Archive for the 'work' Category

31
Jan
11

wet dream

Gawa siguro ng malamig na panahon kung bakit nitong mga huling araw tamad na tamad ako bumangon ng maaga. Alas 8 ang pasok ko nagigising ako ng 7:45 kamusta naman yun? Ayan lagi tuloy ako isang oras na late kung pumasok. Ang sarap naman kasi matulog nang  naka kumot at parang fetus kung matulog. Kaya tuloy hanggang sa panaginip ko natutulog ako.

Ang dalas ko managinip ngayon.. ang weird pa! Last time nanaginip ako na natutulog daw ako sa banyo nakalatag yung foam ko sa banyo at nakakulambo ako ng puti, sarap na sarap akong nakakumot akap akap yung malaking unan ko.. tapos yun hose sa banyo tumatagas ang tubig madalit sabi nabasa ako… biglang may…..

.

.

.

.

.

.

Kumakatok sa pintuan namin.. ala sais ng umaga.. At Lambing ! Ate Lambing! May naghahanap sayo kasama mo sa trabaho…  ang sakit ng ulo ko nagising ako ng wala sa oras ang aga pa .. opo maaga na saken yung ala sais ..

Lambing wala pa daw recibo yun market stall i dedeliver yun ngayon magmadali ka!

Urhhhhgggghh… ano gusto mo gawin ko pumunta agad ako ng opisina dipa ako nakakaligo.. Madali’t sabi bumangon ako…Pinuntahan ko yung banyong napanaginipan ko dumadaloy na nga yung tubig na malamig dun……….kahit parang ice yung lamig ng tubig  naligo agad ako dahil naghihintay yun boss ko saken..

Pag pasok ko salubong ang kilay ko..


Nakatingin sa akin lahat ng workmate ko nagtataka bakit ang aga ko.. lahat ng tignan ko yumuyuko pati si bossing ang bait 😆

Lokohin nyo na nila ang lasing huwag lang si Lambing na  bagong gising na naligo sa malamig na tubig!

Trivia Fact :

  1. Dreaming that you are sleeping indicates peace of mind.

  2. Being sleepy is just like being drunk! If you lose 2 hours of sleep, you can impair your performance equalling .05 blood-alcohol level

Advertisements
05
Jan
11

Now i know why i love chocolates

Kagabi pa ako di makatulog ng maayos, dami bumabagabag sa isip ko. Sinasamahan ko din ng dasal na huwag na maapektohan sa mga nangyayari saken ngayon. Okey naman ako physically pero emotionally medyo di maayos. Im trying to be brave to face my problem , kinalimutan ko na nga yung nararamdaman ko, halo halo kasi, galit, galit , galit.. ay teka bakit ba puro galit na type ko.. ewan ko ba.. ang hirap kasi intindihin nung bagay na nangyari saken.. parang akong binagsakan ng malaking depression..  ayoko na idetalye kasi bumabalik yun sakit..  Ayun i thought everything was ok untill i received a message.. ewan ko.. nakakapraning..

Gusto ko magkaroon ng temporary amnesia.. para kalimutan yun araw na yun.. araw  na akala ko magiging maayos ang lahat, araw na puno ng saya ang puso ko, lahat ng magagandang bagay inisip ko na mangayari sa araw na iyon..  hindi ko inisip ang pagod ko , hindi ko inisip yung isang araw na byahe ko,  hindi ko inisip na may sakit ako, hindi ko inisip yun araw na mawawala saken na hindi ako papasok sa trabaho ko, makasama ko lang sya.. makita lang kahit saglit lang..ang pagkakamali ko lang hindi ako naging handa sa magiging resulta kasi lahat tinignan ko positively… i break down…… hindi natuloy.. 😦

Umuwi ako blanko..  buti sana kung isang oras lang ang byahe ko kaso sampung oras ako nasa loob ng bus.. mainit… mahangin.. maalikabok hindi ko alintana yun gusto ko lang makauwi agad..Naguunahan yun mga luha ko kahit pigil na pigil akong umiiyak ayoko ko na kasi umiiyak, nakakapagod lang saka nakakahiya dun sa matandang katabi ko… Punong puno ng katanungan, naisip ko…. “masama ba akong tao?” .  humahanap ng magsasabi na ” tama na yan okey lang yan…”  may mga nagalit, may natuwa, may nanisi.. may mga yumakap …  naglasing ako, tinawagan lahat ng mga may gusto saken.. buti nalang walang pumatol nun araw na iyon.. feeling ko kasi ako yung pinakapangit na tao sa buong mundo…

Lumipas ang pasko , bagong taon.. i need to be ok.. i need to smile para sa ibang tao though my heart is aching.. Para kay papa ngumingiti ako, sa kapatid ko at sa mga kaibigan ko.  Nagpaganda ako.. nag adik sa plant vs. zombies, nagbabad sa trabaho…  ganon talaga yun i need to be ok.. hanggang sa akala ko ok na ako.. hindi pa pala..

Kaninang umaga nagdasal ako, tumawag sa kaibigan gusto ko maging okey.. Nagpaganda ulit ako,  nag facebook para malibang.. tapos yung kasama ko nagbigay saken ng Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Now i know why i love chocolates’

08
Sep
10

Over time

Kung trabaho ang pag uusapan, ako yung taong kung kinakailangan matapos ang trabaho kahit abutin ako ng madaling araw carry lang yan. Ganyan ko kamahal ang trabaho ganyan ako mag trabaho. Tatagal ba naman ako ng 4 na taon kung hindi ako matyaga. Dati inaabot ako ng madaling araw mag encode kasi nag iisa lang ako parang call centre lang wala pang over time pay yun. Pero narinig naman ni Lord ang panalangin ko nagkaroon ako ng kasama at binabayaran na rin ang sobrang oras ko same rate nga lang.

Oo na matyaga talaga ako eh. Hanggang sa nagkaroon na nga ako ng kasama ayun gumaan ang trabaho ko simula ng dumating si ofismate na maganda nakakapag update na ko ng blog at nakakapag facebook na rin. Halos nasanay na nga akong konti nalang ang ginagawa. Hanggang sa nagkasakit sya ay kailangan kong gawin pati ang trabaho nya… ayun toxic na toxic ako.

Na miss ko mag trabaho kasi yun utak ko parang gumagana na uli wala na akong panahon na mag isip ng lablayf kong zero at kung ano ano pa mabuti naman yun. Kapag nag babanat ka naman ng buto may kikitain ka kahit paano kaya sa isang banda gusto ko rin gabihin sa trabaho meaning extra pesoses yun. Kanina sabi ko mag papagabi ako para naman madagdagan ang sasahurin ko pero ang bilis ng karma gabing gabi na ako…. gusto ko ng gabi pero hindi gabing gabi.

Isa lang ang ayaw na ayaw ko pag nag o overtaym ako lalo na at gabing gabi na.. malapit nga lang opisina ko sa bahay pero bago ka makarating sa bahay may sang katerba kang asong madadaanan..Kapag gabi na maraming aso sa daan huhu..

Gusto ko ng aso.. lalo na yun mga maraming balahibo yung cute ! wag lang wild.. ayoko ng tinatahulan ako lalo na ng MARAMING ASO as in KUMPOL KUMPOL  parang mangga lang buti sana kung isa lang kaya ko pang diskartehan yan… madilim pa naman di mo alam kung nasan na yun aso itim pa naman yung iba.. lahat na ng teknik na tinuro saken naisip  kong gawin  kagabi..

  • kagatin  ko daw dila ko tyak hihinto sa pagtahol yun at dededmahin ka…
  • sabi hawakan ko daw yung ano ko hihinto yun aso.. ( hindi ko ginawa hiya ko eh 😳 baka may makakita pa saken )
  • takutin ko daw… ( paano kung takutin din ako)
  • kapag hahabulin daw ako habulin ko din daw ( di kaya mapagod ako nun?)
  • tignan ko daw sa mata ( makikipag eye to eye pa ko eh ang dami nun sino titignan ko aber? )

Natatakot na talaga akong malapa paano na ang iniingatan kong binti ? kagabi sobrang nakakarindi pa ang tahol mga hayup na yun oo mga  hayup nga sila  ! mga aso eh… wala pa naman akong dalang payong huhu… ginawa ko kumuha ako ng bato habang unti unting naglalakad kagat kagat ang dila ko,  kunwari hindi ko sila nakikita pero nanghihina na ako sa takot ayaw ko makagaaaattttt… tapos eto yun isa ang tigas ng ulo susugod pa sa likuran ko gusto ko syang wreslingin promise at durugin sa mukha nya yung hawak kong bato.. pero yun lang madami nga sila  eh..ayaw kong pagkumpulan ang beauty ko at gawing hapunan nila… kaya huminto ako nag text kunwari sabi ko sa kapatid ko sunduin ako.. ilang minuto nako dun walang dumating…  napagod ako sa kakatayo at sila rin sa kakatahol.. lakad nanaman hanggang sa nakarating ako sa bahay.

Yes!

Habang ginagawa ko itong entry na ito uuwi nanaman ako. Oo, gabi na nag iipon pa ako ng lakas ng loob umuwi… pag pray nyo ko wag makagat 😥

01
Sep
10

what’s on your mind?

Sabi nang facebook what’s on my mind daw. Ang dami daming pumapasok sa isip ko kaya dito ko nalang isusulat kulang yun space sa facebook ehehehe

  1. Masaya ako ngayon 🙂
  2. Kapag tinanong din ako ng what’s the biggest mistake you’ve done in your life and what did you do to make it right? tama ba? Sasagot din kaya ako ng major major?  Pero napaisip din ako dun, mahirap nga yun question hihi nxt question pls..
  3. Sana huwag i generalized ng mga chinese ang nagawang pagkakamali ng iisang pinoy lang.. nakakaawa ang mga naapektohan, sana maging maayos din ang lahat. Proud to be pinoy pa rin ako.
  4. Naisip kong para huwag akong masugatan ng bonggang bongga iiwasan ko nang dumaan sa maraming bubog.
  5. Kapag sinumpong ulit ako ng topak hindi ko na pag didiskitahan ang buhok ko ayaw ko nang mag pa bangs .. ang hirap mag tago ng bangs .
  6. Ang babaw ng mga taong dahil sa  pera lang tinatapos ang pagiging mag kamag anak .
  7. Sinita ko yun kapatid ko sa pagbabasa kasi yung should nya sinasama yung L sa pag basa , sabi ko silent L dapat.. Sagot ba naman ” bakit kasi kailangan pa isali sa spelling kung di rin pala isasali yung L sa bibigkasin” Napaisip ako .. oo nga naman  😆 hmmp pilosopo! sundin mo sinabi ko!
  8. May matandang lasing  akong nakilala sa pwesto ng kaibigan ko nasa abroad ang asawa professor sya.. sabi nya saken .. ” i like you” wala pa rin kupas ang appeal ko sa tanders 😆 sabay bigla sya kumanta ng ganito ” i love you because you understand. ” Laging bukang bibig nya yun kantang yun.. naisip ko tuloy basta  maunawain minamahal.
  9. May mga araw talaga na akala mo nakalimutan mo na yun sakit. . pero pag may nagpaalala sayo andun pa rin yun kalungkutan.. namimiss ko si mama.
  10. Gusto kong magpapayat pero di ko maumpisahan tsk!
  11. Ano kayang  magandang pagkakitaan ? Sideline ba habang may trabaho?
  12. Kailan kaya darating yun prince charming ko? toinks!

WHAT’S ON YOUR MIND?

23
Aug
10

ang panyo kong nawawala

Gaano ba kahalaga ang panyo saken? Sobrang mahalaga.. hindi yata ako  makaalis ng bahay nang walang dalang panyo. Kahit madalas pag uwi ko wala na akong dalang panyo gusto ko pa rin magdala nito.  Bakit mahalaga?

  • Pamunas ng pawis
  • Pamunas sa labi kapag uminom
  • gusto lang ng kamay ko lagi may hawak syang panyo
  • panangga kapag inuubo
  • Pang pantay ng make up kapag may sobra.. punas dyan punas dito
  • Pamunas ng uhog kapag sinisipon
  • Pamunas ng luha…

At sa katulad kong iyakin mahalaga talaga ang panyo kasi kapag nararamdaman ko nang malapit na tumulo ang luha ko,  ang aking panyo ay laging to the rescue para di na pumatak pa ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.

Kanina.. nagbabadya nanaman ang luha ko, di ko mahanap ang panyo ko.. mahahalata ni ofismeyt na umiiyak ako, ayaw ko pa naman may nakakakita saken na naluha ako.. sisinghot singhot ako.. hanap pa rin sa panyo ko.. alam ko talaga nagdala ako eh.. nabasa na tuloy yun damit ko sa katutulo ng luha.. pag lingon ko sa likod ko andun pala ang mahiwagang panyo..

Lambing : ayun pala yun panyo oh.. hayss sinisipon nako eh..

Officemate: Ang taas naman ng sipon mo.. sa mata pinupunas 😆

27
Jul
10

test mike one two one two

Namimiss ko kumanta. Hindi naman kagandahan ang boses ko pero namimiss ko lang  talaga humawak ng mic at kumanta ng bonggang bongga. Oo alam ko medyo nag uulan na ngayon kaya mahirap sumabay sa panahon baka ma pag bintangan pa akong may kasalanan bakit naulan.

Pero sabi ng iba kapag kumakanta ka daw at biglang naulan maganda daw ang boses mo kasi kahit kalikasan umaayon sa nararamdaman mo hmmmm me ganon??? at bigla ko daw na miss si MR. FU,  bigla ko rin na miss na may kumakanta saken sa kabilang linya.. dami ko namimiss hahay..

Hindi kasi ako nakukuntentong kumanta dito lang sa office habang nag eencode.. naisip ko baka nag sasawa na yun katabi ko sa kakakanta ko 😆 Nakakasawa rin kasi sumabay nalang sa music gusto ko sarili kong version yun kinakanta ko toinks! Ayan tuloy nahuhuli ako ng boss kong kumakanta, feel na feel ko pa naman yun officially missing you kantahin nasa likod ko na pala ang kalbo aheks shocks dyahe 😳

Para kasing maganda ang boses ko ngayon eh..

Bakit kaya sa tuwing sinisipon ako maganda ang boses ko?

O baka  naman nabibingi lang ako dahil sinisipon nga ako kaya maganda ang pandinig ko? 😆

Ano sa tingin mo? Gumaganda rin ba boses mo pag sinisipon?

“Music is the greatest communication in the world. Even if people don’t understand the language that you’re singing in, they still know good music when they hear it.”

15
Feb
10

Movie marathon

Swerte ko daw kasi valentines day natapat ang day-off ko so ano ba ginawa ko? Bisperas pa lang ng araw ng mga puso bumili ako ng isang pirated dvd na puro love stories. Oweno naman ngayon kung pirated eh mura saka malinaw pa sa halagang 60 pesos makakapanuod na ako ng ilang pelikula, saka wala akong pera kaya yun! 😆

Gusto ko lang i -enjoy yun day off ko.

  • nanuod muna ng tv MMK ang ganda nya promise.
  • pinanuod ko yung PBB , panalo si MELAI OWVER oh yeah. Congrats
  • Movie marathon hanggang 3:30 am

Mga napanuod ko syempre about love. Huwag na kayo komontra may pagka masokista ako. Kahit walang lablyf nanunuod pa din ako ng mga ganyang movie kasi sarap kiligin, hindi ko naman makukuha yun kilig factor na yun kung sa pag ihi lang kaya pinanuod ko sila.

  1. The proposal maganda daw sabi nung isang friend ko at sabi din ni joyo maganda talaga. Maganda nga nakakatawa parang addict si Sandra Bullock one of may favorite hollywood actress. At uulitin ko pa uli yan kapag may day off ulet ako
  2. He’s Just not that into you.
  3. Confessions of a shopaholic.

Lahat nang movie merong mga lessons. Pero ito yung movie na napa isip ako

Bride wars

Sometimes you really can find that one person who will stand by you no matter what. Maybe you will find it in a spouse and celebrate it with your dream wedding. But there’s also the chance that the one person you can count on for a lifetime, the one person who knows you sometimes better than you know yourself is the same person who’s been standing beside you all along.

Habang nanunuod ako kumakain ako nito

Kinulang yun oras ko. Minsan masarap din mag pahinga at mag enjoy kapag sobrang subsob ka sa trabaho.




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 610,249 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Nobyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers