Posts Tagged ‘ipis

27
Jan
10

Bedtime stories

Kung papipiliin ako kung ano ang pinaka gusto kong bahagi ng bahay ang pipiliin ko ay ang bedroom ko. At wala na kong karapatan palang mamili dahil ang tinitirahan ko pala ay buong bedroom toinks.

Sa aking bedroom nagagawa ko lahat ng gusto kong gawin lalo na pag nagiisa ako, nakikinig ng music habang nagsusulat sa papel ng kung ano anong pumapasok sa isip ko. Ang bedroom ko ang saksi kapag umiiyak ako, naiinis ako o nakangiti mag isa pag naiinspire. At syempre sya lang din ang saksi kapag nagbibihis ako pwera nalang kung may naninilip saken 😆 . Close kami ng bedroom ko dun lang ang place na natatahimik ako…pangalawa ang comfort room 😆

Mahilig kasi ako matulog kaya kapag galing sa trabaho ko ang bed ko ang unang takbuhan ko para makapag pahinga. Kung di nyo naitatanong isa sa hilig kong gawin ay matulog kapag walang ginagawa.

Bakit?

Sa pagtulog lang kasi ako natatahimik pwera nalang kung naglalakad ka matulog pero hindi naman ako naglalakad matulog actually behave nga ko matulog.

Paano ako matulog?

Hmmm ganito yun…

  1. LIGHTS OFF PLEASE! Wag kanang mag ano ano pa dyan basta ayaw ko ng may ilaw pag natutulog ako. Para kasing may nakatingin sayo.. at talaga ayaw ko ng liwanag pag natutulog ako. Hindi mo ako mapapatulog ng maayos nun.
  2. Syempre dapat nakapikit 😆
  3. kelangan marami akong pillow. Sa bed ko 6 ang pillow ko, 4 na magic pillow, tapos isang purong bulak na ginagamit kong unan sa ulo paborito ko yun at isang body pillow halos kasing laki ko lang. Kelangan yakap yakap ko talaga yung body pillow na yun kung san direksyon man ako maharap.
  4. Kelangan may kumot. Kahit mainit, kahit tanghaling tapat kelangan talaga nakakumot ako kahit sa loob ng kumot eh di na ko mag damit 😆 basta dapat naka kumot ako .
  5. Mas maganda kung may music habang natutulog . Nagigising ako ng alas dos para patayin ang radyo paano ba naman kasi panay ilocano ang tugtog pag ganoong oras.
  6. Syempre dapat naka kulambo ako. Yung telang kulambo parang prinsesa lang 😆 Bakit kelangan ng kulambo? Ang daming lamok at ipis sa amin … ang skin ko manganganib.
  7. At mahilig akong dumapa, tumagilid pero di ako nakakatulog ng nakatihaya. Laging nakasubsob ang mukha ko sa unan.
  8. Dati pala kelangan nakahawak ako sa dede ng nanay ko pag natutulog… pero simula ng paluin ng lola ko ang kamay ko nang minsan nag tabi kami.. hayss dina ko humahawak… at ngayon grown up nako?? wag ka na. 😆

Gusto mo makita bed ko?? Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Bedtime stories’

27
Aug
09

Im afraid of..

Well im back! hmmm medyo nanahimik ako ng isang linggo kasi naman dami ko ginagawa lately, nataon pa na na aaddict ako facebook, lalo na sa farmtown , ewan ko ba bakit libang na libang ako sa larong iyon. Kaya ayan tuloy wala akong maiisip maisulat.

Lagi kong sinasabi sa mga entry ko na strong akong tao, pero kahit naman strong tayo meron pa din syempre kinakatakutan ang Lambing tulad nito:

ipis na malupet

ipis na malupet

ewan ko ba dito at bakit ako takot na takot madapuan ng linsyak na ipis na ito.. ayoko ng itsura nya , lalong lalo na ang madapuan nya… anu ba naman, di ko ma explain yun feeling pag dumadapo ang ipis sa akin eh.. pero carry ko pa naman makakita pero wag lang talaga syang dumapo sa akin. Kasi maglulupasay ako .. ewan basta hindi ko sya carry.

ilove spiderman but i hate spiders

ilove spiderman but i hate spiders

Eto pa ang isang makapanindig balahibo.. Ayoko nakakakita ng malalaking gagamba. . haizz para akong mamamatay.. basta ! Basta nakakakita ako nito sa kurtina.. o kaya sa mga lumang sapatos bigla lalabas dun sa sapatos may bitbit pang itlog hayzz mapapa eeek!! ka talaga ng sigaw! ang liksi pa naman lalo na kung yun mga galamay nya eh naglalakihan tapos yun tyan sobrang laki.. oh may shomai wag naman! wag ka nang lumapit sa akin.. Actually naglalaro naman ako ng gagamba nun bata ako nakakahawak pa nga ako.. hindi ko lang talaga ma take yun sobrang lalaki na spiders.. ayoko talaga.. Pasaway pa yun pinsan ko , ihahagis pa sa akin.. anu bee…  O baka naman kaya ako takot sa spiders eh napanuod ko yun arachnophobia noon.. Kakatakot yun movie na yun ..

uod oh now!!!

uod oh now!!!

Wala akong balak sumali sa fear factor kaya okey lang.. Hinding hindi mo ako mapapahawak ng uod. Tumatayo ang balahibo ko dito.. hindi lang balahibo lahat na yata ng buhok natayo pag nakakita ako ng uod. E di lalo naman na pag nahawakan ko accidentally, pag naghihimay ako ng gulay.. pasaway naman kasi yang mga uod na yan, nagtatago ba sa kasingit singitan ng gulay , na iitsa ko tuloy ang gulay sa sobrang takot ko. Oo di naman sya nangangagat, pero ayaw ko talaga sya..

dugo!!

dugo!!

Takot ako sa dugo.. ayaw ko nakakakita ng dugo.. pero yun dugong lumalabas sa akin montly exempted yun.. 😆 Hindi ko lang kaya tignan yun mga taong nasusugatan, siguro mauuna pa akong mahimatay dun sa nasugatan pag nakita kong dumadaloy ang dugo sa kanya..

injection

injection

Waaa!!! di pa ako natutusok ule.. na experience ko na ma injectionan nun elementary days ko, at oo pahirapan pa bago ako nainjectionan, ang Lambing nag tatago sa ilalim ng desk ko.. halos hilahin pa ako ng teacher ko non.. napapayag lang ako ng sabihin nyang parang kagat lang ng langgam..  nun natusok na ako.. parang kagat ng langgam your face!! masakit talaga no??? Sa awa naman ni Bosing hanggang ngayon di pa ako nahohospital.

Hindi ko alam kung heriditary ba ang mga kinakatakutan ko.. papa ko kasi takot yun sa injection at dugo, nanay ko naman takot sa uod. Hmmmm ano sa palagay mo??? Last.. takot din ako dito..

huhuhu mabiyak ang puuuuso

huhuhu mabiyak ang puuuuso

Hmmm eto naman may explanation bakit takot akong ma heartbroken ule.. dahil naranasan ko na yun feeling and it feels like hell.. Yun eh.. kaya nagka phobia.. pero carry pa din…

Ikaw san ka takot???

06
Aug
09

Kulam

WitchFaceWO184Kung nakikita mo itong mukhang ito… medyo ganyan ang nangyari sa mukha ng tita kong pagka ganda ganda. Una napansin ko na namamaga ang mukha nya parang katatapos umiyak ang mga mata, tapos maga ang mukha parang may manas. Dalawang buwan na syang may sakit, pabalik balik sa hospital wala naman daw makitang sakit.

“Ate nakulam daw si tita..”

Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Kulam’

04
Jul
09

GAPANGAN

Naranasan mo na bang sa kalagitnaan ng iyong pagtulog yun tipong humihilik ka na tapos bigla may mang iistorbo sa iyong pagkakahimbing? Dahil ayaw mong maistorbo kahit may nararamdaman kang kakaiba eh sige ka pa rin sa pagtulog at baliwalain ang kakaibang nangyayari sa paligid mo. Pero hindi talaga ako makatulog kasi parang may humahawak sa aking mga…. Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘GAPANGAN’




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 592,695 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers