Posts Tagged ‘God

22
May
11

art of letting go ( di ko kayang tanggapin)

Di ko kayang tanggapin
Na mawawala ka na sa akin
Napakasakit na marinig
Na ayaw mo na sa akin

Hapdi at kirot
Ang dulot sa ‘king damdamin
Di ko kayang mabuhay sa mundo
Kung mawawala ka sa piling ko

I.

Kahapon lamang ay kaysarap
Ng ating pagmamahalan
Ang sabi mo pa, pag-ibig mo’y walang hanggan
Kahapon lamang tayo ay nagsusumpaan

II.

Ang sabi mo pa, ako’y di mo iiwan
Ngunit bakit ngayo’y nagtatapat
Na mayroong ibang mahal
At sinabi mo pa na mas mahal mo siya
Kaysa sa akin

Nagdurugo ang puso ko dahil sa sinabi mo
Nais kong magmakaawa sa ‘yo
Suyuin ka, pilitin ka
Na ako’y muling mahalin…

toinks! toinks!

Medyo may kakornihan ang lyrics.. pero kung nanamnamin mo ang bawat salita.. masakit nga , lalo sa mga taong nakakaranas o nakaranas ng kabiguan sa pag ibig mahirap talaga tanggapin. Sasabihin ko nanaman ulit ito na walang sinoman ang pwedeng humusga sa nararamdaman mo kasi hindi sila ang nakakaranas ng sakit na yun. Sila na ang lumugar sa katayuan mo.. yung feeling na ang sakit sakit… kahit saan ka bumaling laging parang may kumukurot sa puso mo. Huwag mong sabihing umaarte lang dahil kung may choice sila , hindi nya pipiliin maramdaman yun impyernong pakiramdam na paulit-ulit nalang nagsusumiksik sa sistema nila. Iyong iba mag sasabi ang O A naman nyan!!! Try to put yourself in her/his shoes.. baka sakali lang maramdaman mo at maunawaan ang pinag daraanan nya.

Hindi madali, dahil kung madali lang kalimutan ang lahat at lunukin ang katotohanan di sana hindi ka na maya maya naglalabas ng likido sa mata tuwing tatamaan ka ng kirot na iyon. Naiintindihan ko rin yun pakiramdam na gusto mo nang maglaho sa mundo kapag ganon yung shet na pakiramdam na iyun… pero hindi dapat ganon.. dapat labanan mo ang emosyon mo.

Lahat daw ng bagay sa mundo pwedeng maglaho, lahat may katapusan, lahat hindi pwedeng magtagal , walang forever. Syempre nasasayangan ka kung ikaw yun tipo ng tao na mapagpahalaga, lahat ng bagay na ipinaramdam sayo eh pinasasalamatan mo at pinahahalagahan at in return gusto mo ibalik yun favor na iyon sa kanya o mas higit pa dahil …. sinasabi ng puso mo na..

Ikaw ang dahilan kung bakit pagkatapos ko masaktan noon eto ka nagpapangiti saken..

Ikaw ang dahilan bakit nagtitiwala ako ulit pagkatapos ng kabiguan ko…

Ikaw ang dahilan bakit iyong puso ko na dati basag na basag ikaw ang bumubuo unti unti..

Ikaw ang dahilan sa bawat kinang ng mata at tamis ng ngiti sa aking labi..

Ikaw ang dahilan sa bawat kanta ko..

Ikaw ang dahilan sa bawat pag bangon ko..

IKAW ANG DAHILAN KO ♥♥♥


Tapos biglang may magbabago… hindi ka na kayang mahalin, o kaya naman nag taksil sayo, o talagang hindi pwede.. WASAK! bakit mo pa ipinaramdam saken lahat ng ito kung lahat ay magbabago rin?

Sige sumigaw ka, sabayan mo iyong rock music na tumutugtog kasi umay na umay ka na sa mga love songs na pinapatugtog sa radyo na lahat ay parang patama sayo.. ” how do i live without you” ” how am i supposed to live without you” ” Paalam na” ” Iloveyou Goodbye” habang hawak hawak ang isang bote ng redhorse na malamig na malamig tapos nag iisa kang naglalaklak o bakit o bakit! Napaka miserable ano???

Iyon iba tapang tapangan mode.. Hindi lang sya ang babae/ lalaki sa mundo ano??? I deserve someone better! Mukha mo! Hindi ka naman kagandahan/ kagwapuhan anong karapatan mong i reject / lokohin ako ng ganito nalang anooooo??? Pero kapag nag iisa nalang yan tataob rin yan.. Minsan ayaw tanggapin ang pagkatalo dahil sa PRIDE. Pero itong tipo ng mga tao na ito ang pinaka kawawa  kasi hindi pinapakita yun tunay na nararamdaman.. ayaw aminin sa sarili , iyung nagkikimkim maya maya bigla nalang iyan sasabog na parang bulkan at hindi mo kaya pang kontrolin ito kapag umabot ka na sa hangganan mo.

Sasabihin mo… ” Sa tingin nyo madali lang ba ang pinag daraanan ko??? ” I HATE YOU! ” ” I HATE THIS CRAZY FEELING” ” I HATE MYSELF FOR FEELING THIS WAY!” ” I HATE THAT I LOVE YOU”  ” YOU LIAR!” Pero bakit MAHAL pa rin kita 😦

Hindi ako magkakaganito kung hindi kita mahal! Mahal lang kita kaya ako nagkakaganito kasi totoo ako , totoo ako.. ( buntong hininga…)

  • Hindi naman lahat ng gusto mo pwedeng mangyari diba?
  • Hindi rin lahat ng tao pwedeng maintindihan yang pinagdaraanan mo, iyun iba dadamayan ka lang , makikinig, pero pagkatapos nun ikaw pa rin ang makakatulong sa sarili mo. Kahit sundin mo lahat ng 3 entry ko kung paano ba mag move on ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo, hindi si YOU..
  • Hanggang kailan mo titiisin ang SAKIT na iyan? Sakit sya literally kasi hindi na healthy lagi kang
  1. malungkot
  2. lagi kang umiiyak
  3. lagi ka nagseselos
  4. lagi kang parang kawawa
  5. lagi kang bitter..

Lahat ng bagay may dead line..

TAHAN NA…

HUSH….

HE/SHE MAYBE THE BEST THING THAT EVER HAPPENED TO YOU… may mga bagay talaga na hindi nagtatagal..Iyon ang dapat mong isipin , iyon ang dapat mong tanggapin, huwag ka nang mag matigas , mahirap tumanggap sa kabiguan lalo na at binuhos mo lahat lahat sa kanya pero wala pa rin … Siguro may mas magandang ibibigay si Bosing sayo.. iyong hindi ka sasaktan iyon kapares mo talaga… iyong mas sasaya ka pang hawakan mo iyon..  Kung sa tingin mo parang hindi mo kaya… kailangan mo ipanalangin iyon na bigyan ka ng kapayapaan , katahimikan ng puso mong nasasaktan.. ” Lord ang sakit sakit naman! ” Hindi ko na kaya… itinataas ko na sa iyo lahat ng nararamdaman ko… soon your worries, pain  and fears will disappear because only GOD CAN HEAL THE BROKEN  HEARTED. Surrender it.

How good it is to give thanks unto the Lord

How good is to give thanks unto God..

OH HE HEALS THE BROKEN HEARTED BINDING UP THEIR WOUNDS..

It is good to bless HIS HOLY NAME .

Learn to give up if you think that you already did your part. Goodbye is not really an end, but a beginning of a love you deserve to have.

Advertisements
17
Mar
11

Handa ka na ba?

Sa dinami dami ng pinagdaanan ko sa buhay madalas kong naiisip may katuturan kaya lahat ng mga mabuti kong ginawa? Iyung karamihan gumagawa ng mali tapos ako pinipilit kong maging matuwid meron kaya akong mapapala?

Minsan nakakapagod din maging mabait kasi napansin ko kapag mabait kang tao ikaw yung nirerape ( sinasamantala). Pero kapag nakakaramdam ako ng ganon naisip ko yung kasabihan na ” what you sow is what you reap” .

Kapag nagtanim ka sa kapwa mo nag pagmamahal babalik din sayo yun pero kung magtatanim ka dapat talaga genuine yun kasi kung hindi totoo at may motive ka kung bakit mo binibigyan ng pagmamahal ang isang tao ibang usapan yun. God sees heart at in due time He will reward us for our good works.

“… I am He who searches the minds and hearts. And I will give to each one of you ACCORDING TO YOUR WORKS.” (Revelation 2:23)

Magtanim ka ng kasamaan sa kapwa syempre yun ang aanihin mo. Ganon lang yun pabalik balik. Hindi madaling magpakabuti pero si God yun pumuno sa atin para magawa natin yung will nya. Minsan mahirap talaga, pero dyan tayo tinetest kung hanggang saan tayo at totoo ka ba .

Sa mga nangyayari ngayon , lindol, tsunami, hindi pagkakaunawaan ng bansa…naisip ko tuloy ang sinasabi ng bible :

LUKE 21:10-11
Then Jesus said to his disciples :
“Nation will rise against nation, and kingdom against kingdom. There will be great earthquakes’, famines and pestilences in various places, and fearful events and great signs from heaven. ‘Jesus says for behold I come quickly……..

Matthew 16:26

What good will it be for a man if he gains the whole world, yet forfeits his soul? Or what can a man give in exchange for his soul?

“And behold, I am coming quickly, and My reward is with Me, to give to everyone ACCORDING TO HIS WORK.” (Revelation 22:12)

“For we must all appear before the judgment seat of Christ, that each one may receive the things DONE IN THE BODY, according to what He has done, whether good or bad.” (2 Corinthians 5:10)

Ano ba ang gusto kong anihin pag dating ng panahon? Naniniwala kasi ako na lahat may katapusan saan ako pupunta pagkatapos nito? Ano mangyayari sa akin? Hindi lang dito matatapos ang lahat.

HELL

Revelations 20:10 And the devil, who deceived them, was thrown into the lake of
burning sulfur, where the beast and the false prophet had been thrown. They
will be tormented day and night for ever and ever.

HEAVEN:

And I saw no temple in the city, for its temple is the Lord God the Almighty and the Lamb. And the city has no need of sun or moon to shine on it, for the glory of God gives it light, and its lamp is the Lamb. By its light will the nations walk, and the kings of the earth will bring their glory into it, and its gates will never be shut by day—and there will be no night there. They will bring into it the glory and the honor of the nations. But nothing unclean will ever enter it, nor anyone who does what is detestable or false, but only those who are written in the Lamb’s book of life.

—Revelation 21

DO YOU KNOW FOR SURE …..

……..that you are going to be with God in heaven?

Sagot sa katanungan.

“Behold, I stand at the door and knock [at the door of your life].
If anyone hears My voice and opens the door, I will come in to him. ”
Revelation 3:20

Handa na ba tayo? Ano ba ang ginagawa ko? Sino ba ang inuuna ko?




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,496 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers