Posts Tagged ‘health

22
Feb
11

one more chance

Dati rati kapag inspired ako saka ako nag papayat. Maraming beses na rin ako nabigo. Pero sabi nga try and try untill you die ehek untill you suceed pala. Oo na naghahanap nanaman ako ng pagkaka abalahan sa buhay, ayoko munang ubusin ang panahon ko sa katatanong tungkol sa buhay pag ibig ko. This time sarili ko naman ang aasikasuhin ko.

Actually nagagawa ko naman magpapayat kapag gusto ko , mas malakas nga lang resistensya ko kapag may motivation ako. Na challenge kasi ako dun sa nabasa kong status message sa ym na 9th day of Biggest loser challenge.. Hmmm napasyal ako sa blog nya kaya nainspire ako. Bakit gusto ko pumayat to feel good about myself.

Kasi ang mga taong nakapaligid sakin either plastic o kaya naman masyado lang mabait para hindi sabihin yun totoong nararamdaman nila para saken.. yun iba naman sobrang bulgar… pero isa lang ang ibig sabihin non hindi na maganda sa pakiramdam yun maraming pumapansin sa katawan ko.

Matagal ko na gustong gawin to kaso nagtatalo yun isip ko sabi nun isa wag ka na mag diet masarap kumain saka maganda ka naman ( oo sabi talaga ng isip ko yun :lol ) yun isa naman ” magpapayat ka na lalo ka gaganda ( :lol:) saka kapag pumayat ka na baka mapansin ka na ni ______________. oha oha..  Mas lalo daw ako gaganda sabi nun isa kaya sige na nga.. im giving myself another chance to go on DIE -T.

Hopefully  magawa ko na ito ng tama. Hindi naman ako nag mamadali gusto ko in natural way.. gaya nga sabi ni Alvin B . no pain no gain.

So ayun diet starts….. now?

ibig ba sabihin..

goodbye coffee???????????  😥

goodbye sokoleytssssssssssss ???

goodbye rice ???????

hmmmkei…

exercise everyday????

ok..

 

diet starts on…

 

on monday hehehe

 

gagawa pa ko ng diet program ko. 😉

 

pls pray for me 😉

 

Advertisements
18
Jun
10

Maganda ka ba?

Sino kaya ang nakaimbento ng salitang maganda? Kanino kaya galing yung idea na maganda ka lang kapag matangos ang ilong mo, maputi ka, at sexy ka, maayos ang ngipin, makinis ang kutis.

At kanino rin kaya galing yun idea na ang panget kapag pango, kulot ang buhok, maitim at mataba?

Hindi ba pwedeng sa loob na lang tumingin. Pero ito talaga ang mundo natin.. sa pang labas na anyo tumitingin.

Kapag maganda ka halos sambahin ka, at kapag pangit ka pinag lalaruan ka. Its so unfair. Unfair talaga. Nakakarelate tuloy ako sa palabas sa channel 7 yun Diva… ahek sobrang pang aapi sa kanya. Talaga bang pag paparetoke lang ang solusyon para matanggap ka ng lipunan? Kiber.. beauty is in the eye of the beholder naman diba?  Paano nalang kung wala kang pang paretoke? Di lilibakin ka na ng bonggang bongga.

Bakit ko ba ito nasabi? Wala lang habang nag sasalamin kasi ako naiinis ako sa nakikita ko sa salamin. Habang tumatagal  kapag nag gain ako ng weight lumalapad ang ilong ko.. tanggap ko naman na pinoy  ako huwag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango! YO!

Eka lang di ko kinahihiya ang ilong ko o ang mga taba ko sa katawan mega picture pa nga ko eh ang kaso ang di ko ma take ang pang bubuska ng mga pinsan ko soska.. nakakapikon din pala minsan..

Pero nagkaroon ako ng pag asa ng may nakita ako kanina sa isang botique oh yeah , di ko na kailangan mag paretoke ng ilong ito na ang solusyon ko!!! Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Maganda ka ba?’

02
Feb
10

check

May na check na ba kayo?

ikaw ba ay nakakaranas ng mga ganitong symptoms

  • mood swings – super check
  • irritability – check
  • depression – check
  • anxiety – check
  • angry outbursts – check
  • confusion or fuzzy thinking – check
  • tearfulness- check
  • fatigue – check
  • insomnia – check
  • overeating – check
  • cravings, especially for salty or sweet foods – super check
  • acne – check
  • bloating – check
  • weight gain- check
  • headaches- check

Isang paalala kung ikaw ay nakakaranas ng ng mga ganitong symptoms ikaw ay may PMS kapag babae ka. Babae ang lang ang sinasabi ko dito hmmkei?

So sasabihin nila na pinaka gasgas na dahilan yan ng babae. Minsan siguro nagagasgas na nga sya at sa twing totopakin ang babae e katwiran may PMS ( Pre Menstrual Syndrome).

At totoo ito dahil may scientific explanation naman ito. At hindi rin naman madali ang pinagdadaanan ng mga babae kapag sila ay inaatake ng PMS. Pero ayaw ko nang magpaka scientist wahahaa para mag explain pa.

Minsan nga lang ginagawang excuse ng mga girls ang PMS dahil ito ang pinaka SAFE na dahilan para siguro hindi na sila patulan pa kapag omo owver na ang topak sa katawan. Hindi mo maalis yun no?

Pero yun nga kahit sana nakakaramdam tayo (girls) ng mga ganyang symptoms eh kaya natin kontrolin pa rin ang sarili natin. At sa mga napagbubuntunan  ng PMS (guys) intindihin nyo nalang kami. Mahal nyo naman kami diba?

16
Mar
09

Ms. Insecure

Aminin mo Lambing naiinsecure ka sa katawan mo, dahil ganyan ka, dahil mataba ka .. naalangan ka sa may magagandang katawan..

Nanggaling ito sa isang manliligaw ko.. sabi nya kaya gusto kita kasi ganyan ang itsura mo.. wala nang magkakagusto sayo, kaya akin ka lang.. Huwaaat??? Ang sabi ko naman anong walang nagkaka gusto ? hekskyusmeee!!!! ma appeal yata to!!! basted ka na! baaaaaaasteddd!!!

Akalain mo yun? Anyways.. sanay naman na akong laitin ng tao.. ewan ko ba talaga kung anong problema nila sa katawan ko.. at sasabihin ko nanaman uli eto sa pangalawang pagkakataon gaya ng nasabi ko sa entry kong itokasalanan ko bang ipanganak akong maganda at maikulong sa matabang katawan??? Kaya ko naman palampasin ang mga pangbubuska sa akin. Sa tuwing makikita nila ako parang sila ang nagkakaka problema sa katawan ko. Ayaw kong paapekto … pero minsan naiisip ko dahil ba sa mataba ako kulang na ang pagkatao ko? Mabait naman ako, malambing, tapat, walang sinasagasaang tao.. at lalong di nanghihingi ng pagkain para isumpa ang katabaan ko?

Siguro sa mga pinagpala ang katawan na maging fit hindi ako maiintindihan.. pero sa mga kauri ko am sure makaka relate kayo… kasi tao din naman ang mga healthy na katulad ko.. dahil ba sa mataba na sya hindi na pwedeng mag suot ng sexy? Di narin pwedeng i display at seryosohin?? abat pati ba sa pangangatawan may discrimination na rin?? Pag payat o sexy kasabay ang matabang pumara ng trisikul yun seksi ang hihintuan. Tapos pag pipili ka ng mga panty na gusto mong design wala kang size.. eto pa.. may ka text ka o ka chat.. habang di pa kayo nagkikita sasabihin gusto kita kahit ano ka pa, pero pag nakitang mataba ka turn off na.. di na mag tetext dina magpapramdam… hay naku… tama ba yun tama ba yun???

Alam ko namang wala akong magagawa sa mga bagay na yan.. kasi ang tao sadyang maalipusta.. minsan di fair.. kaya kapag ba di ka IN sa mga tao.. pipilitin mong magpapayat to belong.. maling pangangatwiran pero yun ang katotohanan.. kelangan mong magpaka fit para matanggap ka.. paano naman kung hindi kayang magpapayat? Mananatili ka nalang dun sa isang tabi? Kung san ka bagay.. dun sa isang tabi.. nagtatago.. umiiwas na mapansin dahil pag nakita ka ng mga matang maalipusta at may matatalim na dila.. sasabihin si tabachoy! , si baboy! , ay ang laki naman ng bilbil nya.. o di kaya magtatawan tapos sa iyo nakatingin.. bakit ganon? Daig mo pa ang may sakit? Minsan pa sasabihin kaya ka iniwan ng bf mo kasi mataba ka…

Nakakalungkot na sa mundong ito.. may mga taong sa panlabas na anyo lamang tumitingin.. napakasaklap…

Hindi ako insecure, dahil kilala ko ang sarili ko.. pero yun mga tao sa paligid.. yun ang nagpapafeel na dapat ma insecure ka.. Pero eto lang masasabi ko.. buo pa din ang pagkatao ko at sobra pa.. Kung nahihirapan kayo na makakita ng mataba.. paano pa kaya yun may katawan? Alam na namin mataba kami pero sana naman wag na kayong mambuska kasi nakaka hurt na kayo pwamis… sabi nga nila kung wala kang magandang sasabihin wag ka nalang magsalita.

Kaya dun sa manliligaw ko??? Neknek mo!!! basted ka talaga!! BASTEEEED !! 😆

26
Aug
08

Honey

 

Dahil sa gusto kong iwasan na ang kape, naghanap ako ng substitute ng kape. Sabi ko sa sarili ko magkakalamansi juice nalang ako, pero teka pag asukal baka lalo ako lumobo nyan kasi di ko naman kaya ang asim ng kalamansi juice ng walang asukal. So nag isip ako ng healthy na pamalit sa asukal, madali’t sabi naisip ko agad ang honey. Masarap yun eh, saka di gaanong delikado tulad ng asukal.

Iyon nalang honey na nga lang, pero san ba ako bibili nun? Alam ko na pabibili ako sa co-worker ko , kasi nadadaanan nila ang Aritao, dito yun malapit sa Santa Fe pag nagbyabyahe sila papuntang Manila. So ayun na excite naman ako sa honey na yan. Di nyo naiitanong kasi talagang gusto ko na ang healthy living. Paano ba kasi nahahawa ako sa kasama ko sa boarding house ko. Hmm super sexy sya, at di naman masama na maingit ako sa katawan nya hehe. Ayun di sya kumakain ng karne, manok, itlog, at seafood. Paano pa kaya ako mabubuhay non? Halos lahat ng masarap bawal sa kanya?

Pero sa maniwala kayo o hindi, i want to congratulate myself kasi 1 month na akong di kumakain ng pork! huwow kamusta naman yun. Panay vegetable and fish ang drama ng lola nyo, tipid na iwas cholesterol pa. Minsan gusto ko din kumain ng pork pero parang nasanay na akong walang pork, substitute ng pork ko tokwa nalang. Hindi ko naman balak maging vegetarian, sinusubukan ko lang yun sarili ko kung kaya nya mag-adjust . At hndi naman pala mahirap ang mag gulay at fish ang kinakain, nakakasanay din. Iniisip ko rin na may benefits naman ang pagkain ng gulay lang at isda , medyo mahirap nga lang sa una pero sanayan lang din naman.

Kasi noon parang ayaw ko kumain ng gulay na walang halong karne, ngayon naaapreciate
ko na ang gulay na walang karne, pansit na walang karne sardinas lang ang halo, nabubusog din naman ako. Minsan naisip ko luho lang din pala yun dapat karne ang halo ng gulay. Dati nga pag nagluluto ako ng gulay mas maraming karne kaysa gulay. Ngayon wala ng karne. Seventh day adventist kasi yun kasama ko sa house, since dalawa lang kami dun nakikibagay ako, share kami ng food yun nga lang maraming bawal sa kanya, nahawa tuloy ako at nakapag adjust din sa kinakain. Hindi pa din ako nangangayayat 😳 eh kasi naman malakas ako kumain ng rice 😀

Mabalik tayo sa honey ko.. ayun nakabili na ng honey 200 isang bote. Pagka bigay sa akin ang ganda! Kulay brown sya.. nang tikman ko .. nakngtokwa.. parang asukal rin eh! Nadenggoy ako! Parang asukal na arnibal lang yun binili.. honey honey pang sinasabi! tinunaw na asukal lang.. paanong di ko malalaman na tinunaw na asukal lang eh nainigas sya pag may tubig na malamig parang candy! Pati ba naman ang honey may pirated! nakow! at ang mahal pa! 200! Bumili nalang sana ako ng 2 kilong asukal na pula at tinunaw ko wala pang 200 yun! At dahil sa inis ko nakow naubos agad ang pekeng honey within one week! Sa kaka healthy living ko nyan.. baka sa bandang huli diabetes ang sakit ko! 😦

May nalalaman pa akong healthy living .




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,496 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers