Posts Tagged ‘prayer

04
Sep
10

utang ng ina mo!

May tatlong babae nag uusap..

Girl 1: Hay… sana mag bayad na yung classmate ko sa utang nya …. 😦

Girl 2: Sana makasingil na ako sa mga pautang ko sa opisina..

Girl 3: Makapag tago na nga… sana huwag akong singilin ng mga pinagkakautangan ko 😆

Kung may pinakamabilis na papasuking business iyon siguro ang pag papautang. Basta may pera ka tyak makakapag pautang ka.  Dito sa Pilipinas kong mahal usong uso ang utangan, andyan si DJ bumbay 5’6 , lending companies, appliances , damit, pera, sa tindahan ni aling nena,  kapit bahay mong nagtitinda ng  langonisa, avon , pati nga pag aabroad pwede rin utangin  fly now pay later.

Kahit saang lupalop dito makakahanap ka nyan,  yun nga lang ang iba halos kalahati ng inutang ang interest, napakalaki ng patong at dahil sa walang choice yun tao kakagatin naman yung offer para may pantawid gutom. Ang masaklap pa nito kung sino pa ang mga walang trabaho yun pa ang malalakas ang loob mangutang, utang dyan utang doon, uutang sa kabila para may pang bayad sa kabila hanggang sa magkapatong patong na at hindi ka na makaahon.

Nakakaenganyo nga naman kasi mangutang sa isang iglap lang may pera na at mabibili na ang gustong bilin, pero kapag dating na ng bayaran doon na nagkakaroon ng problema kasi yung perang inutang hindi ginamit sa tamang paraan. Para lang itong pag-inom ng alak sa umpisa makukuha mo yung gusto mong tama ma ha high ka pero kinabukasan humanda ka sa hang over.

May mga tao kasing mahilig mangutang, basta may mauutangan sige kuha dyan kuha dito, kahit mura pa ang paninda kung isang tambak naman ang inutang nya at mas malaki pa yung inuutang  kaysa kinikita nya at kapag panahon na ng bayaran nakow!!! Halos hindi mapakali kung saan kukuha ng ipangbabayad sa mga kinuha nya.

Hindi naman masamang mangutang lalo na at gipit ang tao, ang magpapautang ang syang nagbibigay pag – asa sa mga gipit na tao. Saludo nga ako sa mga nag papautang ng walang interest kasi binibigyan nila nang pagkakataon yung taong makaahon sa problema nila.

Nagiging problema lang kapag inabuso na ito ng tao, pinahiram ka na nga gagamitin mo pa ito sa luho, ipangsusugal, inom at kung ano ano pa lalo lang  ito malulugmok kapag yung hiniraman eh may interest at mataas ang patong.

Hindi mo rin naman masisisi ang iba, sa hirap nga naman ng buhay ngayon.. sino ba ang hindi nangutang? Pero sana lang matutunan din natin maging responsableng mamamayan. Ang simple lang naman..kapag wala kang pambayad huwag ka nang mangutang. Kasi kawawa  din naman yung napangakuan mo, at malay mo yun lang din ang hanap buhay nya, at kapag dating ng singilan hindi ka na mahagilap at kung medyo makapal pa ang mukha mo  ikaw pa ang mang bubulyaw doon sa naniningil.. kawawang nilalang. Unaunahan lang yan eh mabuti sana kung mabait yung inutangan mo malay mo ikaw naman ang bulyawan ng .. ” MAG BAYAD KA NA NG  UTANG NG INA MO!

Hay nako ang gulo sa earth! yung mga ganitong problema nagkalat lang sa paligid, lalo na sa mga hikahos sa buhay, maaring hindi ganito ka simple ang problema ng mga mayayaman pero mayron din silang version nito yun nga lang sosyal pakinggan ang credit card ekek na yan at take note million million naman ang usapan dyan.

Paano ka ba makakaahon sa ganitong sitwasyon?

There are plenty of ways to get ahead.  The first is so basic I’m almost embarrassed to say it:  spend less than you earn.

~Paul Clitheroe

  1. Siguro tamang pag gamit lang ng pera, wala kang kinikita huwag kang mangutang.
  2. Kung may trabaho ka, huwag gumastos ng malaki kaysa sa iyong kinikita.
  3. May kasabihan na matutong bumaluktot habang ang kumot ay maigsi.
  4. Kung gusto mo makamit ang mga bagay bagay na ninanais matutong mag banat ng buto.
  5. Matutong makuntento kung anong meron tayo.
  6. Sipag at tyaga.

Philippians 4:11-13
For I have learned to be content, whatever the circumstances may be. I know now how to live when things are difficult and I know how to live when things are prosperous. In general and in particular I have learned the secret of eating well or going hungry of facing either plenty of poverty. I am ready for anything through the strength of the One who lives within me.

Lahat naman nadadaan sa panalangin pero lahat ng pinapanalangin kailangan sinasamahan din ng gawa.

Advertisements
19
Jul
10

be careful

Nakakalito minsan ang ang PAGASA sabi nila last week signal number 1 sa amin, halos wala man lang ulan at pagka init -init. Noong nag declare silang umalis na si basyang aba naman saka nag uulan dito, ano kaya yun?

Ayun kahapon pagkagising ko makulimlim, napakasarap matulog, pero naipangako ko sa sarili ko na magsisimba ako oo, kelangan ko bumangon at magsimba to bring back all the glory and praises to God sa pag iingat nya sa aming magkapatid, pag provide ng mga needs namin na nakakamangha kasi nakakasurvive kami sa kinikita ko.

Matagal ko na naiisip mag simba ang kaso nasisira ng kapatid ko ang araw ko palagi kaya nag pasya ako na wag na magsimba kapag nagsimula na ang toyo ko. Pero thankful ako walang panama ang pang aasar nya saken kahapon natuloy kami mag simba.

Balik tayo sa makulimlim na panahon, kapag ganito nag uulan may masarap na kainin.. MONGGO, BALATONG iisa lang naman yun eh haluan mo ng malunggay o talong, o bulaklak ng kalabasa o dahon ng ampalaya na may chicharon hay tapos may bagoong isda na sawsawan ng mga gulay nakooo solb na.  Pag pasensyahan nyo ko ganito ako kapag may gusto kainin…Sabi ko gusto ko ng monggo ang kaso mag sisimba kami walang nang time kasi ang tagal lutuin nun,  kaya nagtinapay nalang kami.

Pagka galing namin ng church nag invite ang tita ko na mag lunch kami sa kanila and you know what? Monggo ang ulam ^_^ ang saya saya dami ko nakain.. sabi ko ang lakas ko talaga kay Lord iniisip ko pa lang eh binigay na yun gusto ko.

Gabihan nag bible study kami sa isang kapatiran, doon na rin kami pinakain, and guess what kung anong pinaulam sa amin? Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘be careful’

12
Jul
10

reklamador ka ba?

Sabi nila kapag bagsak ang career ang lovelife eh bongga, kapag bagsak naman ang lovelife umaarangkada ang career. Asan ba ako dun? Isang malakas na TOINKS! ahahay… buti pa sila may lablayp na nga panay pa ang reklamo, selos dyan , selos dito, away dyan , away dito.. nakakasawa.. meron naman may lablayp na nga andyan na nga si wishart sa tabi nya ang dami pang pang pa praning na ginagawa sa sarili nya. Hindi ko ba maintindihan bakit hindi nalang makuntento ang tao.. Sana kung may lablayp sya ayusin hindi yun konting tampuhan parang big deal palagi.. nakakapagod din kasi maging absorber no? gusto ko nga ipagsigawan sa kanya na buti ka pa nga may lablayp eh ako? SINGLE!

Eto pa.. umaarangkada ang career may kinikita kumakain naman ng tatlong beses sa isang araw ang dami pa ding reklamo, kesyo ganyan, ganon.. stop it wait a minute kapeng mainit! Meron iba dyan na hirap na hirap kung saan kukuha ng kakainin sa araw araw, susweldo nga pag dating ng sahod pambayad naman lahat sa utang walang natitira.  Pambaon pa ng mga anak nyang anim.. Hindi ba mas nakaka praning yun  tapos yung bahay eh butas butas , kapag umulan baha agad, madaming daga sa kisame kung mamalasin ka pa makakagat ka pa ng daga sa daliri. Kahit gusto mo ipagawa yun bahay wala ka magawa kasi kapos ka sa pera wata!

Kung siguro ikikwento ko dito yun pinagdaraanan ko ngayon baka mapraning na kayo.. Pero hindi ko ikukwento ayaw ko kasi malipat yun burden sa inyo haha.. nakakatuwa ang tao bakit kaya ganon ang daming reklamo hindi nila alam may mas mabigat pa yun pinag dadaanan kaysa kanila. Paano ko ba nahaharap lahat ng mga dinadala ko? Simple pinapabuhat ko sa iba.. ang bigat bigat na kaya alangan naman pilitin kong buhatin, kapag hindi kaya magpatulong diba?

Paano kung walang tumutulong ?

  1. Unang ginagawa ko umiyak.. ang hirap kasi kung magkukunwari kang okey ka lang pero deep inside you malapit ka nang sumabog, hindi nakakababa ng pagkatao ang umiyak, it only shows na strong ka kasi hindi ka takot ipakita na naiiyak ka din, na may kahinaan ka din.
  2. Nagdadasal ako… kung hindi mo na kaya pwede mong ipaubaya sa itaas yun… tyak SYA may magagawa just keep up the faith 🙂
  3. Nagpapasalamat sa Panginoon sa mga binabato nyang pagsubok, kasi pinagkakatiwalaan nya akong i handle yun mga ganon kabigat na probs meaning He trust me na makakaya ko iyon.. pero kapag medyo nabibigatan ako sasabihin ko  Lord di ko na kaya helping me naman please.. kung hindi man kinabukasan yun sagot.. siguro sa ibang araw.. pero malakas ako sa kanya kasi may sagot agad Sya sa akin hindi pa inaabot ng kinabukasan kasi naniniwala ako na matutulungan nya ako, ewan ko lang kapag lablayp ang pinaguusapan 😆  sabay ganon!
  4. I smile. Kasi kung sisimangot ako at aawayin ko lahat ng mga nakapaligid sa akin , malamang lumayo ang tao saken at komonti ang kaibigan ko. Unlike kung naka smile ka dadami pa admirer ko kasi i have a killer smile daw ahek sabay ganon.
  5. Nagpapaganda ako.. kapag napapraning ako nagpapagupit ako, o di kaya nag aayos ng mukha. Therapy ko yun pagkatapos ay nag pipicture ng bonggang bongga.. dun kasi ako sumasaya.. kaya kung ano yun nakapag papasaya sayo iyon ang gawin mo para hindi ka tumanda sa kakaisip ng problema mo.

09
Feb
10

jowa

Friend: Sis…

Lambing : ui ano musta sis?

Friend :

Hmmm eto malungkot kasi tagal na hindi nagpaparamdam ni jowa ko. Ewan ko ba sis, nasa akin naman na lahat may pera naman ako, kasama ko family ko, may business ako. Pero bakit ganon laging may kulang.. hindi ba pwedeng buo nalang…

Lambing:

Alam mo sis, dapat ipag pasalamat nalang natin kung anong meron tayo sa ngayon.. kasi kung lagi tayong may hahanapin sa buhay natin talagang laging may kulang. Makuntento na tayo kung anong meron sa atin.

Friend:

Alam mo na realized ko na mas masaya pa ako noon.. sana bumalik nalang ang ikot ng mundo kaso.. laging paabante eh…

Lambing:

Sis happiness is a matter of choice.. mind conditioning lang yan… sabi mo nga ang ikot ng mundo puro paabante.. so lets move forward.. kasi hindi naman titigil ang mundo para sa atin tutuloy pa din ito sa pag ikot.

Friend:

Ikaw kamusta ka na?

Lambing:

Ako? hahaha eto walang lablyf, walang pera, walang sariling bahay, work ok lang, nag iisa, magulang ko malayo … compare mo nga prob mo saken.. jowa lang yun. . Ako carry lang wala ako nyan lahat pero may Lord naman akong natatakbuhan … just keep on praying sis… ipagpasalamat nalang natin ang mga blessings pati mga bagay na hindi magandang nangyayari satin.. Maraming dapat ipag pasalamat 😉

Thank you, dear God
For all You have given me,
For all You have taken away from me,
For all You have left me. – Anonymous-

If the only prayer you ever say in your entire life is thank you, it will be enough.

28
Jan
10

2010 Philippine Presidential Elections Prayer

Panginoon,

Maraming salamat po sa lahat ng biyayang pinagkakaloob mo sa amin..

Salamat sa bansang PILIPINAS

Bansang ipanagkaloob mo sa amin na may demokrasya..

May paniniwala sayo at kakayahan umahon sa lahat ng hirap na pinagdadaanan nito..

At ngayon pong nalalapit na ang halalan…

Ipinapanalangin po namin na maging tahimik , maayos at mailayo sa anuman karahasan

Humihingi po kami ng gabay at katalinuhan SAYO… sa tamang pagpili ng magiging PRESIDENTE ng aming bansang sinilagan

Ituro mo po sa amin ang dapat ihalal..

Ipinapanalangin po namin na ang mga botante ay magkaroon ng kaalaman kung sino ba ang dapat iboto..

Na wag kaming padadala sa mga naririnig at obserbasyon lamang..

Na kami ay maging aware din sa gawain at kakayahan ng taong ihahalal

At ipinapanalangin po namin na…

Ang maging PRESIDENTE ay may takot SA IYO

Isang presidenteng walang bahid ng kasamaan , panglalamang.

Isang presidenteng tapat at pag may kakayahan mamuno at mag lingkod sa bayan ayon sa kalooban mo…

Pagpalain mo po sya Ama …

at..

itinataas po namin ang lahat SA IYO..

Let Your will be done o Lord..

I tag 1. dyoy 2. alaehboi 3. Shynerd 4. Precious 5. Jason hamster 6. Machong Butiki. 7. Joycee

Copy these rules including the logo above and paste in on your blog as is:

1. Write a short, sincere and meaningful prayer, (in your own words and according to the customs of your religious affiliation) about asking God in guiding our country and fellowmen in choosing the right candidate to vote for in the coming 2010 Philippine Presidential Elections. It can be in your own vernacular, and can be short and long as you please. Remember, the goal of the prayer is not only for Peaceful Election but most of all “for the guidance of choosing the right Presidential candidate to vote in the election”

2, Publish the prayer for everyone to Read in your blog.

3. Go to the Blog Prayer Brigade Main Page which is located here, and get one of the badges or banners for the brigade. Place the badge or banner in your Sidebar until the 2010 Presidential Elections commence.

4. Make an oath by filling the blank below with your handle/or name

I, Lambing , support the cause of the Blog Prayer Brigade for the election of the Future President of the Republic of the Philippines and I do solemnly promise to recite the prayer, which I wrote, in my own convenient time and regularly as possible until the 2010 Presidential Election commences. Let it be written, let it be done.

5. Tag at least 7 Pinoy bloggers you know who haven’t done this before so that the prayer will spread wherever there is a pinoy blogger present.

6. Keep you promise of praying for the Presidential Election so that God may guide us in choosing the right leader for our country.

7. in January 2010, we will gather all the names and prayers of each participants and publish all their prayers in one Blog. We will also feature in the blog the most beautiful prayer ever composed in this project.




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,493 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers