11
Apr
18

Sana

 

Sana pareho tayo ng naramramdaman
Na bitbit pa rin ang alaala nang una nating pagkikita

Nang una mo ako lapitan at tanungin ang pangalan ng bawat isa

Unang titig sa mata at ngiting walang kasing tamis

Unang tibok ng puso na nagsasabing ahh baka ito na nga

Unang beses mong sabihing gusto mo ako
Mahal mo ako at mga pangakong kakabit ng salitang mahal kita..

Ramdam ko pa dito sa puso ko
Kung gaano ako kasaya at gaano din ako nag aalinlangan papasukin ka sa buhay ko

Ang tagal ko kong inipon ang pagmamahal na meron ako… siksik liglig at umaapaw

Tinatanong ko sa sarili ko kung kaya ko ba isugal ang lahat ng meron ako?

Una kakarampot lang ang ipinusta ko
Masarap manalo sa unang pagkakataon
Sinugal ko ulit ang kalahati may konti naman bumalik
Pero gaya ng taong nalulong sa sugal na baka maibalik sa akin lahat ng ipinusta ko

Buong buo lahat ng inipon ko isinugal ko

Talo na ba ako?
Uuwi naba akong talunan?
Hindi kita mabasa..
Sana hindi sana hindi..

29
Nov
17

tsuri na

Mamahalin kita. Mamahalin kita sa kahinaan at kalakasan mo. Mamahalin kita sa panahon ng iyong kasiyahan at mas mamahalin pa sa iyong kalungkutan. Sana maintindihan mo na nandito lang ako, hindi ako lalayo. Gusto kitang mahalin, gusto lang kitang mahalin, masaya akong mahalin ka. Mahal kita. Mahal kita , ikaw at ang iyong kakulangan na para sa akin ay sapat na .  Laging nanaisin makasama at mamahalin. Palagi akong nandito para sayo para mahalin ka ano’t ano pa man. Kaya huwag ka nang mag ano ano pa dyan 🙂

28
Nov
17

Hello its been a while :)

Kailan nga ba tayo huling nagkita ? Sa tingin ko mahigit isang taon na. Isang taong halo halong emosyon , kalilimutan na ba kita o ipaglalaban pa? Kung ako ang tatanungin syempre gusto ko pa, pero ikaw ang problema. Nagkahiway tayong maayos hangang sa tumagal lumabo ng lumabo parang tubig na may putik ang labo.

Ilang beses kong tinimbang ang nararamdaman ko, kung kakayanin ba o bibitaw na. Ilang beses ko rin sinabi ko sa sarili ko na tama na, pero sa tuwing mag uumpisa akong kalimutan ka bigla ka nalang nagpaparamdam. Mahina ako pag dating sa iyo ewan ko ba isang message mo lang parang napakalaking pag dedesisyon ang gagawin ko sa buhay ko.. eh wala eh mahal kita.

Mahal kita.. Mahal, yun nga pala ang tawagan natin, sa iyo nang galing iyon noong nililigawan mo ako sa text. Naaalala ko pa ang saya saya ko noon. Bigla ka nalang lumitaw sa harapan ko noong mga panahon na kailangan ko ng konting sweetness sa buhay and tadah! You came along and the rest is history. I prayed so hard that day a birthday gift maybe kahit medyo nahuli ka sa birthday ko at least birth month ko ikaw dumating. Ang saya diba? Made in heaven ba? Answered prayer? Yes it is..

That day my life has changed.. panibagong kilig, panibagong tibok ng puso at kislap ng mata. Masaya ako ng dumating ka sa buhay ko.. May mga problema man tayo nagpag daanan kinakaya naman, pero kailangan mong umalis, syempre ayaw kitang itali, kailangan mong maging malaya.. pero sa pagpapalaya ko parang nakalimutan mo na ako.

Ngayon sa muli nating pagkikita ewan ko ba, bakit ako nandito ngayon kinain ko nanaman yun mga sinabi ko na kalilimutan na kita. Pero nun makita kita papalapit sa akin bigla akong kinabahan.. mas mabilis ang tibok ng puso ko, sa bawat ngiti mo at kislap ng iyong mata parang ayaw ko na alisin ang paningin ko sayo, kase baka hindi na uli ito mangyari.

Sana mahal mo pa ako, sana ako nalang uli gaya ng sabi ni Basya. One more chance ang peg.

I’m not talking ’bout movin’ in
And I don’t want to change your life
But there’s a warm wind blowin’ the stars around
And I’d really love to see you tonight
I won’t ask for promises
So you don’t have to lie
We both played the game before
Say I love you then say goodbye
26
Nov
15

ILANG BESES BA DAPAT MASAKTAN PARA MATUTO?

Sabi nila ang magmahal at mahalin ang pinakamasarap na pwede mong maranasan sa buhay mo, pero isa rin ito sa pinakamasakit na mararanasan mo. E di wow? Eto nanaman ako nag eemote. Ewan ko ba. Sa dinami dami ng  takteng pag momove on na isinulat ko bakit paulit ulit nalang ang pag momove on ko. Hindi naman sa iisang tao iba iba syempre kagandahan eh 😀 Ahahay 😉

Sabi ko sa sarili ko magpapaganda ako, magpapapayat at  mag uumpisa uli ako gaya ng mga lumang araw. Nagtagumpay naman ako naka move on ako. Hindi naman isang beses lang ako nasaktan sa katunayan ang dami na… palagi na lang.. akala ko manhid na ako sa pwede kong maramdaman pero ganun pa rin pala may kirot pa rin sa bawat pag hinga.. mabigat sa dibdib tuwing iisipin kong makipag hiwalay na .. bumitaw na .. kalimutan nalang lahat ng nang yari ang masasayang araw ninyo .

Pero ngayon lang uli ako sumubok magmahal ulit.. sa tinagal tagal kong kinulong ang sarili ko sa pagkataas taas  na pader para hindi ako  masaktan pero kahit anong taas nyan may nakakaabot pa rin , mapipilitan kang pag buksan ng pinto pero nandoon pa din ang pagdududa , nandoon pa rin ang pag aalilangan susugal ka kasi gusto mong maging masaya uli .. yung may kasamang tumatawa, humahalakhak, kumakain ng sabay , iyong ipinagluluto ko, iyong maramdaman mo na maganda ka uli hindi dahil sa insecurities ha gumaganda ka dahil may nagagandahan sa iyo. Mga bagay na masasabi mo ang sarap pala mag mahal ulit.

Iyong nakikita mo iyong kislap ng mga mata nya habang nakatingin sa iyo na nagsusumamo subukan mo ako. Hindi kita sasaktan, hindi kita sisirain ikaw naman mapapaisip susugal ba ako? Totoo na kaya ito? Mapapakanta ka ikaw na ba si Mr. Right? ang sarap ng filling parang rebisco choco hehehe

Kaya ngayong naramdaman mo nanaman yung nakakaadik na pakiramdam parang pag ka addict ko sa kape ayaw mo na mawala, ayaw mo na pakawalan kase napakalungkot makulong ulit sa madilim, malamig at mataas na pader at maghintay kung meron pang darating.

Pero hindi naman sinabing pagnagmahal ka puro masarap na pakiramdam nalang.. sa una masaya hanggang sa yung pagdududa lumakas ng lumakas yung pagmamahal pinipigilan mo na uli tumataas nanaman yung pader inihahanda ang sarili sa maaring mangyari eh hindi pa nangyayari enebeyen? Ngayon kinakain ka na ng nakaraan mo, ganito yung nangyari noon eh.. aray ko.. eto nanaman sinasaksak nanaman ng punyal ang puso mo dinudurog masakit utang ng loob huwag mo sabihing oa dahil talagang masakit di pa ako gumagaling sa dating sugat eto nanaman sinasaksak nanaman yun bakanteng puso ko aguy…

Kelan daw ba ako matuto? Ano ba ang kailangan kong matutuhan? Iyong kailangan ko muna kilatisin ng mabuti at hindi laging puso ang pinaiiral sa pagdedesisyon? Gamitin daw ang utak.. dahil panay daw ako puso puso puso…

Anak ng puso ng saging …. nakakapagod na rin umiyak , magmukmok, self pity paulit ulit nalang, bakit ba kasi hindi yung totoo ang mapunta sa iyo laging sinungaling .. ang gusto ko lang naman maging tapat sya sa akin bakit ganon? Err.. inhale exhale…

Nakakasawa na magmahal minsan.. panahon naman na siguro iyong sarili ko nalang ang mahalin ko… sa kakahanap ko nang mamahalin nakakalimutan ko na iyong sarili ko.. Bangon bangon din pag may time .. medyo mabigat pa ngayon pero kiber ba.. ang dami kung reference ng pag momove on tatlo na yata naisulat ko. Pero seryoso nasasaktan ako ngayon kaya pag bigyan niyo na muna ako.

 

 

 

 

06
Jul
15

Byahe

Ilang taon na rin akong naghihintay at nag aabang, merong mga byahe na nasubukan matagtag, kaskasero at mabagal. Hindi mo naman talaga mapipili, magtyatyaga ka doon kung iyon ang napili mong sakyan hanggang makarating ka sa patutunguhan mo, kapag hindi ka nasiyan bumaba ka, meron naman mga driver na binababa ka kasi hindi kayo magkasundo sa presyo o nalalayuan sya o kaya cutting trip ipamimigay ka sa iba dahil hindi na nya kaya pang magpatuloy sa byahe nyo.

Nasa terminal pa rin ako. Naghihintay nag aabang, masusi kong tinitignan iyong mga paparating. Hindi naman ako mapili sadyang maingat lang kasi gusto ko maging comportable sa byahe, ngunit may mga panahon na kailangan kong magmadali kasi baka mahuli na ako sa byahe ko , kaya kung sino nalang dumating doon sumasakay.. akala ko okey yun pala hindi.. Minsan nakakasakit.. hindi mo alam kung paano ka makakarating sa paroroonan mo.

Magpapakatatag … iyon naman ang laging dapat gawin.. maging matibay ang mga binti sa pag aantay ng panibagong byahe, minsan magpahinga kapag napapagod.

ano bang magagawa kundi maghintay nang mas maayos, malay mo matimingan ko rin iyong hindi puno.

 

“Love happens… when the stars align and two people have open hearts – fate and destiny take over and the rest is history.”

Happy 7th Anniversary pala sa Lambing lang ang katapat mo! Salamat sa mga napapadpad, salamat sa mga mambabasa ko na natuwa, naiyak at natulungan ng blog ko. Magsusulat pa rin ako hindi nga lang madalas pero kapag nasagot yun prayers ko madadalas na akong magsulat.

 

26
May
15

Kung Tayo

Inspired by forevermore 🙂

Una sa lahat Kung Tayo ako na siguro yung pinakamasayang tao sa balat ng lupa ( medyo oa pero masaya sa pakiramdam yun)

Kung tayo… araw araw ko sa iyong ipadarama kung gaano ako kasaya at nakilala kita.

Kung tayo …ipagluluto kita ng paborito mong kainin.. name it, kung di ko alam lutuin andyan naman si google.

Kung tayo… itetext kita ng good morning at good night 🙂 para maramdaman mo na ikaw ang iniisip ko sa pag gising at pag tulog ko.

Kung tayo … Hindi kita ikakahiyang ipakilala sa lahat ng kakilala ko sorry nalang at wala na akong mudra at fudra pero ipakikilala pa rin kita sa close friends ko at family sasabihin ko eto na sya oh!

Kung tayo … Hindi ako mahihiyang tawagan ka para tanungin kung kamusta na ang araw mo? ok ka lang ba andito lang ako kung kailangan mo nang kausap , kalambingan ganyan.

Kung tayo … Kapag kasama kita hindi ako mahihiyang titigan ka at sabihin sayo na ikaw ang pinaka gwapo sa paningin ko.

Kung tayo … Napaka swerte mo kasi napakarami kong gustong gawin na di kayang ipaliwanag ng salita, ang aking naguumapaw na nadarama para sa iyo.

Kung tayo… magpapasalamat ako sa iyo at hindi ka tumigil para mapasaya ako, na hindi ka sumuko sa akin  alam ko magulo ako pero salamat at nandyan ka.

Kung tayo… syempre i kikiss at hug kita ng mahigpit 🙂

Kung tayo matatahimik na siguro itong puso kong naguguluhan, kung aatras ba ako o aabante?

Kaso hindi…

Kaya mamahalin ko nalang ang sarili ko…. para buong buo ko na maibibigay ang puso ko sa susunod na tanungin mo uli ako ng walang takot at kaba.

30
Jun
14

boom!

Kailan ko nga ba ulit naramdaman ito? Iyong tipong sa bawat paghinga mo ay puno ng  masasaya at magagandang bagay, may kinang ang mga mata, matamis ang mga ngiti. Ang sarap palang maging masaya uli medyo nakalimutan ko na ang mga ganong damdamin kaya ngayong nararamdaman ko nanaman ito ine enjoy ko nalang.

Palaging parang nasa ulap kapag nakikita sya, kinakapos ang hininnga kapag kausap na, shocks bumabalik yata ako sa pagka teenager. Nag ba blush ako sa twing tinititigan ako anubey… Ganda gandahan lang ang peg eh kinikilig ako bakit ba kase.  Hindi naman araw araw mararamdaman mo ang mga ganitong pakiramdam once in a blue moon ika meron ka talagang x factor kapag tinamaan mo ako ng ganto.

Ano bang masasabi ko? Gusto ko lang ngumiti ng bonggang bongga. May kras na ulit ako 😆 Hindi ako inlab inspired lang ako 🙂 Yung feeling na halos lahat nalang ng kanta nakakarelate ka pati commercial mukha nya nakikita ko wapak.. o ako na..ang korny ko nanaman …  kasalanan kase nitong kanta na ito eh!




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 675,154 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Setyembre 2018
L T M H B S L
« Apr    
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 151 other followers