Archive for the 'muni muni' Category

30
Jul
13

Paano nga ba?

Minsan may nagtanong sa akin kung paano mo daw malalaman na mahal mo ang isang tao?

Paano nga ba?

Parang pag inom ko ng kape, alam kong may side effect ito pero mas pinipili ko pa rin inumin ito dahil iyon ang nakakapag pasaya sa akin. Kahit ilang beses kang bawalan ng mga nakapaligid sa iyo mas pipiliin mong maranasan iyong effect na naidudulot sa iyo. Iyong pakiramdam na kada iinumin may pakiramdam na nasasatisfy sa pagkatao mo. Ang lalim no? Hayaan mo na.

Katulad nang pagkahilig ko sa pula,  maraming choices pero sa kulay pula ako mas masaya, mas kumportable, mas na e-excite, mas gumaganda ang araw.

Katulad ng pagkahilig ko sa kanta.. kahit paulit paulit mong pakinggan hindi ka nagsasawa.

Katulad ng pagsusulat, maraming beses kang hihinto, pero babalik at babalik ka pa rin para makapagsulat tulad ngayon.

At higit sa lahat nararamdaman mo.

You feel it.. inulit ko lang para humaba ahek..  Kapag willing kang magsakripisyo ng isang bagay para sa kasiyahan ng isang tao, iyong tipong lahat ng prinsipyo mo nababali dahil lang ayaw mo mawala ang isang tao. Bakit? Dahil nagmamahal ka dahil mahal mo sya. Gusto mo syang protektahan sa lahat ng bagay na pwedeng makasakit sa kanya.

Kapag may kumukurot sa puso tuwing may magbabanta na anytime pwede sya mawala sa iyo, iyong pakiramdam na natatakot kang mawala sya.

Kapag naririnig mo ang boses ng taong iyon nakakapag kumpleto na ng iyong araw, isang text , isang call o kahit magbabad pa kayong mag usap , iyon nalang ang hinihintay mo sa araw araw.

Hindi ka natatakot buksan ang puso mo sa kanya , sabihin lahat ng nararamdaman mo kase alam mo na mahal ka rin nya. Hindi ka natatakot ipakita kung sino ka talaga bubuksan mo ang buong pagkatao mo para sa kanya .

Kapag hindi ka natatakot na sabihin mong mahal mo sya, kahit ano man ang isasagot sa iyo.

Inlove ba ako? Lipas na ako sa mga pa tweetums na iyan. Nag mature na nga siguro ako.. hindi na ako nag babase sa kilig feeling, mas iniisip ko na ngayon iyon kapakanan isang tao. Masasabi kong nagmamahal ako kapag mas pinili kong intindihin sya , ang sitwasyon nya kaysa mga gusto kong mangyari.. higit sa lahat iyong kahit masakit aminin sa sarili kayang kong magparaya ng isang tao gaya ng nakasanayan ko, kung alam ko saan sya mas magiging masaya o ano ang mas ikakabuti nya.

At kaya ko rin ipaglaban ang isang bagay kung alam kong may patutunguhan, kakayaning maghintay. Kakayaning bumitaw kapag kinakailangan.

You can’t stop loving or wanting to love because when its right it’s the best thing in the world. When you’re in a relationship and its good, even if nothing else in your life is right, you feel like your whole world is complete.

Keith Sweat

IKAW? PAANO MO BA MALALAMAN?
Advertisements
01
Jun
12

Noon at ngayon..

Sabi nila ang buhay parang gulong, minsan nasa itaas minsan nasa ibaba. Pero para sa akin ang buhay weather weather lang yan..

Kung noon nagtataka ako sa nanay ko kung bakit galit na galit na may malapit lang sa akin na lalaki aba,  ngayon nararanasan ko na ito sa kapatid ko bilang tumayong ina sa kanya nang gagalaiti ako may maka text lang ang kapatid ko.. At sinong hindi magagalit dalawa dalawa tumatawag sa kanya may hon tapos mahal ko.. sinong inang hindi uusok ang ilong dun.. Ayaw ko pa may pangarap pa ako para sa kanya..

Sa isip ko.. sayang naman pag papaaral ko sa iyo kung hindi ka makakapag tapos at mag aasawa ka lang agad. Aba eh iba na kasi ang panahon ngayon ano? Daming temptasyon.. gusto ko lang mapabuti sya… hay nanay ngayon naiintindihan na kita bakit umuusok ilong mo noon.. pero pinatunayan ko naman sayo na magtatapos ako diba? At hindi ako maaga mag aasawa.. yun nga lang ikaw ang nang iwan.. Kita singol pa rin ang lambing mo ngayon.

Kung noon asar na asar ako sa nanay ko kakautos , maghugas ng pinggan , kung ano ano pa eh.. malamang si osang na ang asar na asar sa akin sa kauutos ko. Natural galing ako sa trabaho at dadalawa lang kami.. kelangan nya matuto sa gawaing bahay isa pa tinitirahan nya yun kelangan malinis iyon . Salamat uli kay inay at natuto ako sa gawaing bahay kahit san man ako mapunta may alam ako at mabubuhay ako ng hindi umaasa sa iba.

Kung noon nalilito ako bakit laging mainit ang ulo ng nanay ko, makagawa lang ako ng mali yun lagi nakikita kapag nakagawa naman ako ng magagandang bagay hindi na aappreciate .. ngayon nararanasan kong mainit lagi ang ulo, siguro dahil sa responsibilidad na nakapatong sakin.. walang kasalo siguro nga ganon rin si nanay noon.

Siguro nga may mga bagay lang tayong maiintindihan kapag nararanasan na natin. Tulad ng pag titipid dati rati noong nag aaral ka pa sige ang gastos mo.. pero kapag ikaw na ang kumakayod halos ayaw mo na maglabas ng pera dahil sayang kung hindi naman para sa mahahalagang bagay.

Kung noon nagtatampo ako sa nanay ko bakit kelangan pa nya mag asawa ulit eh nandito naman ako. Hindi ko naman sya iiwan… Hindi ko lubos maisip bakit kelangan pa nang ibang tao eh pwede naman kaming dalawa lang masaya naman kami.. kaya noong nag asawa sya parang pinagtakluban ako ng langit at lupa…  pero ang  sagot nya BALANG ARAW ANAK MAIINTINDIHAN MO RIN AKO… “

Dumating na yata iyong panahon na naiintindihan na kita.. kasi ngayon.. ramdam ko yung takot na mag isa .

Pero ganon pa man.. kahit natatakot ako maiiwan pa rin saken iyong mga baon kong turo mo.. na kapag natatakot ako magtiwala lang ako sa Maykapal at iyon ang hindi mawawala saken..

Wala lang namimiss lang kita nay… belated happy birthday at happy mothers day na rin 🙂

17
May
12

Hindi nauubos ang bukas

Ang pag move on daw ay parang pag papapayat, laging sinasabi na mag mo-move on na ako pero kapag na alala mo iyong tao, lagi mo nanaman iisipin.

Tulad ng mga bawal na kainin ng isang taong nag papapayat , ang pag kain ng kanin  dahil marami itong content ng sugar .  Tulad ng pag kain ng mamantika at matataba, mga matatamis at maaalat.

Parang mga alala na akala mo maganda sa kalusugan mo, kasi nasasatisfy ka, pero paano mo makukuha ang goal mo kung binabalikan mo ang dapat iniiwasan mo na…

Magulo ba? Hayaan mo na. Ang gusto ko lang naman sabihin.. mahirap magpapayat ganon din ang pag move on..

Pero kung may disiplina ka sa sarili mo, magagawa mo yan. Ika nga ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo, hindi ang kapit bahay mo, ang tito mo o ang best friend mo.. Ikaw mismo. 🙂

At kapag napagtagumpayan mong alisin sa sistema mo ang mga bagay na nagpapalala sa kalusugan mo ay nako ang laking ginhawa non…

Gasgas na daw ang salitang .. Bukas mag da diet nako, bukas mag mo move-on na ako. Oweno naman ngayon? Karami kaya ng bukas.. ang mahalaga meron kang drive na baguhin kung nasaan ka mang sitwasyon ngayon.

At hindi pa rin gasgas saken yan next week …. mag uumpisa ulit ako!

Ang saya lang.. 🙂

At kapag napag tagumpayan ko ito… maglaway kayo ! bleh!

Joel Osteen quotes

 You must make a decision that you are going to move on. It wont happen automatically. You will have to rise up and say, I dont care how hard this is, I dont care how disappointed I am, Im not going to let this get the best of me. Im moving on with my life. 
09
Apr
12

balang araw..

Ilang beses na ba nangyari sa iyo ito?

Bawat kabanata may kanya kanyang kirot?

Masakit? Sino ba ang hindi nasasaktan?

Namatay ka ba? Hindi naman..

Kaya mag isip ka.. kahit masakit basta hindi nakakamatay

Magiging okey ka..

Isang buntong hininga..

Isang taimtim na panalangin..

Pagluluksa…

Pagpapalaya.. 

Pagpapatawad…

Lalo na sa sarili mo..

Gaya nang lagi mong naririnig…

May bukas pa..

Lahat ng masasakit  na pangyayari  na nararanasan mo ngayon

magiging kwento nalang yan balang araw..

13
Feb
12

ano ba bukas?

Love month nanaman pala parang hindi ko napansin 😆 O talagang hindi ko lang pinapansin dahil ayaw kong ma korner ulet… Pero kahit ano namang iwas mo pag usapan ang fegibig eh ayan love month na talaga kaya pahuhuli ba ako..

Daming banat , daming love songs na nagkalat maiiwasan mo bang hindi mapaisip nang oo nga no?  Ate , kuya wag kang plastic.. lahat naman tayo gusto ng may minamahal at may nag mamahal likas na sa atin ang mapagmahal.. yun nga lang minsan mali lang tayo ng minamahal kung baga… you’re barking at the wrong three… eh di tahulan mo yung tamang tao.. pano ba? Ang gulo naman kasi ng puso eh.. komplikado.. gusto mo yung ayaw sayo, yung may gusto naman sayo ayaw mo anu beeeeeeeeeee…

Ano naman gimik ko? Wala naman.. naisip ko lang ayaw kong maging bitter dahil lang sa isang araw na ito.. Hindi ako manunutok ng boylets para lang may maka date sa araw ng puso..  Eh ano kung walang mag bigay saken ng bulaklak? o sokoleyt? Ibig sabihin ba nun habang buhay na walang nang magbibigay saken ng flowers o sokoleyt? Nga pala kung meron gusto mag bigay gusto ko white roses.. gusto ko puti! 😆 bakit? kasi pure.. ganon ako amg mahal puro 😆 Teka lumayo ako sa usapan… o eh ano naman nga ngayon kung balentayms na bukas????

Pwede naman akong mag mahal ng mag mahal kahit hindi balentayms day o diba? Ako pa puno ng pag mamahal.. sabi nga kahit maraming mga mapag samantala na mag lalaro ng puso mo.. huwag kang mapagod kasi meron din darating sayo.. hindi man ngayon baka bukas.. oo bukas baka dumating na din yun… Huwag mong ipilit ang sarili mo sa mga taong ayaw sayo. Huwag mo rin pababain ang criteria mo sa hinahanap mo sa isang tao para lang mag karoon ka ng sinasabing love of your life. Let’s  learn how to wait for God’s perfect time.. wag kasi attaters.. Baka biglang sabihin sayo ni bosing .. ” anak naman kasi eh… hindi yan ang para sayo huwag mo iyakan yan.. maghintay ka lang huwag kang atat!” toinks! aray lang.. mag hintay kase.. ok?

Ang daming paraan ng pag mamahal… Love is all around ika nga  ,  malay mo nasa tapat lang ng bahay nyo, o kaya sa likod … Hindi mo rin kailangan mag stick sa mga standards mo bigyan mo din ng chance yung iba.. malay mo.. malay mo lang naman… yung standards mo lang binibigyan mo ng chance huwag masyadong choosy nu ka ba choosy ka pa! Alam mo na?

Huwag tayong maging desperada / desperado sa mga taong di pumapansin sa atin.. marami pang isda sa dagat.. sige ka kung dun ka lang tumitingin sa gusto mong tignan baka lumampas na yung mas bagay sayo kababantay mo dun sa isang iyon…  O eh ano nga ba gusto kong iparating? Huwag malungkot sa isang araw na dadaan… pwede ka mag lambing katulad ko.. eto nag lalambing ako sa mga nalulungkot.. malay mo sa pag lalambing mo sa iba makapag pasaya ka ng pusong nalulungkot.. at yan … yan din ay isang paraan ng pag mamahal sa kapwa.. Yang ang isang simpleng paraan ng pagmamahal na alam ko ang mag lambing at mag pangiti ng tao…  Katulad kanina nalulungkot nanaman ako pero nung narinig ko itong song na ito aba eh nag bago ang mood ko ..

dedicated ko to sa future boyfriend ko .. ^_~ Malay mo mag bago din ang mood mo 🙂 Love love love ♥♥♥  sa inyong lahat enjoy! 

Pag-ibig by Yeng Constantino Lyrics

Ang pag-ibig, hindi parang cellphone
‘Pag naluma, papalitan
Ang pag-ibig, hindi parang damit
‘Pag may bagong uso, papalitanKung sabihin kong mahal kita
‘Yan ay totoo sinta
Huwag na ‘wag kang magdududa
Hindi kita binobolaPanghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na ika’y pumangit, hindi kita ipagpapalit
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na ika’y makalbo, hindi ako magbabago noypistuffAham… Aaham… Aaaham… Aaham..

Ang pag-ibig, hindi parang pagkain
‘Pag pinagsawaan, ipamimigay na lang
Ang pag-ibig, hindi parang pusa
‘Pag maingay, ililigaw nalang

Kung sabihin kong mahal kita
‘Yan ay totoo sinta
Huwag na ‘wag kang magdududa
Hindi kita binobola

Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na ika’y tumaba, hindi ako mangangaliwa
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na magka-wrinkles ka, ikikiss pa rin kita

Aham… Aaham… Aaaham… Aaham..

Love is patient
Love is kind
It does not envy
It does not boast
It is not proud
It is not rude
It is not self-seeking
It is not easily angered
It keeps no record of wrongs
Love does not delight in evil
But rejoices with the truth

It always protects, always trusts, always hopes, and always perseveres.
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na tupakin ka, iintindihin kita
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na may kasalanan ka, iiyak ako pero papatawarin ka
06
Jul
11

love story ♥

Kung magsusulat kaya ako ng love story ko ano kaya kalalabasan ng kwento ng pag ibig ko. Minsan kasi ang daming intresado malaman ang love story ko eh. Kapag may nag tatanong ang isinasagot ko ay in the making pa lang, wala pang cast, wala pang ka love team yun mga nauna nag backout, ang iba naman nasulot na para gumanap sa love story ng iba. Parang ang dami no? Eh nakakatatlo pa lang naman ako :))

Yung iba naman akala mo yun na kasi ang ganda ng umpisa halos ayaw mo na nga tapusin kasi ang ganda talaga pang best seller ang story kaso nga lang hindi pwede. Wala naman love story na nag iisa diba? Dapat kwento nyo talagang dalawa at walang ibang kahalo. Pero ganon pa man… ang mahalaga kung paano mo naramdaman na mahalin ka ng taong iyon kahit walang tawag sa relasyon nyo.. iyung pahalagahan ka lang masasabi mo na enough na kahit walang happy ending at least naranasan ko mapabilang sa cast o pinagpipilian mong  makasama sa love story ng buhay nya.

Pero sa kwento ng pag – ibig mahalaga ba talaga ang happy ending? Para saken naman kwentong pag-ibig pa rin naman kahit hindi mo nakatuluyan yung taong minahal mo.

Ang mahalaga naramdaman mo yung sinasabing pag-ibig. Kahit sandali lang yun, Ibig sabihin marunong kang magmahal hindi ka bato. Kahit na sa dinami dami ng take at drafts para lang makagawa ng magandang love story eh hindi ka pa rin makabuo, malay mo bukas makita mo na yung tamang cast para makagawa ng bago at mas magandang love story. Tyaga lang sa paghihintay huwag manawa, huwag rin mapagod maghintay.. kasi yun magagandang love story pinag iisipan ng mabuti, pinaghahandaan yan kailangan ng panahon.

Eh ilang panahon na nga ba ang lumipas? lipas na nga ba ang panahon ko para makabuo? Tingin ko naman hindi haha. Sana lang dumating na, kasi medyo nakakangawit na rin sa terminal. Pero ayus lang ineenjoy ko muna mag isa para kapag dumating na si ka love team mas focus na ako sa kanya. Yun yun eh..

17
Feb
11

lambing’s block

Naranasan mo na ba to?

Iyong gusto mong magsulat pero walang idea na pumapasok sa isip mo.

Blanko..

Tawag dito writer’s block.

causes ng writer’s block

  • writer may run out of inspiration..
  • may be produced by adverse circumstances in a writer’s life or career
  • end of relationship
  • depression

Halo halo yun nararamdaman ko pero wala ni isang masabi…

Now there’s just an empty paper
In a room that broke us up.
I’m running out of melodies
They used to be enough.

I can’t write it, I just,
I can’t write a note.
I can’t write it, I just,
I can’t write it.
If I finish this note,
I’ll admit that he’s gone.
And I won’t write it, I just,
I won’t write a note.
I won’t write it, I just,
I won’t write it.
Until my heart unlocks,
I’ll have writers block..




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 610,249 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Nobyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers