Posts Tagged ‘friendship

06
Mar
12

HALO HALO THOUGHTS

Ngayong araw na ito ay pinag halo halo ang aking nararamdaman.. lungkot , saya , yamot bugnot at saya ulet bakit?

  1. Second death anniversary ng nanay ko ngayon.. dalawang taon na pala ang nakalipas . Namimiss ko pa rin sya.. at oo umiiyak pa rin ako kapag naalala ko sya.
  2. Pareho pala ang araw ng pagkamatay ni idol Francis m at nanay. At wala pa rin tatalo kay Francis M.
  3. Masarap pala ang nilagang mani .. kahit araw araw mo ko pakainin di ako mag sasawa.
  4. Masarap  mag halo halo ngayon sobrang init ng panahon dito sa amin. Ang paborito sa halo halo eh saging.
  5. Bakit kaya may mga taong bumabalik balik, kung kelan nakalimot ka na saka babalik manunumbat na ipinagpalit daw.. may expiration kaya ang pag hihintay…  kung ang pagkain nga kapag pinabayaan napapanis eh .. swerte mo kung napanis eh paano kung nadampot na ng iba may magagawa ka pa ba?
  6. Birthday ng pinsan ko ngayon…
  7. Gusto ko tuloy kantahin ng kantahin yung later ni fralipo lippi pwede rin yung stitches and burns.
  8. Nasubukan mo na ba magparamdam sayo ang lahat ng naging mahalaga sayo sa buhay ng isang araw? Ako kanina sabay sabay sila.
  9. Bakit kaya may mga taong hindi sweet.. Lambing lang naman ang katapat ko.
  10. Gusto kong may makausap.. yung magsasabi saken goodnight mahal ko iloveyou 😆 eh nako naman bakit kase hindi iparamdam kung mahal… Gusto ko rin ng may name of endearment.. namimiss ko tuloy pag may tumatawag saken na BEBE 😉
  11. May boyfriend NA ako.. sinabi ko dun sa bumabalik.. pero gusto ko rin sana sabihin ewan ko kung gf ba ang turing saken.. baka pag nalaman nya na bf ko sya break na kami.
  12. Ang bilis humaba ng buhok ko ngayon.. at mahal ko na sya
  13. Marami nag sasabi blooming daw ako…. gusto mo ng katunayan???? oh heto  
  14. Mahal ko si barney.. napatunayan ko kanina yown…
  15. Yung kapatid ko.. nag bigay ng report card pero naka lista sa notebook gusto mo ng proof? eto ulet

Sa mga gusto malaman ang lovelife ko eto…

mahal ko to…

makinig na nga lang tayo nito 

People say that I’m a fool 
Well I don’t know 
At least I found out 
What it takes to be strong 

Advertisements
24
Aug
11

lambing’s best friend

Sabi nila ang aso daw ay man’s best friend, hindi ako masyado mahilig sa hayop ang carry ko lang alagaan ay aso at pusa. Dati may alaga akong aso 2 years ago na yun sya si tweety, kaso di ko gaano naasikaso sa boarding haus ko nun kaya pina arbor ko na nung nabubuhay pa si madir ko ang kaso namatay rin haisss… yun aso ha , nauna namatay sa nanay ko ay ano ba ang gulo ko.  Ayun pareho na sila patay ngayon …
Medyo lungkot lungkutan si lambing ngayon kaya gusto ko ng bagong hubby este hobby bagong pagkaka abalahan para ma focus ako sa iba at hinde sa kaemohan ekek ko.. sows sowsss its over tapos na ang pagluluksa.. Ayun kaya laking tuwa ko ng binalita saken ng childhood bestfriend ko na may aso sya ibibigay saken na tagged pa ako sa fb nun bagong panganak.. Na eexcite na ko kunin last two weeks kaso di pa raw pwede dahil nadede pa sa nanay..  Ako nalang kaya magpadede haha ituturing ko syang parang anak wahahaha pero naiisip ko may pangil yun masakit yun ahehehe..  Nag iisip na ko kung anong ipapangalan sa kanya.. Dati kasi tweety ang name nun aso ko ngayon kaya??

cute little puppies

Kaya mega message ako sa best friend ko kung pwede ko na kunin eto usapan namin:
Today

best nahanap ko ung crush ko nung bata pa ako nakakaloka hahaha

haha sino naman soska
malaki naba yun aso ko? hehe

oo malaki na kunin mo na

hehehe
hmmm kelan kaya
haiss cute ba? picturan mo nga tapos tag mo saken haha

dati cute siya nung bata pa kami

haha yun aso sinasabi ako ano ba
ang kulit mo

ay hahaha aso ba
ang gulo mo kasi

hahaha ay oo aso kaya takteng to
wahahaha
ikaw ang magulo haha
bakit best
hindi na  ba cute now?

sino?

bwahahaha
yun crush mo
takte ka wahahah
ikaw na!

ahhh
oo cute siya dati

haha eh yung aso ko cute pa rin ba?
haha

oo namn

sabi ko nga picturan mo tapos tag mo saken
tignan mo status ko wahaha

adik ka hahaha
tanggalin mo yan
hahaha

hahaha

natatawa tuloy ako..ang gulo mo kasing kausap aso pala sinasabi mo

12:46pm
ayan tinanggal ko na wahaha
haha
kita mo ikaw ang magulo haha
o naintindihan mo rin lol

sino itatagged ko sayo heeheh
si maiko?
kumain kana
?
hatid ko muna si nat2 sa baba

yung aso nga i tag mo saken hindi si maiko soska, ikaw na nga ang kumain baka gutom lang yan…
Basta sa kalutangan yung bestfriend ko WAGAS…
Hmmm kaya naisip ko ang ipapangalan ko nalang kaya sa baby dog ko ay maiko para di na kami malito ni best soska!
P.S Auburn na lang kaya? kasi LSS ako lately sa song nya na All about him lagi ko kinakanta at napapasayaw kapag pinatutugtog ko…
Aurburn o Maiko?
Ikaw? Any suggestion?
Na unique name ng puppy?

A dog is the only thing on this earth that loves you more than he loves himself.

Josh Billings (Henry Wheeler Shaw)

17
Aug
11

its been a while ^_^

“Ones best success comes after their greatest disappointments.”

Disappointments, disappointments… pagkatapos mo madisappoint at masaktan huwag ka na magtagal sa kinalalagyan mo kasi nakakapanget lalo at binibigyan mo pa yun mga nakapanakit sayo ng pagkakataon magsaya dahil nakikita kang nagkakaganyan.

Imbis na mapagtawanan aba eh bumangon ka dyan sa kinalulugmukan mo, lumaban ka, sila naman ang pagtawanan mo. Kasi dito sa mundong ibabaw kung di ka lalaban at mag papaka martyr kang mag iiyak sa isang tabi ikaw lang ang kawawa. Hindi ko naman sinabing makipag patayan ka. Lumaban ka sa paraang makakatulong sa pag katao mo. Huwag mong pababain ang ang sarili mo para patulan sila. Yun lang.

Hindi masamang pumiyok lalo na at wala sa lugar iyong binibintang sayo. Hindi rin sila santa o santo para sabihin kung ano ang dapat mong gawin. Lalo na at nasasaktan ka sa mga panahong iyon.

May sarili kang desisyon para pumili kung sino ang gusto mong papasukin sa buhay mo. Kasi sa panahon ngayon maraming fake. Sorry hindi ako santa at lalong di ako plastic para hindi ko maramdaman kung anong klaseng pakikipag kaibigan saken ang gustong ihain. Para ano? Mang stalk? Kumuha ng inpormasyon? Pasakitan ka?

Marami na akong kaibigan na totoo.. katunayan nung nasaktan ako sila ang kumupkop saken kahit sandaling oras lang, at katulad ng nababasa ko sa mga naglilipanang quotes.. true friends are hard to find.. and once you found it never let them go…

Nagpakasaya ako kasama ng  mga long lost friend ko na napabayaan ko simula ng bigyan ko ng sobrang atensyon ang “kaibigan” na akala kong di ako iiwan sa ere. Masakit mapagiwanan.. lalo na at inaasahan mo na sya ang magtatangol sayo.. ayun disappointed to the tenth level.

Pero kiber ba… past is past… lets all move on… at kapag sinabing lets all move on dapat shut your mouth and be happy after all ” your happy ayt ?”

life is too short to waste your time sa mga bagay na hindi naman dapat pinag aaksayan ng panahon diba.  I am a waste of time so dont waste your time on me.

Please don’t worry bout me im fine 🙂

a collection of quotes to heal your broken heart….

The best way to mend a broken heart is time and girlfriends.  ~Gwyneth Paltrow

Sadness flies away on the wings of time.  ~Jean de La Fontaine

Of course, you’re going to get your heart broken. And it isn’t just going to happen once, but a lot. That’s just part of growing up, and it makes you stronger. Then you can handle it better next time. You may not get through it yourself, but your friends will help you through it. And you’ll be a stronger person because of it. Then one day someone will come along, and it’ll all pay off and no one will ever break your heart again

“When a child is hurt or sick what happens? It reaches out to you for comfort. It reaches out to you and wants to be held. It wants to feel your touch. It needs to feel your love. To breath your love. And how are you any different than the child when you are hurt and sick?”
— Ian Paul Marshall

09
Jul
11

3 years old na si Lambing ^_^

Ayan huli man daw at magaling …….maihahabol pa rin.. at empre  huli pa rin talaga  ahek… Paano ba naman kasi mapag kawang gawa ang inyong lingkod.. may naiisip pa akong celebration ng blog anniversary eh un mismong author wala nung  blog anniv nya naglingkod sa kanyang pinagtatrabahuhan , halos 2 araw walang tulog, nakasakay sa 10 wheeler truck ng 2 days na balikan para lang maipagawa ang computer ko sa office na sing sensitive ko from isabela to manila . Pero ayan okey na..kaya makukutingting ko na ulet ang blog ko.

Buti nalang medyo natagalan ako kasi yun iniisip ko na fansign 3 pa lang ang nakaka submit .. ibig pa sa sabihin tatlo lang ang nagmamahal saken? Happy tatlo nga talaga kung hindi ko pa tinutukan ng balisong sa tagiliran hindi ako bibigyan ng fansign haha.. anu ba yun.. eto na ang mga naunang nag submit.. pero syempre hihintayin ko pa rin yun iba o kaya mag aabang ulet ako ng mga dadaan para tutukan para naman may maidagdag pa ako 😀

ayan ang first batch.. yun mga gustong humabol please mag submit na kayo :)D Porke’t wala akong pa premyo ayaw nyo mag bigay ha? 😀 Pasensya na hindi gaano napaghandaan ng mabuti pero kapag umabot pa ako hanggang next 5 years …nako nako at pag nagka bf ako sige next year may papremyo haha.. akalain mo tatlong taon na rin ako walang biep 😀

Salamat pala sa mga naunang nag submit kay bestfriend boi, tubi na maganda at matamis na kryjewel salamuch! Ipadala mo na rin yang sokoleyts sa picture haha.

2nd BATCH…

thank you franz ^_^

thank you my dear sister mwaah love u too

thanks to ms seduxa ^_^

pinaka cute na nag send my baby Ruru

 

thank you star.. ang haba kase ng pangalan eh.. haha pero huli man daw at magaling naihahabol pa rin yuhoooo tehenks emeffort much din itow mwaah! ♥

 

 

 

 

 

PWEDE BA PO MAG SUBMIT ANG IBA 😉  

09
Jun
11

ty’ one – ilang taon na ba ako?

Life is a learning process … lahat ng pinagdaraan natin sa buhay mabuti man o hindi ay nakakatulong sa pag hulma sa atin bilang isang mature individual. Kaya siguro yung iba  sa taon  nagbabase kung marami na tayo natutunan sa buhay.  Sa T’ one taong existence ko sa mundo ano ano nga ba ang natutunan ko?

  1. Seek first the kingdom of God and his righteousness and all of these things will be added unto you.. Yan ang motto ko sa buhay.. unahin si Bosing sa lahat ng bagay.. kasi kapag inuuna mo sya ang pagpapala ay patuloy na dadaloy sa buhay mo.. parang madali no? Pero minsan naiisantabi ko sya kasi mas marami akong inuuna kaysa sa kanya.. siguro itinuturo lang nya na if I trust Him to work in my life ..sya magpupuno sa lahat ng kakulangan ko sa buhay.
  2. Be greatful- Kapag marunong tayo magpasalamat sa lahat ng bagay na tinatamasa natin, katulad ng pag gising mo sa umaga o  ultimo sa pinakamaliit na bagay , hindi ka mawawalan ng pagpapala dahil ang pag hinga ay isa nang pagpapala. Kapag marunong tayong magpasalamat lahat ng bagay ay magiging madali. 
  3. Contentment – Kapatid ng gratitude , kailangan natin i appreciate kung anong meron sa atin, kapag may contentment tayo hindi na tayo maghahanap ng iba lalo na yung hindi natin kayang abutin.. minsan nasa harap na natin dipa natin nakikita kaya matutong makontento kung anong meron tayo. 
  4. Learn to forgive -if we know how to forgive life will become easy, less worries, less anger, less stress. Kung hindi tayo marunong magpatawad madadagdagan lang ang mga burdens mo , isa pa yun na dadalin natin sa buhay natin.. bakit hindi naten i release ang nagpapabigat na yan para maging magaan ang buhay.. inhale exhale…
  5. Love , love, love- walang lambing kung walang love, hindi pa rin ako susuko magmahal.. mabigo man palagi andun pa rin ang pag asa ko na mahahanap ko rin ang true love ko at hindi ako mapapagod magmahal pwede ba sigurong mainip kaya pls lang dumating ka na.. Yun nga lang dapat wag nang choosy 🙂 Sabi nga ni shakespear “When you start caring for yourself , you start loving somebody, but when you start caring about others , somebody starts loving you…”  😉 
  6. Share your blessings… Minsan may nagtanong saken..

Sya: ang love ba ay blessing?

Ako: oo naman..

Sya: I love you.. gusto ko i share ito sayo..

Share your blessings pera man yan , talent, kaalaman o pagmamahal dapat huwag mo yan ipinagdadamot kasi naniniwala ako na lahat ng isini share naten eh babalik sayo in due time 😉

  • Learn how to say sorry..
  • Don’t over commit yourself sa work kasi hindi mo boyfriend o asawa ang boss mo , kapag namatay ka sa katatrabaho aabuluyan ka lang ng kumpanya mo, kinabukasan mag ha hire na sila ng kapalit mo…
  • Be happy always..  ” we fail to be happy because we are not satisfied with who and what we have. Do not hold on to someone or something that would never be yours; Do not fight for something not worth fighting for; Do not cry for someone or something lost, gone or irretrievable; Learn to appreciate whoever and whatever you have.. Happiness is a mere construct of mind  every one can be HAPPY as long as  we really want to be 🙂

Kaya kung may mga taong malaga sa akin na hinintay ko para batiin ako nakalimutan man o hindi talaga ako binati i can always be happy kasi mas marami yun kapalit na pagbati saken anong karapatan ko para malungkot diba?

Salamat pala dito-–>  sir bon

Sa lahat po ng bumati at nakisaya sa kaarawan ko , sa mga bumati sa fb, tumawag,  sa mga kumanta, nag bigay ng ayskrim, nagluto , kumiss, yumakap salamat po .. napasaya nyo ako sa kaarawan ko ….

dahil si lambing…

LAMBING LANG DIN ANG KATAPAT!

14
May
11

panic mode

Mawawala na daw ang friendster sa katapusan.. bigla ko nanghinayang kasi naalala ko yun ang unang social network na sinalihan ko at member ako dun since nag start sya, at doon ko din nahanap si mang jose.. andun lahat ng mga alala ko sa kanya. Kasi naman nalibang ako sa facebook , ang dami kasing bagong application saka nakaka aliw,  maganda naman sa friendster marami nga lang kakilala sa facebook at doon na lumipat kaya gora na rin ako. Pero bakit ganon kapag malapit na pala mawala ang isang bagay sa iyo saka mo lang marerealized ang worth nito. Bigla ka mag papanic kasi mawawala na sya.

Buti nalang napabalita agad na malapit na mag close ang friendster yung mga gusto mong i keep pwede pa i back up like pictures , testimonials at saka important messages.. sana hindi nalang sya mawala para kapag gusto ko balikan yung nakaraan makikita ko pa rin ang mga memories…  pero mawawala na nga sya. Ganon naman talaga ang buhay eh.. walang permanente.. kaya kung may chance ka pa , dapat i enjoy mo ang panahon mo dun sa bagay na yun. O kaya gawin mo yun best mo para mag stay pa ito sayo.. kasi kapag wala na.. wala na talaga. Buti nga hindi ito parang virus na bigla na lang mawawala lahat na wala man lang pasintabi na mawawala  na ako ha?  Burado na lahat sa memory… swerte mo kung may back up ka para maibalik ulit yun gusto mo.

Kapag nangyari yun.. ang magagawa mo nalang ay pag tanggap na wala na ang bagay na yun at i keep mo nalang yun magandang memories na naibigay nito sayo,  o di naman kaya gumawa ka nalang ng bagong memories pero hindi na sya kasama.

27
Apr
11

si lambing, si tonette at ang kidlat

Sabi nila laughter is the best medicine . Siguro nga totoo ito, kahit sankatutak ang problema mo kailangan bigyan mo yun sarili mo ng oras para maging masaya. Yun tipong kahit konting bagay lang eh tinatawanan mo. Ganyan ako dati masayahin hanggang ngayon naman eh ang kaso lang pili lang yung taong nakakapag pasaya saken.

Ewan ko lang kung choosy langba talaga ako. E kasi naman mararamdaman mo naman sa tao yun kung sincere ba sya talaga para mapasaya ka. Kaya nga dapat kung malungkot ka sa buhay mo bigyan mo ng pagkakataon yun ibang taong nakapaligid sayo para mapasaya ka. Huwag sa iisang tao ka lang dumepende para ka sumaya, kasi pag nagkataon na hindi kana kayang pasayahin ng taong inaasahan mo may iba ka pang option para sumaya.

Nakahanap ako ng bagong clown. Ang sarap talaga kasama ng mga masayahin kasi pati ikaw nadadala sa saya nila. Kahit pagod ako sa trabaho andyan sila para i cheer up yung tipong patutugtugin yun paborito kong music paulit ulit hanggang sa ako na ang sumuko para sabihing tama na! O kaya naman marinig mo yun lutong ng tawa habang ikaw yung nagpapatawa. Ang saya nakahanap lang kaya ako ng katulad kong baliw?

Masaya na ang lambing sa work place nya kasi hindi na sya mag isa umuwi kung gabi, hindi na rin sya mag aalala habulin ng aso dahil kung sakali man may kasama syang tumakbo sakaling harangin man sya ng mga aso sa daan.

Gaya ng inaasahan ginabi nanaman kami sa pag uwi at dahil gabi na inaya ko si tonette mag gabihan sa amin kaya lang habang kumakain kami umulan ng paglakas lakas kaya pinatila na muna namin ang ulan bago ko sya ihatid. Nang humina ang ulan hinatid ko na sya sa kanto at habang naglalakad kami biglang kumidlat ng malakas..

nagtataka ako kay tonette bakit hindi mapakali at nagtatago sa akin yun pala takot din sya sa kidlat  at pula pa pala yun payong namin 😆 kaya sa tuwing kumikidlat hinaharang ako ni tonette sa liwanag wata sabi ko ok lang dalawa naman kami matututong kung sakali pero nakasakay na sya ng tricycle kaya mag isa na ako umuwi pabalik sa amin sabay kumidlat ulit kulang nalang itapon ko na yun pulang payong ko ..  napaisip tuloy ako kung kailangan ba sa lahat ng oras favorite color ko ang red?

Laughter is a tranquilizer with no side effects.  ~Arnold Glasow




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 604,878 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Oktubre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers