Posts Tagged ‘heath issues

03
Feb
11

how to save your heart?

Advertisements
16
Oct
10

kamusta ka na?

Lately nagiging sakitin ako andyang matrangkaso , magka sore eyes , mawalan ng boses at itong huli ang mag ka bronchitis. Wala lang naman saken kung magkasakit  ako sabi ko sa sarili ko walang namang mag aalala eh. Dati nanay ko lang ang nag aalala kapag nagkakasakit ako, nag aalaga saken kapag may sakit ako.. pero ngayong wala na sya.. mas malungkot magkasakit.

Naisip ko habang nakahiga at iniihit ng sunod sunod na ubo.. para saan pa ba ang pag galing ko?  Kung sakaling kunin ako ni Bosing okey lang, wala naman sigurong masasaktan kase yun gusto kong kamustahin ako, yun taong gusto kong tapunan ako ng konting atensyon wala namang pakialam saken.. mahalaga pa ba ang pag bangon ko?

Kagabi.. may mga tumawag saken.. nag text , nangangamusta.. nung malamang nagkasakit ako nag alala…

  • Wag na daw ako maligo ng gabi
  • Wag na daw ako uminom ng malamig
  • Uminom daw ako ng maraming tubig
  • May nag dala ng kalamansi ..timplahin ko daw sa mainit na tubig

Na realize ko marami pang “ibang”  nandyan  para saken..  pero kailangan pa ba hanapin ko sa iba ng atensyon na dapat ay sya ang nagbibigay? minsan kasi sa isang tao lang ako nakatingin.. Hindi naman ako mapag hanap.. maramdaman ko lang na mahalaga ko sa kanya ok na ako. Isang kamusta ka na anak? Ok na ako nun. Pero siguro hindi nga talaga sya ganon.

Habang naglalakad ako papuntang office may nasalubong akong magkakapatid akay akay ang isang taong gulang na babae. Nakatingin sya saken yun bata…ngumiti sabay sabi….

” mama”…

Napangiti ako, tumalon yung puso ko..hindi ko anak yun, dalaga pa ako haha. Pero ang sarap pala tawagin ng mama, paano pa kung talagang anak mo na..

Na realize ko.. meron pa namang mga iba..

May  mga iba pa na  mangangailangan saken

wala man ngayon

baka

bukas..

babangon ako sa mga ngiting iyon..

There’s nothing more complicated in someones life… if he do lives in complicated situation… stuck there the doors  shut!. And if never trying to step forward and push the door.. Life is really competeting and our first fight is in ourselves.. we must first beat it.. so we continue to live life into the fullest.. for in the end of the battle.. in our last breath we can say with a smile on our face.. feel contented..  i win!

22
Sep
09

Nagbabalik

Ayan nandito nanaman ako, nag iisip ng kwento ma iishare ko sa inyo. Ano nga ba nangyari sa akin bakit ako nanahimik nang pagkatagal tagal?

  1. Unang una sa lahat  busy ang lambing sa work.. isa kasi akong secretarya / encoder sa isang private company, ang trabaho ko mag encode ng mag encode ng sandamakmak ng orders ng sumarkets at market stall sa aming lugar. Gumagawa ng sandamakmak na reports mula lunes hanggang linggo. Tama ka ng narinig hanggang linggo , pero nagpapahinga naman ako ng kalahating araw ng linggo . Minsan nakakapagod, at nakakabato kasi puro papel ang kaharap ko wala kong chance as in chance makahanap ng super papabol prince charming according to joyo my fwend.. nakatengga ang lambing sa isang sulok ng kwarto ang kaharap ay computer. Kaya ang aking social life ay sa mundo nalang ng internats… kaya ayun busy sa facebook.. kahit paano naaaliw ako ng panandalian.
  2. Nag ayos ako ng passport, may isang mabuting kaibigan na tumulong sa akin , para maumpisahan ko na pag aayos ng passport ko.. para maiba naman ang takbo ng buhay ko. Kasi sa dami ng problema kahit siguro maghapon magdamag ako magtyaga sa trabaho ko kulang pa rin.. di ko pa rin maibigay ang gusto ng mga umaasa sa akin, gusto ko din naman makatulong , hindi naman sa hindi ako tumutulong yun nga sapat lang talaga at kulang pala.. gusto ko din magkaron ng maayos na buhay ang nanay ko habang andyan pa sya, hindi pa naman siguro huli para mag desisyon akong mag grow.. sabi nga ng isang kaibigan ko there’s always room for growth. Sana i bless ako ni Bosing at will pa din nya masusunod.
  3. Na hospital ang papa ko. Mahal na mahal ko ang papa ko, nun time na na confine sya.. hindi ako makakausap ng matino, kasi first time nya ma confine, ayun inalagaan ko sya ng one day, ayaw naman nya ma kulong sa hospital ng matagal , gaya nga ng naikwento ko sa inyo takot sa injection si papa parang ako lang. Okey naman na sya ngayon naging aware na sya sa kinakain nya, healthy living na sya kasi panay veggies na ang kinakain nya. Ang hirap lang talaga ng galing sa broken family.. di ko masubaybayan ng sabay yun dalawang mahal ko sa buhay, pero carry pa rin .. at least may nag aalaga sa papa ko, yun tita ko (stepmom).
  4. Emoness- Ayan nakaka busy ang magpakaemo.. ewan ko ba emo queen ako eh. Pero carry lang hindi naman ako matagal mag senti mode eh..

Ayan.. dami pumapasok sa isip ko, sana maayos na lahat ng gusot.. para makapag lambing na rin ako 😉

06
Aug
09

Kulam

WitchFaceWO184Kung nakikita mo itong mukhang ito… medyo ganyan ang nangyari sa mukha ng tita kong pagka ganda ganda. Una napansin ko na namamaga ang mukha nya parang katatapos umiyak ang mga mata, tapos maga ang mukha parang may manas. Dalawang buwan na syang may sakit, pabalik balik sa hospital wala naman daw makitang sakit.

“Ate nakulam daw si tita..”

Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Kulam’

15
Aug
08

Adik sayo

Bakit ng una kitang matikman di kana naalis sa isip ko

Araw araw nalang hinahanap kita..

Para akong mababaliw pag wala ka sa buhay ko..

Pinilit kong kalimutan ka..

Tanggalin ka sa buhay ko..

Pero bakit sa tuwing iniiwasan kita

Parang nag susumigaw ang damdamin ko na huwag!!

Ano nga bang mayron ka?

At sa isip at katawan ko’y di ka maalis

Nais kitang tikman araw araw

Tingin ko addict na ako sayo…

Hindi na ito nakakatulong .. kailangan na kita limutin..

Kahit sumakit pa ang ulo ko kakaisip sayo..

Kailangan na kita talagang iwasan..

paalam mahal kong

Ilang araw pa lang ang nakakalipas nang makaranas ako ng senti mode. At kahit i deny ko man im chur may dahilan talaga kaya na tritriger tayo minsan maging senti. O kung hindi ka man kasali sige ako nalang.

Sa aking pag sisiyasat naks naman aking napag alaman na isa pala ang kape na nag tririger sa pagiging irritable ko, pag trigger ng symtoms ng pagkakaroon ng PMS. Napag alaman ko na may kinalaman pala ang content ng kape ang caffeine sa pagiging senti mode ko. Malamang kasi yun lang naman iniinom ko araw araw pag gising, pag gusto ko makatulog umiinom ako ng kape, baliktad kasi effect sa akin eh, inaantok ako pag umiinom ako hehe … May caffeine content din daw po ang softdrinks at tea.

eto po ang mga nabasa kong effects sa katawan ng caffeine :

Caffeine is considered a psychoactive drug since it stimulates the central nervous system and alters mood and behavior. Physiological effects may be experienced in adults after as little as one cup of coffee or 2 cans of cola. The unnatural stimulation or high is usually followed by a depression or low. Unfortunately, caffeine has a variety of adverse physiological effects.

Adverse effects include insomnia and disruption of sleep patterns; tremors, nervousness, restlessness, and irritability; headaches; elevation of blood fatty acid levels; elevation of blood pressure and/or serum cholesterol levels; irregular heartbeats and palpitations, and increased risk of cardiac arrhythmia and heart attack; increased gastric acid production & aggravation of peptic ulcers; increased heartburn; increased symptoms of PMS; increased risk of bladder and rectal cancer; higher risk of the birth of a low-birth-weight child; and increased urinary calcium losses.

Regular users of caffeine who try to quit, may experience increased anxiety, headache, irritability, and fatigue during the first few days of abstinence. These caffeine withdrawal symptoms are temporarily relieved by caffeine consumption which contributes to the habitual use of the drug. Caffeine is considered an addictive drug, and its regular use can lead to dependency. Some have suggested that its use may lead to the use of a stronger drug.

With so many questions regarding the safety of caffeine, the use of tea, coffee and cola beverages cannot be encouraged. Small children and pregnant women especially should avoid caffeine-containing foods and beverages.

Kung iisipin ang daming side effects ng coffee o caffeine pero bakit ba hindi ko maiwan uminom ng kape. Kasi sa tuwing iiwasan ko sya paniguradong sumasakit ang ulo ko.

Pero gusto ko mag ka anak may effect din daw kasi sa fertility yun eh.. gusto ko pa maging future mommy ano? kaya medyo iiwasan ko na sya..

Mayroon pa akong naririnig tungkol sa kape.. hindi ko alam kung may katotohanan iyon.. tinanong kasi ako minsan ng isang kakilala ko kung mahilig daw ba ako sa kape. Ang sabi ko ” OO COFFEE ADDICT AKO E ! ” Bigla akong tinawanan kasi may connection daw kasi ang kape sa sex.. Sabi ko naman may nalalaman ka pang cone connection dyan..

ano nga yun ? sabi ko..

Ano nga mahilig ka ba sa kape? sabi nya..

Ang kulit sinabi nang addict ako dun eh.. bakit nga?

” KUNG GAANO KA DAW KAHILIG SA KAPE GANUN DIN DAW SA SEX !”

Bwahahaha! addict ha?? 😆

😳 😳 😳

Hindi naman siguro.. kaw mahilig ka ba sa kape?




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,496 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers