Archive for the 'emo' Category

26
Nov
15

ILANG BESES BA DAPAT MASAKTAN PARA MATUTO?

Sabi nila ang magmahal at mahalin ang pinakamasarap na pwede mong maranasan sa buhay mo, pero isa rin ito sa pinakamasakit na mararanasan mo. E di wow? Eto nanaman ako nag eemote. Ewan ko ba. Sa dinami dami ng  takteng pag momove on na isinulat ko bakit paulit ulit nalang ang pag momove on ko. Hindi naman sa iisang tao iba iba syempre kagandahan eh 😀 Ahahay 😉

Sabi ko sa sarili ko magpapaganda ako, magpapapayat at  mag uumpisa uli ako gaya ng mga lumang araw. Nagtagumpay naman ako naka move on ako. Hindi naman isang beses lang ako nasaktan sa katunayan ang dami na… palagi na lang.. akala ko manhid na ako sa pwede kong maramdaman pero ganun pa rin pala may kirot pa rin sa bawat pag hinga.. mabigat sa dibdib tuwing iisipin kong makipag hiwalay na .. bumitaw na .. kalimutan nalang lahat ng nang yari ang masasayang araw ninyo .

Pero ngayon lang uli ako sumubok magmahal ulit.. sa tinagal tagal kong kinulong ang sarili ko sa pagkataas taas  na pader para hindi ako  masaktan pero kahit anong taas nyan may nakakaabot pa rin , mapipilitan kang pag buksan ng pinto pero nandoon pa din ang pagdududa , nandoon pa rin ang pag aalilangan susugal ka kasi gusto mong maging masaya uli .. yung may kasamang tumatawa, humahalakhak, kumakain ng sabay , iyong ipinagluluto ko, iyong maramdaman mo na maganda ka uli hindi dahil sa insecurities ha gumaganda ka dahil may nagagandahan sa iyo. Mga bagay na masasabi mo ang sarap pala mag mahal ulit.

Iyong nakikita mo iyong kislap ng mga mata nya habang nakatingin sa iyo na nagsusumamo subukan mo ako. Hindi kita sasaktan, hindi kita sisirain ikaw naman mapapaisip susugal ba ako? Totoo na kaya ito? Mapapakanta ka ikaw na ba si Mr. Right? ang sarap ng filling parang rebisco choco hehehe

Kaya ngayong naramdaman mo nanaman yung nakakaadik na pakiramdam parang pag ka addict ko sa kape ayaw mo na mawala, ayaw mo na pakawalan kase napakalungkot makulong ulit sa madilim, malamig at mataas na pader at maghintay kung meron pang darating.

Pero hindi naman sinabing pagnagmahal ka puro masarap na pakiramdam nalang.. sa una masaya hanggang sa yung pagdududa lumakas ng lumakas yung pagmamahal pinipigilan mo na uli tumataas nanaman yung pader inihahanda ang sarili sa maaring mangyari eh hindi pa nangyayari enebeyen? Ngayon kinakain ka na ng nakaraan mo, ganito yung nangyari noon eh.. aray ko.. eto nanaman sinasaksak nanaman ng punyal ang puso mo dinudurog masakit utang ng loob huwag mo sabihing oa dahil talagang masakit di pa ako gumagaling sa dating sugat eto nanaman sinasaksak nanaman yun bakanteng puso ko aguy…

Kelan daw ba ako matuto? Ano ba ang kailangan kong matutuhan? Iyong kailangan ko muna kilatisin ng mabuti at hindi laging puso ang pinaiiral sa pagdedesisyon? Gamitin daw ang utak.. dahil panay daw ako puso puso puso…

Anak ng puso ng saging …. nakakapagod na rin umiyak , magmukmok, self pity paulit ulit nalang, bakit ba kasi hindi yung totoo ang mapunta sa iyo laging sinungaling .. ang gusto ko lang naman maging tapat sya sa akin bakit ganon? Err.. inhale exhale…

Nakakasawa na magmahal minsan.. panahon naman na siguro iyong sarili ko nalang ang mahalin ko… sa kakahanap ko nang mamahalin nakakalimutan ko na iyong sarili ko.. Bangon bangon din pag may time .. medyo mabigat pa ngayon pero kiber ba.. ang dami kung reference ng pag momove on tatlo na yata naisulat ko. Pero seryoso nasasaktan ako ngayon kaya pag bigyan niyo na muna ako.

 

 

 

 

Advertisements
03
Jun
13

“Wag Ka Nang Umiyak”

Wag ka nang umiyak, sa mundong pabago-bago
pag-ibig ko ay totoo
ako ang iyong bangka, kung magalit man
ang alon, ng panahon, sabay tayong aahon

[chorus]
Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin
Di kita bibitawan

Wag kang umiyak, mahaba man ang araw
uuwi ka sa yakap ko
wag mo nang damdamin kung wala ako sayong tabi
iiwan kong puso ko sa yo
at kung pakiramdam mo’y wala ka nang kakampi
isipin mo ako dahil puso’t isip ko’y
nasa yong tabi

[repeat chorus]

…di kita pababayaan

Kapit ka, kumapit ka
(para sa buhay ng buhay ko)

27
May
13

choice

no one falls in love by choice, it is by chance. no one  stays in love by chance, it is by work.  and no one falls out of love by chance, it is by choice.

choice

Sabi nila falling inlove is by chance, falling out of love is by choice. Ansabe?? Ang sarap ng feeling na pareho nyong mahal ang isa’t isa. Wala na sigurong sasarap pa sa pakiramdam na gigising ka tuwing umaga na alam mo anu’t anu pa man may taong nagmamahal sa iyo.

Ang sarap sa pakiramdam kapag may isang tao na nagparamdam sa iyo na sa lahat ng kakulangan mo buo pa rin ang tingin sa iyo, iyong taong nagapapaganda ng paligid mo at nagsasabing ikaw ang pinaka maganda para sa kanya. Kung baga sa lahat ng kakulangan mo para sa kanya ikaw ay perfect isang mamahaling bato. Isang pakiramdam na napakahirap pakawalan.

Bakit kasi ang gulo ng earth. Hindi ba pwedeng mahal nyo nalang ang isa’t isa okey na iyun? Sapat na.. happy ending na. Pero kung bakit masaya na kayo ang dami pang sumisingit.. nakakabaliw, nakakatimang, nakakawala ng katinuan sa isip .. nakaka lurkey!

Masarap magmahal.. nakakabago ng pananaw sa mundo, nakakabago ng buhay, nakakapag paganda, nakakabata.

Maraming beses na akong nadapa. May mga dumampot at pinagpag ako pero sa huli ay bibitiwan din dahil may mas pinili silang pulutin kaysa sa akin. Lagi nalang ganun, pero lagi kong dasal na sana… sana may dumating na ako naman ang pipiliin ako yung  choice…

God knows who belong in your life and who doesn’t..

TRUST AND LET GO..

Who ever is meant to be there.. will still be there..

02
Feb
13

matapang ka ba?

Ang pagiging matapang o pagiging matatag ay nakakapagod din. Minsan kailangan din ng pahinga, karamay… Buti nalang andyan si Bosing laging karamay ko , mahirap maging matatag kase akala ng tao dahil matibay ka o matapang ka hindi mo na sila kailangan.

Minsan yung mga matatapang iyon ang mga nangangailangan ng karamay kase sila yung tinatakbuhan ng mga mahihina para pag kuhanan ng lakas,  pero minsan nauubusan din ng lakas kase walang sumasalo sa kanila kapag sila ang nangangailangan.

Ang maganda nito laging may lakas na nanggagaling sa itaas, isang panalangin at paniniwala na pagkatapos mong pang hinaan makakapag pahinga ka rin at bukas mas maraming baon na lakas at tapang  na ibibigay nya para sa hamon nang buhay na pwede mong ibahagi para sa mga ibang nanghihina.

Gusto ko lang i share yun quotes galing sa pinsan ko..

 

Our best stories will come from our struggles. The seed of our success are in our failures. Our praises will be born from our pains. Keep standing and remain strong!  A storm doesn’t last forever; seasons change and GOD IS ALWAYS IN CONTROL 🙂

10
Nov
12

basag

Naguunahan nanaman ang mga luha sa mata mo

Hindi kita maintindihan..

Kanina ang saya-saya mo, ang kinang nang mga mata mo.

Kung maka ngiti ka matamis pa sa leche flan.

Ngayon na leche na!

Hay buhay.. basag nanaman.

Ilang beses na ba?

Kakayanin pa ba?

Ewan, hindi ko alam ang sagot…

Ang bigat lang sa pakiramdam mabasag ng paulit -ulit

Walang sumasalo.. masakit kaya!

Hindi naman ako bola na tumatalbog … muka lang akong bola.

Ang bilis ko kasi mabola

Hay bola… sana nga bola na lang ako..

Na kahit ilang beses mong ihulog hindi mababasag.

May pag asa pa ba?

Oo naman.. meron.. alam ko meron..

05
Jan
12

the unreachable star

Nakakita ako ng isang bituin

Sa unang tingin ko palang alam kong marami nang matutuwa sa kinang nito

Siguro dahil sa natural nyang ganda kumikislap ito sa karamihan

Napangiti ako, sabi sana mapasaakin yun bituin na yun..

Pero ako mismo sa sarili ko hindi ko mapaniwalaan na mapapasaakin nga yun

Mananatili na lang itong isang pangarap alam ko.

Tititigan ko nalang ito sa malayo, masaya na ako.

Pero may mga pangarap pala na natutupad..

Nakasama ko ang bituin, itinatangi ko ito sa lahat ng mga bituin na nakikita ko

Alam ko iba sya, Kaya laking tuwa ko nalang nang mapasaakin iyon..

Pero isang araw biglang nawala ang bituin..

Umiyak ako, pero alam ko sa sarili ko na makikita ulit ang bituin..

Hanggang sa paglipas ng panahon nakita ko ang bituin mas makinang sa dati…

Naakit nanaman ako, gusto ko nanaman makuha ang bituin ngunit sa pangalawang pagkakataon parang mas mataas ang kinalalagyan nito kaysa dati..

Gusto ko syang abutin.. pero nandun pa rin ang takot ayaw kong mawala ulit ito baka masaktan lang ulit ako.. Pero mas malakas yung nasa puso ko na gusto ko talaga ito kaya kahit natatakot akong abutin iyon naglakas loob ako sa ikalawang pagkakataon..

Kakalimutan ko lahat ng takot, mas ibibigay ko pa ang lahat ng kaya ko ibigay, mas ipakikita ko ang kaya kong iparamdam.

Ang sarap pala sa pakiramdam iyong sundin mo yung tinitibok ng puso mo, wala nang sasarap pa na pakiramdam iyong pagbigyan mo yung nararamdaman mo . Pero bakit ganon ? Iniwan nanaman ako ng bituin ko..

Naiisip ko baka nga iyong bituin na iyon ay sadyang hindi para sa akin..  baka hanggang pangarap lang talaga yun, hanggang panaginip..masakit.. pero tinanggap ko sa sarili ko na hindi nga para saken talaga iyon…

May mga bituin akong nakikita, marahil mas makinang pa nga sa bituin na itinangi ko, pero naduduwag ako, may mga bituin rin naman na binigyan ko ng pansin pero parang kulang yung kasiyahang maibibigay nya sa bandang huli nasaktan din ako, hanggang sa naiisip ko pa rin ang kakaibang kislap ng bituin nasaan na kaya yun?? Pero naisip ko pinakawalan ko na iyon..

Hanggang sa nasilip ko ulit ang kinang nya, natuwa ako at nag krus ulit ang landas namin pero mas natakot kasi ang layo nya lalo. Hindi na ako kasing tapang ng dati.. wala na rin iyong lakas ng loob na bumubuhay saken dati, kasi alam ko na kung paano masaktan, alam ko na kung paano ipaglaban iyon nararamdaman..kaso hindi sa paraang inaasahan ko ang nangyari.

Aminin ko man o hindi may sumisigaw pa din dun sa kaibuturan ng puso ko na gusto ko uli’t masilayan ang kislap na iyon…

Napapaligiran man ako ng mga bituin , sa pagkakalatis ko iyong iba peke ang kinang ang iba naman mas makinang pa sa kanya..

Gusto ko na lumagay sa tahimik, ayoko na rin mabalot sa nakaraan ko pero wala kong makitang sing kinang nya.

Hindi  naman ako naghahanap ng katulad nya… mas may mga mas higit pa nga..

Ang gusto ko lang naman eh maramdaman ulit iyong pakiramdam hindi ako pangunahan ng takot na mawala uli ito sa piling ko, iyon bituin na hindi mawawala sa paningin ko…iyong hindi ako iiwan, kaso sa palagay ko  wala pang ganong bituin..

Hanggang sa binigyan ko ulit ng atensyon ang itinatangi kong bituin.. natuwa , nagkaroon ng kaunting pag-asa baka maiba naman ngayon..  Ang tagal na nang panahon baka may mag bago sa  sagot sa panalangin ko.

Nag hintay ulit akong lumapit sya.. binigyan ko ng panahon… hanggang sa naabot ko ang panahon na inilaan ko sa pag hihintay sa kanya… binale wala ko ang ibang bituin dahil hinihintay ko sya.. pero napagod ako sa kakatingala.. ang lapit na nya pero parang malayo pa rin.. ginawa ko na lahat ng paraan para mapansin nya ako pero parang hangin lang ako…. kelan ba ako magiging sapat para sa kanya? Nakakapagod na… Ano pa ba ang gusto nya marinig? Na hoy UNGAS! mahal na mahal pa rin kita bakit hindi mo maramdaman iyon? Naghihintay pa rin ako sayo pero ayokong magmukhang tanga pero eto ako… naghihintay sa wala.. hinihintay mo pa na ligawan kita?? Hindi ako marunong man ligaw pero marunong akong mag blog.. kaya heto… nagbabakasakali ulit.. pero kung talagang wala na talaga.. hahayaan ko nalang baka nga hindi talaga pwede ipilit..

Sana madali lang ang lahat… alam ko namang sapat na ako. Alam kong sapat na ako para mahalin… Nasa iyo lang ang problema. Masakit lang… pakawalan ka ulit gayong hindi ka naman na akin.. hindi na kita maramdaman.. nauubos na rin ang pag – asa ko.. baka mali ulit ako ng nararamdaman ko.. at kelangan ko na magising na kahit kailan ang bituin ay hindi kailan man maaabot ng isang ordinaryong tao tulad ko.

I’ve always been hurt by the one I love. Always been loved by the person I don’t. The hard thing here is even though I tried to choose the one who loves me; still my heart belongs to the person who hurts me.

15
Dec
11

umeemong pasko

Pasko nanaman.. ngunit wala ka pa.. hanggang kelan kaya ako’y maghihintay sa iyo… – Lambing kinahantahan yung magiging biyenan 😆 _

Bakit ba ako atat na atat magka biyenan? Simple lang naman gusto ko uli mag karoon ng nanay.. Hay nako magpapasko nakaka emo.. bakit nga ba? Na mimiss ko nanay ko eh.. Pangalawang pasko na pala ito na wala na sya.. dati rati naguguluhan ako sa tuwing sasapit ang pasko kasi di ko alam kung san ko i spend ang christmas sa nanay ko ba o sa tatay ko.. Ngayon naman wala na ko pag pipilian sa tatay ko na i iispend ang pasko ko kasi nga naman wala pa akong pamilya pero malungkot rin pala.. kasi kelangan pa mawala ang isa para hindi ka na mamili..

Kaya nga dapat kapag kumpleto ang pamilya mo pangalagaan mo. Bigyan mo nang importansya, bigyan mo ng panahon para maka pag spend ka ng time sa kanila kasi life is too short…

Haist stop na nga.. bigla lang ako nalungkot.. Alam ko naman na wala na ko magagawa .. pero minsan pag ganitong pamilya ang pinag uusapan wala ako masabi masyado kaya siguro gusto kong magkaroon ng sarili family someday kasi yun ang kulang saken yun complete parang centrum.. Laging may kulang.. pero thankful ako dahil sa lahat ng kakulangan na iyon ay si God ang nagpupuno.. kaya carry lang kasi ilang minuto o oras , araw lang ako malulungkot pero babawi ako dahil yun ang pinaka grand prize ko andyan si Lord at di ako iniiwan.. ayun pasko na kasi malamig na ang simoy nang hangin dito pa naman sa pinas iba ang pasko.. talagang bonding ng family kaya yun… magiging kuntento nalang ako.. anyway hindi naman para saken ang pasko kundi para ito kay Jesus.. its not about me and its not about the gifts or the christmas lights.. Its all about Him.. I think its time to say thankyou again for being my savior.. thank you for saving me.. I Love You… ♥




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,496 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers