Archive for the 'a love letter' Category

26
May
15

Kung Tayo

Inspired by forevermore 🙂

Una sa lahat Kung Tayo ako na siguro yung pinakamasayang tao sa balat ng lupa ( medyo oa pero masaya sa pakiramdam yun)

Kung tayo… araw araw ko sa iyong ipadarama kung gaano ako kasaya at nakilala kita.

Kung tayo …ipagluluto kita ng paborito mong kainin.. name it, kung di ko alam lutuin andyan naman si google.

Kung tayo… itetext kita ng good morning at good night 🙂 para maramdaman mo na ikaw ang iniisip ko sa pag gising at pag tulog ko.

Kung tayo … Hindi kita ikakahiyang ipakilala sa lahat ng kakilala ko sorry nalang at wala na akong mudra at fudra pero ipakikilala pa rin kita sa close friends ko at family sasabihin ko eto na sya oh!

Kung tayo … Hindi ako mahihiyang tawagan ka para tanungin kung kamusta na ang araw mo? ok ka lang ba andito lang ako kung kailangan mo nang kausap , kalambingan ganyan.

Kung tayo … Kapag kasama kita hindi ako mahihiyang titigan ka at sabihin sayo na ikaw ang pinaka gwapo sa paningin ko.

Kung tayo … Napaka swerte mo kasi napakarami kong gustong gawin na di kayang ipaliwanag ng salita, ang aking naguumapaw na nadarama para sa iyo.

Kung tayo… magpapasalamat ako sa iyo at hindi ka tumigil para mapasaya ako, na hindi ka sumuko sa akin  alam ko magulo ako pero salamat at nandyan ka.

Kung tayo… syempre i kikiss at hug kita ng mahigpit 🙂

Kung tayo matatahimik na siguro itong puso kong naguguluhan, kung aatras ba ako o aabante?

Kaso hindi…

Kaya mamahalin ko nalang ang sarili ko…. para buong buo ko na maibibigay ang puso ko sa susunod na tanungin mo uli ako ng walang takot at kaba.

17
Jun
12

Dwardo

Duardo tawag sa iyo ni inay

Duardo pinaka astig na pangalan para sa akin

Musika sa aking pandinig

Matikas

Matapang

Maangas

Karatista

Tagapagtanggol ko

Taga bigay ng pambili ng chocolait

Isang Ama..

Ikaw ang aking takbuhan kapag pinapalo ni inay,

Ikaw ang first love ko..

My super hero

Sa iyo ko unang naramdaman maging ligtas

Sa buhat mo at mga yakap mo nang pag mamahal…

Minsan hindi kita ma gets

Kasi ayaw na ayaw mo akong umiiyak

Ewan ko ba bakit  kasi ang babaw ng luha ko kapag ikaw ang kaharap ko

Pero kahit hindi na tayo tulad ng dati..

Gusto ko malaman mo na mahal na mahal na mahal kita …

Hindi na ako umiiyak sa harap mo..

Hindi na rin ako nahingi ng pambili ng chocolait

Matikas na rin ako at Matapang

Ikaw ang modelo ko

pero kapag nanghihina ako

Ikaw pa rin ang lakas ko..

Na mimiss ko iyong mga araw na ikaw ang takbuhan ko..

Kapag may gusto sa iyo ako dumadaing 

Na mimiss ko iyong paglalambing mo

Na mimiss ko yung pagiging istrikto mo

Maybe i’ve grown older but still nagiging bata ako kapag nakikita kita

Gusto ko ulit maging bata para maramdaman ka….

Maybe you see me strong but i still need you here..

I want to be tough because that’s what you want me to be..

And i want you to be proud of me…

I want you to know that

I will always be here for you…

no matter what..

I will always be a papa’s girl

I LOVE YOU PA…

and i always will

Hindi pa ako ikakasal pero gusto ko i dedicate tong kantang to sa papa ko kasi parang ganon din .. magkalayo kami

Comforting words of love when I 
Would get home from school in tears.
Somehow your songs have stayed within me 
Down through all the years.
Once when my younger heart was broken
Your shoulder was there to cry on.
Sing me those songs I know will linger
Long after you have gone.

So, sing me a song again, Daddy.
Sing me a lullaby.
Wrap me inside your arms, Daddy,
‘Though this is not goodbye.
Your songs will live forever
In my heart. When times get rough
The ones I’ll most remember
Are your songs of love.

05
Jan
12

the unreachable star

Nakakita ako ng isang bituin

Sa unang tingin ko palang alam kong marami nang matutuwa sa kinang nito

Siguro dahil sa natural nyang ganda kumikislap ito sa karamihan

Napangiti ako, sabi sana mapasaakin yun bituin na yun..

Pero ako mismo sa sarili ko hindi ko mapaniwalaan na mapapasaakin nga yun

Mananatili na lang itong isang pangarap alam ko.

Tititigan ko nalang ito sa malayo, masaya na ako.

Pero may mga pangarap pala na natutupad..

Nakasama ko ang bituin, itinatangi ko ito sa lahat ng mga bituin na nakikita ko

Alam ko iba sya, Kaya laking tuwa ko nalang nang mapasaakin iyon..

Pero isang araw biglang nawala ang bituin..

Umiyak ako, pero alam ko sa sarili ko na makikita ulit ang bituin..

Hanggang sa paglipas ng panahon nakita ko ang bituin mas makinang sa dati…

Naakit nanaman ako, gusto ko nanaman makuha ang bituin ngunit sa pangalawang pagkakataon parang mas mataas ang kinalalagyan nito kaysa dati..

Gusto ko syang abutin.. pero nandun pa rin ang takot ayaw kong mawala ulit ito baka masaktan lang ulit ako.. Pero mas malakas yung nasa puso ko na gusto ko talaga ito kaya kahit natatakot akong abutin iyon naglakas loob ako sa ikalawang pagkakataon..

Kakalimutan ko lahat ng takot, mas ibibigay ko pa ang lahat ng kaya ko ibigay, mas ipakikita ko ang kaya kong iparamdam.

Ang sarap pala sa pakiramdam iyong sundin mo yung tinitibok ng puso mo, wala nang sasarap pa na pakiramdam iyong pagbigyan mo yung nararamdaman mo . Pero bakit ganon ? Iniwan nanaman ako ng bituin ko..

Naiisip ko baka nga iyong bituin na iyon ay sadyang hindi para sa akin..  baka hanggang pangarap lang talaga yun, hanggang panaginip..masakit.. pero tinanggap ko sa sarili ko na hindi nga para saken talaga iyon…

May mga bituin akong nakikita, marahil mas makinang pa nga sa bituin na itinangi ko, pero naduduwag ako, may mga bituin rin naman na binigyan ko ng pansin pero parang kulang yung kasiyahang maibibigay nya sa bandang huli nasaktan din ako, hanggang sa naiisip ko pa rin ang kakaibang kislap ng bituin nasaan na kaya yun?? Pero naisip ko pinakawalan ko na iyon..

Hanggang sa nasilip ko ulit ang kinang nya, natuwa ako at nag krus ulit ang landas namin pero mas natakot kasi ang layo nya lalo. Hindi na ako kasing tapang ng dati.. wala na rin iyong lakas ng loob na bumubuhay saken dati, kasi alam ko na kung paano masaktan, alam ko na kung paano ipaglaban iyon nararamdaman..kaso hindi sa paraang inaasahan ko ang nangyari.

Aminin ko man o hindi may sumisigaw pa din dun sa kaibuturan ng puso ko na gusto ko uli’t masilayan ang kislap na iyon…

Napapaligiran man ako ng mga bituin , sa pagkakalatis ko iyong iba peke ang kinang ang iba naman mas makinang pa sa kanya..

Gusto ko na lumagay sa tahimik, ayoko na rin mabalot sa nakaraan ko pero wala kong makitang sing kinang nya.

Hindi  naman ako naghahanap ng katulad nya… mas may mga mas higit pa nga..

Ang gusto ko lang naman eh maramdaman ulit iyong pakiramdam hindi ako pangunahan ng takot na mawala uli ito sa piling ko, iyon bituin na hindi mawawala sa paningin ko…iyong hindi ako iiwan, kaso sa palagay ko  wala pang ganong bituin..

Hanggang sa binigyan ko ulit ng atensyon ang itinatangi kong bituin.. natuwa , nagkaroon ng kaunting pag-asa baka maiba naman ngayon..  Ang tagal na nang panahon baka may mag bago sa  sagot sa panalangin ko.

Nag hintay ulit akong lumapit sya.. binigyan ko ng panahon… hanggang sa naabot ko ang panahon na inilaan ko sa pag hihintay sa kanya… binale wala ko ang ibang bituin dahil hinihintay ko sya.. pero napagod ako sa kakatingala.. ang lapit na nya pero parang malayo pa rin.. ginawa ko na lahat ng paraan para mapansin nya ako pero parang hangin lang ako…. kelan ba ako magiging sapat para sa kanya? Nakakapagod na… Ano pa ba ang gusto nya marinig? Na hoy UNGAS! mahal na mahal pa rin kita bakit hindi mo maramdaman iyon? Naghihintay pa rin ako sayo pero ayokong magmukhang tanga pero eto ako… naghihintay sa wala.. hinihintay mo pa na ligawan kita?? Hindi ako marunong man ligaw pero marunong akong mag blog.. kaya heto… nagbabakasakali ulit.. pero kung talagang wala na talaga.. hahayaan ko nalang baka nga hindi talaga pwede ipilit..

Sana madali lang ang lahat… alam ko namang sapat na ako. Alam kong sapat na ako para mahalin… Nasa iyo lang ang problema. Masakit lang… pakawalan ka ulit gayong hindi ka naman na akin.. hindi na kita maramdaman.. nauubos na rin ang pag – asa ko.. baka mali ulit ako ng nararamdaman ko.. at kelangan ko na magising na kahit kailan ang bituin ay hindi kailan man maaabot ng isang ordinaryong tao tulad ko.

I’ve always been hurt by the one I love. Always been loved by the person I don’t. The hard thing here is even though I tried to choose the one who loves me; still my heart belongs to the person who hurts me.

18
Jul
11

IKAW

Ikaw ang …

Aking creamer  sa   kape tuwing umaga..

Ang aking toyo sa adobo..

Ang gata sa aking laing..

Ang itlog sa aking tortang talong..

Ikaw ang…

ang colgate ng aking toothbrush

colorless sa aking nailpolish

conditioner sa aking buhok

blush on saking mukha..

Ikaw ang ..

CPU ng aking computer

Headset  ng aking mp3

Charger ng aking cellphone

Plant and Zombies sa aking games

Ikaw nga! Ikaw na…

ang tamis sa aking ngiti…

Pwede akong mabuhay nang wala ka…

pero hindi kasing saya kapag nandyan ka 😉

At the touch of love everyone becomes a poet…
— Plato 

06
Jul
11

love story ♥

Kung magsusulat kaya ako ng love story ko ano kaya kalalabasan ng kwento ng pag ibig ko. Minsan kasi ang daming intresado malaman ang love story ko eh. Kapag may nag tatanong ang isinasagot ko ay in the making pa lang, wala pang cast, wala pang ka love team yun mga nauna nag backout, ang iba naman nasulot na para gumanap sa love story ng iba. Parang ang dami no? Eh nakakatatlo pa lang naman ako :))

Yung iba naman akala mo yun na kasi ang ganda ng umpisa halos ayaw mo na nga tapusin kasi ang ganda talaga pang best seller ang story kaso nga lang hindi pwede. Wala naman love story na nag iisa diba? Dapat kwento nyo talagang dalawa at walang ibang kahalo. Pero ganon pa man… ang mahalaga kung paano mo naramdaman na mahalin ka ng taong iyon kahit walang tawag sa relasyon nyo.. iyung pahalagahan ka lang masasabi mo na enough na kahit walang happy ending at least naranasan ko mapabilang sa cast o pinagpipilian mong  makasama sa love story ng buhay nya.

Pero sa kwento ng pag – ibig mahalaga ba talaga ang happy ending? Para saken naman kwentong pag-ibig pa rin naman kahit hindi mo nakatuluyan yung taong minahal mo.

Ang mahalaga naramdaman mo yung sinasabing pag-ibig. Kahit sandali lang yun, Ibig sabihin marunong kang magmahal hindi ka bato. Kahit na sa dinami dami ng take at drafts para lang makagawa ng magandang love story eh hindi ka pa rin makabuo, malay mo bukas makita mo na yung tamang cast para makagawa ng bago at mas magandang love story. Tyaga lang sa paghihintay huwag manawa, huwag rin mapagod maghintay.. kasi yun magagandang love story pinag iisipan ng mabuti, pinaghahandaan yan kailangan ng panahon.

Eh ilang panahon na nga ba ang lumipas? lipas na nga ba ang panahon ko para makabuo? Tingin ko naman hindi haha. Sana lang dumating na, kasi medyo nakakangawit na rin sa terminal. Pero ayus lang ineenjoy ko muna mag isa para kapag dumating na si ka love team mas focus na ako sa kanya. Yun yun eh..

14
May
11

panic mode

Mawawala na daw ang friendster sa katapusan.. bigla ko nanghinayang kasi naalala ko yun ang unang social network na sinalihan ko at member ako dun since nag start sya, at doon ko din nahanap si mang jose.. andun lahat ng mga alala ko sa kanya. Kasi naman nalibang ako sa facebook , ang dami kasing bagong application saka nakaka aliw,  maganda naman sa friendster marami nga lang kakilala sa facebook at doon na lumipat kaya gora na rin ako. Pero bakit ganon kapag malapit na pala mawala ang isang bagay sa iyo saka mo lang marerealized ang worth nito. Bigla ka mag papanic kasi mawawala na sya.

Buti nalang napabalita agad na malapit na mag close ang friendster yung mga gusto mong i keep pwede pa i back up like pictures , testimonials at saka important messages.. sana hindi nalang sya mawala para kapag gusto ko balikan yung nakaraan makikita ko pa rin ang mga memories…  pero mawawala na nga sya. Ganon naman talaga ang buhay eh.. walang permanente.. kaya kung may chance ka pa , dapat i enjoy mo ang panahon mo dun sa bagay na yun. O kaya gawin mo yun best mo para mag stay pa ito sayo.. kasi kapag wala na.. wala na talaga. Buti nga hindi ito parang virus na bigla na lang mawawala lahat na wala man lang pasintabi na mawawala  na ako ha?  Burado na lahat sa memory… swerte mo kung may back up ka para maibalik ulit yun gusto mo.

Kapag nangyari yun.. ang magagawa mo nalang ay pag tanggap na wala na ang bagay na yun at i keep mo nalang yun magandang memories na naibigay nito sayo,  o di naman kaya gumawa ka nalang ng bagong memories pero hindi na sya kasama.

07
Jan
11

osang

Dear Osang,

Dati rati ako ang naglalaba ng mga lampin mo

Taga palit ng diapers mo

Ako ang taga alaga mo

Ako nagpapatulog sayo

Nagtitimpla ng gatas mo kahit mas marami ang am kaysa gatas

Parang kailan lang…

ngayon dalaga ka na

Bigla nawala si nanay..

Naiwan ka sa akin..

Naisip ko ang mga responsibilidad na maiiwan saken..

Medyo mahirap, pero kinakaya..

hindi pa ako handa maging ina,

kasi naman ang laki mo na agad..

Ngayon nga 17 ka na..

Minsan man hindi ko maunawaan bakit kailangan mo pa unahin mag load kaysa pagkain.. binibigyan kita ng pang lunch i loload mo lang

Madalas man tayo mag away dahil lahat ng gamit ko ginagamit mo, lahat ng gusto ko gusto mo rin..

naisip ko lang kahit ayaw mo ipahalata idol mo ako no?

Minsan naman hindi ko alam ang gagawin ko kasi mas gusto mo kasama mga kaibigan mo sa akin

Lagi ka nasa galaan

Hindi kasi ako ganyan nung teenager ako..

Magkaibang mag kaiba tayo..

Naiinis man ako dahil sa tuwing uuwi ako may nakikita akong hugasan

Pero kahit ganon bumabawi ka naman

Kung dati ako ang naglalaba ng damit mo ngayon ikaw na taga laba ko

Kung dati ako nagtitimpla ng gatas mo

Ngayon ikaw na taga timpla ng kape ko

Naasar man ako minsan sa araw araw mong pagtatanong kung anong ulam natin na iluluto mo, o may iluluto ka nga ba…

Natutuwa ako dahil kapag uwi ko galing sa opisina nakaluto ka na

Maalat man palagi luto mo, o balak mo akong magkaroon ng sakit sa bato natutuwa ako na natuto ka na sa buhay..

Mawala man ako , at least  marunong ka na sa buhay..

Hindi man halata ayaw kong may nanakit sayo magkamatayan na!

ako lang ang pwede manakit sayo 😀

Madalas mo man akong makitang nakasimangot, aburido hindi ka nagsasawa sa bunganga ko.. alam ko deep inside you want to make me happy.. katulad nalang minsan ng pag uwi ko…

Lambing : Osang anong ulam natin ?

Osang : Isdang may Ketsup ate 🙂

Lambing: WOW! Anong isda yan ? ( super ngiti )

Osang: SARDINAS ate 😆

Mahal kita dahil dyan 🙂

 

A sister can be seen as someone who is both ourselves and very much not ourselves – a special kind of double.

 

~Toni Morrison 

 




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 592,695 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers