Archive for the 'lambing on losing weight' Category

17
Jul
12

cool off!

Ayoko na munang makita ka

Ayoko na munang maamoy ka

Time out muna tayo

Kung dati rati ako ang naghahabol sayo

Ako ang umaamo

Pinag aaksayahan kita ng panahon

Ngayon gusto ko maghiwalay na muna tayo

Kailangan ko lang ito

Para sa sarili ko..

Alam ko, lagi ko nalang sinasabi na iiwasan na kita

Maraming beses na rin akong nakikipagbalikan sayo

Oo nga napapasaya mo ako, napapalakas pa nga

Isa ka kasi sa kalakasan ko.

Pero medyo masama yatang mapamahal ka saken ng sobra

Hindi maganda sa akin

At dahil mahal ko ang sarili , hahanap muna ako ng kapalit mo

Hindi man katulad mo pero sa tingin ko mapapalakas  nya rin ako

Hindi lang ikaw.. marami pang  iba dyan

Naka ilang linggo na rin naman ng iwasan kita

Nakaya ko naman

Kaya goodluck sa akin sa pag iwas ko

para sa kabutihan ko, para makamit ko ang ninanais ko

paalam na ulit mahal kong

Image

Advertisements
17
May
12

Hindi nauubos ang bukas

Ang pag move on daw ay parang pag papapayat, laging sinasabi na mag mo-move on na ako pero kapag na alala mo iyong tao, lagi mo nanaman iisipin.

Tulad ng mga bawal na kainin ng isang taong nag papapayat , ang pag kain ng kanin  dahil marami itong content ng sugar .  Tulad ng pag kain ng mamantika at matataba, mga matatamis at maaalat.

Parang mga alala na akala mo maganda sa kalusugan mo, kasi nasasatisfy ka, pero paano mo makukuha ang goal mo kung binabalikan mo ang dapat iniiwasan mo na…

Magulo ba? Hayaan mo na. Ang gusto ko lang naman sabihin.. mahirap magpapayat ganon din ang pag move on..

Pero kung may disiplina ka sa sarili mo, magagawa mo yan. Ika nga ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo, hindi ang kapit bahay mo, ang tito mo o ang best friend mo.. Ikaw mismo. 🙂

At kapag napagtagumpayan mong alisin sa sistema mo ang mga bagay na nagpapalala sa kalusugan mo ay nako ang laking ginhawa non…

Gasgas na daw ang salitang .. Bukas mag da diet nako, bukas mag mo move-on na ako. Oweno naman ngayon? Karami kaya ng bukas.. ang mahalaga meron kang drive na baguhin kung nasaan ka mang sitwasyon ngayon.

At hindi pa rin gasgas saken yan next week …. mag uumpisa ulit ako!

Ang saya lang.. 🙂

At kapag napag tagumpayan ko ito… maglaway kayo ! bleh!

Joel Osteen quotes

 You must make a decision that you are going to move on. It wont happen automatically. You will have to rise up and say, I dont care how hard this is, I dont care how disappointed I am, Im not going to let this get the best of me. Im moving on with my life. 
14
Apr
11

tinatago ang taba?

Familiar ba sa inyo ang tag line na ito?  kapag nagpapicture ” tinatago ang taba? Well ganyan na ako eversince the world began 😆 Simula bata chubby na ako.  Noon kabataan ko ang sabi ng mga nakakakita saken ay ang cute cute naman ng anak nyo. Nung nag dalaga baboy na ang tawag saken ng mga kakaklase kong walang magawa kundi magpapansin saken siguro dahil may kras saken 😀 . At ang haba nananman ng intro ko. Ayun nagsasawa na akong maging mataba at walang sawang pakinggan ang pang aasar ng mga nakakakilala saken. Haaaaaaaayssss.. thats why i decided to lose weight for a million timessssssssssssssss. 😀 Decided pa lang  naman hindi pa umaaksyon haha kaya eto ang sabi ng mga pinagsasabihan ko na magpapapayat na akoooooooo.

Kapatid kong lalaki : hayss ate ilang taon mo nang new years resolution yan, wala ka na talagang magagawa…

Kapatid kong babae : 😦 yah sure.. good luck.

Friend ko: sure ka?

Pinsan ko: wahahahahahaha ambisyosa 😀

 

Hay nako sino ba naman hindi ma cha challenge nyan napaka supportive ng mga nakapaligid saken. Tapos ayan nag start na nga ko mag diet and exercise pero ang pag papapayat pala ay hindi ganon kadali, pag sinabi mo na  magpaayat ako di ka na kakain. Ayun dahil sa desidido akong mag lose weight nagbasa ako ng mga articles on how to lose weight. Bago ka pala mag simula dapat may goal plan ka kung ilan ang gusto mo matanggal at anong plan ang gagamitin mo para pumayat. Kaya pala hindi ako magtagumpay sa pag papayat noon dahil kahit ultimo kilo ko at waistline ay ayaw ko malaman. So ayun ng weigh in ako tapos sinukat ko rin ang beywang ko… oh my… oh my ayaw ko pa rin sabihin pero nakaka shock ang laki ko kaya dapat nako talagang mag bawas.

After a month of not eating too much rice at aerobics.. in fairness i lose 7 lbs. Pero syempre hindi 7 lbs lang ang gusto ko mabawas saken syempre 50 lbs ang goal ko na matangal. Minsan pag na dedepress ako kumakain ako ng maalat kasi parang yun ang comfort food ko, hindi ko rin maiwasan ang coffee. Pero ayun ang hirap talaga mag papayat pero sabi nga nothing is impossible..

“the longer you wait for something,the more you appreciate it when you get it, because anything worth having is definitely worth waiting for”..^_^

Kaya kahit medyo naiinip ako sa development eh naniniwala ako na makakaya ko ito, descipline lang talaga. 🙂




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 610,249 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Nobyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers