Posts Tagged ‘text

15
Jan
11

kaya pala

May babaeng nag alok saken ng sim ng sun sa may grocery store, dahil magaling sya mag sales  talk bumili ako.

Bumili ako ng bagong sim sa sun cellular kasi halos lahat ng kapatid ko,  tatay ay sun ang gamit plus may isang tao na gusto ako makausap sa sun .Hmmmm  ayos na sana dahil mura ang sim takte mas mahal pa yun load na nasayang ko kaysa bili ko sa sim.

Kaya pala wala akong natatanggap na text

Eto pa naman yung number na nilagay ko dito sa blog

Kaya pala akala ko walang pumansin sa number ko

Kaya pala wala akong natatanggap na load….

Isa kang malaking pagkakamali

Wow mali..

Mali yun number na nakagalay sa simcard soska!

0933-146-2308- mali

0933-1462306- tama

Buti nalang may isa akong tao na tinext nun bago ang sim na ito kung hindi , hindi ko malalaman na ito pala yung tamang number…

Kaya pala di ko natanggap ang mga load na niloload ko , pati ang mga text na inaasam ko mali pala wow mali..

Parang pag-ibig lang….

gawin mo lahat , umeffort ka man ng umeffort kung mali naman ang number talagang wala kang mahihita… pak! ma i connect lang 😆

PS.

MALI po yun unang na post ko na number… eto na yun tama … 🙂

05
Aug
09

tampo queen

Sya ay kasing edad ng nanay ko.

  1. Seksi manamit
  2. Maganda ngumiti
  3. Nakaka aliw kausap
  4. Parang nanay na rin ang turing ko sa kanya
  5. May 4 na anak panay pasaway
  6. Asawa ng pulis

Ang dami namin masasayang araw, at masasabi kong napalapit din ang loob ko sa kanya kahit:

  1. Umagang umaga pa lang nag mumura na yan ng pagkalakas lakas na halos mabasag ang eardrum mo . ( human alarm clock ko)
  2. Diretsa mag salita, walang preno kahit nakakasakit basta sasabihin nya ang gusto nya.
  3. Ginugulangan ako sa upa ng boarding house ko, pinababayaran sa akin ang tubig at ilaw eh bed spacer lang naman ako. (binabayaran ko pa rin kasi pakisama ba.)
  4. Pag may nakitulog na kaibigan ko o malapit na kamag anak gusto pabayaran yun pag stay ng tao kahit isang araw lang.
  5. Doble doble ang singil pang nangutang ka sa tindahan nya, nadodoble nya kasi ang kinuha ko, mantakin mong makaka consume ka ba ng 12 peices na sachet ng conditioner sa isang linggo lang?? .( hindi ka mananalo sa diskusyon.. kaya babayaran ko na rin ulet)
  6. Tsismosa numero uno..
  7. Kahit na palaging maingay dun inaabot ng madaling araw may kumakanta sa videokehan nya.
  8. Inuman hanggang madaling araw kasama ang mga kababayan nyang bisaya .

Kaya ko pang tiisin lahat ng iyan sa pagtira ko sa boarding house kong mahal kahit ganyan sya.. ang hindi ko lang matanggap yun nangyari kamakailan … ewan ko lang kung pag iinarte ba ito.. ganito kasi yun..

Nagtae ako last week.. ewan ko ba kung ano nakain ko at tinamaan ako nag sakit ni haydol JC. Anim na beses yata ko pabalik balik ng CR nung gabing yun okey sana kung umaga ang kaso gabi kaya puyat ang katapat ko.

Ang bilis makapanghina, hanggang umaga nagtatae pa din ako kaya uminom nako ng gamot, sabi ng bebeko uminom daw ako ng gatorade at kumain ng mansanas at saging tapos mag pahinga para bumalik ang lakas ko. So sinunod ko naman sya dahil hinang hina talaga ako, after office hours bumili na ko ng gamot.

Eto ang siste.. Masarap sana matulog na dahil puyat talaga ako.. anak ng pitong ipis .. ang lakas ng kantahan sa videoke hanggang ala una yata yun, buti sana kung kantahan lang, aba naman may kasama pang sigaw.

Kamusta naman yun may studyante akong kasama sa bhauz ko, bilang concern housemate nagtext ako sabi ko:

” tita maingay po, pakisaway naman po, kasi ang ingay nagsisigawan pa, may trabaho pa ako bukas at may mga studyante pa dito mag eexam bukas. ” Walang reply.. natapos ang inuman, si Lambing puyat.

Nakareceive ako ng text kinaumagahan…

Sino to? Hanap ka nalang ng boarding mo, di ko kayang pigilan mga anak ko…”

Wala kong load kaya di ako nakapagreply… sabi ko sa isip ko nakuu tong si tita oo, baka akala nya iba ang nag text kaya ganon ang sagot, pero medyo nakakainit na ng ulo ang sagot nya ha..

Tita ako yun nag text… sabi ko nung namasyal sa opisina ko.. ganon pa din ang sagot..” Di kung di ka makatiis humanap ka nalang ng boarding mo, di ko kayang pigilan mga anak ko.. ( iritadong sagot na pasigaw).

Hindi maganda sa pandinig lalo na at sumisigaw.. ang sabi ko hindi po dapat ganon ang sagot mo… ( hindi ako makasingit kasi dire diretso talaga bunganga nun parang armalite lang. . kung pwede ko lang sana sungalngalin yun bunganga nya para matigil eh.. pero syempre di ko magagawa yun.) Dahil hindi ko makausap ng maayos at nagtatalak.. at yun sungay ko e lumalabas na… k fine! Bago pa tuluyan lumabas ang sungay ko at mabastos ko sya…

HAYAAN NYO PO!  AALIS NA AKO!!!

Tapos ang usapan, alsa balutan ang Lambing agad , nag halfday ako, kahit marami akong pinanghihiyanayangan sa pag alis. Aalis na lang ako. Nabastos na ako. Di ko kaya yun ganon. Kaya eto kahit nakikita ko sya sa labas ng opisina kasi malapit lang talaga yun dating bhauz ko sa office ko 50 steps away lang. Wala pa ko sa mood pansinin sya. Ayaw ko na syang Lambingin.. nagiinit pa ang ulo ko sa kanya!

It hurts you know!

Mga kalambingan kung ako ikaw ano gagawin mo???

09
Jul
09

teks mode

Pagkatapos ma band ang YM sa aming opisina ano naman kaya ang pinagkakaabalahan ng inyong lingkod ngayon?? Well nalilibang akong mag text ngayon. Dati walang kwenta ang cellphone ngayon bigla nagkaroon ng halaga kahit yun ay hamak na mumurahing model lamang.

Dati rati nakakayanan kong di magload kahit isang linggo pa pero bakit kaya pag gusto mo yun kausap syempre hindi mo hahayaang mawalan ka ng load. Kahit lamukin ako pa sa terrace pag gabi , gawa ng walang signal sa kwarto basta makapag text lang go parin kahit dumami pa ang pantal sa legs pag pasok sa kwarto.

At Kapag tumunog na ang message alert tone kong naka ascending pa! Para malaman kung may nag text kasi walang signal sa loob ng kwarto, kaya yung cellphone kong mumurahin nasa may bintana. Adik! Halos magka stiff neck ka sa kakatext pag gabi pag nasa loob ka ng kwarto at nangangawit sa posisyon mong patagilid dahil dun lang nakakasagap ng signal.. watta! hinihintay lang  pala na mag goodnight din. Adik ka talaga!

Ano nga kaya ang bumabalot na hiwaga sa isang mensahe? Yun bang message mismo o yun kasiyahan na may taong nakakausap ka, kahit di pa kayo nagkikita pero yun closeness nyo nadedevelop sa mga text messages na sweet. Isang estranghero na binibigyan mo ng karapatan na pumasok sa pribadong buhay mo. Bawat mensahe ay pumapasok sa kaibuturan ng puso mo.. nagbibigay ngiti, sigla at inspirasyon sa buhay mo.

Pero gaya din sa internet world..madedevelop ka sa araw araw na kausap mo, pahahalagahan.. ngunit may katapusan din ang lahat ng masasayang araw. Lalo na at dc kaya walang signal.. putol na rin ang komunikasyon.. o di kaya nagkasawaan na kayo sa araw araw na pag uusap..

Kung iisipin mo laging talo ka sa larong ito, kapag umasa ka sa mga mabubulaklak na salita lalo at pinanganak na bolera/bolero ang kaututang dila mo sa text o sa chat. Pero sino ba naman ang hindi mahihipo kapag ang kausap mo eh saksakan ng bait at maalalahanin sa una..

Ultimo mo mmwwaah at hugs tipong nagpapakumpleto ng araw mo at nagbibigay instant energy sayo.. tapos bigla nalang magbabago… mawawala…

…….

…….

…..

…..

…..

Kakayanin mo ba?

Kaibigan, dapat maging matatag ka.. dahil ang happiness ay hindi mo pwedeng iasa sa isang tao lang o sa isang estranghero.. dahil kapag bigla nalang nawalan ng internet connection at load… tyak mapuputol na ang komunikasyon nyo.. panandalian mang maputol o permanente…

baka pag hindi na mag reply ang kausap mo..

mawindang ka na…

kaya…

Relax lang…

Try to find what makes you happy

And soon, you will end up with someone who sees your completeness

Without ever wanting anything except be a part of you… 🙂




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 592,695 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers