Archive for the 'love story' Category

26
May
15

Kung Tayo

Inspired by forevermore 🙂

Una sa lahat Kung Tayo ako na siguro yung pinakamasayang tao sa balat ng lupa ( medyo oa pero masaya sa pakiramdam yun)

Kung tayo… araw araw ko sa iyong ipadarama kung gaano ako kasaya at nakilala kita.

Kung tayo …ipagluluto kita ng paborito mong kainin.. name it, kung di ko alam lutuin andyan naman si google.

Kung tayo… itetext kita ng good morning at good night 🙂 para maramdaman mo na ikaw ang iniisip ko sa pag gising at pag tulog ko.

Kung tayo … Hindi kita ikakahiyang ipakilala sa lahat ng kakilala ko sorry nalang at wala na akong mudra at fudra pero ipakikilala pa rin kita sa close friends ko at family sasabihin ko eto na sya oh!

Kung tayo … Hindi ako mahihiyang tawagan ka para tanungin kung kamusta na ang araw mo? ok ka lang ba andito lang ako kung kailangan mo nang kausap , kalambingan ganyan.

Kung tayo … Kapag kasama kita hindi ako mahihiyang titigan ka at sabihin sayo na ikaw ang pinaka gwapo sa paningin ko.

Kung tayo … Napaka swerte mo kasi napakarami kong gustong gawin na di kayang ipaliwanag ng salita, ang aking naguumapaw na nadarama para sa iyo.

Kung tayo… magpapasalamat ako sa iyo at hindi ka tumigil para mapasaya ako, na hindi ka sumuko sa akin  alam ko magulo ako pero salamat at nandyan ka.

Kung tayo… syempre i kikiss at hug kita ng mahigpit 🙂

Kung tayo matatahimik na siguro itong puso kong naguguluhan, kung aatras ba ako o aabante?

Kaso hindi…

Kaya mamahalin ko nalang ang sarili ko…. para buong buo ko na maibibigay ang puso ko sa susunod na tanungin mo uli ako ng walang takot at kaba.

Advertisements
29
Apr
13

yes ♥

Sa isang iglap..

Pagkatapos ng ulan..

May isang darating na magbabago sa lahat ng nararamdaman mo

Pangakong di ka sasaktan

Di ka pababayaan..

Inihain ang pagtatangi..

Sinong makakatanggi?

Kapag naramdamdaman ang sinseridad..

Natatakot

oo palagi naman eh..

Pero paano ko malalaman kung padadaig ako sa takot?

Isa lang ang hihilingin ko.. sana

21
Aug
10

ang benda, kaibigan, pag-ibig at iba pa

Kung gaano ka zero ang lablayp ko kabaligtaran naman sa pag kakaroon ng maraming kaibigan. Im blessed with friends. Kung lalaki lang siguro ako mapagkakamalan akong babaero kasi kaliwa’t kanan ang gustong makipagkita saken na girlfriends ko, minsan nagkakaselosan pa sila. Ngayon nauunawaan ko na ang kalagayan ng kaliwa’t kanan ang karelasyon kapag sabay sabay itong humiling na makipag date sa parehong araw.

Hindi naman sa pag mamayabang ewan ko ba kung bakit adik na adik yung isang kaibigan kong makasama ako, magkasama lang kami nag bakasyon gusto nanaman ako makita kung lalaki lang ako malamang buntis na yun kasi madalas  kami mag katabi matulog 😆 Kaya minsan nagseselos ang matalik kong kaibigan dahil hindi na kami madalas magkasama, paano naman kasi may pamilya na sya kaya syempre mas priority na nya ang pamilya nya at nauunawaan ko naman yun.

May nag text saken..

friend 1 : ” sis punta ka dito sa amin dito ka na matulog”

Lambing: sige mamaya after office hour

Bestfriend : Best punta ko now dyan sa inyo.

Lambing: Best dito ka ba matutulog saken? miss yu na..

Sino ang pag bibigyan ko? Pag dating ni best sa office..

Lambing: san ka matutulog?

Bestfriend : uuwi ako.. sama ka nalang saken punta tayo kay friend 1

Lambing : ( smiling problem solved) 🙂

Magkasama kaming tatlo at syempre ang topic? PAG-IBIG nanaman. Minsan nakaka drain din mag bigay ng advice sa kanila nakikinita ko pareho lang kami ng problema, napagdaanan ko na yun pinag daanan nya.

Friend 1: Mahal daw nya pero mali.

Sabi ko kapag mali mali. Eh masaya daw sya dun, mas hindi nya kakayanin kapag nawala eto. Sabi ko basta know when to stop.. dapat may limit marunong ka mag control.

Friend 1: Magpaanak nalang kaya ko sa kanya?

Napaisip ako dun ah..Sabi ko huwag! Kawawa lang yun bata sabi naman nya at least sa mahal ko.  Bakit nung ako nag iisip na ganon din ang gagawin ko okey lang saken  pero pag si friend na ang nagsalita parang may mali dun sa sinabi nya. Hindi ko ma justify yun sagot kasi ako din sinabi ko na sa kanya yun. Tama nga siguro ang sabi nila na kapag umiibig ka nabubulag ka.

Lambing: Kung san ka masaya yun ang sundin mo? Basta dapat may limit. Kasi kahit naman pigilan kita susundin mo ba yung sasabihin ko?

Bestfriend: Kung san sya masaya? bakit ako masaya doon hindi mo ako sinusuporthan?

Lambing: Paano mo susuportahan ang mali? Basta ako sinasabi ko sayo na mali, pero hindi ibig sabihin nun na kagagalitan kita. Kasi ikaw gagawin mo parin yun gusto mo , hindi ka makikinig pero tandaan mo..

” kapag mahal ko hinahayaan ko sa gusto nya.. mapapagod lang ako kasasaway sa kanya ,, masasaktan.. pero kapag nasaktan sya.. dito lang ako sasalo at yayakap sa kanya kapag kailangan pa nya ko .”

Minsan ang hirap din mag advice kasi ako sa sarili ko, hindi ko rin alam kung ano i aadvice ko sabi nga dapat practice what you preach..

Minsan ang magmahal ng tao  sa maling panahon  ay  parang pagsuot ng benda… alam mo sa sarili mo na kailangan mo ito, hindi mo kaya kapag wala ito..  kasi kumportable kang suot suot ito, pero alam mo din sa sarili mo na hindi habang buhay suot mo ito. Kapag may pilay ka pa huwag mo munang pilitin  tanggalin , kasi baka lalo lang hindi ka gumaling.. learn how to wait.. kasi lahat ng ng pilay at sugat naghihilom din.

28
Apr
10

ang hardinero at ligaw na halaman

May isang hardinerong mahilig mag alaga ng halaman. Isang araw naka pulot sya ng ligaw na halaman, malapit na itong malanta dahil sya ay likas na mapag alaga tinanim nya sa paso ang ligaw na halaman.

Sa pag aalaga nya nagawa nyang pagandahin ang ligaw na halaman at umusbong ang magagandang bulaklak nito. Natutuwa ang hardinero dahil sa pag aalaga nya namulaklak ang ligaw na halaman na sa klase nito ay hindi madaling mamulaklak kelangan talaga alagaan ng mabuti para mamulaklak ito, ganon din ang bulaklak natutuwa din sya sa hardinerong nag alaga sa kanya dahil kahit malapit na siyang malanta itinanim pa rin sya nito.

Pareho ang nakukuhang kasiyahan sa isat isat masaya ang hardinero dahil nakakapag pabulaklak sya ng ligaw na halaman sa pinaka worse case nito gayon din ang ligaw na halaman nagpapasalamat sa atensyon nang nag aalaga sa kanya.

May dumating na malakas na hangin… nabuwal ang paso at natanggal sa pagkakatanim ang ligaw na halaman.. nalungkot ang halaman dahil yun nalang ang natirang tahanan nya. Masuyo syang kinalinga ng hardinero at itinanim uli sa tabi ng mga inaalagaan pang halaman ng hardinero. Kahit nagkanda lagas ang bulaklak ng halaman pinilit nitong mabuhay sa tulong ng hardinerong mapagmahal.

Sa di kalayuan may inaalagaan palang bagong bulaklak ang hardinero mas malapit ito sa kanya kaya nabibigyan nya atensyon nasa bahay nya kasi ang bulaklak samantalang ang ligaw na halaman ay nasa bakuran . Sa paningin ng ligaw na halaman naaaliw sya sa bagong inaalagaan nito Naging madamdamin ang ligaw na halaman dahil dati rati sa kanya ang atensyon ng hardinero lalo pa syang nalungkot dahil kahit gusto nyang mapasaya ang hardinero at mamulaklak uli para sa ikakasiya nito hindi pa  magawa ng ligaw na halaman dahil kakatanim lang uli sa kanya at kelangan pa nito ng panahon para mamulaklak.

Tumitingin nalang ang ligaw na halaman sa hardinero at bulaklak wala naman sya magagawa kung doon masaya ang hardinero. Pero bakit ganon yun bulaklak na inaalagaan nya sa kanya na nga ang atensyon parang iniinis pa nito ang ligaw na halaman.

Bumagyo ng malakas , malakas na malakas… kelangan mamili ng hardinero kung sino ililigtas.. tumingin sya sa ligaw na halaman… pero ang niligtas ng hardinero ay ang bulaklak na malapit sa bahay nya.

Tuluyan binagyo ang ligaw na halaman… gutay na gutay pero gusto pa rin nya mabuhay… ayaw nya magdamdam sa hardinero pero naisip ng ligaw na halaman mahalaga kaya sya sa hardinero? Bakit nagkaganoon? At ang bulaklak masaya na kaya sya na gutay gutay na ang ligaw na halaman?

Be careful how you touch her,
for she’ll awaken
and sleep’s the only freedom that she knows
and when you walk into her eyes,
you won’t believe
the way she’s always paying
for a debt she never owes
and a silent wind still blows
that only she can hear and so she goes

26
Feb
10

teleserye adiktus

Simula nang lumipat ako ng bahay nahilig akong manuod tuwing gabi ng mga telerserye,  habang nagkakape at kumakain ng sitserya. Actually dati naman ako nanunuod pero hindi ako ganon ka adik. Pero siguro dahil sobrang bored ako at wala si madir napagtyagaan ko manuod ng telerserye gabi gabi at dalawa lang naman ang inaabangan ko sa GMA 7 kapuso  oha.. ang THE LAST PRINCE at FULL HOUSE. Pero ang peborit ko ay ito:

Eto madalas ko abangan tapos ang pinaka  memorable quotes ko ay  ito

Jessie:  Justin kahit konti may pag-asa ba ako? May pag asa bang mahalin mo ako balang araw? Kung masasabi mo saken yun hinding hindi kita iiwanan. Mahirap mamalimos ng pag-ibig, pero ginagawa ko yun dahil mahal kita…. at kung KONTI lang maiibigay mo sakin IPAGKAKASYA ko yun. JUSTIN MAHAL MO BA AKO?

Justin : Jessie  i’m sorry hindi kita mahal, hindi gaya ng inaasahan mo sakin, hindi ko kaya ibigay ang hinihingi mo sakin. Pero Jessie gusto ko malaman mo na naging masaya ako nang makasama kita.

TOINKS! memorable saken yan damang dama ko yun quotes haha.. sayang lang matatapos na mamayang gabi. Nakakakilig ang kulitan nila kasi promise.

Pero kahit ending na sya mamayang gabi meron pa naman  akong aabangan ulit … ang DIVA ni Regine Velasquez 😆

15
Feb
10

Movie marathon

Swerte ko daw kasi valentines day natapat ang day-off ko so ano ba ginawa ko? Bisperas pa lang ng araw ng mga puso bumili ako ng isang pirated dvd na puro love stories. Oweno naman ngayon kung pirated eh mura saka malinaw pa sa halagang 60 pesos makakapanuod na ako ng ilang pelikula, saka wala akong pera kaya yun! 😆

Gusto ko lang i -enjoy yun day off ko.

  • nanuod muna ng tv MMK ang ganda nya promise.
  • pinanuod ko yung PBB , panalo si MELAI OWVER oh yeah. Congrats
  • Movie marathon hanggang 3:30 am

Mga napanuod ko syempre about love. Huwag na kayo komontra may pagka masokista ako. Kahit walang lablyf nanunuod pa din ako ng mga ganyang movie kasi sarap kiligin, hindi ko naman makukuha yun kilig factor na yun kung sa pag ihi lang kaya pinanuod ko sila.

  1. The proposal maganda daw sabi nung isang friend ko at sabi din ni joyo maganda talaga. Maganda nga nakakatawa parang addict si Sandra Bullock one of may favorite hollywood actress. At uulitin ko pa uli yan kapag may day off ulet ako
  2. He’s Just not that into you.
  3. Confessions of a shopaholic.

Lahat nang movie merong mga lessons. Pero ito yung movie na napa isip ako

Bride wars

Sometimes you really can find that one person who will stand by you no matter what. Maybe you will find it in a spouse and celebrate it with your dream wedding. But there’s also the chance that the one person you can count on for a lifetime, the one person who knows you sometimes better than you know yourself is the same person who’s been standing beside you all along.

Habang nanunuod ako kumakain ako nito

Kinulang yun oras ko. Minsan masarap din mag pahinga at mag enjoy kapag sobrang subsob ka sa trabaho.

27
Sep
08

Spot Your Ex?

Ano gagawin mo o ano kaya ang reaksyon mo pag nagkita kayo uli ng isang taong naging espesyal sayo at naging bahagi ng buhay mo? Normal lang bang …

  • Maconcious ka?
  • Isipin kung ano itsura mo, bigla magpaganda/ magpagwapo
  • Kabahan
  • Hindi mapakali
  • matuwa deep inside kasi nakita mo yun isang taong naging espesyal sa buahy mo

Ano nga ba ang dapat maramdaman o reaksyon? Hindi ko lubos maisip dahil ganito ang naramdaman ko nang makita ko ang ex ko. Ex meaning nakaraan ko. Pero binibigyan ng malisya ng mga nakakakita.

Normal lang ba maramdaman ang mga bagay na ito? Pagkatapos nyong di magkita ng mahabang panahon? Nagulat ako kahapon, kasi nakita ko ang isang taong naging espesyal sa akin. Hindi man naging maganda ang paghihiwalay namin, nang masilayan ko uli ang pagmumukhang yun nagbabalik tuloy ang alaala kung paano kami nagkahiwalay ni ex-men…

Nagpaalam sya sa akin na magtratrabaho malayo sa province namin. Pumayag naman ako, sabi nya susulat sya.. oo sumulat sya tatlong beses lang at dina nasundan. Naghintay ako pero hindi na sya naka alalang magparamdam, mahigit isang taon din akong na tengga. Kaya ang drama ng lola move on.. ang kaso nagkita uli kami ni perslab, umibig ako uli. Kinalimutan ko na si ex-men, ang kaso hindi naging maganda ang flow ng relasyon namin ni perslab.. Luhaan nanaman si Lambing, na sya namang pagbalik ni Ex-men . Dapat maging masaya na ako noon, kasi sinundan ako ni ex-men kung nasaan ako at umaasang KAMI pa din pagkatapos akong iwanan ng mahabang panahon?.

Pero hindi na ganon ang nararamdaman ko sa kanya, mas mahal ko na si mang jose kahit sinaktan ako nito. Siguro ganon talaga ang puso hindi natuturuan, susundin pa din ang gusto kahit ito pa yun nakakasakit sayo. Dahil may prinsipyo akong tao at ayaw kong manloko ng tao, hindi ko tinanggap ang pag ibig ni ex-men bagkus sinabi kong “kaibigan nalang tayo”. I’m just trying to be honest that time. Ayoko gumamit ng panakip butas para lang maka move on ako sa isang heartache, gusto ko ma heal ang puso ko sa tamang paraan at panahon. At siguro yun ang pinakamasakit na nagawa ko kay ex-men, ang tangihan sya, i just made a choice, meron akong rason bakit hindi na pwede, ayoko makasakit ng tao, pero diba there’s no easy way talaga . Hindi ko naman sya tinanggihan na meron akong karelasyon at the moment, gusto ko lang mag isa , mag isip,  gusto ko matahimik, hilumin ang puso kong sugatan, kung kami kami diba?? Time will tell, pero yun mga panahon na yun gusto ko lang talagang mag isa. Tatlong taon akong nagpagaling meaning, nagiisa ng tatlong taon para hilumin ang puso kong nasaktan ng dalawang beses.

Hanggang sa magkita uli kami nun lumipat ako ng work. Ang laki ng pinag bago nya. Successful na pero bakit ako apektado? Pero nangingiti ako, pag nakikita ko sya, di ko rin maintindihan sarili ko. Parang gusto ko sabihin sa kanya na ” sana ako nalang, ako nalang ulit” mala one more chance ang dating bea ikaw ba yan??  Pero wala na. Never mind we’re not meant to be.

Namamasyal sya sa opisina dahil may uncle sya na kasama ko sa work ko, what a small world, pwede naman nya dalawin sa bahay ng tito nya sa office pa nadalaw, ano yun pa cute??  Bakit nagpapakita pa sya sa akin? Tapos ligawan daw ba yun ka office mate ko? Naiinis ako kasi sa dinami dami ng babae sa buong mundo yun officemate ko pa ang nilalandi nya! Hindi naman naging sila, pero para akong naaaalibadbaran. Hanggang nun last June nga nabalitaan kong ikakasal na sya, okey lang naman i’l be happy for him kasi may mang jose naman ako at nag balik na, kaya lang wala sya sa piling ko ngayon nasa ibayong dagat. Pero bakit kailangan ipamukha sa akin na ikakasal na si Ex-men at di daw pwede matuloy ang kasal pag wala ako. Naiiyak ako hindi dahil ikakasal na sya, naiiyak ako kasi ipinamumukha sa akin na nag iisa pa din ako hanggang ngayon. May mang jose nga ako pero di naman ako sigurado, ang alam ko lang mahal ko sya.  Naiiyak ako kasi kung hindi ko sya pinakawalan magiging masaya na kaya ako ngayon? Ako kaya yun ikakasal sa kanya? Pero hinde eh.. Move on girl be happy for him. Naiiyak ako at the same time nalulungkot sana nasa tabi ko si Mang jose para ipagtanggol ako sa mga nang huhusga sa akin. I just made a choice ..  At humingi na ako ng sorry sa kanya noon, pero kailangan pa ba ulit ulitin na naka sakit ako ng tao?  Dapat masaya na sya kasi may asawa na sya.

At last week nagkita kami ni ex-men,  dumalaw uli sa opisina after 3 months nang nakakasal. Nginitian ko lang , nagulat ako kasi nakita ko sya , masama bang magulat? maconcious at isipin ano itsura ko? Syempre kailangan presentable.  After 15 minutes nag text sa akin:

Ex-men : Hi lambing musta ka?? Anong gawa mo?

Lambing: no reply..  (busy singing sa video oke .. tapos ng miskol sya)

Lambing:  oist kaw pala! eto nag coconcert.. kaw musta?

Ex-men: Treat mo naman ako! kwentuhan lang tayo? san tayo?

Lambing: naku wala akong budget! kaw ang taya ah.. ( i thought we’re okey.. gusto ko makipagkita sa kanya uli, kasi i want to fix things ba.. kaso hindi sya sumipot, daming alibis, pero ok lang gusto ko lang naman sya asarin dahil inumpisahan nya ako.)

He keeps on bothering me sa text, sabi nya pwede daw ba sya matulog sa boarding house ko? Cool lang naman ako, sabi ko hindi pwede Pagkatapos ng isang araw ayan nagtetext nanaman .. madaling araw pa, puntahan ko daw sa hotel where he stays sa room 207??? Huwaat???!!! Ano kala nya sa akin sabik? Hinayupak sya.. Dahil sa gusto kong maging civil nag reply uli ako, ” ano naman gagawin ko dyan?” sagot nya ” E di dito kana matulog, nilalagnat kasi ako eh..”

Lambing:  BAKA IBANG LAGNAT LANG YAN! ITULOG MO NALANG YAN OR MUCH BETTER UMINOM KA NALANG NG GAMOT!

I realized one thing. Tama pala ako ng desisyon na hindi sya ang piliin ko! Dapat hindi na ako nang hinayang na nasaktan ko sya. Mang Jose never treated me that way. He’s a gentleman. Smile nalang ako, masarap pa din pala magmahal ng taong mahal mo talaga.  Kahit masakit, basta yun yun tinitibok ng puso mo, masaya pa rin ang puso mo. Nakaka smile pa rin ako ng matamis. Magiging masaya din ako. Alam ko… malapit na maging lubos ang kasiyan ko.

Know when to let go and walk away… If its dead dont go digging it up to every 5 minutes to check for pulse… its dead… just walk away… “

So what to do if you spot your ex???  Totoo pala yun sabi ni ate shawie kay KC na be at your BEST kasi you never know..  Dapat lagi maganda / gwapo diba?? if ever magkita kayo ng ex at least beauty pa din.. asan ang malisya dun?.

 

 

 

 

 




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 604,878 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Oktubre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers