Posts Tagged ‘rants

22
May
12

shadap

Pagkatapos kong kiligin eto nanaman ako at naiinis. Ang bilis talaga magbago ng mood ko. Ako na ang may topak. Saka lang naman ako tinotopak pag may dahilan. Topak topak na ang tawag dun kapag tinotopak ng walang dahilan ano daw?

Nakaka  inis ishhhh.. Sa lahat ng ayaw ko yung ginagawa akong sinungaling para mapag takpan lang yung mga gawain nila. Kaya nga hindi ako nagtrabaho sa gobyerno dahil ayaw ko ng sinusuhulan di ko naman sinabing lahat ng nasa gobyerno nasusuhulan ayaw ko lang talaga yung pinipilit akong gawin ang isang bagay na labag sa kalooban ko.

Ayaw ko rin nagpapalit ng presyo sa resibo.. dagdag bawas ganon.. di ako manggagantso lalong di ako manloloko. Kaya nga galit saken si mamang pulis nun mga panahon na nagtatrabaho ako sa gasolinahan kase gusto magdagdag ng liters.. ano ka?? hilo!  sabi ng boss ko pag bigyan na daw dahil customer daw.. oh kahit may baril ka pa may prinsipyo ako hmmmp.. tinanong nya ako.. sino ka ba? sumagot ako ..

“AKO SI LAMBING ” 🙂

Ay anak ka pala ni LTO blah blah oweno naman ngayon di ko parin papalitan ang bilang ng litro na naikarga nya no?

At dahil naiinis ako ngayon, naiisip ko lahat ng taong gusto akong suhulan at gawin ang mali..  Ate Lambing sige na pumayag ka na para may dagdag tayong kita… Kahit mahirap lang ayokong mangaling yun kinakain ko sa panloloko at panlalamang hindi ako ganon.

Ayaw kong manloko .. kaya ayun tinanong ako ng boss ko kung sino ang mga nagnanakaw sinabi ko.. at tanungin daw ba ako bakit ako mag reresign? Kasi ayaw ko pong matulad sa kanila. Kahit titigan mo ako ng diretso.. malinis ang konsensya ko.

Dati rati sa sobrang bait ko kahit ano pinapayagan ko. Pero kung patuloy ka pasasakop sa maling gawain kahit kaibigan  ko pa sya kailangan kong manindigan sa prinsipyo ko…

“best paki sabi kay tooot! na sa inyo ako natulog kagabi..”

Eh ilang linggo ko na nga di nasisilayan pagmumukha mo sa pamamahay ko sasabihin mong sa akin ka natulog. Utang ng loob di ako sinungaling at kung sakaling mabugbog ka ng walang hiyang uling na tao na yan bahala ka na sa buhay mo. Tapos na obligasyon ko, nagawa ko na lahat ng maitutulong ko…

Kasalanan mo. Lusutan mo.

Advertisements
08
Dec
10

nakakayamot!

May na receive akong text message..

i loooooveeee youuuuuuu!!!!

.

.

.

.

.

.

Whoever stops this message will be unhappy for the first 5 months of 2011. Tell at least 15 people you love

– Good Morning!-

Arrrrrrrrggggghhhhhhhhhhh! What’s good in the morning?  Hindi lang yan pers taym ko maka receive ng mga chain messages na yan. Nakakayamot lang nakakasira ng araw aga aga ko pa naman nagising ng may ngiti sa labi tapos makakareceive ng ganong message!  Kulang nalang sabihin sasabog cellphone mo kapag di mo ito i forward!

Litsugas!!!!!! nakakapuno kasi yun mga taong uto uto na hindi magkanda tuto mag forward ng mga ganyang text message minsan ginagamit pa ang pangalan ni Bosing tapos sa huli nag babanta ng may hindi magandang mangyayari sa pamilya mo mamatay ang ganito ang ganyan tae ka! ..  Sa una ang ganda ganda ng message tapos bakit kelangan mo pa i forward sa buong friends list mo.. hay nakooo , utang ng loob maging mature naman sana tayo sa mga ganyang bagay..

Nakakapika lang eh. Sa dami ng load hindi na magkandatuto na mag text ng kung anek anek kasalanan kasi ng unlimited text yan eh! Kung wala sanang unli text  di makakapag forward ng sangkatutak na walang kwentang message yang  mga hinalibad na uto uto na yan  , na  ultimo ok na reply eh hindi makapag text.. Pasa load nyo nalang ako mainam pa !  Naisip ko lang sa unlicall ganon din kaya ? Subukan lang nya!!! ang isasagot ko eh iloveyou too haha..

Parang ganyan lang din ang feeling ko kapag naririnig ko yun I LOVE YOU na kanta ni Willy ..

NAKAKAYAMOT!

Imbis na close mo yung taong nagforward nun maiibyerna pa rin ang beauty mo kapag makareceive ka nun soska. Sino ba ang nagiimbento ng mga ganyang mensahe sana tubuan ng kulugo sa pwet … Sana ganon  nga! iisipin mo pa lang gumawa ng mga ganon bagay mag uumpisa ka nang tubuan ng mga balihibo sa katawan , buntot bukol at kung ano ano pang pwedeng tumubo sayo! 😆

Sana naman kung walang idudulot na maganda sa ibang  tao wag mo na i forward. Mag forward ka nalang ng text quotes o love quotes mahahalikan pa kita sa pwet sana makakatulong sa kaluluwa ng pag sesendan mo yung mapapangiti ng matamis.  Dapat nakakainspire hindi nakakapag perspire! takte! Hindi yung madedemonyo ka pa  . Sige magforward ka pa ng ganyan  Litsugas na may mayonaise! I ba blocked kita hahaha.. wala lang haha nakaka baliw lang..

May namimiss ako huwag nyo painitin ang ulo ko wata!!

I love you , i love you ka dyan… hmmmp!

Ang totoo nyan may namimiss kasi ako mag send ng iloveyou saken araw araw haha … sabi nga sa dinami dami ng mag a iloveyou saken IKAW lang ang gusto ko magsabi nun saken ! ayiiiiiii  ^_^

ANG HINDI MAG COMMENT DITO PANGET!!!! 😆

21
Feb
10

Pahiram

Kapag sinabing pahiram diba dapat isoli din ito? Ewan ko ba kung manhid lang talaga yun taong yun o sobrang bait ko lang. Bakit?

  1. ate pahiram ng hair brush  mo. ( lalaki po ito) araw araw hinihiram
  2. pahiram ng alcohol mo. ( naubos nalang di pa bumabalik)
  3. pahiram ng water jug ( hindi na rin bumalik)
  4. pahiram ng plato, baso, pinggan and everything
  5. pahiram ng cd player ( andoon pa rin hanggang ngayon)
  6. pahiram ng bagong walis tambo ( pudpod na yun walis di pa naiisoli)
  7. Pati make up kit ko hinihiram, kung hindi ko pa kukunin hindi talaga babalik. ( ginagawang salamin)

Okey lang naman manghiram sana, kaya lang kung ako pa ang hihintayin mong kumuha ng hiniram mo kalabisan na yun. Hayyss hirap makisama talaga.. sana humaba pa ang pasensya ko, kasi kapag ako ang nagalit tyak… magsasalubong nanaman ang kilay ni maldita.

“Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.” – BOB ONG-


01
Feb
10

ex attack

After ten thousand yearsssss of silence and peace

ex :wazzup?

me: im fine and you?

ex: good!!

May naintindihan kayo? Isang linggo namin usapan yan sa friendster. Ang saya ano??

Bakit ba may mga taong walang pakiramdam, akala nila okey lang lahat ng mga ginawa nila sayo.. hindi nila alam nasaktan ka nila ng sobra sobra.. nakaka praning. Kung makikipag usap sayo as friends okey na sana eh.. parang kulang yun sinasabi. Haizzz hindi na ako sumagot.. wala din naman mangyayari.. ang dami nyang sinulat.

Tingin ko tuloy sa sarili ko uto uto, tanga, eng eng, walang kwenta. Bakit? Kasi hindi sila nag aalangan na masaktan ako. Parang deserve kong masaktan at danasin lahat ng pananakit nila. Sinasadya man o di sinasadya.

Im tired of being nice..

Ang galing ko magsalita, galing ko mag advice but i can’t even apply it to myself.

05
Aug
09

tampo queen

Sya ay kasing edad ng nanay ko.

  1. Seksi manamit
  2. Maganda ngumiti
  3. Nakaka aliw kausap
  4. Parang nanay na rin ang turing ko sa kanya
  5. May 4 na anak panay pasaway
  6. Asawa ng pulis

Ang dami namin masasayang araw, at masasabi kong napalapit din ang loob ko sa kanya kahit:

  1. Umagang umaga pa lang nag mumura na yan ng pagkalakas lakas na halos mabasag ang eardrum mo . ( human alarm clock ko)
  2. Diretsa mag salita, walang preno kahit nakakasakit basta sasabihin nya ang gusto nya.
  3. Ginugulangan ako sa upa ng boarding house ko, pinababayaran sa akin ang tubig at ilaw eh bed spacer lang naman ako. (binabayaran ko pa rin kasi pakisama ba.)
  4. Pag may nakitulog na kaibigan ko o malapit na kamag anak gusto pabayaran yun pag stay ng tao kahit isang araw lang.
  5. Doble doble ang singil pang nangutang ka sa tindahan nya, nadodoble nya kasi ang kinuha ko, mantakin mong makaka consume ka ba ng 12 peices na sachet ng conditioner sa isang linggo lang?? .( hindi ka mananalo sa diskusyon.. kaya babayaran ko na rin ulet)
  6. Tsismosa numero uno..
  7. Kahit na palaging maingay dun inaabot ng madaling araw may kumakanta sa videokehan nya.
  8. Inuman hanggang madaling araw kasama ang mga kababayan nyang bisaya .

Kaya ko pang tiisin lahat ng iyan sa pagtira ko sa boarding house kong mahal kahit ganyan sya.. ang hindi ko lang matanggap yun nangyari kamakailan … ewan ko lang kung pag iinarte ba ito.. ganito kasi yun..

Nagtae ako last week.. ewan ko ba kung ano nakain ko at tinamaan ako nag sakit ni haydol JC. Anim na beses yata ko pabalik balik ng CR nung gabing yun okey sana kung umaga ang kaso gabi kaya puyat ang katapat ko.

Ang bilis makapanghina, hanggang umaga nagtatae pa din ako kaya uminom nako ng gamot, sabi ng bebeko uminom daw ako ng gatorade at kumain ng mansanas at saging tapos mag pahinga para bumalik ang lakas ko. So sinunod ko naman sya dahil hinang hina talaga ako, after office hours bumili na ko ng gamot.

Eto ang siste.. Masarap sana matulog na dahil puyat talaga ako.. anak ng pitong ipis .. ang lakas ng kantahan sa videoke hanggang ala una yata yun, buti sana kung kantahan lang, aba naman may kasama pang sigaw.

Kamusta naman yun may studyante akong kasama sa bhauz ko, bilang concern housemate nagtext ako sabi ko:

” tita maingay po, pakisaway naman po, kasi ang ingay nagsisigawan pa, may trabaho pa ako bukas at may mga studyante pa dito mag eexam bukas. ” Walang reply.. natapos ang inuman, si Lambing puyat.

Nakareceive ako ng text kinaumagahan…

Sino to? Hanap ka nalang ng boarding mo, di ko kayang pigilan mga anak ko…”

Wala kong load kaya di ako nakapagreply… sabi ko sa isip ko nakuu tong si tita oo, baka akala nya iba ang nag text kaya ganon ang sagot, pero medyo nakakainit na ng ulo ang sagot nya ha..

Tita ako yun nag text… sabi ko nung namasyal sa opisina ko.. ganon pa din ang sagot..” Di kung di ka makatiis humanap ka nalang ng boarding mo, di ko kayang pigilan mga anak ko.. ( iritadong sagot na pasigaw).

Hindi maganda sa pandinig lalo na at sumisigaw.. ang sabi ko hindi po dapat ganon ang sagot mo… ( hindi ako makasingit kasi dire diretso talaga bunganga nun parang armalite lang. . kung pwede ko lang sana sungalngalin yun bunganga nya para matigil eh.. pero syempre di ko magagawa yun.) Dahil hindi ko makausap ng maayos at nagtatalak.. at yun sungay ko e lumalabas na… k fine! Bago pa tuluyan lumabas ang sungay ko at mabastos ko sya…

HAYAAN NYO PO!  AALIS NA AKO!!!

Tapos ang usapan, alsa balutan ang Lambing agad , nag halfday ako, kahit marami akong pinanghihiyanayangan sa pag alis. Aalis na lang ako. Nabastos na ako. Di ko kaya yun ganon. Kaya eto kahit nakikita ko sya sa labas ng opisina kasi malapit lang talaga yun dating bhauz ko sa office ko 50 steps away lang. Wala pa ko sa mood pansinin sya. Ayaw ko na syang Lambingin.. nagiinit pa ang ulo ko sa kanya!

It hurts you know!

Mga kalambingan kung ako ikaw ano gagawin mo???

06
Jul
09

KAPAG PUNO NA ANG SALOP

Sana meron salop na hindi napupuno ano???

Kung meron man nabibili nun sana makabili ako..

Pero sa ngayon mukhang napuno na ang salop eh..

Hmmm bahala kana sa buhay mo..

Hindi na kita kayang intindihin..

Salamat sa mga sama ng loob..

Yun lang.

14
May
09

lagay

Sa tinagal tagal kong pagsusulat ng entry dito sa wordpress wala pa akong naging topic tungkol sa mga seryosong bagay tulad ng nangyayari sa paligid ko. Bilang isang mamamayang Pilipino biglang kinurot ng aking konsensya na maging aware din sa paligid at mag bigay ng aking opinion sa lumalalang corruption sa bansa. Hindi ko bibigyan ng pansin yun nasa malalaking pamahalaan dahil alam ko naman na marami ng pumupuna sa mga buwaya ng lipunan.

Ako ay isang anak ng isang simpleng empleyado ng gobyerno, bilang isang anak mataas ang pagtingin ko sa aking ama. At dahil sa paghangang yun pinangarap ko din na balang araw magtrabaho sa opisina gaya ng tatay ko. Ang tatay ko ay nagtratrabaho sa gobyerno sa LTO ( Land Transportation Office).

Noong bata ako bilib ako sa kanya, hanggang ngayon naman eh, pero habang lumalaki ako, may mga naririnig ako sa paligid ko, na ang nagtatrabaho daw sa LTO ay mga buwaya. Nagtatanong ang mura kong isipan bakit kaya sila tinatawag na buwaya? Hanggang sa natuklasan ko na ang buwaya pala ay tumutukoy sa mga taong nanamantala ng kapwa, yun mga taong nangingikil ng pera o ano mang bagay sa taong naka labag ng batas. Minsan naman para mapabilis ang pag lakad ng papeles kailangan may LAGAY.

Kaya kahit di ko man nakikita na ginagawa ng aking butihing ama ang mga binibintang nila sa mga empleyado ng LTO, syempre damay ang tatay ko sa mga binibintang nila. Kaya kung tatanungin nila ako ano trabaho ng tatay ko at sasabihin kong LTO nakikita ko sa iba na meron silang ngiting nakaka insulto. Naiirita ako pag ganon ang persepsyon ng tao sa lahat ng nagtatrabaho sa LTO lalo na at ama ko yun. Ngayon malaki na ako, gusto ko pa rin magtrabaho dito pero naiisip ko kaya ang pressure dito. Hindi ko gustong matawag na buwaya, dahil kahit kelan hindi ako sang ayon sa pagsasamantala sa aking kapwa. Mukha lang wala akong walang pakialam sa paligid ko pero sa totoo lang i care po.

Kung bakit ako nakapagsulat ngayon kasi nainspire ako kanina o nainis ako sa narinig ko …

Sa opisina

CO WORKER 1 : Nahuli daw si boknoy ng LTO, kinuha yun plaka. patay nanaman sya sa babayaran nyan.

CO WORKER 2 : Ano ba ang violation? .

CO WORKER 1 : Driving without license.

CO WORKER 3: patay si boknoy kasalanan pala nya di sa kanya sisingilin ni boss yun babayaran.

CO WORKER 2 : wag kayong mag alala andyan naman si Lambing o, easy lang LTO tatay nyan.
CO WORKER 1: Sa susunod kasi na dumaan kayo pag may nakita na kayong mga buwaya sa daan hagisan nyo na agad ng sitseria ( produkto na tinitinda namin), para dina kayo hulihin sa susunod na pagdaan nyo.
CO WORKER 2 : Di masasanay naman yun, tuwing dadaan kayo hihingan na kayo nun???

Lambing : Hay naku kayo, nag rereklamo kayo sa mga mangungurakot ng bayan, sinasabi nyong buwaya sila , pero kayo din naman ang naglalagay , imbes na ituwid nyo ang pagkakamali kayo pa ang nag bubuyo sa taong mangikil. ( iiling iling)

Naalala ko pa na minsan nahuli yun truck namin, ng LTO ako pa ang kinausap ng boss ko para tubusin yun truck namin. Okey lang naman sa akin. Pero hello? Ano ba maitutulong ko dun? Kung nakalabag ka man ng batas dapat pag bayaran mo yun diba? Walang palakasan system. Dapat ganon naman talaga pero sad to say na marami talagang nag ba bribe din ng mga empleyado sa goberyno dahil gusto lagi sa mabilisan, ayaw mag hintay.

Yun iba naman nag lalagay sa titser para pumasa. Naisama ko rin ito dahil narinig ko ito sa dalawang estudyanteng nag uusap kanina. Nakakalungkot talaga kasi sabi nun kakilala ko kanina binigyan nya yun titser nya ng 500 pesos para bigyan uli sya ng case, kasi graduating na ito.

Hindi ba kung gusto natin may magbago sa lipunan natin o kung gusto nyong mawala ang corruption sa bansa dapat mag simula ito sa atin.

Nakakalungkot isipin na kahit sa mga ganitong sitwasyon, kahit saan ka pa mapunta sa malaking syudad man o liblib na pook ang form of corruption tulad ng extortion ay nagaganap, kung meron man mga taong gumagawa nito, masasabi ko lang na nakaka inis kayo, mahiya naman kayo sa balat nyo, mga mapagsamantala, at dun sa mga taong imbis na manindigan eh sila pa mismo ang nag uudyok sa tao para mangikil mas nakakainis kayo. Pinoy gumising ka!!!




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,929 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers