08
Mar
24

Gaano ba kadali ang mag paubaya?

Medyo marami ako time ngayon at saka medyo masakit nanaman ang puso ng inyong likod. Kung nakakapagsalita lang itong aking website sasabihin nya ganyan ka naman eh, naaalala mo lang ako bisitahin pag gusto mo ng outlet. Sorry na, naging busy ako sa pagpapahalaga sa maling tao.

Ayan nanaman tayo bumanat nanaman ang Lambing. Kung andito pa mga katoto ko ka Blogs ko early years of blogging baka sabihin saken di ka na natuto. Ano ba ang magagawa ko tao lang mapagmahal lang pero medyo syunga lang. Masakit mas masakit pa sa daliri na naipit sa may gate.

Oh ano nga ba ang punto ko? Kasi naman napadpad ako sa comment section may nabasa ako gaano daw ba kadali magpaubaya? Napaisip ako, eto naman reader ko binibigyan pa ako ng sakit ng damdamin.

Kaya ko na ba magpaubaya? Wala naman hiningi na kalayaan eh. Basta ko nalang nalaman may iba na kasama ano pa ba ang dapat gawin. It sucks ganun yun feeling. Mga kulang kulang sampung taon mo minahal binigyan ng chance, ilang ulit pero paulit ulit ka lang sasaktan , paulit ulit lang magpaparamdam na para bang walang nangyari. Pero eto si tanga paulit ulit din nagpapaloko rupok mo girl. Dagdagan natin ng paubaya na song ni Moira habang nagsusulat ako ngayon para naman mas feel na feel.

Dinadaan ko lang sa biro.. ngiting pilit.. ta**** na nya! Sana masaya na sya . Dun sa nagtatanong kung gaano kadali .. hindi madali , sa akin hindi kase lumagapak ako.. di ko pa kaya magsabi na kung masaya ka sa piling nya taena nya! 😀 Medyo ayaw ko pala nun song ni Moira sa ngayong nararamdaman ko di ako ganun kabait… alam ko dati mabait ako eh.. anyare?

Kaya sa nagtatanong makakapagpaubaya ka lang kung wala ng sakit at kung gaano ka nagago. Pero sa hulit huli malamang magpapaubaya ka pa rin kahit ayaw mo kase yun naman talaga ang mangyayari.

Magpagaling ka. Heads up! Yun mga taong nangloko sayo wag mo gayahin, you are better than them. Maghihilom din ang sugat.. di man ngayon sana sa lalong madaling panahon.. Babasahin ko uli yun paano ba mag move on para naman ma i apply ko ulit sa buhay ko. Dito muna ako tatambay. Mukhang masaya dito.

Adulting is real. Its been years but I am still here longing to be loved, looking for some validation . Buti pa noon masaya lang kaya pa pero bakit ngayon parang mas masakit….

“Sometimes it takes a heartbreak to shake us awake & help us see we are worth so much more than we’re settling for.”

 Mandy Hale

Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat maramdaman kaya magsusulat nalang para makalimot saglit. Ciao ! 🙂


0 Mga Tugon to “Gaano ba kadali ang mag paubaya?”



  1. Mag-iwan ng Puna

Mag-iwan ng puna


Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 941,481 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Marso 2024
L T M H B S L
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 152 other subscribers