapat. Para kapag nalugi, meron kang magagamit para magsimula muli.

    Maligayang Pasko sa’yo Lambing! ^_^

    • Disyembre 4, 2015 bandang 11:12 umaga

      Salamat binibini sa pag iwan ng komento sa aking poot sapot ahahay napaka seryos.. pero thankee yun mga panahon na isinusulat ko yan ang bigat sa dibdib pero ok na ako now.. mwahhhh tama ka magtira para sa sarili.. pero kapag nandoon ka na hindi mo na napapansin kase sa sobrang sarap magmahal minsan napapasobra ka pa ahahaha

      maligayang pasko rin sa yo mwahhhh

  2. 3 mag isang umiiBIG
    Pebrero 7, 2016 bandang 11:50 hapon

    nkaka-relate ako at sobrang nasasaktan sa mga nababasa ko baket bigla sumulpot to page na to TALAGANG DI NA MBABALIK bumalik man sya sisiguraduhin ko sakin na tlaga sya

  3. 4 paparick818
    Hunyo 19, 2016 bandang 1:09 hapon

    actualy hindi naten dapat itigil ang pag ikot ng ating mundo lalo na sa usaping pag ibig! dahil bahagi na ng buhay pag ibig naten ang sumaya malungkot at masaktan! dahil tao tayo at normal syempre napapaibig din tayo kahit pa pigilan naten ang tibok ng ating puso, ang nakakalungkot nito sa panahon ngayon wla atang permanent residence ang mga mangingibig ngayon dahil karamihan sa kanila for rent yung tipong uupa lang sila tapos pag nag sawa lilipat ulit ng tirihan (araayyyy) ang sakit naman tlg yung ganun lalo na kapag itinanim naten sa pusot isipan naten na siya na tlg yung taong naka tadhana sa aten pero ang ending tong tong tong pikitong kitong parang kanta lang diba? kya yon din cguro ang dahilan kung bakit marami s aten ang nag iisip ng ayaw na niyang mag mahal ulit kasi masasaktan lang sila TOTOO naman kasi! pero kahit sinasabi nila yon natatalo parin sila ng kanilang damdamin dahil sa huli iibig at ang malungkot masasaktan muli jejejeje….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 524,256 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Nobyembre 2015
M T W T F S S
« Jul    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: