Posts Tagged ‘celebration



09
Jun
09

belatedapibertdeitome

birthday_cake

Isang taon nanaman ang lumipas at nadagdagan nanaman ang aking edad. Di ko agad nakagawa ng aking entry sa aking kaarawan sapagkat akoy naging busy (lagi naman) at yun nga nasira pa ang PC ko kaya late talaga.. Ngayon ko lang uli nagamit itong keyboard ko. Okey naman kasi may mga pibertdei pix din na nalate kaya maiilalagay ko din.

Gaya nga ng sabi ko dati di ko ugali maghanda tuwing birthday ko kasi hindi ako nasanay na naghahanda, pero dahil wala akong pasok nun birthday ko nagawa kong maghanda kahit kaunti lang. Nakakapagod din kasi talagang ako lahat nagluto ng hinanda ko kahit konti lang, talagang hands on ako sa lahat, mula sa pamamalengke kahit umuulan ng bonggang bongga, hanggang sa paghihiwa at pagluluto ng food ako lahat syempre tinulungan din ako ni madir at ng aking housemate. Kahit nakakapagod carry naman. Hindi ko nga alam kung anong nakain ko at mega preparation ang ginawa ko, am i expecting someone to come?? Yeah my friends and a friend.. kaso napagod lang ako kasi di kumpleto yun dumating, pero okey lang din at least may dumating.

At gaya ng ibang mga may birthday syempre may wish din sila sa akin.. at sa maniwala kayo o hinde iisa lang ang bday wish sa akin ” sana daw next year di na ako single” Mukhang nakikinita ko na.. watta feelingera this lambing.. na darating na yun na traffic lang according to my friend ayyzzz.. Hindi nga kaya??? Ito ba ay pamamaalam na sa pagiging broken hearted ko??? Kaya ba ako nag handa para maiba na naman.. mukhang yun siguro ang kulang hahaha.. kaya siguro ako di nakakahanap kasi di ako nagpapakain hahahaa.. Kung ito man ang dahilan malalaman natin next year kung tama ang hinala ko.. May pakulo pa ang isang best friend ko eh.. gusto ko raw ba malaman kung kelan ako mag aasawa??? Abat may tinuro pa sya sa akin kung paano ko malalaman .. pero in fairness i like the result kasi ang bilang ko eh 29, sya naman eh 30… hmmm not bad..

Hmmm syempre nagpapasalamat ako kay Bosing sa pagbibigay sa akin ng isang taong blessing, isang taon luha, pasakit, di magiging makulay ang buhay ni Lambing kung wala yan mga ingredients na yan. Well hopefully lalo pa nya ako i bless . Dahil speaking of blessings .. i consider my friends as blessing.. eto na ang mga naawa sa aking pagmamakaawa hahaha..

Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘belatedapibertdeitome’

Advertisements
25
May
09

apibertdeyapimadirsdeynay

Hindi ko man nasasabi sayo araw araw ito pero gusto ko malaman mo na isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Nagaaway man tayo palagi gusto ko ding malaman mo na na mimiss kita kasi wala akong inaaway ngayon. Pasensya ka na kung kung minsan pasaway ako, (minsan nga lang ba?) E kanino ba naman kasi ako mag mamana???

Namimiss ko yung maingay sa umaga, mga kwento mong paulit ulit, mga halakhak mo sa tuwing ako’y nagpapatawa, ikaw talaga ang greatest fan ko kasi kahit korny yun jowks ko tuwang tuwa kayo . Namimiss ko din yun mga tsismis mong nasasagap, aaminin ko kahit binabara ko kayo… medyo tsismosa din ako..

Nakaka miss din yun mukha mo pag wala kang pera.. mukha mo pag napapagod ka, mukha mo pag galit ka, mukha mo pag tuwang tuwa ka.. lahat yan namimiss ko kasi gustong gusto ng mata kong makita ka…

Gusto kong sabihin sayong im proud of you! Kasi sa iyo ako nagmana ng kakikayan ko, pagiging makwento ko, at naging impluwensya ko sa pagkahilig sa music, aaminin ko naasar ako pag inaagaw mo ang mike sa tuwing kumakanta ako, pero ok lang yun malakas ka naman sa akin eh..

Nagpapasalamat din ako dahil sayo natuto akong magluto, salamat dahil sa kakabugbog mo sa akin noong bata ako haggang highschool naging isang matino akong tao na kayang tumayo sa sariling paa, baon ang mga pasa at palo nyo para ako’y maging isang responsableng indibidwal. Alam kong sa inyo ko din namana ang pagiging strong ko at pagkakaroon ng pananampalataya kay Bosing. Isa ito sa masasabi kong pagpapala dahil higit pa ang mga tinuro nyo sa akin sa lahat ng yaman sa mundo. Kayo ang una kong guro… at kayo ang peborit teacher ko.

Nitong mga huling araw, may bagyo man tayong kinakaharap, kung minsan man nagkakamali ka sa desisyon mo sa buhay, madapa ka man, asahan mo nandito ako palagi para itayo ka sa pagkakadapa. Hindi man maiwasan na magkasakitan tayong dalawa.. asahan nyong di mawawala ang respeto ko sa inyo.. Pasensya kana kung akala mo lang wala akong galang, nasanay lang ako na para kitang kapatid, nasanay akong maging at home sayo… kasi kakaiba ka talaga.. I can tell you my secrets and my rants and failures, i can even tell you my embarassing moments.. without judging me.. instead..you even love me more..

I am blessed! I know… isang hagod mo lang sa likod ko tuwing akoy nahaharap malaking kabiguan, ang kamay mong pumapahid sa mga luha ko sa twing ako’y nasasaktan.. kaya kong harapin lahat ng challenge basta nandyan ka.. nanghihina ako pag hindi ka okey.. kasi isa ka din sa mga lakas ko.. kaya sana lagi mo alagaan ang sarili mo gaya ng pag aalaga ko sayo.

Hindi ko rin maitatangi na kayo ang dahilan bakit ako lomobo ng ganito.. ang sarap mo naman kasi magluto eh. Pero please lang di pa rin ako sang ayon sa pagkain nyo ng taba.. oops tigilan na yan!!!!

Alam kong hindi madaling maging isang ina, lalo na’t nag-iisa ka sa pagpapalaki sa akin, mahirap pero kinaya mo.. ginapang mo ako kahit nagiisa ka…kinaya ng powers mo ang katigasan ng ulo ko… wala naman perpekto sa larangang ito pero ang pagmamahal ko at pagmamahal mo ang bubuo para maging perpek ka!

Sa ngayon nakikita ko ang sarili ko sa inyo.. kasi ikaw ang inspirasyon ko.. Inspirasyon ko sa aking pagpapatuloy sa buhay dahil isa ka sa mga pakpak ko, insprirasyon bakit ang pagiging isang ina sa tingin ko ay isang careeer. Inspirasyon na dumating man ang panahon na akoy maging isang ganap na ina, may napulot akong aral sa inyo at ipamumuhay ko iyon, gaya mo ibabahagi ko din sa aking mga anak… oo nay magkaka apo ka din sa akin! Kaya nga ako naprepressure ng ganito dahil gusto talaga kitang pagbigyan sa kahilingan mo… wait lang okey???

At huwag ka naman mainis kung sakaling naglalambing ako sa inyo, kung kumakandong ako sa inyo o yumayakap ako at kumikiss sa inyo.. sige ka pag nagka jowa ako di na ako sa kikiss at aakap kaya mamimiss mo yun..

Nay! I love you ! Your the best mom in the world.. Hinding hindi ko kayo ipag papalit ( ipamigay pwede pa! 😆 ) Kung mabuhay man ako sa ibang panahon ikaw pa rin ang pipiliin kong maging nanay, isang cool na nanay! Mahal kita! Happy Birthday at belated happy madirs day 🙂 mwwaaah! 😉

pinakamagandang nanay sa daigdig ni Lambing
pinakamagandang nanay sa daigdig ni Lambing
lambing with nanay.. pinagbiyak na kamatis
lambing with nanay.. pinagbiyak na kamatis
12
May
09

Naglalambing si Lambing

Ang sarap nga naman ng madaming kaibigan ano? Yun maraming bumabati at nakaka alala sayo. Lalo na sa araw ng bertdey mo. Naku speaking of bertdey malapit na po ang bertdey ko. Tuwing bertday ko kasi di ko pa nararanasan mag celebrate ng bonggang bongga. Di naman ako nanghihingi ng sponsorship ng bonggang bonggang bertday celebration pero kung may maaawa sige try nyo lang 😆

Hindi ko pa naranasan mag debu okay lang naman di naman ako sosyal. Di ko na ibubulgar ang edad ko isang malaking secret nalang . Marami akong wish sa bertday ko sana sagutin ni Bosing ang mga panalangin ko. At isa sa bertday wish ko eh mabati sa araw ng kaarawan ko. Oo gusto ko ng pictures at may greetings, makikigaya na rin sa mga nag bbday sa blogsphere na may may bday pix, oo manggagaya ako at may kasamang lambing po ang aking panghihingi ng bertday pix sa akin kaarawan.. Ang bertday ko po ay sa JUNE 5, kaya may tatlong linggo pa kayo para mag padala sa akin ng picture greetings nyo.

Sa aking mga ka blog, ka WP , Ka Plurk, sige naman na puleezzz… gusto ko mag celebrate ng bongga bongga dito sa aking pook sapot sa pamamagitan ng inyong mga bertdey greetings. Alam ko naman mahal nyo ako eh.. yun mga nagmamahal sa akin lumabas na dyan hinihintay ko ang inyong mga naggagandahan at nag gwa gwapuhang larawan. May libre kayong kiss sa akin 😉

dito nyo nalang po send cutie_penelope05@yahoo.com ng ma i paskil ko sa aking bday party .

Salamat in advance 😉

07
Aug
08

Isang Buwang Lambingan

Sa lahat ng mga kadramahan ko sa buhay, meron din palang magandang mangyayari na hindi ko inaasahan. Isang matatawag kong pagpapala, tumpak blessing nga! Blessing na magkaroon ng mga kaibigan sa ibat ibang panig ng mundo, at  sa bago kong mundo ang blogsphere.

Naaalala ko mga isang buwan na ang nakakalipas nang wala pa akong kamuwang muwang sa pag bblog. Ngunit sa pag pupursige natuto din akong mag blog at natuto din mag ayos ng mga themes at kung ano ano pang features dito sa wordpress. At dahil dyan ayan na adik na ako sa pag ba blag . Hindi naman masama ang pag ba blog dahil :

  1. Nagkaroon ako ng bagong mundo
  2. Nagkaroon ng mga bagong kaibigan
  3. Natuto sa mga bagay bagay base sa ekspiryens at bawat bloggers
  4. Nagpapalakas ng loob ko kung meron akong di magandang nararamdaman
  5. Nagpapangiti sayo na kahit nag iisa ka, sasabhin ng mga nakikita sayo na nababaliw na kasi nga naman ngumingiti mag isa.
  6. Nakakaganti sa mga taong di mo magantihan Physically kaya dinadaan mo sa blog para tender way of revenge kung baga 😀
  7. Pagkakaroon ng mga hits! ang saya! di ko alam ang hits dati pero ngayon alam ko na at love ko na ang mga gustong mag palambing sa akin.
  8. Pagkakaroon ng mga comments na galing sa readers, usyosera at kapwa bloggers  na nag bibigay sa akin ng kasiyahan.. kasi sa mga comments natututo ka din. Kaya mga ka blog comment lang ng comment 😀
  9. Sa isang buwan kong pag bablag naka  20 post na rin ako, masasabi kong achievement na rin ito dahil kahit paano may mga nagtyatyaga  naman na magbasa 😀
  10. At dahil sa pag ba blog napatunayan kong interesting pala ang lablayp ko at may talent pala ako ahehe according to aling baby na may talent daw akong mag hintay 😀 yeeey ! 😀 at least may talent diba?
  11. Salamat kay ate sonnethaven kasi na inspire ako sa sinabi nya nun nag pa review ako.
  12. Mga ka blog roll ko salamat.. 😀

Nagamit ko din ang kadaldalan ko sa pamamagitan ng pag ba blog! 😀

Kaya eto lang ang aking masasabi salamat sa mga matyatyagang nagpapalambing sa akin! Mwwaaah sa inyong lahat,  dahil 1 month old na ang kapitbahay nyong full of lambing  😀




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 610,249 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Nobyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers