Tuwing gigising sa umaga bukang liwayway aking inaabangan
Hamog sa madaling araw aking ninanamnam
Sinasamyo ang hanging malamig
Kay sarap maging malaya
Sa lahat walang aalalahanin
Walang bumabagabag
Kung tutuusin kay sarap maging malaya
Malayang magagawa ang lahat ng naisin
Walang magdidikta
Walang sumasaway
Ngunit bakit kapag palubog na si haring araw
Tila nakikisabay yaring pakiramdam sa pagkulimlim
Pag sapit ng gabi pagal na katawan ay nais nang humimlay
Tanging kanlungan sa gabi’y malambot kong higaan
Doon kapiling ko’y mabangong kumot at unan
Bumalikwas sa pagkakahimbing
Kumot at unan ay hindi natitinag
Katahimikan ang bumabalot sa madilim kong silid
Isang buntong hininga ang pakakawalan
Babalik sa pagkahimbing
Aabangan ulit ang bukang liwayway..
Mananalangin..
Magpapasalamat..
Magpapagal..
Ngingiti..
Iiyak
Matutulog, mahihimbing
Magigising..
Paulit ulit sa araw araw…
Masarap maging malaya pero malungkot ang mag isa..
nag comments na may Lambing