Posts Tagged ‘JON CABRON

05
Aug
09

tampo queen

Sya ay kasing edad ng nanay ko.

  1. Seksi manamit
  2. Maganda ngumiti
  3. Nakaka aliw kausap
  4. Parang nanay na rin ang turing ko sa kanya
  5. May 4 na anak panay pasaway
  6. Asawa ng pulis

Ang dami namin masasayang araw, at masasabi kong napalapit din ang loob ko sa kanya kahit:

  1. Umagang umaga pa lang nag mumura na yan ng pagkalakas lakas na halos mabasag ang eardrum mo . ( human alarm clock ko)
  2. Diretsa mag salita, walang preno kahit nakakasakit basta sasabihin nya ang gusto nya.
  3. Ginugulangan ako sa upa ng boarding house ko, pinababayaran sa akin ang tubig at ilaw eh bed spacer lang naman ako. (binabayaran ko pa rin kasi pakisama ba.)
  4. Pag may nakitulog na kaibigan ko o malapit na kamag anak gusto pabayaran yun pag stay ng tao kahit isang araw lang.
  5. Doble doble ang singil pang nangutang ka sa tindahan nya, nadodoble nya kasi ang kinuha ko, mantakin mong makaka consume ka ba ng 12 peices na sachet ng conditioner sa isang linggo lang?? .( hindi ka mananalo sa diskusyon.. kaya babayaran ko na rin ulet)
  6. Tsismosa numero uno..
  7. Kahit na palaging maingay dun inaabot ng madaling araw may kumakanta sa videokehan nya.
  8. Inuman hanggang madaling araw kasama ang mga kababayan nyang bisaya .

Kaya ko pang tiisin lahat ng iyan sa pagtira ko sa boarding house kong mahal kahit ganyan sya.. ang hindi ko lang matanggap yun nangyari kamakailan … ewan ko lang kung pag iinarte ba ito.. ganito kasi yun..

Nagtae ako last week.. ewan ko ba kung ano nakain ko at tinamaan ako nag sakit ni haydol JC. Anim na beses yata ko pabalik balik ng CR nung gabing yun okey sana kung umaga ang kaso gabi kaya puyat ang katapat ko.

Ang bilis makapanghina, hanggang umaga nagtatae pa din ako kaya uminom nako ng gamot, sabi ng bebeko uminom daw ako ng gatorade at kumain ng mansanas at saging tapos mag pahinga para bumalik ang lakas ko. So sinunod ko naman sya dahil hinang hina talaga ako, after office hours bumili na ko ng gamot.

Eto ang siste.. Masarap sana matulog na dahil puyat talaga ako.. anak ng pitong ipis .. ang lakas ng kantahan sa videoke hanggang ala una yata yun, buti sana kung kantahan lang, aba naman may kasama pang sigaw.

Kamusta naman yun may studyante akong kasama sa bhauz ko, bilang concern housemate nagtext ako sabi ko:

” tita maingay po, pakisaway naman po, kasi ang ingay nagsisigawan pa, may trabaho pa ako bukas at may mga studyante pa dito mag eexam bukas. ” Walang reply.. natapos ang inuman, si Lambing puyat.

Nakareceive ako ng text kinaumagahan…

Sino to? Hanap ka nalang ng boarding mo, di ko kayang pigilan mga anak ko…”

Wala kong load kaya di ako nakapagreply… sabi ko sa isip ko nakuu tong si tita oo, baka akala nya iba ang nag text kaya ganon ang sagot, pero medyo nakakainit na ng ulo ang sagot nya ha..

Tita ako yun nag text… sabi ko nung namasyal sa opisina ko.. ganon pa din ang sagot..” Di kung di ka makatiis humanap ka nalang ng boarding mo, di ko kayang pigilan mga anak ko.. ( iritadong sagot na pasigaw).

Hindi maganda sa pandinig lalo na at sumisigaw.. ang sabi ko hindi po dapat ganon ang sagot mo… ( hindi ako makasingit kasi dire diretso talaga bunganga nun parang armalite lang. . kung pwede ko lang sana sungalngalin yun bunganga nya para matigil eh.. pero syempre di ko magagawa yun.) Dahil hindi ko makausap ng maayos at nagtatalak.. at yun sungay ko e lumalabas na… k fine! Bago pa tuluyan lumabas ang sungay ko at mabastos ko sya…

HAYAAN NYO PO!  AALIS NA AKO!!!

Tapos ang usapan, alsa balutan ang Lambing agad , nag halfday ako, kahit marami akong pinanghihiyanayangan sa pag alis. Aalis na lang ako. Nabastos na ako. Di ko kaya yun ganon. Kaya eto kahit nakikita ko sya sa labas ng opisina kasi malapit lang talaga yun dating bhauz ko sa office ko 50 steps away lang. Wala pa ko sa mood pansinin sya. Ayaw ko na syang Lambingin.. nagiinit pa ang ulo ko sa kanya!

It hurts you know!

Mga kalambingan kung ako ikaw ano gagawin mo???

Advertisements



Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 604,878 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Oktubre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers