Posts Tagged ‘sickness

16
Oct
10

kamusta ka na?

Lately nagiging sakitin ako andyang matrangkaso , magka sore eyes , mawalan ng boses at itong huli ang mag ka bronchitis. Wala lang naman saken kung magkasakit  ako sabi ko sa sarili ko walang namang mag aalala eh. Dati nanay ko lang ang nag aalala kapag nagkakasakit ako, nag aalaga saken kapag may sakit ako.. pero ngayong wala na sya.. mas malungkot magkasakit.

Naisip ko habang nakahiga at iniihit ng sunod sunod na ubo.. para saan pa ba ang pag galing ko?  Kung sakaling kunin ako ni Bosing okey lang, wala naman sigurong masasaktan kase yun gusto kong kamustahin ako, yun taong gusto kong tapunan ako ng konting atensyon wala namang pakialam saken.. mahalaga pa ba ang pag bangon ko?

Kagabi.. may mga tumawag saken.. nag text , nangangamusta.. nung malamang nagkasakit ako nag alala…

  • Wag na daw ako maligo ng gabi
  • Wag na daw ako uminom ng malamig
  • Uminom daw ako ng maraming tubig
  • May nag dala ng kalamansi ..timplahin ko daw sa mainit na tubig

Na realize ko marami pang “ibang”  nandyan  para saken..  pero kailangan pa ba hanapin ko sa iba ng atensyon na dapat ay sya ang nagbibigay? minsan kasi sa isang tao lang ako nakatingin.. Hindi naman ako mapag hanap.. maramdaman ko lang na mahalaga ko sa kanya ok na ako. Isang kamusta ka na anak? Ok na ako nun. Pero siguro hindi nga talaga sya ganon.

Habang naglalakad ako papuntang office may nasalubong akong magkakapatid akay akay ang isang taong gulang na babae. Nakatingin sya saken yun bata…ngumiti sabay sabi….

” mama”…

Napangiti ako, tumalon yung puso ko..hindi ko anak yun, dalaga pa ako haha. Pero ang sarap pala tawagin ng mama, paano pa kung talagang anak mo na..

Na realize ko.. meron pa namang mga iba..

May  mga iba pa na  mangangailangan saken

wala man ngayon

baka

bukas..

babangon ako sa mga ngiting iyon..

There’s nothing more complicated in someones life… if he do lives in complicated situation… stuck there the doors  shut!. And if never trying to step forward and push the door.. Life is really competeting and our first fight is in ourselves.. we must first beat it.. so we continue to live life into the fullest.. for in the end of the battle.. in our last breath we can say with a smile on our face.. feel contented..  i win!

Advertisements
20
Sep
10

so sick

Pagkatapos kong antukin ng bonggang bongga at naisin makapag pahinga ng maigi, napag bigyan ang aking munting kahilingan nakatulog ako ng dalawang araw . Tama mga kalambingan napagbigyan ko ang sarili kong matulog yun nga lang kailangan ko pang magkasakit para lang makapag rest ng bonggang bongga.

Bakit ako nagkasakit? Hmmm gusto kong maawa sa sarili ko ng minsan akong abutan ng bathroom dance habang umuulan.. pasintabi sa mga kumakain.. nag deposit ako ang kaso sa loob ng cr umuulan din ang lakas ng tagas ng ulan , nagpayong ako sa loob habang nag coconcentrate, at dahil umuulan nagtagal ako  sa cr dahil umuurong ang dapat lumabas kapag nababasa yung likod ko, nag tagal ako dun.. at wag mo nang alamin kung paano ako nakapag hugas habang nakapayong napakahirap maniwala ka.

Kinabukasan, maliligo nalang ako bigla ko naiisip na giniginaw ako .. at oo hindi na ako naligo kasi bigla akong nanginig.. nag jacket ako , medyas at pajama .. at nag text sa opisina na Im sick. Oh yeah.. Bawal daw ako manuod ng tv at mabibinat, wag din daw ako uminom ng biogesic .. ang gulo nila sa earth dami bawal. Ano ako nanganak? Wish ko lang! ahihi. Ano ba magagawa ko kundi matulog nalang .

Dami mo palang naiisip kapag may sakit ka hanu?? Meron akong namimiss.. Nagdedeliryo na kaya ko nun? Bigla ko naisip na sana sana.. merong nandito sa tabi ko, nag aabot ng gamot at paiinumin ng royal, pupunasan yung pawis ko sa noo , sa likod , sa kili kili.. ang kaso walaaaaa.. ayoko na magkasakit , nakakabagot, parang lalo ako magkakasakit kapag nakahiga lang mag hapon hang dami ko pa naiisip kapag nakahiga wait a minute stopppp!  Naiisip ko sya at ang mapupula nyang labi.. nakangiti saken… na sana sana  hinahawi nya ang mahaba kong buhok sa mukha habang nakatitig saken.. tapos i ha hug ako… sasabihin saken “huwag kang mag alala iingatan kita at aalagaan.. ” At sabay kakantahan ako ng I’ll be ther for you.. Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘so sick’




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,493 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers