Posts Tagged ‘humor

24
Aug
11

lambing’s best friend

Sabi nila ang aso daw ay man’s best friend, hindi ako masyado mahilig sa hayop ang carry ko lang alagaan ay aso at pusa. Dati may alaga akong aso 2 years ago na yun sya si tweety, kaso di ko gaano naasikaso sa boarding haus ko nun kaya pina arbor ko na nung nabubuhay pa si madir ko ang kaso namatay rin haisss… yun aso ha , nauna namatay sa nanay ko ay ano ba ang gulo ko.  Ayun pareho na sila patay ngayon …
Medyo lungkot lungkutan si lambing ngayon kaya gusto ko ng bagong hubby este hobby bagong pagkaka abalahan para ma focus ako sa iba at hinde sa kaemohan ekek ko.. sows sowsss its over tapos na ang pagluluksa.. Ayun kaya laking tuwa ko ng binalita saken ng childhood bestfriend ko na may aso sya ibibigay saken na tagged pa ako sa fb nun bagong panganak.. Na eexcite na ko kunin last two weeks kaso di pa raw pwede dahil nadede pa sa nanay..  Ako nalang kaya magpadede haha ituturing ko syang parang anak wahahaha pero naiisip ko may pangil yun masakit yun ahehehe..  Nag iisip na ko kung anong ipapangalan sa kanya.. Dati kasi tweety ang name nun aso ko ngayon kaya??

cute little puppies

Kaya mega message ako sa best friend ko kung pwede ko na kunin eto usapan namin:
Today

best nahanap ko ung crush ko nung bata pa ako nakakaloka hahaha

haha sino naman soska
malaki naba yun aso ko? hehe

oo malaki na kunin mo na

hehehe
hmmm kelan kaya
haiss cute ba? picturan mo nga tapos tag mo saken haha

dati cute siya nung bata pa kami

haha yun aso sinasabi ako ano ba
ang kulit mo

ay hahaha aso ba
ang gulo mo kasi

hahaha ay oo aso kaya takteng to
wahahaha
ikaw ang magulo haha
bakit best
hindi na  ba cute now?

sino?

bwahahaha
yun crush mo
takte ka wahahah
ikaw na!

ahhh
oo cute siya dati

haha eh yung aso ko cute pa rin ba?
haha

oo namn

sabi ko nga picturan mo tapos tag mo saken
tignan mo status ko wahaha

adik ka hahaha
tanggalin mo yan
hahaha

hahaha

natatawa tuloy ako..ang gulo mo kasing kausap aso pala sinasabi mo

12:46pm
ayan tinanggal ko na wahaha
haha
kita mo ikaw ang magulo haha
o naintindihan mo rin lol

sino itatagged ko sayo heeheh
si maiko?
kumain kana
?
hatid ko muna si nat2 sa baba

yung aso nga i tag mo saken hindi si maiko soska, ikaw na nga ang kumain baka gutom lang yan…
Basta sa kalutangan yung bestfriend ko WAGAS…
Hmmm kaya naisip ko ang ipapangalan ko nalang kaya sa baby dog ko ay maiko para di na kami malito ni best soska!
P.S Auburn na lang kaya? kasi LSS ako lately sa song nya na All about him lagi ko kinakanta at napapasayaw kapag pinatutugtog ko…
Aurburn o Maiko?
Ikaw? Any suggestion?
Na unique name ng puppy?

A dog is the only thing on this earth that loves you more than he loves himself.

Josh Billings (Henry Wheeler Shaw)

Advertisements
20
Sep
10

so sick

Pagkatapos kong antukin ng bonggang bongga at naisin makapag pahinga ng maigi, napag bigyan ang aking munting kahilingan nakatulog ako ng dalawang araw . Tama mga kalambingan napagbigyan ko ang sarili kong matulog yun nga lang kailangan ko pang magkasakit para lang makapag rest ng bonggang bongga.

Bakit ako nagkasakit? Hmmm gusto kong maawa sa sarili ko ng minsan akong abutan ng bathroom dance habang umuulan.. pasintabi sa mga kumakain.. nag deposit ako ang kaso sa loob ng cr umuulan din ang lakas ng tagas ng ulan , nagpayong ako sa loob habang nag coconcentrate, at dahil umuulan nagtagal ako  sa cr dahil umuurong ang dapat lumabas kapag nababasa yung likod ko, nag tagal ako dun.. at wag mo nang alamin kung paano ako nakapag hugas habang nakapayong napakahirap maniwala ka.

Kinabukasan, maliligo nalang ako bigla ko naiisip na giniginaw ako .. at oo hindi na ako naligo kasi bigla akong nanginig.. nag jacket ako , medyas at pajama .. at nag text sa opisina na Im sick. Oh yeah.. Bawal daw ako manuod ng tv at mabibinat, wag din daw ako uminom ng biogesic .. ang gulo nila sa earth dami bawal. Ano ako nanganak? Wish ko lang! ahihi. Ano ba magagawa ko kundi matulog nalang .

Dami mo palang naiisip kapag may sakit ka hanu?? Meron akong namimiss.. Nagdedeliryo na kaya ko nun? Bigla ko naisip na sana sana.. merong nandito sa tabi ko, nag aabot ng gamot at paiinumin ng royal, pupunasan yung pawis ko sa noo , sa likod , sa kili kili.. ang kaso walaaaaa.. ayoko na magkasakit , nakakabagot, parang lalo ako magkakasakit kapag nakahiga lang mag hapon hang dami ko pa naiisip kapag nakahiga wait a minute stopppp!  Naiisip ko sya at ang mapupula nyang labi.. nakangiti saken… na sana sana  hinahawi nya ang mahaba kong buhok sa mukha habang nakatitig saken.. tapos i ha hug ako… sasabihin saken “huwag kang mag alala iingatan kita at aalagaan.. ” At sabay kakantahan ako ng I’ll be ther for you.. Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘so sick’

18
Aug
10

6’7

Gabi inaaya ako ng kaibigan ko mag punta ng Baguio para sa isang mahalagang bagay, namatay daw yun cousin nya. Dahil wala akong budget at may work ako hindi ko sya pinaunlakan sabi ko next time nalang. Madaling araw may tumatawag sa cp ko sabi ” sis sige na samahan mo nako wala kong kasama masama pakiramdam ni mama at may sakit ang pamangkin ko wag ka mag alala ako na lahat bahala sa pamasahe sunduin kita  mamaya.”

Anak ng pitong gatang

  • ni hindi pa ako nakakapaghilamos,
  • nakakapag paalam sa boss ko,
  • ang gamit ko wala pang naayos ano dadalhin ko?
  • Anong outfit ko?????
  • uminom pa ako ng biguerlai kagabi paano kung abutin ako sa daan nun?
  • last day ng queen seon deok di ko mapapanuod si bidam my labs

Nakaka stress yung kaibigan ko. Madali’t sabi nag paalam ako sa boss ko pumayag naman na mag leave ako ng 3 days . Ang kaso lang eto dami ko pa naiwan na trabaho sa office, buti nalang mabait yun office mate ko at pumayag humalili sa ibang gawain ko.

Yes! makakapasyal ako, pero di ako nakapaghanda kung ano ano nalang ang inilagay ko sa bag ko isang jacket lang tapos sandal na manipis ang strap . Sabi nya mag rubber shoes nalang daw ako kaso di bagay yun rubber shoes ko sa skinny jeans ko wata na yan kaya tsinelas at sandal lang talaga ang baon ko. Alas dose alis na daw kami anu ba yan.

Halos 10 oras ang byahe 7 hours from isabela  to Urdaneta Panggasinan at 3 hours hanggang Baguio. Ordinary bus kasi nasakyan namin kaya medyo mainit pa tapos  medyo hindi maganda ang kulo ng tyan ko humihilab yata dahil sa  slimming tea na ininom ko.

Pag sakay namin ng urdaneta  aircon bus ang sinakyan namin sobrang ginaw naman. Brrrrrrrr gininaw ako sobrang lamig hindi ko alam kung saan ko isisiksik ang kamay ko  buti nalang medyo naaaliw  ako at may tv sa bus yihiii mapapanuod ko ang ending ng queen seon deok sabi ko sa isip ko medyo malayo layo pa naman ang Baguio, kaya tyaga tyagaan kong  pinanuod  lahat ng teleserye sa siete bago mag queen seon deok akalain mong isang teleserye nalang pinatay nung kundoktor yung tv 😥 its so amperrrrr.

Kinabukasan naglakad naman kami sa kahabaan ng session road napigtas naman  yung sandal ko anu ba yan so nilakad ko ang buong session road na pigtas yung isang strap ng sandal ko,  iika ika ako mag lakad sa kahabaan at ganong kataong lugar, buti nalang hindi ako kilala dun.. so nag hanap ako ng mga shoe store dapat mura lang kasi wa budget ang beauty ko punta kami sa ukay ukay pero mas mahal pa sa  brand new  kaya alis agad ang lambing sa ukay -ukayan.

ang daming tao sa session road

Nakakita ako ng footstep may SALE . May napili na ko sandal din mahal kasi ang rubber shoes eh kaya worth 170 yung napili ko.  Sabi ng friend ko eto oh black shoes  ang mura , yan nalang sis para pag uwi naten di kana ginawin 30 pesos lang naman eh. Nag isip ako medyo hindi ko trip yun design di ako sanay mag suot ng flat shoes 30 daw pero  mura nga .. so tinawag ko yun sales lady miss  etong 30 nalang wag na ito,  pengeng size 7 nito. Tinignan ako nun sales lady…

sales lady : ma’am eto pong 30 ? Okey lang po sa inyo?

Lambing : Oo yan nalang mura eh, saka napigtas lang kasi tong sandals ko kaya yan nalang .

Sales Lady : ( tumitingin pa din samin ng friend ko.) Okey lang po ba sa inyo kahit mag kaiba ang size? 6 at saka 7 konti lang naman po ang difference. 😆

6 & 7 halata ba?

Oo binili ko yung shoes una sa lahat mura care ko kung tawanan ako nun mga sales lady dun, pangalawa ayoko na ginawin pag uwi ko. 😆

19
Jul
10

be careful

Nakakalito minsan ang ang PAGASA sabi nila last week signal number 1 sa amin, halos wala man lang ulan at pagka init -init. Noong nag declare silang umalis na si basyang aba naman saka nag uulan dito, ano kaya yun?

Ayun kahapon pagkagising ko makulimlim, napakasarap matulog, pero naipangako ko sa sarili ko na magsisimba ako oo, kelangan ko bumangon at magsimba to bring back all the glory and praises to God sa pag iingat nya sa aming magkapatid, pag provide ng mga needs namin na nakakamangha kasi nakakasurvive kami sa kinikita ko.

Matagal ko na naiisip mag simba ang kaso nasisira ng kapatid ko ang araw ko palagi kaya nag pasya ako na wag na magsimba kapag nagsimula na ang toyo ko. Pero thankful ako walang panama ang pang aasar nya saken kahapon natuloy kami mag simba.

Balik tayo sa makulimlim na panahon, kapag ganito nag uulan may masarap na kainin.. MONGGO, BALATONG iisa lang naman yun eh haluan mo ng malunggay o talong, o bulaklak ng kalabasa o dahon ng ampalaya na may chicharon hay tapos may bagoong isda na sawsawan ng mga gulay nakooo solb na.  Pag pasensyahan nyo ko ganito ako kapag may gusto kainin…Sabi ko gusto ko ng monggo ang kaso mag sisimba kami walang nang time kasi ang tagal lutuin nun,  kaya nagtinapay nalang kami.

Pagka galing namin ng church nag invite ang tita ko na mag lunch kami sa kanila and you know what? Monggo ang ulam ^_^ ang saya saya dami ko nakain.. sabi ko ang lakas ko talaga kay Lord iniisip ko pa lang eh binigay na yun gusto ko.

Gabihan nag bible study kami sa isang kapatiran, doon na rin kami pinakain, and guess what kung anong pinaulam sa amin? Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘be careful’

17
Feb
10

ang sakit

Pinaubaya ko ito sa iyo kasi nagtiwala ako sayo

Naniniwala kasi ako sa kakayanan mo

Hindi ako madaling magtiwala pero sayo tumaya ako.

Alam mo namang takot pa ako.

Kasi sariwa pa sa ala ala ko ang sinapit ko sa iba.

Pero bakit …..

Bakit sinaktan mo ako..

Hindi ka nag ingat

Muli.. nanariwa nanaman ang sakit

Ang sakit sakit ….

Mula pagtulog hanggang pag gising ko dama ko pa ang kirot nito

Bugbog na bugbog na..

Nagdurugo na sya …

Namamaga na yata sa sobrang sakit..

Di ako makabangon uli

Bakit di mo ito iningatan…

ang sakit sakit na talaga 😦

Ayoko na ..

Wag mo na itong ulitin

Ang sakit na kasi…

Aleng manikyurista bakit mo minurder ang kuko sa paa ko..




02
Dec
09

usapang kaanuhan

ano1: pwede magtanung?
ano2: ano po un
ano1: panu kung may mahal kang iba ano gagawin mo? ipaglalaban mo ba ung nararamdaman mong pagmamahal sa isang tao
ano1: kahit alam mong bawal
ano2: ehem
ano2: bagay saten to
ano1: pls sagutin mo
ano2: okay ipapaliwang ko ang sagot ko jan
ano1: kelangan ko ng kausap
ano2: —generally ang sagot ko jan ay oo, ipaglalaban ko hanggang sa makakaya ko at hanggang sa makakaya ng nagmamahal sa akin, pero…tandaan moto..pero kung may malaking nakataya sa bawal na iyon…aalamin ko ang limitasyon ko at itatakda sa sarili na hindi kailanman umabot o lumampas ako sa nasabing limitasyon…—
ano1: panu kung sobra mo na siyang mahal..at kahit alam mong bawal ipinagpapatulyoy mo parin,,,dahil mhal mo siya
ano1: masama bang magmahal ka s
ano2: alamin mo ang limitasyon mo
ano1: ikaw nagmahal kana ba ng iba
ano2: mdami na
ano2: hihi
ano1: ganun
ano1: ung totoong minhal mom
ano1: mo
ano2: ahmmm ung totoong minahal…ahmmm parang wala pa ah…
ano1: ahh
ano1: ok
ano2: hehehehehe
ano1: lalaki ka kasi
ano1: puro laro ang na sa utak mo
ano2: HU?
ano2: d cguro
ano1: ang babae kasi madaling magmahal
ano1: hindi gaya ng lalaki
ano2: w8 po ha
ano1: sge kahit mtagal
ano1: sensiya na ha nakainom kasi ako
ano1: la akong headset
ano2: bakit k naglalasing
ano2: may maitutulong b yan
ano1: wala
ano1: gusto kasi paghiga ko tulog na ko
ano1: hindi mo kasi alm mahrap
ano2: ito isang tanong ko sau..
ano2: bakit nawala ang dating samahan nyo ng asawa mo
ano1: hindi ko alam nagising nalang ako ayoko na
ano1: nagsawa na ako
ano2: ano nagawa nya
ano1: wala na syang nagawa nuon..ewan ko ba basta nalang narandaman ko hindi na ako masaya sa pagsasama namin,,dahil siguro napakabata ko a nung nagsama kami
ano2: nung mkipagrelasyon ka jan sa iba ano ang mga kinunsider mo?
ano1: wala…alam ko naman walan=g
ano1: patutunguhan ang relasyon namin
ano2: cam mo?
ano2: cam nga tau
ano2: anak ng teteng
ano1: wala akong cam..bawal dito samin
ano1: wala nga
ano2: ahehe
ano2: pmapasok k ng nakainom
ano2: watahecks
ano1: hindi ah..pagwala ng naglalaro
ano2: haiz
ano1: gusto ko ;lang umiyak
ano2: so ngayon ano ang gusto mo mngyari sa inyo ng pamilya mo
ano1: hindi ko alam
ano2: umiyak ka lang
ano2: pero itanong mo sa sarili mo ang maitutulong ng bawat ginagawa mo
ano1: umiiyak na nga ako
ano2: wala akong ipagmamalinis dahil gawain ko rin yan ang makiapid
ano1: panu kung minahal ko na siya..kaya lng may pamilya din siya
ano1: ang hirap noh
ano1: hindi ko na yata kaya
ano2: simple
ano1: ano
ano2: magtuloy ka jan
ano2: ayaw mo papigil
ano2: go
ano2: sa ating mga nakikiapid alam na naten na sa simula pa lang mali na pero pumapasok at sumisige pa rin tau
ano1: mahal ko na siya
ano2: so tingnan mo ngayon kung hanggang saan kaba talaga
ano2: mahal…
ano2: go lang
ano2: di kita pipigilan
ano1: kahit may nasasaktang iba
ano2: kahit na, bakit may pakialam kaba?
ano2: kung papayuhan kaba naming huminto hihinto kaba
ano1: hindiiiiiiiiiiii
ano2: ikaw lang ang may kapangyarihan sa sarili mo
ano2: ako, ayaw kong mang hingi ng payo….bakit? para lang akong may sugat at alam kong kailangan ko ng ganong gamot..pero ayaw kong gamutin ang sarili ko
ano2: un tau….
ano2: naiintindihan mo ba un
ano1: oo
ano2: hndi tayo makikinig
ano1: tama ka
ano1: dahil sa tingin natin tama toh..kahit mali sa paningin ng iba
ano2: kaya nung i-open ni toot yang prob mo sakin
ano2: sabi ko naku hayaan mo lang sya
ano1: ganun
ano1: sinabi niya sau
ano2: oo nmn ganun ka nya kamahal
ano2: at ganun ka nya iniingatan
ano2: pero tanungin mo ngayon ang sarili mo
ano1: pero hindim ako nakikinig sa kanya
ano2: pinahalagahan mo ba ang mga payo nya
ano2: hayun ka
ano2: sige lang sa pagsalungat sa mga sinasabi nyang puro para sau lamang naman
ano1: dahil masaya ako sa nangyayari sakin ngaun
ano1: kahit alm kong bawaaaal
ano2: kaya kung sa akin ka hihingi ng advice yung inaakala ko lang na kakayanin mo at ung katotohanan lang ang sasabihin ko sau
ano1: ALAMO KO
ano1: alm ko
ano2: at sana may alam ka sa mangyayari sa huli
ano2: sana inaalala mo rin ang bukas
ano2: sana wag puro sa ngayon
ano1: tama ka
ano2: mahirap ng ahunin ang paa na nalubog na sa tumigas na semento
ano2: kaya habang malambot pa yang sementong kinatatayuan mo…ahunin mo ang sarili mo
ano1: totoo yan..dahil hirap na ako
ano1: hindi ko yata kaya
ano2: pero may nabasa kabang kapakipakinabang…WALA!!!!!!!!! dahil sarili mo pa ring ang susundin mo at kagaya ng paulit ulit n ngyayari sa inyo…makikipagkita kapa rin sa kanya sa parehong dahilan….
ano2: so may katuturan ba ang sinasabi mong “nahihirapan ako”
ano1: oo
ano2: nahihirapan ka dahil patuloy mong pinahihirapan angsarili mo
ano1: kaya
ano2: eto ha…hndi kita kilala at wala nmn talaga akong pakiaalam sa iyo kung tutuusin pero kung bbgyan mo ako ng pagkakataon sasabihin ko sayo…GAGA KA!….masakit ba..isipin mong anak mo akong nagsabi sau nyan…ano ngayon ang mararamdaman mo….
ano1: gaga talaga ako eh
ano2: sana may pakialam ka sa iba
ano2: alam ko nayun matagal na
ano2: makasarili kasi tau….
ano2: ngayon saan ppnta ang usapang ito
ano2: wala ring ppntahan
ano2: bakit?
ano2: dahil mamaya lang ittxt mo na ulit sya
ano2: at balik sa dati
ano1: hahaha
ano2: so magpakasaya kana lang
ano2: go
ano2: sago
ano2: lolz
ano1: ewan ko ganun tlaga eh
ano2: ahmmm
ano1: mahla o nga eh
ano1: maha;
ano1: mahal
ano2: acheche
ano1: hahaha
ano2: tama na iha…
ano1: love you fren
ano2: sa asawa mo yan sabihin
ano1: sau ko gusto sabihin eh
ano2: eto nga sabihin mo sa harap ng bunso mong anak: “anak si mama mo, may mahal ng iba hindi na si papa mo, (considering may pamilya rin ung lalaki mo)
ano1: ano kaba..
ano1: hindi ko kayang sabihin sa mga anak ko un
ano2: ulol ka at kaibigan lang ang turing ko sau at di nmn talaga ako ganito manalita,,,kahit kanino mo itanong nagbabakasakali lang na may ga martilyo akong maipapalo sa bungo mo iha…..
ano1: grabe ka
ano2: sino ang mas grabeh sa atin….
ano1: ao siguro
ano1: ako
ano2: isipin mong anak mo ang kachat mo ngaun
ano2: mama pauwi kanapo ba?
ano2: ingat ikaw mama….
ano1: mabait naman ako eh
ano2: ano ang isasagot mo? hindi pa anak dadaan pa ako sa lalaki ko
ano1: kahit itanong mo kay toot hindi ako ganito..
ano2: sa palagay mo aus ba un
ano1: nagsawa lang ako
ano2: pwes mali ka iha
ano2: hindi sagot ang panglalaki sa pagsasawa
ano2: ilalabas ko na muna ang sarili ko sa usaping ito para sau…. iha
ano1: slamat sa payo ha uuwi nako
ano2: balik balikan mo sa isip mo ung sinabi kong sitwasyon about sa anak mo
ano1: oo salamat ha
ano2: wala ka namang napala sa mga sinabi ko kaya diko tatanggapin yang pasalamat mo
ano1: nandito anak ko
ano1: ganun
ano2: oo
ano1: cge bye
ano1: bye frend
Call ended. 0 min, 4 sec. (8:11 PM)
Did you experience a problem with this call? Report a Problem

ano1 is typing a message.
ano1: out nsko
ano1 has signed out. (10/13/2009 8:11 PM)

aa

25
Jul
09

suri yer feiz

sorry

Naiisip ko lang, lahat ba ng humihingi ng sorry dapat ini entertain? Ako naman ay maawaing tao. Madali din mag patawad ng nagkasala sa akin , sino ba naman ako para hindi magpatawad. Kung si Bosing nga nagpapatawad kahit gaano kalaki ang kasalanan natin….. ako pa kaya???

Basta ba sincere sya sa pag hingi ng tawad diba? Pero paano kung ganitong situasyon kakayanin mo ba???? Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘suri yer feiz’




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,496 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers