Posts Tagged ‘work

08
Sep
10

Over time

Kung trabaho ang pag uusapan, ako yung taong kung kinakailangan matapos ang trabaho kahit abutin ako ng madaling araw carry lang yan. Ganyan ko kamahal ang trabaho ganyan ako mag trabaho. Tatagal ba naman ako ng 4 na taon kung hindi ako matyaga. Dati inaabot ako ng madaling araw mag encode kasi nag iisa lang ako parang call centre lang wala pang over time pay yun. Pero narinig naman ni Lord ang panalangin ko nagkaroon ako ng kasama at binabayaran na rin ang sobrang oras ko same rate nga lang.

Oo na matyaga talaga ako eh. Hanggang sa nagkaroon na nga ako ng kasama ayun gumaan ang trabaho ko simula ng dumating si ofismate na maganda nakakapag update na ko ng blog at nakakapag facebook na rin. Halos nasanay na nga akong konti nalang ang ginagawa. Hanggang sa nagkasakit sya ay kailangan kong gawin pati ang trabaho nya… ayun toxic na toxic ako.

Na miss ko mag trabaho kasi yun utak ko parang gumagana na uli wala na akong panahon na mag isip ng lablayf kong zero at kung ano ano pa mabuti naman yun. Kapag nag babanat ka naman ng buto may kikitain ka kahit paano kaya sa isang banda gusto ko rin gabihin sa trabaho meaning extra pesoses yun. Kanina sabi ko mag papagabi ako para naman madagdagan ang sasahurin ko pero ang bilis ng karma gabing gabi na ako…. gusto ko ng gabi pero hindi gabing gabi.

Isa lang ang ayaw na ayaw ko pag nag o overtaym ako lalo na at gabing gabi na.. malapit nga lang opisina ko sa bahay pero bago ka makarating sa bahay may sang katerba kang asong madadaanan..Kapag gabi na maraming aso sa daan huhu..

Gusto ko ng aso.. lalo na yun mga maraming balahibo yung cute ! wag lang wild.. ayoko ng tinatahulan ako lalo na ng MARAMING ASO as in KUMPOL KUMPOL  parang mangga lang buti sana kung isa lang kaya ko pang diskartehan yan… madilim pa naman di mo alam kung nasan na yun aso itim pa naman yung iba.. lahat na ng teknik na tinuro saken naisip  kong gawin  kagabi..

  • kagatin  ko daw dila ko tyak hihinto sa pagtahol yun at dededmahin ka…
  • sabi hawakan ko daw yung ano ko hihinto yun aso.. ( hindi ko ginawa hiya ko eh 😳 baka may makakita pa saken )
  • takutin ko daw… ( paano kung takutin din ako)
  • kapag hahabulin daw ako habulin ko din daw ( di kaya mapagod ako nun?)
  • tignan ko daw sa mata ( makikipag eye to eye pa ko eh ang dami nun sino titignan ko aber? )

Natatakot na talaga akong malapa paano na ang iniingatan kong binti ? kagabi sobrang nakakarindi pa ang tahol mga hayup na yun oo mga  hayup nga sila  ! mga aso eh… wala pa naman akong dalang payong huhu… ginawa ko kumuha ako ng bato habang unti unting naglalakad kagat kagat ang dila ko,  kunwari hindi ko sila nakikita pero nanghihina na ako sa takot ayaw ko makagaaaattttt… tapos eto yun isa ang tigas ng ulo susugod pa sa likuran ko gusto ko syang wreslingin promise at durugin sa mukha nya yung hawak kong bato.. pero yun lang madami nga sila  eh..ayaw kong pagkumpulan ang beauty ko at gawing hapunan nila… kaya huminto ako nag text kunwari sabi ko sa kapatid ko sunduin ako.. ilang minuto nako dun walang dumating…  napagod ako sa kakatayo at sila rin sa kakatahol.. lakad nanaman hanggang sa nakarating ako sa bahay.

Yes!

Habang ginagawa ko itong entry na ito uuwi nanaman ako. Oo, gabi na nag iipon pa ako ng lakas ng loob umuwi… pag pray nyo ko wag makagat 😥

Advertisements
28
Jan
10

at work

My favorite breakfast

Kinakain ko palagi kapag late akong pumasok …

800 ml na H20

Kelangan ko daw uminom nito eh.. tatlong araw na yan dyan dipa nauubos.. haizzz.. kelangan daw maka 3 ako nyan..

product sample

Ang sarap ng Libre …

my comp

work mode na….

smile hanggang tenga



Busog na kasi

halata bang nabusog sa sample??

tapos uwian na ..

uwian na… 😆




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,493 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers