Posts Tagged ‘celebration

06
Jun
12

Panalangin

Natatandaan ko noong college ako masipag akong magdasal. Gabi , umaga, madaling araw nag dedevotion ako. Pinapanalangin lahat ng pangangailangan ko, mahal sa buhay , kapit bahay, kras at kahit na sino ang maisip ko hanggang sa lahat ng tao nababangit ko pati presidente ng Pilipinas at world peace.

Hanggang sa magkatrabaho na ako unti unti na nababawasan ang pagiging madasalin ko. Minsan nalang.

Pag may kailangan..

Pag nasasaktan..

Kapag hindi makatulog…

Pero nagdadasal naman ako sa isip ko. Hindi nga lang pormal katulad ng dati. Namimiss kong maglambing sa best friend ko.. si ” Bosing” . Alam kong nagbago na ang relasyon namin. Kung baga sa pakikipag break ” its not you.. its me ” Its my fault.. the one who got away.

Ewan gawa siguro ng may nagawa akong kasalanan at di ko mapatawad ang sarili ko.. Guilty feeling.  Pero sabi ko naman sa isip ko Lord babalik ulit ako mag aayos lang ako ng sarili ko. Alam ko namang ikaw ay mapag patawad lalo na sa mga humihingi ng kapatawaran at nag sisisi.

Na miss ko yung bonding naming dalawa, ang pagising ko sa madaling araw alas tres enpunto nakikipag usap sa kanya medyo puyat pero nagigising ako ng alas tres para makipag usap sa kanya.  Masarap ang feeling.. magaan sa pakiramdam kaya may kapayapaan ka palagi sa puso..

Gusto ko ulit ibalik iyon.. kasi alam ko kailangan natin ito , iyon ang pinaka mahalaga sa lahat.. unahin ang relasyon sa kanya at lahat ng panalangin kanyang tutuparin sa lahat ng sumusunod.

Nagpapasalamat ako sa kanya kasi kahit pasaway ako, kahit madalas nasasaktan ko sya sa katigasan ng ulo ko. Hindi nya ako pinapabayaan, bagkos pinagpapala pa ng higit sa kailangan ko.

At nitong mga huling araw naramdaman ko nanaman ang pagmamahal nyang umaapaw. Nandoon na ako sa point na di na alam ang direksyon ko, kung kakayanin pa ba.. pero sabi ko sa sarili ko na di nya ko pababayaan.. at araw araw ko rin namang hinihiling iyon sa kanya.. Kapos man sa mga bagay na hinihiling ko pero hindi Sya nagkukulang sa mga pangangailangan ko.

Nanalangin ulit ako ng mataimtim…

Sabi ko Lord gusto ko nang pumayat… akalain mo kinabukasan nagtatae na ako. 😀

Seryoso.. Nanalangin ako na pagpalain nya pa ako, di ko alam kung saan mang gagaling ang pagpapala at kanino pero humiling ako.

At sinagot nya nga.

Walang hanggang pasasalamat ang gusto kong iparating at ipag kalat sa buong blogsperyo na ang Panginoon ay sumasagot ng panalanging puro ang hangarin.

At sa pagbigay nya sa akin ng isang taon uli para mabuhay sapat na iyon para maging masaya ako at makuntento lalo na sa mga instrumentong ginagamit nya para matupad ang mga kahilingan ko.

Salamat sa mga kaibigan na nagpapahalaga sa akin. Sa mga mambabasa ko.. isa man o dalawa salamat sa inyo sa pag bibigay sa akin ng inspirasyon para ngumiti ng madalas lalo na sa pagbabasa ng mga nagpaparamdam 🙂

At sa mga bumati at gumawa ng paraan para mapasaya ako sa kaarawan ko kahapon salamat 🙂

Every long lost dream led me to where you are
Others who broke my heart, they were like northern stars
Pointing me on my way into your loving arms
This much I know is true, that God bless the broken road
That led me straight to you

09
Jul
11

3 years old na si Lambing ^_^

Ayan huli man daw at magaling …….maihahabol pa rin.. at empre  huli pa rin talaga  ahek… Paano ba naman kasi mapag kawang gawa ang inyong lingkod.. may naiisip pa akong celebration ng blog anniversary eh un mismong author wala nung  blog anniv nya naglingkod sa kanyang pinagtatrabahuhan , halos 2 araw walang tulog, nakasakay sa 10 wheeler truck ng 2 days na balikan para lang maipagawa ang computer ko sa office na sing sensitive ko from isabela to manila . Pero ayan okey na..kaya makukutingting ko na ulet ang blog ko.

Buti nalang medyo natagalan ako kasi yun iniisip ko na fansign 3 pa lang ang nakaka submit .. ibig pa sa sabihin tatlo lang ang nagmamahal saken? Happy tatlo nga talaga kung hindi ko pa tinutukan ng balisong sa tagiliran hindi ako bibigyan ng fansign haha.. anu ba yun.. eto na ang mga naunang nag submit.. pero syempre hihintayin ko pa rin yun iba o kaya mag aabang ulet ako ng mga dadaan para tutukan para naman may maidagdag pa ako 😀

ayan ang first batch.. yun mga gustong humabol please mag submit na kayo :)D Porke’t wala akong pa premyo ayaw nyo mag bigay ha? 😀 Pasensya na hindi gaano napaghandaan ng mabuti pero kapag umabot pa ako hanggang next 5 years …nako nako at pag nagka bf ako sige next year may papremyo haha.. akalain mo tatlong taon na rin ako walang biep 😀

Salamat pala sa mga naunang nag submit kay bestfriend boi, tubi na maganda at matamis na kryjewel salamuch! Ipadala mo na rin yang sokoleyts sa picture haha.

2nd BATCH…

thank you franz ^_^

thank you my dear sister mwaah love u too

thanks to ms seduxa ^_^

pinaka cute na nag send my baby Ruru

 

thank you star.. ang haba kase ng pangalan eh.. haha pero huli man daw at magaling naihahabol pa rin yuhoooo tehenks emeffort much din itow mwaah! ♥

 

 

 

 

 

PWEDE BA PO MAG SUBMIT ANG IBA 😉  

05
Jul
11

tatlong araw na lang…♥♥♥

Hallo world! yan ang unang comment na receive ko dito sa wordpress. Mag tatatlong taon na rin pala akong nagpapakablogger chu chu.. san ba galing yun?

Ang alam ko lang masaya ako na nakakapag sulat ako ng malaya sa mga nararamdaman ko at may outlet ako.. pangalawa masaya akong nakakabasa ng mga comments sa pook sapot ko at sinasabing nakakarelate sila sa sinasabi ko…. kaya kung masaya ko makatanggap ng comment mas sasaya ako makatanggap ng FANSIGN SA INYO mga ka blog.. lurkers, at stalkers( meron ba ko nun? ) haters??? ( sana naman wala… lets make love not war haha)  tatlong taon na pala akong naninirahan sa wordpress, hindi nga lang gaano active pero nagpapasalamat pa rin ako na madami pa rin nadalaw sa pook sapot ko..

At ang haba daw ng intro.. eto na yun.. gusto ko po sana humingi ng fansign na happy TATLO  ” LAMBING LANG ANG KATAPAT MO”  …  bakit?? Dahil si Lambing ay tatlong taon ng nangbabaliw at ng babaliwbaliwan sa blogsperyo .. oweno naman ngayon??? empre para masaya.. kung napapasaya ko kayo, kung close tayo, kung love mo ako, kung gusto mo ako.. mag pa picture ka na! May libreng virtual kiss… kasi masaya ako kapag may napapasaya ako o natutulungan ako.. kaya send na ng fansign saken cutie_penelope05@yahoo.com. Hihintayin ko yan ha Hanggang july 7 haha tatlong araw nalang nga??? Gusto mo ng sample??? eto oh..

ayan mata lang hindi kasya.. haha

kung gusto naman na makita ang mukha sige na nga pwede ang edited 🙂

ayan advance kiss

09
Jun
11

ty’ one – ilang taon na ba ako?

Life is a learning process … lahat ng pinagdaraan natin sa buhay mabuti man o hindi ay nakakatulong sa pag hulma sa atin bilang isang mature individual. Kaya siguro yung iba  sa taon  nagbabase kung marami na tayo natutunan sa buhay.  Sa T’ one taong existence ko sa mundo ano ano nga ba ang natutunan ko?

  1. Seek first the kingdom of God and his righteousness and all of these things will be added unto you.. Yan ang motto ko sa buhay.. unahin si Bosing sa lahat ng bagay.. kasi kapag inuuna mo sya ang pagpapala ay patuloy na dadaloy sa buhay mo.. parang madali no? Pero minsan naiisantabi ko sya kasi mas marami akong inuuna kaysa sa kanya.. siguro itinuturo lang nya na if I trust Him to work in my life ..sya magpupuno sa lahat ng kakulangan ko sa buhay.
  2. Be greatful- Kapag marunong tayo magpasalamat sa lahat ng bagay na tinatamasa natin, katulad ng pag gising mo sa umaga o  ultimo sa pinakamaliit na bagay , hindi ka mawawalan ng pagpapala dahil ang pag hinga ay isa nang pagpapala. Kapag marunong tayong magpasalamat lahat ng bagay ay magiging madali. 
  3. Contentment – Kapatid ng gratitude , kailangan natin i appreciate kung anong meron sa atin, kapag may contentment tayo hindi na tayo maghahanap ng iba lalo na yung hindi natin kayang abutin.. minsan nasa harap na natin dipa natin nakikita kaya matutong makontento kung anong meron tayo. 
  4. Learn to forgive -if we know how to forgive life will become easy, less worries, less anger, less stress. Kung hindi tayo marunong magpatawad madadagdagan lang ang mga burdens mo , isa pa yun na dadalin natin sa buhay natin.. bakit hindi naten i release ang nagpapabigat na yan para maging magaan ang buhay.. inhale exhale…
  5. Love , love, love- walang lambing kung walang love, hindi pa rin ako susuko magmahal.. mabigo man palagi andun pa rin ang pag asa ko na mahahanap ko rin ang true love ko at hindi ako mapapagod magmahal pwede ba sigurong mainip kaya pls lang dumating ka na.. Yun nga lang dapat wag nang choosy 🙂 Sabi nga ni shakespear “When you start caring for yourself , you start loving somebody, but when you start caring about others , somebody starts loving you…”  😉 
  6. Share your blessings… Minsan may nagtanong saken..

Sya: ang love ba ay blessing?

Ako: oo naman..

Sya: I love you.. gusto ko i share ito sayo..

Share your blessings pera man yan , talent, kaalaman o pagmamahal dapat huwag mo yan ipinagdadamot kasi naniniwala ako na lahat ng isini share naten eh babalik sayo in due time 😉

  • Learn how to say sorry..
  • Don’t over commit yourself sa work kasi hindi mo boyfriend o asawa ang boss mo , kapag namatay ka sa katatrabaho aabuluyan ka lang ng kumpanya mo, kinabukasan mag ha hire na sila ng kapalit mo…
  • Be happy always..  ” we fail to be happy because we are not satisfied with who and what we have. Do not hold on to someone or something that would never be yours; Do not fight for something not worth fighting for; Do not cry for someone or something lost, gone or irretrievable; Learn to appreciate whoever and whatever you have.. Happiness is a mere construct of mind  every one can be HAPPY as long as  we really want to be 🙂

Kaya kung may mga taong malaga sa akin na hinintay ko para batiin ako nakalimutan man o hindi talaga ako binati i can always be happy kasi mas marami yun kapalit na pagbati saken anong karapatan ko para malungkot diba?

Salamat pala dito-–>  sir bon

Sa lahat po ng bumati at nakisaya sa kaarawan ko , sa mga bumati sa fb, tumawag,  sa mga kumanta, nag bigay ng ayskrim, nagluto , kumiss, yumakap salamat po .. napasaya nyo ako sa kaarawan ko ….

dahil si lambing…

LAMBING LANG DIN ANG KATAPAT!

05
Jun
10

My life begins at 30 toinks!

Kapag nagtatahi ako at tabingi ang pagkakatahi o buhol buhol madalas tinatastas ko ito at  sisimulan ko uli ang pagtahi para maging maayos ito.

Naisip ko tuloy pwede ko rin pala gamitin iyon sa buhay ko.

Minsan may mga pangarap tayong gustong abutin, pero minsan kahit gaano mo ito gustong maabot may mga panahon na di umaayon ang pagkakataon.

Ang buhay ko ay parang isang pelikula.. ang daming extra, ang daming kontrabida, best supporting actress at leading man oh yeah! Star studed kung baga pero empre ako ang bida. May mga eksenang masasaya, nakakatawa , nakakatakot, jombangan moment, love story, drama at iba pa! sa sobrang dami ng eksena minsan nakakahilo, nakakapagod pero carry pa rin at para mahirang na batikan sa larangan ng pag arte dapat kayanin lahat ng eksena. Pero minsan hindi ka magiging batikan kung hindi ka marunong makinig at magtiwala sa director.

Ang buhay ko ay parang pag aaral sa eskwelahan, ang daming pagsusulit , may mahirap meron namang sisiw lang ipasa. Minsan mataas ang grade perfect score minsan naman bagsak kapag hindi napaghandaan ng mabuti, depende kung saan ka subject magaling.Kung i ka classify ako siguro ako yun average student hindi magaling hindi rin naman bobo..

Ang buhay pag -ibig ko ay parang subject ng math.. lagi akong takot matawag ,  minsan kahit nag review ka namemental block ka kasi kinakatukutan mo yun subject na yun at kahit alam mo yun formula nabobo pa rin.. ganon talaga .. bobo kasi ako sa math.

Ang dami kong pagkakamali sa buhay , mga hinanakit, mga tanong.. yun mga tipong ” nag aaral naman ako ng mabuti ah.. bakit ako bumagsak?

Gusto ko baguhin ang bansa ko, pero di ko nagawa, gusto ko baguhin ang pamilya ko pero di ko rin nagawa.. Siguro kelangan ko muna umpisahan sa sarili ko, baka nga may mali.. kelangan ko nga siguro tastasin ang mga nasimulan ko at ituwid ang  pagkakatahi. Mag uumpisa uli ako baon ang mga natutunan ko sa tatlong pung taon ng  buhay ko toinks!. Pero syempre mapa sa pelikula man o sa eskwelahan kelangan ko ang gabay ng director at teacher ng buhay ko para magtagumpay sa mga mithiin ko sa buhay.

Its never late to learn kasi life is a learning process . I may have failed but im not afraid to try again because God loves me and  i have friends and love ones out there who loves me so much and they believed in me that’s why i continue to live and be happy. I am blessed indeed 🙂

Lesson we learn from our failures are lessons that help us succeed, and if we are wise and heed them, then failure is just what we need…

Sometimes we are not ready to see the wonder of God’s wisdom and strength until we are grasping for breath in the exhaustion of our own strength.

– Mart De Haan-

OUR DAILY BREAD

LEARN FROM YOUR FAILURES, OR YOU WILL FAIL TO LEARN.

Why are you cast down O my soul? Hope in God ; For I shall yet praise Him.

Psalm 42:5

P.S

Kanina pag bangon ko medyo malungkot ako… ganon yata kapag tumatanda na waaaaaa pero bigla ako sumaya nang makita ko yun account ko sa FACE BOOK ang daming nag greet saken..  may mga tumawag sa cell phone  at nagpapasalamat ako sa mga naka alala minsan ang kasiyahan nasa contentment lang ng tao talaga.. learn to appreciate the things around you  sa lahat ng mga blessings na natatangap . Ayun Happy na ang birthday ko 😉 At yun mga gifts.. ipadala nyo nalang hahaha.. ahmmm gusto ko pala ng :

  1. Laptop
  2. i-phone
  3. i -pod
  4. digi cam
  5. Chocolate with almond
  6. House and lot
  7. threadmill 😆
  8. Tour sa Europe
  9. Flowers
  10. boyprend toinks!!! 😆

Joke lang .. pero pwede rin seryosohin hahaha pero ang totoo nyan kahit text lang  masaya na ko ganon lang ako kababaw 😉

30
Dec
09

Year end..

Isang taon ang magpapaalam ngunit may panibago nanaman taon na darating.

Parang sa buhay lang ng tao.. may aalis at may bagong darating. Mayroong masalimuot ang experience sa nakaraan pero pag dating naman ng bago mas maayos kaysa dati.

Buhay ng tao parang gulong lang minsan nasa ibabaw minsan nasa ilalim ka. At nasa tao yun kung gagayahin nya ang isang bubble gum sa pagkakadikit sa gulong para maiangat naman sya sa ibabaw at hindi nalang palaging nasa ilalim at palagi nalang natatapakan.

Susunod nalang sya sa ikot ng gulong … walang katapusang pag ikot.. ito man ay sa daang malubak, matubig, mabuhangin , mabato, maputik . At kung sakali mang mabalaho ito asahan mong makakaalis ka rin sa pagkaka stuck dun dahil may mga kamay na pwede pang tumulong sa pagkakabalaho mo kung hindi mo ito kayang mag isa, asahan mong may mga angel sa paligid para tulungan ka.

Angels are everywhere… at naniniwala ako dun, pero devils are also all around.. kaya mag ingat sa mga taong nakakasalamuha.. dahil may mga demonyong nag aanyong angel.

Looking back last year.. mas masaya ako ngayon taon na ito.. kasi may mga angel akong nakasalamuha .. ito yun instrumento ni Bosing para maiangat ako sa pagkakabalaho.. nagpatulong ako at the same time tinulungan ko rin ang sarili ko.

At sa huli.. its always a matter of choice.. kung pipiliin mong magpakalugmok sa pagkakabalaho o i enjoy pa yun mga daan na hindi mo pa nadadaanan.

At laging iisipin…Mahal ka ni Bosing.. laging may bagong pag asa, laging may liwanag sa dulo ng tunnel … Just keep on trusting HIM.

Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. For my yoke is easy and my burden is light. – Matthew 11:28-30

HAPPY NEW YEAR TO ALL AND GOD BLESS US !

07
Jul
09

PERS

Naalala ko pa noong unang ipakilala ka sa akin ng pinsan ko..

Masasabi kong kelangan ko talaga ng karamay…

Pagkat ang mundong ginagalawan ko nun ay puno ng kalungkutan….

Pero noong dumating ka sa buhay ko, nagbago lahat

Nagkaroon na agad ako ng interest sayo…

Dahil sayo, nagkaroon ako ng bagong mundo..

Ikaw at ako..

Nasasabi ko sayo lahat ng nararamdaman ko…

Sa tuwing natutuwa ako, lalo naman na pag kailangan ko ng

masasabihan ng sama ng loob… andyan ka at andyan sila .. mga

bagong kaibigan ko sa pamamagitan mo…

Sayo natupad ang pangarap ko.. ang marinig at ma appreciate…

At ngayong isang taon na tayo …. Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘PERS’




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 592,693 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers