Posts Tagged ‘suitor

19
Oct
11

Sagot sa tanong na… bakit single ka pa girl?

Isa ka ba dun sa mga nagpagtatanungan palagi kung kamusta na ang lovelife mo? Bakit hanggang ngayon wala ka pang boyfriend? Asawa? Habang Lahat ng mga ka klase , kapit bahay, mas batang pinsan, kapatid , ex boyfriend eh may kanya kanya nang pamilya. Samantalang ikaw eh walang maisagot sa bawat tanong nila. What happen to you? Hanggang ngayon ba naman eh choosy ka pa rin? You’re running out of time my dear baka sumara na lahat ng dapat sumara sayo. Huli ka na sa byahe. Mga ganon comments.

For all I care!!!! Wa ako care!!! Wala nga ba talaga? Hmmmm empre meron.. kapag nag iisa ka nalang at nag mumuni muni tatanungin mo rin yan sa sarili mo.. why o why bakit nga ba o bakit hanggang ngayon eh hindi pa nasusungkit ang iyong pusong bato ? Pusong bato ka ba? Ennnngggg ( katunog ng buzzer pag mali ang sagot) Manhid ka ba? ENGGGG!!!! ( parang pareho lang naman yun) Picky ka ba? Enngggg! uli… Choosy ka ba???? Enggggg! (Hindi ako choosy juicy ako juicy!)  Ang chappy mo naman… ( hindi ako chappy .. chubby ako chubby!! )

Oweno ba talaga ang problema bakit singol ka pa rin???  Meron din naman ibat ibang dahilan kung bakit single pa kami.. siguro yung iba may dahilan baka…

  • May trauma na sa pagiging sawi. Sobrang nasaktan sa huling relasyon kaya naduduwag sumubok ulet.. thinking na mauulit lang ulit yun,dahil sa sobrang sakit na naranasan nya.
  • Siguro dahil sa hirap ng buhay ngayon , naisip nya mahirap mag pamilya, paano na yung mga magiging anak ko? Takot sa responsibilidad.
  • Galing sa broken family… siguro natakot sya kase nakita nya yun hindi magandang nangyari sa relasyon ng magulang nya kaya ayaw nya matulad dun. Hindi naman sa ayaw nya magkapamilya gusto nya lang wag maulet sa kanya yun nangyari sa magulang nya kaya sya nag seset ng standards.
  • Siguro dahil Masaya naman na sya sa buhay nya , kontento na sya dahil maraming nag mamahal sa kanyang kaibigan mga kamag anak, may sarili syang career kaya hindi sya nag aalala na kahit na walang lalaki sa tabi nya kaya nyang mabuhay dahil kumikita naman sya .
  • Baka may hinihintay? Bakit mag hihintay? Siguro dahil doon tumibok yun puso nya ,kahit nasaktan sya nito ng sobra sobra eh hindi na nya kayang ipagkatiwala ulet yun puso nya sa panibagong mang iibig kaya nag I stick sya dun sa taong kahit nasaktan sya nito eh alam nya na mahal nya eto, takot sya na magtiwala ulet sa ibang tao kasi paano kung saktan din sya nito di ang dami na nakasakit sa kanya? Tama na ang isa, dalawa, pangatlo eh too much na yun.. Napapagod din kami.

Pero lahat naman yan eh nadadaan sa mabuting usapan, pwede pa rin kami masungkit kahit may mga dahilan kami kung bakit kami single..  Kailangan lang siguro Makita naming yun qualities na hinahanap namin sa isang lalaki. Siguro nga Kaduwagan lahat ng dahilan sa itaas pero pwede din naman maalis ang takot namin kapag may isang tapat na mag aalis lahat ng takot na nararamdaman naming at magpapatunay na hindi lahat ng kinakatakutan mo eh magkakatotoo meron ding happy ending at the right time at sa tamang tao. Pero bago kami mag tiwala syempre kailangan muna may qualitities sila sa mga listahan namin.. You heard it right .. may listahan kami…

Hindi naman sa pihikan kaming mga babae, meron lang talaga kaming mga listahan , checklist  , standards para masungkit ang iniingatan naming mga puuuusooo…  Alam lang naming talaga kung ano yung hinahanap namin.. eto ang sampol…

  • May itsura ba? ( Empre lahat naman ng tao unang tumitingin sa physical appearance… No one falls inlove agad sa character unang tinitignan eh yung unang lumilitaw.. Mukha.. kahit hindi gwapo basta maginoo at hindi bastos… So ano ang gusto ko mangyari? Hindi rin masyadong mahalaga ang appearance samen,  kaya  kung your running out of time babaan mo na yung standards mo kung may itsura ba kunwari kung 1-10 kahit 4-5 patusin mo na… ok ok  kaming mga babae hindi basta basta bumibigay , kahit gwapo ka kung mayabang ka naman eh major turn off yun.
  • Responsable ba? Eh kung sugalero, at madami kang bisyo , alak. Sigarilyo, babae hay nako….. Para lang kami kumuha ng batong ipopokpok namin sa ulo . Di mas magandang mag isa nalang kaysa mangunsumi ka sa lalaking ito. Pero kung nakita mo naman na responsible aba eh dagdag pogi points yun..
  • Gwapo (optional)
  • Polite
  • May dimples
  • Maganda ang ngipin
  • Matangos ang ilong
  • May sense of humor
  • Talented
  • Responsible
  • Matalino
  • Maginoo pero medyo bastos ( ayaw namin ng binabastos agad… mag paka ginoo ka muna)
  • Father material
  • Marunong magluto
  • Matangkad
  • Mahilig sa Music
  • Humble
  • Sweet
  • Maalaga

….. at marami pang iba…

Yung iba napakahaba ng listahan… pero sabi nga if your running out of time aba eh lower your standards… yang haba ng listahan mo eh minsan mauuwi nalang yan sa 5

  1. Kung nararamdaman naming na mahal kami kahit wala ka pang itsura
  2. Kung secure kami sayo winner ka tsong…
  3. Kung napapatawa mo kami another pogi points
  4. Kung pareho kayo ng interest hobbies para walang dull moment
  5. Kung pareho kami ng paniniwala… relihiyon.. malaking point din ito kasi kung ang hanap mo eh magiging partner kailangan talaga pareho kayo ng pananampalataya para hindi mo na kailangan magaya kay supsup na sumagot kung sino ang pipiliin God o Sya … dapat pareho kayong may God. Yowwwnnnn…
  6. Kung pareho kayo ng level ng pag iisip… o mas maganda mas mataas sya… mapaguusapan kayo at hindi magiging boring.. dahil kung hindi kayo magkakaunawaan eh nakaka disappoint lang yun.

Kaya kung etong mga qualities na ito meron sa listahan naming eh malamang masungkit din ang tinatawag nilang pusong bato. Kaya kapag tinatanong ka ng mga echoserang frog na naawa sayo kung bakit ka pa single hanggang ngayon?  Huwag kang ma stress…  Nakakabawas ba ng pag katao ang pagiging single? Nakakapangit ba? Tingin ba nila eh may kapansanan ka?  May kulang sayo? Miserable ka ba????

HINDI NO!!!!

Being single doesn’t mean that you are unloved, unwanted, unhappy, or unappreciated. In the end, it’s wiser to be single, than in the wrong relationship.

CHECKLIST  VS. CHUVACHUCHOOO?

Alam mo lang kung ano yung talagang gusto mo, at alam mong kapag hinintay mo yun mga nasa listahan mo hindi man kumpleto alam mo sa sarili mong magiging Masaya ka sa mga choices mo. . after all checklist lang naman yan at kapag ang puso ay tumibok kiber din sa checklist checklist nay an ang mahalaga pa rin eh yung nararamdaman mo…chuvachoochooooo wins!

Women need to value themselves more and see that it is better to choose wisely than to waste time with the one they settled for. If they are patient and choose wisely, they will be rewarded.

Advertisements
05
Jan
11

Now i know why i love chocolates

Kagabi pa ako di makatulog ng maayos, dami bumabagabag sa isip ko. Sinasamahan ko din ng dasal na huwag na maapektohan sa mga nangyayari saken ngayon. Okey naman ako physically pero emotionally medyo di maayos. Im trying to be brave to face my problem , kinalimutan ko na nga yung nararamdaman ko, halo halo kasi, galit, galit , galit.. ay teka bakit ba puro galit na type ko.. ewan ko ba.. ang hirap kasi intindihin nung bagay na nangyari saken.. parang akong binagsakan ng malaking depression..  ayoko na idetalye kasi bumabalik yun sakit..  Ayun i thought everything was ok untill i received a message.. ewan ko.. nakakapraning..

Gusto ko magkaroon ng temporary amnesia.. para kalimutan yun araw na yun.. araw  na akala ko magiging maayos ang lahat, araw na puno ng saya ang puso ko, lahat ng magagandang bagay inisip ko na mangayari sa araw na iyon..  hindi ko inisip ang pagod ko , hindi ko inisip yung isang araw na byahe ko,  hindi ko inisip na may sakit ako, hindi ko inisip yun araw na mawawala saken na hindi ako papasok sa trabaho ko, makasama ko lang sya.. makita lang kahit saglit lang..ang pagkakamali ko lang hindi ako naging handa sa magiging resulta kasi lahat tinignan ko positively… i break down…… hindi natuloy.. 😦

Umuwi ako blanko..  buti sana kung isang oras lang ang byahe ko kaso sampung oras ako nasa loob ng bus.. mainit… mahangin.. maalikabok hindi ko alintana yun gusto ko lang makauwi agad..Naguunahan yun mga luha ko kahit pigil na pigil akong umiiyak ayoko ko na kasi umiiyak, nakakapagod lang saka nakakahiya dun sa matandang katabi ko… Punong puno ng katanungan, naisip ko…. “masama ba akong tao?” .  humahanap ng magsasabi na ” tama na yan okey lang yan…”  may mga nagalit, may natuwa, may nanisi.. may mga yumakap …  naglasing ako, tinawagan lahat ng mga may gusto saken.. buti nalang walang pumatol nun araw na iyon.. feeling ko kasi ako yung pinakapangit na tao sa buong mundo…

Lumipas ang pasko , bagong taon.. i need to be ok.. i need to smile para sa ibang tao though my heart is aching.. Para kay papa ngumingiti ako, sa kapatid ko at sa mga kaibigan ko.  Nagpaganda ako.. nag adik sa plant vs. zombies, nagbabad sa trabaho…  ganon talaga yun i need to be ok.. hanggang sa akala ko ok na ako.. hindi pa pala..

Kaninang umaga nagdasal ako, tumawag sa kaibigan gusto ko maging okey.. Nagpaganda ulit ako,  nag facebook para malibang.. tapos yung kasama ko nagbigay saken ng Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Now i know why i love chocolates’

14
May
10

kaka azar :(

Mabait at magalang ako sa mga matatanda. Hindi ko alam basta kapag mga senior citizen akong nakikilala  nilalambing ko sila kahit hindi ko kamag anak. Siguro na mimiss ko lang ang mga lolo at lola ko, na mimiss ko mag lambing sa kanila lahat kasi ng grandparents ko pumanaw na. Kaya every time na nakakakita ako ng oldies malapit talaga ang loob ko sa kanila.

Lately may nakilala ako, hindi naman gaanong katandaan pero balo na. Dahil si Lambing ay mabait sa matanda syempre kinakausap ko. Napapansin ko si lolo tingin ng tingin sa akin sa tuwing kumakanta ako sa videoke hmmm sabi ko sa sarili ko si lolo naaaliw saken . Nagkataon naman na pinasabay ako sa sasakyan nila lolo nun pauwi nako. Ayoko sanang tumabi dahil naiinis nako sa mga actions ni lolo. Nun tumabi nako sa sasakyan. Nakoooo panay ang himas sa buhok, ayos dyan ayos dito, saka hawak sa likuran ko,  ako naman alibadbad na alibadbad.. soska ayaw ko na sa kanya shonda shonda na eh.

Eto pa manliligaw daw sya saken .. huwat? tapos ayaw akong pababain sa sasakyan nya hanggat di ko daw sya sinasagot waaaaa… ang sabi ko sa kanya isang malakas na AYOKO PO!.

Anak ng.. hindi ko alam kung paano i treat sya nang tama.. ayoko mabastos sya kaso  ayoko rin naman na mabastos nya ako owver my dead body ..

Nakwento ko sa pinsan ko ..

Lambing:  “alam mo cuz yung si lolo hindi ko gusto tanda tanda na eh manyak pa.. biruin mo kinukulit ako pumili daw ako ng song at theme song namin..

Cuz ni Lambing: Hayaan mo na yun mga matanda na iyon hanggang dun nalang naman ang kaya non.

Lambing: Weh kahit kaka asar ang kulit theme song theme song pa

Cuz ni Lambing: Di sana pumili ka .. eka yun kanta ni black jack yung ” Lo! mabuti pa kayo ni lola” 😆

Lambing: Alam ko na! thesong pala ha…

Cuz ni Lambing: Sige ano?

Lambing: ” Hindi kita malilimutan” 😆

Cuz ni Lambing: Cuz may taning palang yun matanda pinapatay mo na 😆

Pag dating sa manliligaw hindi naman talaga ako choosy eh. Pero ewan ko ba talaga kung bakit bakit at bakit yun mga nagkakagusto saken eh out of this world waaaaaaa 😥

23
Jan
10

Choosy ka pa?!

May na lab at per sayt daw saken. Tinutukso ako ng mga kasama ko sa work. Gusto daw akong ligawan, haharanahin daw ako 😳 Kaya lang daw nahihiya sya ayun sa mga kasamahan ko dahil isa lamang daw syang hamak na pinante at ako ay nag tatrabaho sa opisina.

Hmmmm tinatanong daw sa mga kasamahan ko bakit wala pa ko bf.. bakit bulag daw ba sila at wala nangliligaw saken dito. Ang sagot nila “.. actually marami na nanligaw dyan dito… yung iba pipi ang iba naman BASTED.”

Choosy ba ako?

Gusto ko lang linawin na hindi naman ako mapili sa mga manliligaw saken..
ayaw ko lang ng:

  • lasenggo ( at iba ang umiinom sa lasenggo)
  • naninigarilyo
  • nagsusugal
  • obvious na manyakis
  • bastos

Yan lang naman ang ayaw ko. At sigurado naman ako na lahat ng kababaihan eh sasang ayon saken na hindi naman talaga maganda ang mga qualities na ayaw ko.

Simple lang naman ako. Hindi lang talaga nila makuha ang kiliti ko lolz. Hindi nga ako nagsusungit. At kahit gaano ko pa ka ayaw ang mga nasa itaas , pwede ko din naman bawiin ang standards ko kapag nakilala nila ako ng mabuti.

Pwede kitang tanggapin kung ano ka man at sino ka man. Pero kelangan mo muna ako makilala ng malaliman. Yung iba kasi hanggang tingin lang hanggang text lang.. Ewan ko ba.. ayaw ako kilalanin mabuti . Nadadala kasi sila agad  sa gulpi de gulat ko 😆

At sa huli.. Kapag napamahal ka saken.. kaya kong baliin ang mga standards ko para sayo.

I am choosy but i can compromise ♥♥♥ 😉

Allow the world to live as it chooses, and allow yourself to live as you choose.




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,493 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers