Posts Tagged ‘contentment

09
Jun
11

ty’ one – ilang taon na ba ako?

Life is a learning process … lahat ng pinagdaraan natin sa buhay mabuti man o hindi ay nakakatulong sa pag hulma sa atin bilang isang mature individual. Kaya siguro yung iba  sa taon  nagbabase kung marami na tayo natutunan sa buhay.  Sa T’ one taong existence ko sa mundo ano ano nga ba ang natutunan ko?

  1. Seek first the kingdom of God and his righteousness and all of these things will be added unto you.. Yan ang motto ko sa buhay.. unahin si Bosing sa lahat ng bagay.. kasi kapag inuuna mo sya ang pagpapala ay patuloy na dadaloy sa buhay mo.. parang madali no? Pero minsan naiisantabi ko sya kasi mas marami akong inuuna kaysa sa kanya.. siguro itinuturo lang nya na if I trust Him to work in my life ..sya magpupuno sa lahat ng kakulangan ko sa buhay.
  2. Be greatful- Kapag marunong tayo magpasalamat sa lahat ng bagay na tinatamasa natin, katulad ng pag gising mo sa umaga o  ultimo sa pinakamaliit na bagay , hindi ka mawawalan ng pagpapala dahil ang pag hinga ay isa nang pagpapala. Kapag marunong tayong magpasalamat lahat ng bagay ay magiging madali. 
  3. Contentment – Kapatid ng gratitude , kailangan natin i appreciate kung anong meron sa atin, kapag may contentment tayo hindi na tayo maghahanap ng iba lalo na yung hindi natin kayang abutin.. minsan nasa harap na natin dipa natin nakikita kaya matutong makontento kung anong meron tayo. 
  4. Learn to forgive -if we know how to forgive life will become easy, less worries, less anger, less stress. Kung hindi tayo marunong magpatawad madadagdagan lang ang mga burdens mo , isa pa yun na dadalin natin sa buhay natin.. bakit hindi naten i release ang nagpapabigat na yan para maging magaan ang buhay.. inhale exhale…
  5. Love , love, love- walang lambing kung walang love, hindi pa rin ako susuko magmahal.. mabigo man palagi andun pa rin ang pag asa ko na mahahanap ko rin ang true love ko at hindi ako mapapagod magmahal pwede ba sigurong mainip kaya pls lang dumating ka na.. Yun nga lang dapat wag nang choosy 🙂 Sabi nga ni shakespear “When you start caring for yourself , you start loving somebody, but when you start caring about others , somebody starts loving you…”  😉 
  6. Share your blessings… Minsan may nagtanong saken..

Sya: ang love ba ay blessing?

Ako: oo naman..

Sya: I love you.. gusto ko i share ito sayo..

Share your blessings pera man yan , talent, kaalaman o pagmamahal dapat huwag mo yan ipinagdadamot kasi naniniwala ako na lahat ng isini share naten eh babalik sayo in due time 😉

  • Learn how to say sorry..
  • Don’t over commit yourself sa work kasi hindi mo boyfriend o asawa ang boss mo , kapag namatay ka sa katatrabaho aabuluyan ka lang ng kumpanya mo, kinabukasan mag ha hire na sila ng kapalit mo…
  • Be happy always..  ” we fail to be happy because we are not satisfied with who and what we have. Do not hold on to someone or something that would never be yours; Do not fight for something not worth fighting for; Do not cry for someone or something lost, gone or irretrievable; Learn to appreciate whoever and whatever you have.. Happiness is a mere construct of mind  every one can be HAPPY as long as  we really want to be 🙂

Kaya kung may mga taong malaga sa akin na hinintay ko para batiin ako nakalimutan man o hindi talaga ako binati i can always be happy kasi mas marami yun kapalit na pagbati saken anong karapatan ko para malungkot diba?

Salamat pala dito-–>  sir bon

Sa lahat po ng bumati at nakisaya sa kaarawan ko , sa mga bumati sa fb, tumawag,  sa mga kumanta, nag bigay ng ayskrim, nagluto , kumiss, yumakap salamat po .. napasaya nyo ako sa kaarawan ko ….

dahil si lambing…

LAMBING LANG DIN ANG KATAPAT!

04
Sep
10

utang ng ina mo!

May tatlong babae nag uusap..

Girl 1: Hay… sana mag bayad na yung classmate ko sa utang nya …. 😦

Girl 2: Sana makasingil na ako sa mga pautang ko sa opisina..

Girl 3: Makapag tago na nga… sana huwag akong singilin ng mga pinagkakautangan ko 😆

Kung may pinakamabilis na papasuking business iyon siguro ang pag papautang. Basta may pera ka tyak makakapag pautang ka.  Dito sa Pilipinas kong mahal usong uso ang utangan, andyan si DJ bumbay 5’6 , lending companies, appliances , damit, pera, sa tindahan ni aling nena,  kapit bahay mong nagtitinda ng  langonisa, avon , pati nga pag aabroad pwede rin utangin  fly now pay later.

Kahit saang lupalop dito makakahanap ka nyan,  yun nga lang ang iba halos kalahati ng inutang ang interest, napakalaki ng patong at dahil sa walang choice yun tao kakagatin naman yung offer para may pantawid gutom. Ang masaklap pa nito kung sino pa ang mga walang trabaho yun pa ang malalakas ang loob mangutang, utang dyan utang doon, uutang sa kabila para may pang bayad sa kabila hanggang sa magkapatong patong na at hindi ka na makaahon.

Nakakaenganyo nga naman kasi mangutang sa isang iglap lang may pera na at mabibili na ang gustong bilin, pero kapag dating na ng bayaran doon na nagkakaroon ng problema kasi yung perang inutang hindi ginamit sa tamang paraan. Para lang itong pag-inom ng alak sa umpisa makukuha mo yung gusto mong tama ma ha high ka pero kinabukasan humanda ka sa hang over.

May mga tao kasing mahilig mangutang, basta may mauutangan sige kuha dyan kuha dito, kahit mura pa ang paninda kung isang tambak naman ang inutang nya at mas malaki pa yung inuutang  kaysa kinikita nya at kapag panahon na ng bayaran nakow!!! Halos hindi mapakali kung saan kukuha ng ipangbabayad sa mga kinuha nya.

Hindi naman masamang mangutang lalo na at gipit ang tao, ang magpapautang ang syang nagbibigay pag – asa sa mga gipit na tao. Saludo nga ako sa mga nag papautang ng walang interest kasi binibigyan nila nang pagkakataon yung taong makaahon sa problema nila.

Nagiging problema lang kapag inabuso na ito ng tao, pinahiram ka na nga gagamitin mo pa ito sa luho, ipangsusugal, inom at kung ano ano pa lalo lang  ito malulugmok kapag yung hiniraman eh may interest at mataas ang patong.

Hindi mo rin naman masisisi ang iba, sa hirap nga naman ng buhay ngayon.. sino ba ang hindi nangutang? Pero sana lang matutunan din natin maging responsableng mamamayan. Ang simple lang naman..kapag wala kang pambayad huwag ka nang mangutang. Kasi kawawa  din naman yung napangakuan mo, at malay mo yun lang din ang hanap buhay nya, at kapag dating ng singilan hindi ka na mahagilap at kung medyo makapal pa ang mukha mo  ikaw pa ang mang bubulyaw doon sa naniningil.. kawawang nilalang. Unaunahan lang yan eh mabuti sana kung mabait yung inutangan mo malay mo ikaw naman ang bulyawan ng .. ” MAG BAYAD KA NA NG  UTANG NG INA MO!

Hay nako ang gulo sa earth! yung mga ganitong problema nagkalat lang sa paligid, lalo na sa mga hikahos sa buhay, maaring hindi ganito ka simple ang problema ng mga mayayaman pero mayron din silang version nito yun nga lang sosyal pakinggan ang credit card ekek na yan at take note million million naman ang usapan dyan.

Paano ka ba makakaahon sa ganitong sitwasyon?

There are plenty of ways to get ahead.  The first is so basic I’m almost embarrassed to say it:  spend less than you earn.

~Paul Clitheroe

  1. Siguro tamang pag gamit lang ng pera, wala kang kinikita huwag kang mangutang.
  2. Kung may trabaho ka, huwag gumastos ng malaki kaysa sa iyong kinikita.
  3. May kasabihan na matutong bumaluktot habang ang kumot ay maigsi.
  4. Kung gusto mo makamit ang mga bagay bagay na ninanais matutong mag banat ng buto.
  5. Matutong makuntento kung anong meron tayo.
  6. Sipag at tyaga.

Philippians 4:11-13
For I have learned to be content, whatever the circumstances may be. I know now how to live when things are difficult and I know how to live when things are prosperous. In general and in particular I have learned the secret of eating well or going hungry of facing either plenty of poverty. I am ready for anything through the strength of the One who lives within me.

Lahat naman nadadaan sa panalangin pero lahat ng pinapanalangin kailangan sinasamahan din ng gawa.




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 592,695 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers