Archive for the 'story telling' Category

24
Aug
11

lambing’s best friend

Sabi nila ang aso daw ay man’s best friend, hindi ako masyado mahilig sa hayop ang carry ko lang alagaan ay aso at pusa. Dati may alaga akong aso 2 years ago na yun sya si tweety, kaso di ko gaano naasikaso sa boarding haus ko nun kaya pina arbor ko na nung nabubuhay pa si madir ko ang kaso namatay rin haisss… yun aso ha , nauna namatay sa nanay ko ay ano ba ang gulo ko.  Ayun pareho na sila patay ngayon …
Medyo lungkot lungkutan si lambing ngayon kaya gusto ko ng bagong hubby este hobby bagong pagkaka abalahan para ma focus ako sa iba at hinde sa kaemohan ekek ko.. sows sowsss its over tapos na ang pagluluksa.. Ayun kaya laking tuwa ko ng binalita saken ng childhood bestfriend ko na may aso sya ibibigay saken na tagged pa ako sa fb nun bagong panganak.. Na eexcite na ko kunin last two weeks kaso di pa raw pwede dahil nadede pa sa nanay..  Ako nalang kaya magpadede haha ituturing ko syang parang anak wahahaha pero naiisip ko may pangil yun masakit yun ahehehe..  Nag iisip na ko kung anong ipapangalan sa kanya.. Dati kasi tweety ang name nun aso ko ngayon kaya??

cute little puppies

Kaya mega message ako sa best friend ko kung pwede ko na kunin eto usapan namin:
Today

best nahanap ko ung crush ko nung bata pa ako nakakaloka hahaha

haha sino naman soska
malaki naba yun aso ko? hehe

oo malaki na kunin mo na

hehehe
hmmm kelan kaya
haiss cute ba? picturan mo nga tapos tag mo saken haha

dati cute siya nung bata pa kami

haha yun aso sinasabi ako ano ba
ang kulit mo

ay hahaha aso ba
ang gulo mo kasi

hahaha ay oo aso kaya takteng to
wahahaha
ikaw ang magulo haha
bakit best
hindi na  ba cute now?

sino?

bwahahaha
yun crush mo
takte ka wahahah
ikaw na!

ahhh
oo cute siya dati

haha eh yung aso ko cute pa rin ba?
haha

oo namn

sabi ko nga picturan mo tapos tag mo saken
tignan mo status ko wahaha

adik ka hahaha
tanggalin mo yan
hahaha

hahaha

natatawa tuloy ako..ang gulo mo kasing kausap aso pala sinasabi mo

12:46pm
ayan tinanggal ko na wahaha
haha
kita mo ikaw ang magulo haha
o naintindihan mo rin lol

sino itatagged ko sayo heeheh
si maiko?
kumain kana
?
hatid ko muna si nat2 sa baba

yung aso nga i tag mo saken hindi si maiko soska, ikaw na nga ang kumain baka gutom lang yan…
Basta sa kalutangan yung bestfriend ko WAGAS…
Hmmm kaya naisip ko ang ipapangalan ko nalang kaya sa baby dog ko ay maiko para di na kami malito ni best soska!
P.S Auburn na lang kaya? kasi LSS ako lately sa song nya na All about him lagi ko kinakanta at napapasayaw kapag pinatutugtog ko…
Aurburn o Maiko?
Ikaw? Any suggestion?
Na unique name ng puppy?

A dog is the only thing on this earth that loves you more than he loves himself.

Josh Billings (Henry Wheeler Shaw)

Advertisements
19
Aug
11

Lambing went to manila ♥ part 1(bus love story epek)

Hindi ko perstaym lumuwas ng manila, pero nung isang linggo nag decide ako mag leave at magpakasaya. Nag paalam ako sa boss ko kung papayagan ba akong mawala ng tatlong araw sabay bale…. and once again napasagot ko ang pinaka mabait kong boss ( empre mabait pinayagan ako kaya thankful ako.)

Ayun lagi naman ako sumasakay sa 10 wheeler truck sumasabay ako dun para malibre ang pamasahe ko sya pang matitipid ko dun sa pamasahe diba diba? Oo na ako na ang cowboy este cowgirl pala babae ako eh.. ayun kaya kahit puro pahinante kasama ko sa truck wa ako care para paraan lang yan kung paano makakatulog. ( ang 10 wheeler truck pala ay ginagamit ng company namin panghakot ng biscuit sa manila ayun) eto yun…pero mas malaki pa dyan

Dahil hindi naman work related  ang pinunta ko dun kundi mag lagalag lang syempre mag kaiba ng way truck na sinakyan ko at pupuntahan ko kaya binaba ako sa bulacan. Medyo nag aalala ako kasi last time na luwas ko sa manila nun december … flashed back muna tayo….

punuan ang bus papuntang cubao at nakatayo ako wala manlang gentleman na nag paupo saken, sa balintawak nako nakaupo noon halos napaka dami ko pang dala ang travelling bag kong pang 3 araw lang pero parang pang isang buwan ang laman ( ayaw ko kasi magdala ng kaunti na damit gusto ko di ako mauubusan ayun) bitbit ko rin sa kaliwang kamay ko  ang san ka tutak na superstix at chocomucho pasalubong sa mga kids.. hawak hawak ko lahat yun shocks nawala ang lambing  poised ko.

Balik tayo sa kasalukuyan toinks! Nag aalala ako  baka maulit uli yun, pag baba ko ng truck may nakita akong girl at boy nag aabang din ng masasakyan, di ko alam kung mag ano sila . Nakasakay na ang girl sa jeep naiwan si boy.. tapos si lambing nasa likod.. medyo nag aalangan ako mag tanong kase maputi , matangkad at wafu ang boy.. baka kasi suplado mga taga syudad at di pansinin ang probinsayanang lambing.

Pero kiber kailangan ko mag tanong baka maligaw ako.. sabi ko..

” eksmyuskee.. joke lang empre excuse me with pa cute face ahehe…

may dumadaan pa bang Baliuag bus  pa cubao ng ganitong oras? ( past 9 na so medyo tanghali na baka kasi punuan nanaman)

wafu boy : Meron pa naman.. kaso punuan na swerte mo kung makakaupo ka. . “

(sabi ko na nga ba sabi ko sa isip ko.. )

Wafu boy : Ayan may bus na…

Kaso lumampas kaya di ako sumakay…

Wafu boy:  Gusto mo sumakay ka saken este sumabay ka nalang saken pa cubao rin ako 🙂 (di kasali yun sumabay ahe sumakay pala wahehehe nangungulit lang 😆 )

( oo naka smile sya saken kaya may smiley ) Ayun medyo di ako nabahala dahil sabay daw kami weeeeee… Dumating ang bus ..

Wafu boy : ayan may bus na lika na! ( sabay kinuha yung malaking traveling bag ko at sa akin ay ang isang bag na may tatlong kilong pansit cabagan at biscuit na pasalubong ko sa bestfriend kong demanding.)

Na touched naman si lambing kasi sa panahon ngayon bihira nalang na may makasabay na gwapo na gentle man pa. Ayun buhat nya bag ko ako pa pinauna sumakay at blessing kasi nakaupo kami pareho di nga lang kami mag katabi.. dun sya sa likod ako malapit sa harap pag lingon ko nakatingin sya sabay sabi ko ” thank you 🙂 😳  . ( empre may smiley nanaman dahil naka smile talaga ako ahek).

So ayun nauna sya bumaba saken di ko namalayan.. pero ang swerte ng gf nun kasi di nya kakilala tinutulungan nya pano pa kaya kapag gf na nya diba? Ayun bibigyan ko 98 pogi points si wafu boy.. bakit 98? empre di ko naman naging biep eh 😆

Anyone can be heroic from time to time, but a gentleman is something you have to be all the time.
                                                                                              –    Luigi Pirandello –

18
Nov
10

ate ^_^

Lumaki na akong walang ate, meron akong kuya pero madalas kami mag away noon. Malambing ako sa mga mas matanda sa aking babae.. lagi akong malambing kasi nga naman di ako nakaranas magkaroon ng  ate.

Gusto ko kasi yung bini beybi ako.. yung iba ayaw pero ako gustong gusto ko. At saka gusto ko tumawag ng ate kasi para bata akong tignan haha.  Mahilig akong yumakap lalo na kapag napalapit sa akin iyon tao. I get easilly attached at eto ako meron nanaman akong nakilalang ate sa internats..

Sabi nya noon blog fan daw ko daw sya   akala ko ka age ko o mas bata saken kasi twing may nag eemail  kasi saken usually nanghihingi ng advice  kung paano ba move on 😆 takte na yan parang alam na alam nila na hexpert nako sa pag momove on na yan 😆 mabalik tayo sa  bagong ate ko.. natutuwa ako sa kanya kasi merong  mga bagay na magpareho kami tulad ng kagandahan haha at marami pang iba haha nanaman ayun loko lang madaldal sya at masarap kakwentuhan naaaliw ako sa kanya..may mga bagay akong natutunan sa kanya at magaan ang loob ko sa kanya, kasi totoo syang tao walang arte kahit maganda at seksi.. eka ang haba ng intro ko haha gusto ko lang i post dito yun mga designs nya kasi natutuwa ako mahilig kasi ako sa aso yung cute ha? Sa pula at sa puso share ko lang yung mga pix ^_^

 

 

 

 

 

Napag usapan namin sabi ko gusto ko na magka anak kahit walang asawa ang sabi nya sige raw haha pero nung nakita ko yun pix ng mga aso ganito ka cute sabi ko ayaw ko na pala magka anak mag aalaga nalang ako ng aso.. ang sabi nya mas magastos pa daw ang aso kaysa sa anak.. kaya nag bago ulet isip ko gusto ko na pala uli magka anak 😆

15
Sep
10

hapontukin

“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?” – Bob Ong-

Wala itong kinalaman sa buhay pag-ibig ko hehehe. Noong kabataan ko madalas akong pinagagalitan ng nanay ko at kinukurot sa singit kapag ayaw ko matulog ng tanghali. E sa hindi nga ako inaantok eh? Kahit nandun lang ako sa kama nakahiga tulog na nanay ko pero yung mata ko bilog na bilog pa rin, kapag titignan nya ako nag  kukunwaring nahihimbing ako.

Gusto kong ibalik yun panahon na nakakatulog ako ng tanghali. Kasi ngayon wala na akong panahon na matulog. Masubsob ka ba naman sa trabaho. Ewan ko ba kahit nakakatulog naman ako ng maayos kapag gabi pero pag dating ng umaga inaantok pa din ako kahit tanghali.. Du ma damoves nanaman ako ng instant teknik para di makatulog sa opisina.

  1. iinuman ko ng kape para magising ang kalamnan ko pero lalo akong inaantok
  2. minsan nagtatatalon ako para magising ang dugo.. sandali lang aantukin nanaman ako
  3. Iinuman ko ng cobra energy drink.. pero wala pa rin..
  4. Minsan nag papakurot ako sa katabi ko pero ayaw ko sanayin magpakurot baka maging dalmatian ako at mapuno ng pasa sa braso..
  5. Tinatapik tapik ko ang pisngi ko..
  6. Nagpapatugtug ako ng malakas.

Gustong gusto ko matulog ngayon siguro dahil sa pag tulog lang natatahimik ang isip ko, ang puso ko lahat lahat … pero minsan nga kahit tulog yung isip ko layo pa rin ng nilalakbay.. medyo nakakapagod.. lagi akong pagod. Ano kaya ang sakit ko? Madikit lang ako sa unan tulog ako.

Kaya naisip kong pagbigyan ang sarili kong matulog ng breaktime, umuwi ako ng bahay para matulog sandali kasi nakaka boost daw ng energy kapag umiidlip kahit sandali. Kaya heto binuksan ko ang electricfan at pinindot ang number 3 humiga sa malambot na unan ko.. SARAP!  umiikot na ang paningin ko hikab dyan hikap dito.. wala na ko makita nakapikit na ako .. hay sarap ..parang nanaginip na ako bigla tumunog  yung cell ko na may  message tone na ” rah rah rah ah ah ruma ra ah ah.. want your bad romance princess version” may nag text! sabi..

” sis! anong ibig sabihin ng panaginip ko? Napanaginipan ko jowa ko deni deny daw nia ako hindi nya daw ako kilala.. tapos tumaba sya at gumwapo sya.. ano sa tingin mo?

Anak ng pitong pung tupa! sumagot ako..

” aba malay ko? Siguro iniisip mo sya.. pero may tanong ako sayo  ano naman tawag mo  sa babaeng antok na antok na  at makukuha na nya tulog nia  andun na ohhh makakatulog na tapos makaka receive ng napaka importanteng tanong mo. NABITIN! 


18
Aug
10

6’7

Gabi inaaya ako ng kaibigan ko mag punta ng Baguio para sa isang mahalagang bagay, namatay daw yun cousin nya. Dahil wala akong budget at may work ako hindi ko sya pinaunlakan sabi ko next time nalang. Madaling araw may tumatawag sa cp ko sabi ” sis sige na samahan mo nako wala kong kasama masama pakiramdam ni mama at may sakit ang pamangkin ko wag ka mag alala ako na lahat bahala sa pamasahe sunduin kita  mamaya.”

Anak ng pitong gatang

  • ni hindi pa ako nakakapaghilamos,
  • nakakapag paalam sa boss ko,
  • ang gamit ko wala pang naayos ano dadalhin ko?
  • Anong outfit ko?????
  • uminom pa ako ng biguerlai kagabi paano kung abutin ako sa daan nun?
  • last day ng queen seon deok di ko mapapanuod si bidam my labs

Nakaka stress yung kaibigan ko. Madali’t sabi nag paalam ako sa boss ko pumayag naman na mag leave ako ng 3 days . Ang kaso lang eto dami ko pa naiwan na trabaho sa office, buti nalang mabait yun office mate ko at pumayag humalili sa ibang gawain ko.

Yes! makakapasyal ako, pero di ako nakapaghanda kung ano ano nalang ang inilagay ko sa bag ko isang jacket lang tapos sandal na manipis ang strap . Sabi nya mag rubber shoes nalang daw ako kaso di bagay yun rubber shoes ko sa skinny jeans ko wata na yan kaya tsinelas at sandal lang talaga ang baon ko. Alas dose alis na daw kami anu ba yan.

Halos 10 oras ang byahe 7 hours from isabela  to Urdaneta Panggasinan at 3 hours hanggang Baguio. Ordinary bus kasi nasakyan namin kaya medyo mainit pa tapos  medyo hindi maganda ang kulo ng tyan ko humihilab yata dahil sa  slimming tea na ininom ko.

Pag sakay namin ng urdaneta  aircon bus ang sinakyan namin sobrang ginaw naman. Brrrrrrrr gininaw ako sobrang lamig hindi ko alam kung saan ko isisiksik ang kamay ko  buti nalang medyo naaaliw  ako at may tv sa bus yihiii mapapanuod ko ang ending ng queen seon deok sabi ko sa isip ko medyo malayo layo pa naman ang Baguio, kaya tyaga tyagaan kong  pinanuod  lahat ng teleserye sa siete bago mag queen seon deok akalain mong isang teleserye nalang pinatay nung kundoktor yung tv 😥 its so amperrrrr.

Kinabukasan naglakad naman kami sa kahabaan ng session road napigtas naman  yung sandal ko anu ba yan so nilakad ko ang buong session road na pigtas yung isang strap ng sandal ko,  iika ika ako mag lakad sa kahabaan at ganong kataong lugar, buti nalang hindi ako kilala dun.. so nag hanap ako ng mga shoe store dapat mura lang kasi wa budget ang beauty ko punta kami sa ukay ukay pero mas mahal pa sa  brand new  kaya alis agad ang lambing sa ukay -ukayan.

ang daming tao sa session road

Nakakita ako ng footstep may SALE . May napili na ko sandal din mahal kasi ang rubber shoes eh kaya worth 170 yung napili ko.  Sabi ng friend ko eto oh black shoes  ang mura , yan nalang sis para pag uwi naten di kana ginawin 30 pesos lang naman eh. Nag isip ako medyo hindi ko trip yun design di ako sanay mag suot ng flat shoes 30 daw pero  mura nga .. so tinawag ko yun sales lady miss  etong 30 nalang wag na ito,  pengeng size 7 nito. Tinignan ako nun sales lady…

sales lady : ma’am eto pong 30 ? Okey lang po sa inyo?

Lambing : Oo yan nalang mura eh, saka napigtas lang kasi tong sandals ko kaya yan nalang .

Sales Lady : ( tumitingin pa din samin ng friend ko.) Okey lang po ba sa inyo kahit mag kaiba ang size? 6 at saka 7 konti lang naman po ang difference. 😆

6 & 7 halata ba?

Oo binili ko yung shoes una sa lahat mura care ko kung tawanan ako nun mga sales lady dun, pangalawa ayoko na ginawin pag uwi ko. 😆

19
Jul
10

be careful

Nakakalito minsan ang ang PAGASA sabi nila last week signal number 1 sa amin, halos wala man lang ulan at pagka init -init. Noong nag declare silang umalis na si basyang aba naman saka nag uulan dito, ano kaya yun?

Ayun kahapon pagkagising ko makulimlim, napakasarap matulog, pero naipangako ko sa sarili ko na magsisimba ako oo, kelangan ko bumangon at magsimba to bring back all the glory and praises to God sa pag iingat nya sa aming magkapatid, pag provide ng mga needs namin na nakakamangha kasi nakakasurvive kami sa kinikita ko.

Matagal ko na naiisip mag simba ang kaso nasisira ng kapatid ko ang araw ko palagi kaya nag pasya ako na wag na magsimba kapag nagsimula na ang toyo ko. Pero thankful ako walang panama ang pang aasar nya saken kahapon natuloy kami mag simba.

Balik tayo sa makulimlim na panahon, kapag ganito nag uulan may masarap na kainin.. MONGGO, BALATONG iisa lang naman yun eh haluan mo ng malunggay o talong, o bulaklak ng kalabasa o dahon ng ampalaya na may chicharon hay tapos may bagoong isda na sawsawan ng mga gulay nakooo solb na.  Pag pasensyahan nyo ko ganito ako kapag may gusto kainin…Sabi ko gusto ko ng monggo ang kaso mag sisimba kami walang nang time kasi ang tagal lutuin nun,  kaya nagtinapay nalang kami.

Pagka galing namin ng church nag invite ang tita ko na mag lunch kami sa kanila and you know what? Monggo ang ulam ^_^ ang saya saya dami ko nakain.. sabi ko ang lakas ko talaga kay Lord iniisip ko pa lang eh binigay na yun gusto ko.

Gabihan nag bible study kami sa isang kapatiran, doon na rin kami pinakain, and guess what kung anong pinaulam sa amin? Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘be careful’

14
May
10

kaka azar :(

Mabait at magalang ako sa mga matatanda. Hindi ko alam basta kapag mga senior citizen akong nakikilala  nilalambing ko sila kahit hindi ko kamag anak. Siguro na mimiss ko lang ang mga lolo at lola ko, na mimiss ko mag lambing sa kanila lahat kasi ng grandparents ko pumanaw na. Kaya every time na nakakakita ako ng oldies malapit talaga ang loob ko sa kanila.

Lately may nakilala ako, hindi naman gaanong katandaan pero balo na. Dahil si Lambing ay mabait sa matanda syempre kinakausap ko. Napapansin ko si lolo tingin ng tingin sa akin sa tuwing kumakanta ako sa videoke hmmm sabi ko sa sarili ko si lolo naaaliw saken . Nagkataon naman na pinasabay ako sa sasakyan nila lolo nun pauwi nako. Ayoko sanang tumabi dahil naiinis nako sa mga actions ni lolo. Nun tumabi nako sa sasakyan. Nakoooo panay ang himas sa buhok, ayos dyan ayos dito, saka hawak sa likuran ko,  ako naman alibadbad na alibadbad.. soska ayaw ko na sa kanya shonda shonda na eh.

Eto pa manliligaw daw sya saken .. huwat? tapos ayaw akong pababain sa sasakyan nya hanggat di ko daw sya sinasagot waaaaa… ang sabi ko sa kanya isang malakas na AYOKO PO!.

Anak ng.. hindi ko alam kung paano i treat sya nang tama.. ayoko mabastos sya kaso  ayoko rin naman na mabastos nya ako owver my dead body ..

Nakwento ko sa pinsan ko ..

Lambing:  “alam mo cuz yung si lolo hindi ko gusto tanda tanda na eh manyak pa.. biruin mo kinukulit ako pumili daw ako ng song at theme song namin..

Cuz ni Lambing: Hayaan mo na yun mga matanda na iyon hanggang dun nalang naman ang kaya non.

Lambing: Weh kahit kaka asar ang kulit theme song theme song pa

Cuz ni Lambing: Di sana pumili ka .. eka yun kanta ni black jack yung ” Lo! mabuti pa kayo ni lola” 😆

Lambing: Alam ko na! thesong pala ha…

Cuz ni Lambing: Sige ano?

Lambing: ” Hindi kita malilimutan” 😆

Cuz ni Lambing: Cuz may taning palang yun matanda pinapatay mo na 😆

Pag dating sa manliligaw hindi naman talaga ako choosy eh. Pero ewan ko ba talaga kung bakit bakit at bakit yun mga nagkakagusto saken eh out of this world waaaaaaa 😥




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 610,249 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Nobyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers