Posts Tagged ‘health issues

15
Sep
10

hapontukin

“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?” – Bob Ong-

Wala itong kinalaman sa buhay pag-ibig ko hehehe. Noong kabataan ko madalas akong pinagagalitan ng nanay ko at kinukurot sa singit kapag ayaw ko matulog ng tanghali. E sa hindi nga ako inaantok eh? Kahit nandun lang ako sa kama nakahiga tulog na nanay ko pero yung mata ko bilog na bilog pa rin, kapag titignan nya ako nag  kukunwaring nahihimbing ako.

Gusto kong ibalik yun panahon na nakakatulog ako ng tanghali. Kasi ngayon wala na akong panahon na matulog. Masubsob ka ba naman sa trabaho. Ewan ko ba kahit nakakatulog naman ako ng maayos kapag gabi pero pag dating ng umaga inaantok pa din ako kahit tanghali.. Du ma damoves nanaman ako ng instant teknik para di makatulog sa opisina.

  1. iinuman ko ng kape para magising ang kalamnan ko pero lalo akong inaantok
  2. minsan nagtatatalon ako para magising ang dugo.. sandali lang aantukin nanaman ako
  3. Iinuman ko ng cobra energy drink.. pero wala pa rin..
  4. Minsan nag papakurot ako sa katabi ko pero ayaw ko sanayin magpakurot baka maging dalmatian ako at mapuno ng pasa sa braso..
  5. Tinatapik tapik ko ang pisngi ko..
  6. Nagpapatugtug ako ng malakas.

Gustong gusto ko matulog ngayon siguro dahil sa pag tulog lang natatahimik ang isip ko, ang puso ko lahat lahat … pero minsan nga kahit tulog yung isip ko layo pa rin ng nilalakbay.. medyo nakakapagod.. lagi akong pagod. Ano kaya ang sakit ko? Madikit lang ako sa unan tulog ako.

Kaya naisip kong pagbigyan ang sarili kong matulog ng breaktime, umuwi ako ng bahay para matulog sandali kasi nakaka boost daw ng energy kapag umiidlip kahit sandali. Kaya heto binuksan ko ang electricfan at pinindot ang number 3 humiga sa malambot na unan ko.. SARAP!  umiikot na ang paningin ko hikab dyan hikap dito.. wala na ko makita nakapikit na ako .. hay sarap ..parang nanaginip na ako bigla tumunog  yung cell ko na may  message tone na ” rah rah rah ah ah ruma ra ah ah.. want your bad romance princess version” may nag text! sabi..

” sis! anong ibig sabihin ng panaginip ko? Napanaginipan ko jowa ko deni deny daw nia ako hindi nya daw ako kilala.. tapos tumaba sya at gumwapo sya.. ano sa tingin mo?

Anak ng pitong pung tupa! sumagot ako..

” aba malay ko? Siguro iniisip mo sya.. pero may tanong ako sayo  ano naman tawag mo  sa babaeng antok na antok na  at makukuha na nya tulog nia  andun na ohhh makakatulog na tapos makaka receive ng napaka importanteng tanong mo. NABITIN! 


02
Feb
10

check

May na check na ba kayo?

ikaw ba ay nakakaranas ng mga ganitong symptoms

  • mood swings – super check
  • irritability – check
  • depression – check
  • anxiety – check
  • angry outbursts – check
  • confusion or fuzzy thinking – check
  • tearfulness- check
  • fatigue – check
  • insomnia – check
  • overeating – check
  • cravings, especially for salty or sweet foods – super check
  • acne – check
  • bloating – check
  • weight gain- check
  • headaches- check

Isang paalala kung ikaw ay nakakaranas ng ng mga ganitong symptoms ikaw ay may PMS kapag babae ka. Babae ang lang ang sinasabi ko dito hmmkei?

So sasabihin nila na pinaka gasgas na dahilan yan ng babae. Minsan siguro nagagasgas na nga sya at sa twing totopakin ang babae e katwiran may PMS ( Pre Menstrual Syndrome).

At totoo ito dahil may scientific explanation naman ito. At hindi rin naman madali ang pinagdadaanan ng mga babae kapag sila ay inaatake ng PMS. Pero ayaw ko nang magpaka scientist wahahaa para mag explain pa.

Minsan nga lang ginagawang excuse ng mga girls ang PMS dahil ito ang pinaka SAFE na dahilan para siguro hindi na sila patulan pa kapag omo owver na ang topak sa katawan. Hindi mo maalis yun no?

Pero yun nga kahit sana nakakaramdam tayo (girls) ng mga ganyang symptoms eh kaya natin kontrolin pa rin ang sarili natin. At sa mga napagbubuntunan  ng PMS (guys) intindihin nyo nalang kami. Mahal nyo naman kami diba?

03
Sep
09

hmmkei…

So bakit ba ako abala this past days?? Hmmm e sa busy kelangan ba mag explain, o wala lang talagang maisulat at walang medyo maganda ma i shashare ang utak ko sa blogsphere. Nakaka drained din naman kasi minsan. At bakit ba ako mag aalala kung wala akong naisusulat bakit sikat ba ako?? Marami ba nag aabang ng mga sasabihin at isusulat ko?

Well mahilig lang ako mag sulat at magbasa yun ang alam ko, pero yun galing sa pag eexplain at pagsusulat malamang marami pa akong kanin na kakaiinin.. o may gulay wag nalang palang kanin nakakataba yun.. marami pa akong dapat matutunan sa pag susulat.

Siguro nga hindi ako masyadong matalino pero hindi rin ako masyadong bobo para hindi ko mapansin ang isang bagay na biglang nag pa init ng ulo ko. Nag iisip kasi ako mag update ng blog ko kaya naisipan kong tignan ang aking blog statistic dun kasi ako minsan kumukuha ng topic base sa search engines.

Napansin ng mata ko ang kakaibang pangalan sa mga url na nakalagay sa mga tagapagsangguni eto yun .

Pumasyal ako sa blog na iyon para makapag blog hop at sa ating mga blogger parang return of favor yun kasi namasyal sa blog mo.. makikiusyoso na rin kung anong meron sa blog na iyon.. una napansin ko yun theme ng blog.. pareho kami pero okey lang naman.. napansin ko din yun title na PAANO BA TALAGA MAG MOVE ON?? hmmm interesting mahilig ako mag basa tungkol sa relationship at paano mag move on pa?? E may entry din ako tungkol dun at malapit din sa title nya eto oh PAANO NGA BA MAG MOVE ON? .

Sa totoo lang naaliw ako mag basa nun.. pero teka, wait , sandali lang parang habang binabasa ko iyon parang pareho kami ng sinulat.. Toinks!! haler! ikaw ang nag sulat nun iba dun lambing! At take note dalawang entries ko pinagsama sa iisang entry.. watta??? Hmmm umuusok ang tenga ko naiinis ako eh.. kasi bakit ganon na ang labas nun.. inaako nya na sya ang nag isip nun.. dinagdagan nya lang tapos nilagyan pa ng side comment na mura?? naiinis ako..

Hmmkei… pag palagay na natin natuwa sya sa mga sinulat ko at hindi napigilan kopyahin yun entry ko at dagdagan, kung sa bible nga bawal ang magdagdag at magbawas kasalanan yun! pero syempre hindi naman bible yun sa akin blog entry ko yun.. nang galing sa kaibuturan ng puso ko yun! Kahit medyo ganon ako mag sulat galing sa utak kong singliit ng monggo yun.

At katulad din ng iba.. naranasan ko na din naman yun.. na dedetect ko kasi kapag may nangopya sa entry ko, pero ngayon lang ako nag sulat ng entry bout that.. yun iba nga kinopya pa pati name nun kakilala ko anubayan.. so halatang kinopya nya yun.. e sa present technology natin ngayon hindi naman maiiwasan yan ganyan na kopyahan eh.. ang dali lang kaya mag copy paste.. pero sana lang.. mag paalam diba?? hindi naman ipinagdadamot.. o kung hindi man mag paalam.. dapat may citation na ito galing kay bobang si lambing.

Pwede na matawag ito na Plagiarism o Self -plagiarism na ayon sa wikepedia: at eto oo copy paste din ang ginawa ko toinks!

“use or close imitation of the language and thoughts of another author and the representation of them as one’s own original work.

Self-plagiarism

Self-plagiarism (also known as “recycling fraudis the reuse of significant, identical, or nearly identical portions of one’s own work without acknowledging that one is doing so or without citing the original work.

Hmm sa mga katulad kong blogger.. question! Ano ba ang mararamdaman mo kung makita mo ang sinulat mo na walang acknowledgment manlang? OA ba ako para bigyan ko ng pansin at pag inartehan ang bagay na ito??

watchathink???

23
Oct
08

diet 101

Sa katulad kong biniyayaan ng malusog na pangangatawan, pinapangarap ko na kahit manlang konti lumiit ang aking katawan. Kaya kahit anong bagong diet ang lumabas o mabasa ko sinusubukan ko. Hindi naman sana ako macoconcious sa katawan ko eh. Nagsimula lang akong ma concious ng dumami ang admirers ko naks! Paano ba naman babanatan ka ng mga pick up line na ganto “ Alam mo maganda ka….. kaya lang mataba ka! ” Pwede namang purihin ka nalang wag na isama yun kaya lang diba diba diba??

Whats wrong with my body ba? Kasalanan ko bang ipinanganak akong maganda at makulong sa isang katawang malaki? (kapal ng fes ko..)  Minsan unfair din ang tao, sa katawan tumitingin lalo na ang mga boys.. hhmmm aminin.. xempre kung ikaw ang papapiliin mataba o sexy syempre sa sexy ka na. Hindi rin sana ako macoconcious kung walang mga taong nanlalait sa akin. Itatawag ang mga words na nakakadegrade sa iyong pagkatao.. “baboy” , tama bang i compare ako sa isang baboy? “elepante” ganon na ba kalaki ang katawan akong elepante?? ” tabatchoy” ” porkchop” .

Di ko na mabilang pa ang mga nakakairitang words na yan.. pero wala akong magagawa napapaligiran ako ng  mga taong makitid ang utak at sa pan labas na anyo lamang ang tinitigan, Hindi naman ako nang gagalaiti dahil mataba ako, sino ba may kasalanan bakit ako tumaba ng ganito syempre ako din. Pero ang hinihiling ko lang ay konting respeto.. Nakaka asar. At dahil naasar ako gusto ko na mangayayat.

Actually madami na akong diet na nasubukan.

  1. After six – ito yun bago daw dapat mag 6 o clock nakakain kana. Hindi ko rin masunod ito kasi pag gabi ako malakas kumain.
  2. Oatmeal – oat meal lang kakainin.. nakuuu.. ginugutom lalo ako dito.. turo kasi ito ng former boss ko na health concious din. Super sabay kami mag diet noon breakfast lunch puro oatmeal. Naduduwal na ako. Hindi rin kinaya ng powers ko.
  3. Aerobic – Syempre kasama ko nanaman ang mommy net ko sa pagpapayat.. nakow ang hirap mag exercise… di rin kaya ng powers ko.
  4. Kape – may sinubukan din akong pampayat na brand ng kape noon.. ang resulta?? na addict ako sa kape.. hindi naman ako nangayayat lalo yata akong lumaki.
  5. Slimming tea – Eto medyo effective sa akin to kaya lang nagiging eskandalosa ang wetpaks ko dito.. kahit anong oras pwede kang majebs. Dati iinom ako nyan ng gabi sa madaling araw hihilab ang tyan mo kahit antok na antok ka na pagmadaling araw babangon at babangon ka talaga kasi.. di mapipigilang jumebaks. Bakit effective? Puyat kana nagtatae ka pa. 😆 naalala ko tuloy nun first date namin ni mang jose.. uminom ako ng slimming tea ng gabi.. inaantay ko ma jebs ako ng madaling araw di ako na jebs.. mantakin mong saka sya humihilab nun kumakain na kami sa isang resto.. alam mo yun pinagpapawisan ka ng malapot at nanlalamig ka. Pero dapat carry pa din at pa cute kasi kaharap ko kaya si mang jose?? Kaya paalala lang wag iinom ng slimming tea pag may date… tsk tsk..

Tama na nga.. daming sinubukan di naman ako nangangayayat. Pero ang alam kong pinaka effective na pampapayat eh .. self decipline.. syempre choose the right food to eat and exercise. Ako effective yun diet program na binigay ni sommer, panay gulay at fruits lang talaga sya at panay tubig. Effective din na hindi kumain ng pork kasi kung maalala nyo sa entry kong eto mahigit 2 buwan na akong di kumakain ng pork.. at kahit di ko pa naaabot yun ideal body ko.. alam kong nabawasan ako nang konti.. at healthy sya kaya di naman masamang magpapayat kung talagang sobra na ang weight.

Pero hindi ko naman kinakahiyang maging isang mataba, kahit naman mataba ako cute pa din.. Daming nasasayangan kasi daw maganda yun mukha ko aaaww di bagay sa katawan ko.. watta bastos this people are.. tsk tsk ang pinoy talaga lakas mang asar.

Ngayon isa lang pinanghahawakan ko, kahit mataba ako mabuti naman akong tao hahaha.. ano ba yan..  Kontento na ako kung anong meron ako, at dapat mahalin ko ang sarili ko, paano ako mamahalin ng iba kung yun sarili ko hindi ko matanggap right?? Dahil hindi lang naman sa katawan nasusukat ang lahat eh.. pero gusto ko pa din pumayat syempre! Para maisuot ko ang mga dress na gusto kong isuot! yun lang yun eh… 😆

kaw may diet tip ka ba? share mo na  yan!! 🙂

13
Aug
08

Topak

Listening to : Always be my baby by david cook

Senti mode:

Ewan ko ba bakit ganto ako ka senti, gustong gusto kong makinig ng music, pag ganitong senti mode ako gusto kong makinig ng mga love songs, At saka parang kulang ang buhay ko pag hindi ako nakakarinig ng musika, para syang bitamina ko, na pag hindi ako naka take matamlay ang buhay ko. Love ko talaga ang music .. tingin ko mas lab ko pa nga sya kay mang jose eh.

Listening to : Big girl dont cry by fergie

Haay.. minsan parang nanadya pa ang music kung ano yun nararamdaman at the moment parang yun ang sinisigaw ng kanta.. Ganto talaga ako, may time na gusto ko wala akong ginagawa.. nakatingin sa malayo na wala namang tinitignan, basta nakikinig ng music..

Listening to : Fool again by : westlife

Haay ulit.. may na mimiss ako.. ano ba yan, sayang naman yun pagiging malambing ko, wala akong malambing.. San ko ba nakuha itong emo mode ko.. malamang tinamaan din ako ng virus na kumakalat sa blogsphere.. at month of august pala ngayon.. ganon ba yun?

Listening to : Tell me where it hurts – mymp

Why dont you tell me where it hurts my baby ayan kumanta na tuloy ako.. haaayzz uli..

Listening to : Hero by : Mariah carey

Aba at may ganon pa hero hero ka dyan… nakakaloka ang ganitong mode. Kelan kaya darating yun hero na yun… haaay pa uli..

Listening to : No ordinary love by : MYMP

Nakakainis bakit ba ako nag kakaganito kasi eh… o sige na nga aaminin ko na nga .. nasa stage ako ng PMS( PreMenstrual Syndrome) hehe.. ganto daw yun eh.. nagkaka moodswings ang girlala, minsan naman yun iba sumasakit ang kung ano ano sa katawan. Gusto ko nagyon kumain ng tsokoleyt.. ng maalat.. hindi naman ako nag lilihi.. gusto ko nakasimangot lang ako, kaso hindi ko feel ngumiti.. at nakakainis tinutubuan ako ng pimples!! inlove? di naman.. kasi dati na akong inlove.. haayzz pa uli…

Listening to : I MISS YOU by : Klymaxx

At OO may na mimiss ako..SOBRA.. as in miss na miss to the tenth level.. haayzzz yun lang yun eh may nalalaman pa akong PMS PMS..

kaw na PMS KANA BA? hehehe 😉




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 592,693 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers