Archive Page 2

31
Jan
14

ano kaya?

kung sasabihin ko kaya yung nararamdaman ko

may magbabago kaya?

                                                                                     O itatago ko nalang gaya ng nakasanayan ..

Advertisements
03
Sep
13

Madaling tanong na mahirap sagutin

May nagtanong saken… Happy ka ba?

 

Its so easy to answer, pero napaisip ako dun ha? I should be happy, because happiness is a choice. Pero habang dina digest ko yung tanong nya parang may kumurot sa puso ko. Everything is going well. I left my job , im with my family, i have a new career pero parang may kulang. Pero naisip ko nag iinarte lang ako siguro. Marami ngang mas malaki pa ang problema sa akin yun iba nga nagkakaroon pa ng anxiety attack kakaiwas sa tanong sino ang mastermind talaga ng pork barrel scam na yan., ako simple lang problema ko napapraning lang ako.

Kapag mga ganitong panahon talaga nakakasad lang. Siguro may namimiss lang ako. Pero ano pa man ang mangyari sa akin alam kong everything will be okay kasi God holds my future and he knows what’s best for me. Di ga? Kaya mag pi pray nalang ako baka kulang lang ako sa dalangin 🙂

 

ikaw ? Happy ka ba?

 

30
Jul
13

Paano nga ba?

Minsan may nagtanong sa akin kung paano mo daw malalaman na mahal mo ang isang tao?

Paano nga ba?

Parang pag inom ko ng kape, alam kong may side effect ito pero mas pinipili ko pa rin inumin ito dahil iyon ang nakakapag pasaya sa akin. Kahit ilang beses kang bawalan ng mga nakapaligid sa iyo mas pipiliin mong maranasan iyong effect na naidudulot sa iyo. Iyong pakiramdam na kada iinumin may pakiramdam na nasasatisfy sa pagkatao mo. Ang lalim no? Hayaan mo na.

Katulad nang pagkahilig ko sa pula,  maraming choices pero sa kulay pula ako mas masaya, mas kumportable, mas na e-excite, mas gumaganda ang araw.

Katulad ng pagkahilig ko sa kanta.. kahit paulit paulit mong pakinggan hindi ka nagsasawa.

Katulad ng pagsusulat, maraming beses kang hihinto, pero babalik at babalik ka pa rin para makapagsulat tulad ngayon.

At higit sa lahat nararamdaman mo.

You feel it.. inulit ko lang para humaba ahek..  Kapag willing kang magsakripisyo ng isang bagay para sa kasiyahan ng isang tao, iyong tipong lahat ng prinsipyo mo nababali dahil lang ayaw mo mawala ang isang tao. Bakit? Dahil nagmamahal ka dahil mahal mo sya. Gusto mo syang protektahan sa lahat ng bagay na pwedeng makasakit sa kanya.

Kapag may kumukurot sa puso tuwing may magbabanta na anytime pwede sya mawala sa iyo, iyong pakiramdam na natatakot kang mawala sya.

Kapag naririnig mo ang boses ng taong iyon nakakapag kumpleto na ng iyong araw, isang text , isang call o kahit magbabad pa kayong mag usap , iyon nalang ang hinihintay mo sa araw araw.

Hindi ka natatakot buksan ang puso mo sa kanya , sabihin lahat ng nararamdaman mo kase alam mo na mahal ka rin nya. Hindi ka natatakot ipakita kung sino ka talaga bubuksan mo ang buong pagkatao mo para sa kanya .

Kapag hindi ka natatakot na sabihin mong mahal mo sya, kahit ano man ang isasagot sa iyo.

Inlove ba ako? Lipas na ako sa mga pa tweetums na iyan. Nag mature na nga siguro ako.. hindi na ako nag babase sa kilig feeling, mas iniisip ko na ngayon iyon kapakanan isang tao. Masasabi kong nagmamahal ako kapag mas pinili kong intindihin sya , ang sitwasyon nya kaysa mga gusto kong mangyari.. higit sa lahat iyong kahit masakit aminin sa sarili kayang kong magparaya ng isang tao gaya ng nakasanayan ko, kung alam ko saan sya mas magiging masaya o ano ang mas ikakabuti nya.

At kaya ko rin ipaglaban ang isang bagay kung alam kong may patutunguhan, kakayaning maghintay. Kakayaning bumitaw kapag kinakailangan.

You can’t stop loving or wanting to love because when its right it’s the best thing in the world. When you’re in a relationship and its good, even if nothing else in your life is right, you feel like your whole world is complete.

Keith Sweat

IKAW? PAANO MO BA MALALAMAN?
03
Jun
13

“Wag Ka Nang Umiyak”

Wag ka nang umiyak, sa mundong pabago-bago
pag-ibig ko ay totoo
ako ang iyong bangka, kung magalit man
ang alon, ng panahon, sabay tayong aahon

[chorus]
Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin
Di kita bibitawan

Wag kang umiyak, mahaba man ang araw
uuwi ka sa yakap ko
wag mo nang damdamin kung wala ako sayong tabi
iiwan kong puso ko sa yo
at kung pakiramdam mo’y wala ka nang kakampi
isipin mo ako dahil puso’t isip ko’y
nasa yong tabi

[repeat chorus]

…di kita pababayaan

Kapit ka, kumapit ka
(para sa buhay ng buhay ko)

27
May
13

choice

no one falls in love by choice, it is by chance. no one  stays in love by chance, it is by work.  and no one falls out of love by chance, it is by choice.

choice

Sabi nila falling inlove is by chance, falling out of love is by choice. Ansabe?? Ang sarap ng feeling na pareho nyong mahal ang isa’t isa. Wala na sigurong sasarap pa sa pakiramdam na gigising ka tuwing umaga na alam mo anu’t anu pa man may taong nagmamahal sa iyo.

Ang sarap sa pakiramdam kapag may isang tao na nagparamdam sa iyo na sa lahat ng kakulangan mo buo pa rin ang tingin sa iyo, iyong taong nagapapaganda ng paligid mo at nagsasabing ikaw ang pinaka maganda para sa kanya. Kung baga sa lahat ng kakulangan mo para sa kanya ikaw ay perfect isang mamahaling bato. Isang pakiramdam na napakahirap pakawalan.

Bakit kasi ang gulo ng earth. Hindi ba pwedeng mahal nyo nalang ang isa’t isa okey na iyun? Sapat na.. happy ending na. Pero kung bakit masaya na kayo ang dami pang sumisingit.. nakakabaliw, nakakatimang, nakakawala ng katinuan sa isip .. nakaka lurkey!

Masarap magmahal.. nakakabago ng pananaw sa mundo, nakakabago ng buhay, nakakapag paganda, nakakabata.

Maraming beses na akong nadapa. May mga dumampot at pinagpag ako pero sa huli ay bibitiwan din dahil may mas pinili silang pulutin kaysa sa akin. Lagi nalang ganun, pero lagi kong dasal na sana… sana may dumating na ako naman ang pipiliin ako yung  choice…

God knows who belong in your life and who doesn’t..

TRUST AND LET GO..

Who ever is meant to be there.. will still be there..

29
Apr
13

yes ♥

Sa isang iglap..

Pagkatapos ng ulan..

May isang darating na magbabago sa lahat ng nararamdaman mo

Pangakong di ka sasaktan

Di ka pababayaan..

Inihain ang pagtatangi..

Sinong makakatanggi?

Kapag naramdamdaman ang sinseridad..

Natatakot

oo palagi naman eh..

Pero paano ko malalaman kung padadaig ako sa takot?

Isa lang ang hihilingin ko.. sana

14
Feb
13

Yun oh!

Feb-ibig  na pala, araw ng mga puso , hindi ko namalayan araw nanaman pala ni kupido, araw mo at araw ko kasi lahat tayo may puso, pusong bato ka man o pusong manhid o kaya naman pusong mamon para sa atin ang araw na ito.

Gumaganon ?

Ayaw ko sana magsulat gaya ng nakasanayan pero parang may nagtutulak saken sige lambing magsulat ka sige na sige na.. At dahil madalas ako makining sa bumubulong saken ayan nagsusulat na . Ewan ko kung san patutungo itong pag tipak sa keyboard ang alam ko lang gusto ko lang umepal ngayon.

Hindi pa rin ako bitter mahal ko pa rin ang pula , ang puso lalo na flowers at sokoleyts. Alam ko namang darating din yun panahon ko na may ngiti sa labi ng matamis.. oo na hopeless romantic na kung hopeless romantic.. aminin mo gusto mo rin itow.. diba diba?  Pasasaan ba at darating din ang Coco Martin ng buhay ko at sa huli masasabi kong YUN OH!

Dadaanin ko na nga lang kayo sa pick up lines hihi ^_^

  1. Ikaw ba si Auntie? Ang tinitibok ng puso ko? Ay mali.. si UNCLE pla UNclelangan ng buhay ko.. boom!!
  2. SEMENTO ka ba? kaSEMENTO be tayo eh
  3. Para kang piso at isang daan ako.Kasi hindi ako mabubuo kung wala ka 🙂
  4. “Inii-SMALL ka ba nila?
    Don’t worry, inii-BIG naman kita!”
  5. Chuckie ka ba or Moo?

    Ah, basta. Kahit ano ka pa, gusto ko CHUKIEn lang ang puso MOO :))

  6. Alam mo ba kung bakit mahilig ako sa love story? Kasi pakiramdam ko tayong dalawa ‘yung bida.
  7. Anong panulat ba gamit mo? At hindi kita mabura sa isip ko.
  8. “alam mo para kang ubo, lakas kasi ng cough-pit mo sa puso ko. :”>”
  9. Ang lampa mo naman! Tatawid ka na nga lang sa isip ko, nahulog ka pa sa puso ko.
  10. Alam mo ang pinakamasarap na Kape?? Ang KAPE-ling ka :”>
  11. Mabilis ka siguro sa mga puzzles noh? Kasi kakasimula pa lang ng araw ko binubuo mo na.
  12. Calculator ka ba?

    kasi sa twing kasama kita, SOLVE na ako.

  13. Nestea ka ba?

    kasi pag kasama kita… BOTTOMLESS ANG SAYA!

  14. Ang pag ibig ko sayo ay parang bilbil.. kasi pilit ko mang itago halata pa rin! boom! ^_^
    bakit 14 lang eh kasi 14 ngayon boom! ewan ko saken.. happy hearts day to all banatan naman nyo ko ng pick up lines dyan para matuwa naman ako :))Happiness is a choice you can be happy with or without someone by your side ang importante marunong kang magmahal.. YUN OH! ;)sa mga gusto pang magbasa ng tungkol sa araw ng mga puso eto oh…

    ano ba bukas ?

    puso

    lab is in da air

    enjoy!

    1014-little-cupid-

 

 


 

 




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,496 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers