Posts Tagged ‘love

06
Jul
15

Byahe

Ilang taon na rin akong naghihintay at nag aabang, merong mga byahe na nasubukan matagtag, kaskasero at mabagal. Hindi mo naman talaga mapipili, magtyatyaga ka doon kung iyon ang napili mong sakyan hanggang makarating ka sa patutunguhan mo, kapag hindi ka nasiyan bumaba ka, meron naman mga driver na binababa ka kasi hindi kayo magkasundo sa presyo o nalalayuan sya o kaya cutting trip ipamimigay ka sa iba dahil hindi na nya kaya pang magpatuloy sa byahe nyo.

Nasa terminal pa rin ako. Naghihintay nag aabang, masusi kong tinitignan iyong mga paparating. Hindi naman ako mapili sadyang maingat lang kasi gusto ko maging comportable sa byahe, ngunit may mga panahon na kailangan kong magmadali kasi baka mahuli na ako sa byahe ko , kaya kung sino nalang dumating doon sumasakay.. akala ko okey yun pala hindi.. Minsan nakakasakit.. hindi mo alam kung paano ka makakarating sa paroroonan mo.

Magpapakatatag … iyon naman ang laging dapat gawin.. maging matibay ang mga binti sa pag aantay ng panibagong byahe, minsan magpahinga kapag napapagod.

ano bang magagawa kundi maghintay nang mas maayos, malay mo matimingan ko rin iyong hindi puno.

 

“Love happens… when the stars align and two people have open hearts – fate and destiny take over and the rest is history.”

Happy 7th Anniversary pala sa Lambing lang ang katapat mo! Salamat sa mga napapadpad, salamat sa mga mambabasa ko na natuwa, naiyak at natulungan ng blog ko. Magsusulat pa rin ako hindi nga lang madalas pero kapag nasagot yun prayers ko madadalas na akong magsulat.

 

Advertisements
30
Jul
13

Paano nga ba?

Minsan may nagtanong sa akin kung paano mo daw malalaman na mahal mo ang isang tao?

Paano nga ba?

Parang pag inom ko ng kape, alam kong may side effect ito pero mas pinipili ko pa rin inumin ito dahil iyon ang nakakapag pasaya sa akin. Kahit ilang beses kang bawalan ng mga nakapaligid sa iyo mas pipiliin mong maranasan iyong effect na naidudulot sa iyo. Iyong pakiramdam na kada iinumin may pakiramdam na nasasatisfy sa pagkatao mo. Ang lalim no? Hayaan mo na.

Katulad nang pagkahilig ko sa pula,  maraming choices pero sa kulay pula ako mas masaya, mas kumportable, mas na e-excite, mas gumaganda ang araw.

Katulad ng pagkahilig ko sa kanta.. kahit paulit paulit mong pakinggan hindi ka nagsasawa.

Katulad ng pagsusulat, maraming beses kang hihinto, pero babalik at babalik ka pa rin para makapagsulat tulad ngayon.

At higit sa lahat nararamdaman mo.

You feel it.. inulit ko lang para humaba ahek..  Kapag willing kang magsakripisyo ng isang bagay para sa kasiyahan ng isang tao, iyong tipong lahat ng prinsipyo mo nababali dahil lang ayaw mo mawala ang isang tao. Bakit? Dahil nagmamahal ka dahil mahal mo sya. Gusto mo syang protektahan sa lahat ng bagay na pwedeng makasakit sa kanya.

Kapag may kumukurot sa puso tuwing may magbabanta na anytime pwede sya mawala sa iyo, iyong pakiramdam na natatakot kang mawala sya.

Kapag naririnig mo ang boses ng taong iyon nakakapag kumpleto na ng iyong araw, isang text , isang call o kahit magbabad pa kayong mag usap , iyon nalang ang hinihintay mo sa araw araw.

Hindi ka natatakot buksan ang puso mo sa kanya , sabihin lahat ng nararamdaman mo kase alam mo na mahal ka rin nya. Hindi ka natatakot ipakita kung sino ka talaga bubuksan mo ang buong pagkatao mo para sa kanya .

Kapag hindi ka natatakot na sabihin mong mahal mo sya, kahit ano man ang isasagot sa iyo.

Inlove ba ako? Lipas na ako sa mga pa tweetums na iyan. Nag mature na nga siguro ako.. hindi na ako nag babase sa kilig feeling, mas iniisip ko na ngayon iyon kapakanan isang tao. Masasabi kong nagmamahal ako kapag mas pinili kong intindihin sya , ang sitwasyon nya kaysa mga gusto kong mangyari.. higit sa lahat iyong kahit masakit aminin sa sarili kayang kong magparaya ng isang tao gaya ng nakasanayan ko, kung alam ko saan sya mas magiging masaya o ano ang mas ikakabuti nya.

At kaya ko rin ipaglaban ang isang bagay kung alam kong may patutunguhan, kakayaning maghintay. Kakayaning bumitaw kapag kinakailangan.

You can’t stop loving or wanting to love because when its right it’s the best thing in the world. When you’re in a relationship and its good, even if nothing else in your life is right, you feel like your whole world is complete.

Keith Sweat

IKAW? PAANO MO BA MALALAMAN?
27
May
13

choice

no one falls in love by choice, it is by chance. no one  stays in love by chance, it is by work.  and no one falls out of love by chance, it is by choice.

choice

Sabi nila falling inlove is by chance, falling out of love is by choice. Ansabe?? Ang sarap ng feeling na pareho nyong mahal ang isa’t isa. Wala na sigurong sasarap pa sa pakiramdam na gigising ka tuwing umaga na alam mo anu’t anu pa man may taong nagmamahal sa iyo.

Ang sarap sa pakiramdam kapag may isang tao na nagparamdam sa iyo na sa lahat ng kakulangan mo buo pa rin ang tingin sa iyo, iyong taong nagapapaganda ng paligid mo at nagsasabing ikaw ang pinaka maganda para sa kanya. Kung baga sa lahat ng kakulangan mo para sa kanya ikaw ay perfect isang mamahaling bato. Isang pakiramdam na napakahirap pakawalan.

Bakit kasi ang gulo ng earth. Hindi ba pwedeng mahal nyo nalang ang isa’t isa okey na iyun? Sapat na.. happy ending na. Pero kung bakit masaya na kayo ang dami pang sumisingit.. nakakabaliw, nakakatimang, nakakawala ng katinuan sa isip .. nakaka lurkey!

Masarap magmahal.. nakakabago ng pananaw sa mundo, nakakabago ng buhay, nakakapag paganda, nakakabata.

Maraming beses na akong nadapa. May mga dumampot at pinagpag ako pero sa huli ay bibitiwan din dahil may mas pinili silang pulutin kaysa sa akin. Lagi nalang ganun, pero lagi kong dasal na sana… sana may dumating na ako naman ang pipiliin ako yung  choice…

God knows who belong in your life and who doesn’t..

TRUST AND LET GO..

Who ever is meant to be there.. will still be there..

14
Feb
13

Yun oh!

Feb-ibig  na pala, araw ng mga puso , hindi ko namalayan araw nanaman pala ni kupido, araw mo at araw ko kasi lahat tayo may puso, pusong bato ka man o pusong manhid o kaya naman pusong mamon para sa atin ang araw na ito.

Gumaganon ?

Ayaw ko sana magsulat gaya ng nakasanayan pero parang may nagtutulak saken sige lambing magsulat ka sige na sige na.. At dahil madalas ako makining sa bumubulong saken ayan nagsusulat na . Ewan ko kung san patutungo itong pag tipak sa keyboard ang alam ko lang gusto ko lang umepal ngayon.

Hindi pa rin ako bitter mahal ko pa rin ang pula , ang puso lalo na flowers at sokoleyts. Alam ko namang darating din yun panahon ko na may ngiti sa labi ng matamis.. oo na hopeless romantic na kung hopeless romantic.. aminin mo gusto mo rin itow.. diba diba?  Pasasaan ba at darating din ang Coco Martin ng buhay ko at sa huli masasabi kong YUN OH!

Dadaanin ko na nga lang kayo sa pick up lines hihi ^_^

  1. Ikaw ba si Auntie? Ang tinitibok ng puso ko? Ay mali.. si UNCLE pla UNclelangan ng buhay ko.. boom!!
  2. SEMENTO ka ba? kaSEMENTO be tayo eh
  3. Para kang piso at isang daan ako.Kasi hindi ako mabubuo kung wala ka 🙂
  4. “Inii-SMALL ka ba nila?
    Don’t worry, inii-BIG naman kita!”
  5. Chuckie ka ba or Moo?

    Ah, basta. Kahit ano ka pa, gusto ko CHUKIEn lang ang puso MOO :))

  6. Alam mo ba kung bakit mahilig ako sa love story? Kasi pakiramdam ko tayong dalawa ‘yung bida.
  7. Anong panulat ba gamit mo? At hindi kita mabura sa isip ko.
  8. “alam mo para kang ubo, lakas kasi ng cough-pit mo sa puso ko. :”>”
  9. Ang lampa mo naman! Tatawid ka na nga lang sa isip ko, nahulog ka pa sa puso ko.
  10. Alam mo ang pinakamasarap na Kape?? Ang KAPE-ling ka :”>
  11. Mabilis ka siguro sa mga puzzles noh? Kasi kakasimula pa lang ng araw ko binubuo mo na.
  12. Calculator ka ba?

    kasi sa twing kasama kita, SOLVE na ako.

  13. Nestea ka ba?

    kasi pag kasama kita… BOTTOMLESS ANG SAYA!

  14. Ang pag ibig ko sayo ay parang bilbil.. kasi pilit ko mang itago halata pa rin! boom! ^_^
    bakit 14 lang eh kasi 14 ngayon boom! ewan ko saken.. happy hearts day to all banatan naman nyo ko ng pick up lines dyan para matuwa naman ako :))Happiness is a choice you can be happy with or without someone by your side ang importante marunong kang magmahal.. YUN OH! ;)sa mga gusto pang magbasa ng tungkol sa araw ng mga puso eto oh…

    ano ba bukas ?

    puso

    lab is in da air

    enjoy!

    1014-little-cupid-

 

 


 

 

10
Nov
12

basag

Naguunahan nanaman ang mga luha sa mata mo

Hindi kita maintindihan..

Kanina ang saya-saya mo, ang kinang nang mga mata mo.

Kung maka ngiti ka matamis pa sa leche flan.

Ngayon na leche na!

Hay buhay.. basag nanaman.

Ilang beses na ba?

Kakayanin pa ba?

Ewan, hindi ko alam ang sagot…

Ang bigat lang sa pakiramdam mabasag ng paulit -ulit

Walang sumasalo.. masakit kaya!

Hindi naman ako bola na tumatalbog … muka lang akong bola.

Ang bilis ko kasi mabola

Hay bola… sana nga bola na lang ako..

Na kahit ilang beses mong ihulog hindi mababasag.

May pag asa pa ba?

Oo naman.. meron.. alam ko meron..

06
Oct
12

LBM vs. CONSTIPATED

WARNING! Kung maarte ka wag ka na magbasa!

Ano ba ang mas maganda? LBM o Constipated? Paumanhin sa mga kumakain o kakain pa lang. . Mag coconnect lang ako tungkol sa pag-ibig pero sa dami ng ihahalintulad eh sa pag ebs pa talaga no? Hayaan mo na pagbigyan nyo na ako ngayon lang ulit ako nakakatipa. Nakapag kape na rin ako kaya yun nerves sa utak ko eh medyo nagana, hindi  nga lang sing talas ng utak ng iba pero promise may sense itow 😀

LMB kung ihahanlintulad mo sa pag ibig yung walang pakundangan kung magparamdam ng pag ebak este pag-ibig sino ang ganito? Yun tipong hindi mo kayang pigilan , kahit saan pwede mong iparamdam, kahit pigilan mo mahahalata pa rin sa iyong mukha kase  ” mukhang guilty”.  Panay panay ang pag labas ng nararamdaman hanggang sa maubusan ka na ng katinuan sa katawan este ng tubig pala. Bahala na kayong umintindi. Nagagamot ito sa pag kain ng saging.. wag lang sobra baka maconstipate ka naman. O kaya uminom ka talaga ng gamot. Ayusin mo buhay mo.. Nagbabasa ka pa ba? Bahala ka.. next!

CONSTIPATED eto naman daw tawag sa pag ibig na hindi mailabas labas.. ehem natatawa ako.. ang hirap kaya sa pakiramdam nun! Yun tipong gustong gusto mo ilabas pero hindi mo magawa.. lahat ng powers mo binuhos mo na hindi talaga.. bakit? dahil matigas… oo matigas ang dibdib mo.. dami mong iniisip kaya ayaw lumabas.. kelangan mo talaga magconcentrate pare / mare para mailabas mo yan.. Ang sarap kaya sa pakiramdam kapag nailabas mo success ika nga!

Eto na! Kung tatanungin mo ako kung nasan ako dito? Hmm pareho siguro… masarap din mag ka LBM kasi na eexpress mo yung gusto mo iparamdam nailalabas kung baga… kaso nga lang eto yun paraan na hindi mo mapipigilan medyo pangit rin yun sobra sobra… kapag its constipated naman masakit sa tumbong yun este sa puso pala magkakaroon ka pa ng sakit sa puso nakakadugo ng tumbong este puso haha . Ang kulit lang ng mga tumatakbo sa isip ko…

Gusto ko kasi maglambing hindi ako makapaglambing.. pero naglalambing naman ako.. Lambing lang naman ang katapat ko.. haist buhay! Minsan gusto ko rin magka LBM para success lagi ang dating yung tipong walang pake.. sarap kaya pakiramdam nun.. kaso hindi ganon… may pumipigil… sana lang maging maayos ang lahat… sinusunod ko naman ang puso ko.. sana lang maramdaman ko rin na mahalaga ako o importante ako yun lang… Ayan na emote na tuloy…

Isa lang naman talaga ang gusto ko.. iyung sa pagpaparamdam ko.. maisigaw  ko sa huli na ….

SUCCESS! 😉 BOOM!

21
Sep
12

kumukutikutitap

Kumukutikutitap, bumubusibusilak
Ganyan ang indak ng PUSO ko
Kikindat – kindat, kukurap -kurap
la la la ♪

Malayo pa ang pasko. Pero ganito kasaya ang puso ko ngayon

Ayaw ko masira ang araw ko

Kaya ngingiti nalang ng matamis

Sing tamis ng leche flan 🙂

Anyone can make your face smile… Find the one that makes your heart smile… It’s AMAZING!!!

 




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 604,878 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Oktubre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers