Archive for the 'relationship' Category

03
Jun
13

“Wag Ka Nang Umiyak”

Wag ka nang umiyak, sa mundong pabago-bago
pag-ibig ko ay totoo
ako ang iyong bangka, kung magalit man
ang alon, ng panahon, sabay tayong aahon

[chorus]
Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin
Di kita bibitawan

Wag kang umiyak, mahaba man ang araw
uuwi ka sa yakap ko
wag mo nang damdamin kung wala ako sayong tabi
iiwan kong puso ko sa yo
at kung pakiramdam mo’y wala ka nang kakampi
isipin mo ako dahil puso’t isip ko’y
nasa yong tabi

[repeat chorus]

…di kita pababayaan

Kapit ka, kumapit ka
(para sa buhay ng buhay ko)

Advertisements
27
May
13

choice

no one falls in love by choice, it is by chance. no one  stays in love by chance, it is by work.  and no one falls out of love by chance, it is by choice.

choice

Sabi nila falling inlove is by chance, falling out of love is by choice. Ansabe?? Ang sarap ng feeling na pareho nyong mahal ang isa’t isa. Wala na sigurong sasarap pa sa pakiramdam na gigising ka tuwing umaga na alam mo anu’t anu pa man may taong nagmamahal sa iyo.

Ang sarap sa pakiramdam kapag may isang tao na nagparamdam sa iyo na sa lahat ng kakulangan mo buo pa rin ang tingin sa iyo, iyong taong nagapapaganda ng paligid mo at nagsasabing ikaw ang pinaka maganda para sa kanya. Kung baga sa lahat ng kakulangan mo para sa kanya ikaw ay perfect isang mamahaling bato. Isang pakiramdam na napakahirap pakawalan.

Bakit kasi ang gulo ng earth. Hindi ba pwedeng mahal nyo nalang ang isa’t isa okey na iyun? Sapat na.. happy ending na. Pero kung bakit masaya na kayo ang dami pang sumisingit.. nakakabaliw, nakakatimang, nakakawala ng katinuan sa isip .. nakaka lurkey!

Masarap magmahal.. nakakabago ng pananaw sa mundo, nakakabago ng buhay, nakakapag paganda, nakakabata.

Maraming beses na akong nadapa. May mga dumampot at pinagpag ako pero sa huli ay bibitiwan din dahil may mas pinili silang pulutin kaysa sa akin. Lagi nalang ganun, pero lagi kong dasal na sana… sana may dumating na ako naman ang pipiliin ako yung  choice…

God knows who belong in your life and who doesn’t..

TRUST AND LET GO..

Who ever is meant to be there.. will still be there..

27
Aug
12

Kung bakit ayaw ko magsugal

Una sa lahat ayaw ko magsugal dahil nakakapraning umasa.

Ayaw ko magsugal dahil mahirap manalo sa sugal.

Kailangan mong tumaya ng tumaya para manalo ka.

Paano kung wala ka nang itataya?

Ayokong magsugal dahil ibig sabihin nun may uuwing talunan

Kung hindi ako ang talo may taong matatalo.

Dahil sa sugal hindi naman lahat panalo.

Mahina rin ang loob ko..

Mas gusto kong nakukuha ang isang bagay na hindi naiidadaan sa isang sugal.

Sigurista ba ako? Medyo, hindi lang ako naniniwala sa swerte. Mas naniniwala ako sa pag papala.

Ayoko na sumugal, hindi ko forte ito.

Ayoko na umasa. Nakakapraning. Nakakatimang

” Kapag nag text ka para na ako nanalo sa Jueteng, di lalo na pag tumawag ka para na akong nanalo sa lotto , pero paano ako mananalo eh mauubusan na ako ng pantaya, ngunit sa kabilang banda bakit gusto kong tumaya? Isa lang ang sagot ko.. dahil “ikaw ang premyo” .

17
May
12

Hindi nauubos ang bukas

Ang pag move on daw ay parang pag papapayat, laging sinasabi na mag mo-move on na ako pero kapag na alala mo iyong tao, lagi mo nanaman iisipin.

Tulad ng mga bawal na kainin ng isang taong nag papapayat , ang pag kain ng kanin  dahil marami itong content ng sugar .  Tulad ng pag kain ng mamantika at matataba, mga matatamis at maaalat.

Parang mga alala na akala mo maganda sa kalusugan mo, kasi nasasatisfy ka, pero paano mo makukuha ang goal mo kung binabalikan mo ang dapat iniiwasan mo na…

Magulo ba? Hayaan mo na. Ang gusto ko lang naman sabihin.. mahirap magpapayat ganon din ang pag move on..

Pero kung may disiplina ka sa sarili mo, magagawa mo yan. Ika nga ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo, hindi ang kapit bahay mo, ang tito mo o ang best friend mo.. Ikaw mismo. 🙂

At kapag napagtagumpayan mong alisin sa sistema mo ang mga bagay na nagpapalala sa kalusugan mo ay nako ang laking ginhawa non…

Gasgas na daw ang salitang .. Bukas mag da diet nako, bukas mag mo move-on na ako. Oweno naman ngayon? Karami kaya ng bukas.. ang mahalaga meron kang drive na baguhin kung nasaan ka mang sitwasyon ngayon.

At hindi pa rin gasgas saken yan next week …. mag uumpisa ulit ako!

Ang saya lang.. 🙂

At kapag napag tagumpayan ko ito… maglaway kayo ! bleh!

Joel Osteen quotes

 You must make a decision that you are going to move on. It wont happen automatically. You will have to rise up and say, I dont care how hard this is, I dont care how disappointed I am, Im not going to let this get the best of me. Im moving on with my life. 
13
Feb
12

ano ba bukas?

Love month nanaman pala parang hindi ko napansin 😆 O talagang hindi ko lang pinapansin dahil ayaw kong ma korner ulet… Pero kahit ano namang iwas mo pag usapan ang fegibig eh ayan love month na talaga kaya pahuhuli ba ako..

Daming banat , daming love songs na nagkalat maiiwasan mo bang hindi mapaisip nang oo nga no?  Ate , kuya wag kang plastic.. lahat naman tayo gusto ng may minamahal at may nag mamahal likas na sa atin ang mapagmahal.. yun nga lang minsan mali lang tayo ng minamahal kung baga… you’re barking at the wrong three… eh di tahulan mo yung tamang tao.. pano ba? Ang gulo naman kasi ng puso eh.. komplikado.. gusto mo yung ayaw sayo, yung may gusto naman sayo ayaw mo anu beeeeeeeeeee…

Ano naman gimik ko? Wala naman.. naisip ko lang ayaw kong maging bitter dahil lang sa isang araw na ito.. Hindi ako manunutok ng boylets para lang may maka date sa araw ng puso..  Eh ano kung walang mag bigay saken ng bulaklak? o sokoleyt? Ibig sabihin ba nun habang buhay na walang nang magbibigay saken ng flowers o sokoleyt? Nga pala kung meron gusto mag bigay gusto ko white roses.. gusto ko puti! 😆 bakit? kasi pure.. ganon ako amg mahal puro 😆 Teka lumayo ako sa usapan… o eh ano naman nga ngayon kung balentayms na bukas????

Pwede naman akong mag mahal ng mag mahal kahit hindi balentayms day o diba? Ako pa puno ng pag mamahal.. sabi nga kahit maraming mga mapag samantala na mag lalaro ng puso mo.. huwag kang mapagod kasi meron din darating sayo.. hindi man ngayon baka bukas.. oo bukas baka dumating na din yun… Huwag mong ipilit ang sarili mo sa mga taong ayaw sayo. Huwag mo rin pababain ang criteria mo sa hinahanap mo sa isang tao para lang mag karoon ka ng sinasabing love of your life. Let’s  learn how to wait for God’s perfect time.. wag kasi attaters.. Baka biglang sabihin sayo ni bosing .. ” anak naman kasi eh… hindi yan ang para sayo huwag mo iyakan yan.. maghintay ka lang huwag kang atat!” toinks! aray lang.. mag hintay kase.. ok?

Ang daming paraan ng pag mamahal… Love is all around ika nga  ,  malay mo nasa tapat lang ng bahay nyo, o kaya sa likod … Hindi mo rin kailangan mag stick sa mga standards mo bigyan mo din ng chance yung iba.. malay mo.. malay mo lang naman… yung standards mo lang binibigyan mo ng chance huwag masyadong choosy nu ka ba choosy ka pa! Alam mo na?

Huwag tayong maging desperada / desperado sa mga taong di pumapansin sa atin.. marami pang isda sa dagat.. sige ka kung dun ka lang tumitingin sa gusto mong tignan baka lumampas na yung mas bagay sayo kababantay mo dun sa isang iyon…  O eh ano nga ba gusto kong iparating? Huwag malungkot sa isang araw na dadaan… pwede ka mag lambing katulad ko.. eto nag lalambing ako sa mga nalulungkot.. malay mo sa pag lalambing mo sa iba makapag pasaya ka ng pusong nalulungkot.. at yan … yan din ay isang paraan ng pag mamahal sa kapwa.. Yang ang isang simpleng paraan ng pagmamahal na alam ko ang mag lambing at mag pangiti ng tao…  Katulad kanina nalulungkot nanaman ako pero nung narinig ko itong song na ito aba eh nag bago ang mood ko ..

dedicated ko to sa future boyfriend ko .. ^_~ Malay mo mag bago din ang mood mo 🙂 Love love love ♥♥♥  sa inyong lahat enjoy! 

Pag-ibig by Yeng Constantino Lyrics

Ang pag-ibig, hindi parang cellphone
‘Pag naluma, papalitan
Ang pag-ibig, hindi parang damit
‘Pag may bagong uso, papalitanKung sabihin kong mahal kita
‘Yan ay totoo sinta
Huwag na ‘wag kang magdududa
Hindi kita binobolaPanghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na ika’y pumangit, hindi kita ipagpapalit
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na ika’y makalbo, hindi ako magbabago noypistuffAham… Aaham… Aaaham… Aaham..

Ang pag-ibig, hindi parang pagkain
‘Pag pinagsawaan, ipamimigay na lang
Ang pag-ibig, hindi parang pusa
‘Pag maingay, ililigaw nalang

Kung sabihin kong mahal kita
‘Yan ay totoo sinta
Huwag na ‘wag kang magdududa
Hindi kita binobola

Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na ika’y tumaba, hindi ako mangangaliwa
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na magka-wrinkles ka, ikikiss pa rin kita

Aham… Aaham… Aaaham… Aaham..

Love is patient
Love is kind
It does not envy
It does not boast
It is not proud
It is not rude
It is not self-seeking
It is not easily angered
It keeps no record of wrongs
Love does not delight in evil
But rejoices with the truth

It always protects, always trusts, always hopes, and always perseveres.
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na tupakin ka, iintindihin kita
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa ‘yo o sinta
Kahit na may kasalanan ka, iiyak ako pero papatawarin ka
29
Sep
11

tahimik kong puso

Bakit kaya kapag walang lovelife tapos inip na inip ka na sa pag dating ng lovelife na pinakakaasam asam parang coke zero walang nagpaparamdam sayo. Pero huwag ka kapag naman may napupusuan ka na at nakapag desisyon na eto.. hihintayin ko ito saka maraming umeeksena.

Mahaba ang hair ko? oo mahaba talaga pero para syang magkakaroon ng splits end sa kalituhan ko, medyo nangungulot na nga ang dating straight and shiny rebonded hair ko.  Hay nako nga naman… Bakit kelangan ko pa malito?

Daming choices.. san ba ako? Doon sa tried and tested pero wala akong assurance o dun sa bagong kilig ? Doon ba sa feeling prinsesa ako pero walang tibok o doon sa may tibok pero parang alipin? O doon sa feeling teenager ako? Pasensya na matagal na na freeze ang puso ko kaya hindi ko na alam kung anong klaseng tibok ba ang susundin ko. Yun tibok ba na matagal na pero andun pa rin? O yung bagong tibok na umuusbong.. Yun bang dating rason ng ngiti ko o yung panibagong nag papangiti saken…

Ang gulo no? Sabi ko ikakadena ko na ito eh, ang hirap kaya masaktan pero bakit ganon? Gusto nanaman umeksena ng puso ko…

27
Jul
11

Tell me how to stop the rain

Napaka gloomy ng panahon nakakahawa. Makulimlim nanaman sa labas, ang lakas ng ulan.. nakakatamad parang ang sarap nalang humilata  mag hapon sa aking higaan pero kailangan bumangon dahil may obligasyon ako sa araw araw. Tapos may mag tetext pa sayo na ang lamig ng panahon sarap ng may katabi.. wata! Makabangon na nga..

Maginaw na nga.. nilalamig pa ang puso mo redundant na ba? Tapos…

Eto ako nasa harap ng computer ko.. sabay makakarinig ng kunin mo na ang lahat sa akin wag lang ang aking mahal…  

Sige na nga sasakyan ko na ang panahon makiki emo na rin ako..

Kung pwede nga lang makiusap na kunin mo na lahat sa akin, ipapa arbor ko na sayo pati bilbil ko wag lang ang  aking mahal. Kung ganon lang sana ako ka martir katulad ng kumakanta. Pero hindi ganon yun.. Kapag mahal mo ang isang tao set him free.. if they come back again then in the end it was meant to be.. Kasi pag mahal mo, gusto mo sya maging masaya sa lahat ng bagay kahit hindi ikaw ang maging dahilan ng kasiyahan nya , tyak  masasaktan ka non pero kahit nagluluksa ang puso may kalahati rin sa katauhan mo ang nagiging payapa at malaya, at least napasaya mo sya.

Para sa akin.. kahit may sakit , may kurot.. kung hanggang doon na lang talaga wala ka naman na magagawa.  Kung di tanggapin yun masaklap na katotohanan na isasampal sayo, oo masaklap pa sa pinaka masaklap eh mahal mo nga eh. At lagi ko pa rin pipiliin magparaya kapag hindi ko sya nakikita masaya sa piling ko, kapag hindi na ako ang dahilan ng kislap ng mata nya, hindi na ako ang nakakapag  kumpleto ng araw nya o hindi ko na napupunan ang lahat ng kakulangan sa kanya..  mas masakit na sitwasyon ang ganon kaya ano pa ang dahilan para ipag siksikan mo ang sarili mo.. para ka lang nag aayos ng basag na salamin noon.. gaano mo gusto maayos ang bagay masusugatan ka lang pag nagpilit ka. Naaalala ko tuloy yung kanta ni nina

And you know I’d fight the good fight
If I thought I’d change your mind
But if she makes you happy
I would leave that dream behind
Man, she better treat you right
And give you everything
Cause at the moment she doesn’t
I’ll be waiting in the wings

Pero sana lang kapag pinalaya mo na ang minamahal mo bigyan mo din  ng kapayapaan ang sarili mo, hindi madali mag hilom ang sugat kaya sana huwag ka na rin gumawa ng ikasasakit ng loob mo…

Pero minsan ikaw na nga ang nagbigay, ikaw na ang nagparaya.. ikaw pa ang sinasaktan.. bakit ganon?

Ang saklap no?

Ang mga taong  nasasaktan dalawa lang ang dahilan una  nagpapakatanga sa pananakit ng iba o inaasahan ang isang bagay na wala naman talaga.




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 610,249 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Nobyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers