Posts Tagged ‘break ups

22
May
11

art of letting go ( di ko kayang tanggapin)

Di ko kayang tanggapin
Na mawawala ka na sa akin
Napakasakit na marinig
Na ayaw mo na sa akin

Hapdi at kirot
Ang dulot sa ‘king damdamin
Di ko kayang mabuhay sa mundo
Kung mawawala ka sa piling ko

I.

Kahapon lamang ay kaysarap
Ng ating pagmamahalan
Ang sabi mo pa, pag-ibig mo’y walang hanggan
Kahapon lamang tayo ay nagsusumpaan

II.

Ang sabi mo pa, ako’y di mo iiwan
Ngunit bakit ngayo’y nagtatapat
Na mayroong ibang mahal
At sinabi mo pa na mas mahal mo siya
Kaysa sa akin

Nagdurugo ang puso ko dahil sa sinabi mo
Nais kong magmakaawa sa ‘yo
Suyuin ka, pilitin ka
Na ako’y muling mahalin…

toinks! toinks!

Medyo may kakornihan ang lyrics.. pero kung nanamnamin mo ang bawat salita.. masakit nga , lalo sa mga taong nakakaranas o nakaranas ng kabiguan sa pag ibig mahirap talaga tanggapin. Sasabihin ko nanaman ulit ito na walang sinoman ang pwedeng humusga sa nararamdaman mo kasi hindi sila ang nakakaranas ng sakit na yun. Sila na ang lumugar sa katayuan mo.. yung feeling na ang sakit sakit… kahit saan ka bumaling laging parang may kumukurot sa puso mo. Huwag mong sabihing umaarte lang dahil kung may choice sila , hindi nya pipiliin maramdaman yun impyernong pakiramdam na paulit-ulit nalang nagsusumiksik sa sistema nila. Iyong iba mag sasabi ang O A naman nyan!!! Try to put yourself in her/his shoes.. baka sakali lang maramdaman mo at maunawaan ang pinag daraanan nya.

Hindi madali, dahil kung madali lang kalimutan ang lahat at lunukin ang katotohanan di sana hindi ka na maya maya naglalabas ng likido sa mata tuwing tatamaan ka ng kirot na iyon. Naiintindihan ko rin yun pakiramdam na gusto mo nang maglaho sa mundo kapag ganon yung shet na pakiramdam na iyun… pero hindi dapat ganon.. dapat labanan mo ang emosyon mo.

Lahat daw ng bagay sa mundo pwedeng maglaho, lahat may katapusan, lahat hindi pwedeng magtagal , walang forever. Syempre nasasayangan ka kung ikaw yun tipo ng tao na mapagpahalaga, lahat ng bagay na ipinaramdam sayo eh pinasasalamatan mo at pinahahalagahan at in return gusto mo ibalik yun favor na iyon sa kanya o mas higit pa dahil …. sinasabi ng puso mo na..

Ikaw ang dahilan kung bakit pagkatapos ko masaktan noon eto ka nagpapangiti saken..

Ikaw ang dahilan bakit nagtitiwala ako ulit pagkatapos ng kabiguan ko…

Ikaw ang dahilan bakit iyong puso ko na dati basag na basag ikaw ang bumubuo unti unti..

Ikaw ang dahilan sa bawat kinang ng mata at tamis ng ngiti sa aking labi..

Ikaw ang dahilan sa bawat kanta ko..

Ikaw ang dahilan sa bawat pag bangon ko..

IKAW ANG DAHILAN KO ♥♥♥


Tapos biglang may magbabago… hindi ka na kayang mahalin, o kaya naman nag taksil sayo, o talagang hindi pwede.. WASAK! bakit mo pa ipinaramdam saken lahat ng ito kung lahat ay magbabago rin?

Sige sumigaw ka, sabayan mo iyong rock music na tumutugtog kasi umay na umay ka na sa mga love songs na pinapatugtog sa radyo na lahat ay parang patama sayo.. ” how do i live without you” ” how am i supposed to live without you” ” Paalam na” ” Iloveyou Goodbye” habang hawak hawak ang isang bote ng redhorse na malamig na malamig tapos nag iisa kang naglalaklak o bakit o bakit! Napaka miserable ano???

Iyon iba tapang tapangan mode.. Hindi lang sya ang babae/ lalaki sa mundo ano??? I deserve someone better! Mukha mo! Hindi ka naman kagandahan/ kagwapuhan anong karapatan mong i reject / lokohin ako ng ganito nalang anooooo??? Pero kapag nag iisa nalang yan tataob rin yan.. Minsan ayaw tanggapin ang pagkatalo dahil sa PRIDE. Pero itong tipo ng mga tao na ito ang pinaka kawawa  kasi hindi pinapakita yun tunay na nararamdaman.. ayaw aminin sa sarili , iyung nagkikimkim maya maya bigla nalang iyan sasabog na parang bulkan at hindi mo kaya pang kontrolin ito kapag umabot ka na sa hangganan mo.

Sasabihin mo… ” Sa tingin nyo madali lang ba ang pinag daraanan ko??? ” I HATE YOU! ” ” I HATE THIS CRAZY FEELING” ” I HATE MYSELF FOR FEELING THIS WAY!” ” I HATE THAT I LOVE YOU”  ” YOU LIAR!” Pero bakit MAHAL pa rin kita 😦

Hindi ako magkakaganito kung hindi kita mahal! Mahal lang kita kaya ako nagkakaganito kasi totoo ako , totoo ako.. ( buntong hininga…)

  • Hindi naman lahat ng gusto mo pwedeng mangyari diba?
  • Hindi rin lahat ng tao pwedeng maintindihan yang pinagdaraanan mo, iyun iba dadamayan ka lang , makikinig, pero pagkatapos nun ikaw pa rin ang makakatulong sa sarili mo. Kahit sundin mo lahat ng 3 entry ko kung paano ba mag move on ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo, hindi si YOU..
  • Hanggang kailan mo titiisin ang SAKIT na iyan? Sakit sya literally kasi hindi na healthy lagi kang
  1. malungkot
  2. lagi kang umiiyak
  3. lagi ka nagseselos
  4. lagi kang parang kawawa
  5. lagi kang bitter..

Lahat ng bagay may dead line..

TAHAN NA…

HUSH….

HE/SHE MAYBE THE BEST THING THAT EVER HAPPENED TO YOU… may mga bagay talaga na hindi nagtatagal..Iyon ang dapat mong isipin , iyon ang dapat mong tanggapin, huwag ka nang mag matigas , mahirap tumanggap sa kabiguan lalo na at binuhos mo lahat lahat sa kanya pero wala pa rin … Siguro may mas magandang ibibigay si Bosing sayo.. iyong hindi ka sasaktan iyon kapares mo talaga… iyong mas sasaya ka pang hawakan mo iyon..  Kung sa tingin mo parang hindi mo kaya… kailangan mo ipanalangin iyon na bigyan ka ng kapayapaan , katahimikan ng puso mong nasasaktan.. ” Lord ang sakit sakit naman! ” Hindi ko na kaya… itinataas ko na sa iyo lahat ng nararamdaman ko… soon your worries, pain  and fears will disappear because only GOD CAN HEAL THE BROKEN  HEARTED. Surrender it.

How good it is to give thanks unto the Lord

How good is to give thanks unto God..

OH HE HEALS THE BROKEN HEARTED BINDING UP THEIR WOUNDS..

It is good to bless HIS HOLY NAME .

Learn to give up if you think that you already did your part. Goodbye is not really an end, but a beginning of a love you deserve to have.

05
May
10

PAANO NGA BA MAG MOVE-ON ULI? PART III ( not again … )

Akala ko noon naranasan ko na yun pinakamasakit sa pakikipag relasyon… dami ko na na-experience na pain pero kanya kanya palang level ang sakit ano.. merong mild , meron naman super strong parang kape lang. Ang dami ko nang nasulat about moving on, at ang dami din nagsusulat tungkol dyan pero ewan ko ba bakit kapag moving on stage na dyan nagkakatalo talo.

Ang tao kasi prone sa sakit lalo na at lampa ito, idagdag mo na kung sensitive.. kapag nasaktan syempre uma aray. Nakagawaian ko nang mag bigay ng advice sa mga taong nakakasalamuha ko based on experience ika nga.. pero yun ibang advice ko galing lang sa utak ko kasi di ko pa na experience eh.. tama sila parang ang dali lang sabihin.. pero kapag ikaw na yun nandoon sa sitwasyon na yun mahirap nga pala talaga.

PAANO NGA BA MAG MOVE-ON ULI? PART III :LOL:

SCENARIO: MALING PAG-IBIG

Meron bang maling pag-ibig? Alam ko lahat ng pag-ibig maganda, masarap pwera nalang kung may mali talaga. Kelan ba nasasabing mali ang isang pag-ibig? Kapag umiibig ka na meron maaaring masaktan. Mali kapag umiibig ka tapos nasasaktan mo ang sarili mo sa kagustuhan mong mapagbigyan ang nararamdaman mo.

Mali kapag nakakarinig ka nang bulong na mali yan stop it. Mali talaga, dahil kung hindi mali wala kang maririnig sa safeguard ( konsensya) mo.

Hindi ko hawak ang puso ng bawat tao pero para sa akin mahirap kapag pumasok ka sa isang sitwasyon na alam mong masasaktan ka lang at makakapanakit ka pa ng ibang tao. Pero kung sadyang malakas ang tawag ng sinasabi mong pag-ibig sige magpakasaya ka… dun ka masaya eh.

Mali kapag akala mo dalawa kayong lalaban pero matatauhan ka nalang bakit ka nag iisa ngayon?

Minsan hindi rin pala sa sapat ang nararamdaman lang… is it enough? will that make you happy or your partner? Mabuhay ng puro nararamdaman lang.. kapag wala ka nang makita na tama sa pinasukan mong relasyon abay mag move on ka na? Paano ba uli?

  1. Maging mapagpasensya sa sarili mo – Okey lang magwala , magalit,okey lang umiyak, natural nasaktan ka kaya ka nagkakaganyan.. hindi naman kaagad agad isang iglap lang eh mawawala agad yun feelings mo, na sa isang iglap lang mag di disappear agad ang heartaches.. yan si heartaches matindi kung kumapit yan… minsan kahit nililibang mo na sarili mo bigla yan papasok para palungkutin ka.. it takes time sabi nga.. okey lang yan… hindi ikaw si superman na kapag nasugatan eh gagaling agad.. unti unti yan.. pero ipaalala mo palagi sa sarili mo na makaka move on ka din.
  2. Maging matatag at stay positive – Sakit sakitan fever -natural lang masaktan kapag yun pag -ibig na binuhos mo nang sobra eh hindi mo na uli makukuha sa kanya, yun mga pinagsamahan nyo eh mabubura na.. okey lang masaktan pero wag kang umarte na ikaw lang ang biktima. . syempre naman may mga taong umeffort talaga para mag work out ang relasyon pero sa wala din pala mapupunta ang saklap diba? Pero that’s life instead of acting like a victim kelangan maging
    strong tayo .. stay positive ika nga.
  3. Humanap ka ng kausap – alam ko masakit ang pinagdadaanan mo, pero kung sinasarili mo lang lahat ng iyan nakow! May posibilidad na mabaliw ka. Tawagin mo ang mga friendship.. mahirap mag isa kaya wag mo paikutin ang mundo mo sa isang tao.. dahil kapag ito ay nawala sa yo disaster ang labas non.. Makipag kaibigan ka sa mga totoong tao pwede mong mapagsabihan ng nararamdaman mo. Pwede mo rin ito isulat sa papel nakakatanggal din yun ng stress.
  4. Open your eyes- Minsan masarap lumabas tapos mag observe ng ibat-ibang tao.. may kanya kanyang problema, magugulat ka nalang ay mas mabigat pala problem nya saken pero she can take it lightly. Hindi lang ikaw ang dumadanas ng lungkot, paghihirap na nararamdaman kanya kanyang level ika nga.
  5. Bagong buhay- leave the past behind.. kung pwede i refocus mo yun buhay mo.. mag hanap ka ng bagong interest , yun trabaho mo pag butihin mo lalo, relasyon mo sa family mo.. o relasyon mo sa Panginoon. May sinasabi ba SYA sayo? ano ba ang binubulong sayo? Baka kasi hindi ka nakikinig sa KANYA kaya laging palpak ang lablyf mo may tinuturo sayo pero nakapikit ka at yun gusto mo lang tignan ang tinitignan mo. Minsan masarap rin pakinggan kung ano ba sinasabi NYA after all ang Panginoon lang naman nakakapag pagaling sa lahat ng sakit na pwede mong maramdaman dahil SYA ay healer..
  6. Look forward – marami pang i ooffer ang life sayo.. may darating pa, sabi nga kapag may nagsara may magbubukas din. At kapag dumating yun time na yun yakapin mo ng mahigpit at sasabihin mo eto na yun!

In your life you search and search for the right person for you. Every time you break up with someone you get one step closer to that person. You should look at moving on as getting closer to meeting the one.


P.S

Nainspire ako uli mag sulat nito kanina kasi kahit nasa kalagitnaan ako ng kalungkutan ngayon natutuwa ako na may purpose din pala ang pag ba blog ko.. nakakatulong din yun mga pinagsusulat ko sa mga taong dumadanas din ng pinag daraanan ko at nakaka touch yun…

i dnt know u personally pero i would like to say thank you kasi nakita k sa blog site m ung tips how to move on and it really help alot.





Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 592,695 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers