Posts Tagged ‘funny video

18
Jun
10

Maganda ka ba?

Sino kaya ang nakaimbento ng salitang maganda? Kanino kaya galing yung idea na maganda ka lang kapag matangos ang ilong mo, maputi ka, at sexy ka, maayos ang ngipin, makinis ang kutis.

At kanino rin kaya galing yun idea na ang panget kapag pango, kulot ang buhok, maitim at mataba?

Hindi ba pwedeng sa loob na lang tumingin. Pero ito talaga ang mundo natin.. sa pang labas na anyo tumitingin.

Kapag maganda ka halos sambahin ka, at kapag pangit ka pinag lalaruan ka. Its so unfair. Unfair talaga. Nakakarelate tuloy ako sa palabas sa channel 7 yun Diva… ahek sobrang pang aapi sa kanya. Talaga bang pag paparetoke lang ang solusyon para matanggap ka ng lipunan? Kiber.. beauty is in the eye of the beholder naman diba?  Paano nalang kung wala kang pang paretoke? Di lilibakin ka na ng bonggang bongga.

Bakit ko ba ito nasabi? Wala lang habang nag sasalamin kasi ako naiinis ako sa nakikita ko sa salamin. Habang tumatagal  kapag nag gain ako ng weight lumalapad ang ilong ko.. tanggap ko naman na pinoy  ako huwag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango! YO!

Eka lang di ko kinahihiya ang ilong ko o ang mga taba ko sa katawan mega picture pa nga ko eh ang kaso ang di ko ma take ang pang bubuska ng mga pinsan ko soska.. nakakapikon din pala minsan..

Pero nagkaroon ako ng pag asa ng may nakita ako kanina sa isang botique oh yeah , di ko na kailangan mag paretoke ng ilong ito na ang solusyon ko!!! Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Maganda ka ba?’

Advertisements
24
Jul
08

Bata batuta

Pag gusto kong tumawa pinapanuod ko itong video na ito. Bakit ba ang mga bata nakakapag pagaan ng pakiramdam natin. Mga munting angel na nagbibigay sa atin ng lakas, basta iba yun feeling pag may bata, yun tipong pagod na pagod ka, makita mo lang silang masaya parang pati ikaw nahahawa sa saya nila.

Siguro ang sarap maging magulang, eh kasi ano ba naman ang alam ko sa pagiging magulang eh boypren nga nawawala pa magka anak pa kaya. Pero isa sa mga dreams ko ay magkaroon ng little angels, minsan nga naiingit ako sa mga ka batch mate kong may bitbit na mga bubwit pag nagkikita kita kami. At ako nanaman ang center ng pangaasar nila dahil ako nalang daw ang walang little angels.  Naalala ko pa nga kung pano mag request ang madir ng apo.. hay naku! basta bibgyan din kita madir sa tamang panahon … kelan kaya yun?!

Minsan naiisip ko pa nga na kahit walang daddy basta may baby makokompleto na ang buhay ko. Pero at some point naiisip ko din kawawa naman din ang bata pag walang kinagisnan na ama. Kaya hahanap na din ako ng ama syempre.  Minsan para pa akong tanga nag iisip kung ano kaya magiging itsura ng mga future babies ko ? ( naku future BABIES pa daw.. ) sana kamukha nung iniisip kong magiging ama nila. Hay naku nangangarap nanaman ako.

Pero kung maging magulang man ako, sana magampanan ko maging isang mabuti at cool na mommy. Basta natutuwa lang ako pag nakakakita ako ng mga bata, mahilig ako sa bata, nanghihiram pa nga ako ng baby at feel na feel kong patulugin with matching concert pa yan, at effective ang aking pagkanta kasi napapatulog ko agad ang baby.. pero pag ayaw matulog pinipitik ko sa mata para ipikit ang mata nun bata. Ayun nakakatulog naman sa takot na pitikin ko ulit ang mata 😀 Naku bakit ko ba nasabi yun, mamaya dina ipahiram sa akin yun baby 😀




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,496 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers