Posts Tagged ‘pinoy

30
Jul
13

Paano nga ba?

Minsan may nagtanong sa akin kung paano mo daw malalaman na mahal mo ang isang tao?

Paano nga ba?

Parang pag inom ko ng kape, alam kong may side effect ito pero mas pinipili ko pa rin inumin ito dahil iyon ang nakakapag pasaya sa akin. Kahit ilang beses kang bawalan ng mga nakapaligid sa iyo mas pipiliin mong maranasan iyong effect na naidudulot sa iyo. Iyong pakiramdam na kada iinumin may pakiramdam na nasasatisfy sa pagkatao mo. Ang lalim no? Hayaan mo na.

Katulad nang pagkahilig ko sa pula,  maraming choices pero sa kulay pula ako mas masaya, mas kumportable, mas na e-excite, mas gumaganda ang araw.

Katulad ng pagkahilig ko sa kanta.. kahit paulit paulit mong pakinggan hindi ka nagsasawa.

Katulad ng pagsusulat, maraming beses kang hihinto, pero babalik at babalik ka pa rin para makapagsulat tulad ngayon.

At higit sa lahat nararamdaman mo.

You feel it.. inulit ko lang para humaba ahek..  Kapag willing kang magsakripisyo ng isang bagay para sa kasiyahan ng isang tao, iyong tipong lahat ng prinsipyo mo nababali dahil lang ayaw mo mawala ang isang tao. Bakit? Dahil nagmamahal ka dahil mahal mo sya. Gusto mo syang protektahan sa lahat ng bagay na pwedeng makasakit sa kanya.

Kapag may kumukurot sa puso tuwing may magbabanta na anytime pwede sya mawala sa iyo, iyong pakiramdam na natatakot kang mawala sya.

Kapag naririnig mo ang boses ng taong iyon nakakapag kumpleto na ng iyong araw, isang text , isang call o kahit magbabad pa kayong mag usap , iyon nalang ang hinihintay mo sa araw araw.

Hindi ka natatakot buksan ang puso mo sa kanya , sabihin lahat ng nararamdaman mo kase alam mo na mahal ka rin nya. Hindi ka natatakot ipakita kung sino ka talaga bubuksan mo ang buong pagkatao mo para sa kanya .

Kapag hindi ka natatakot na sabihin mong mahal mo sya, kahit ano man ang isasagot sa iyo.

Inlove ba ako? Lipas na ako sa mga pa tweetums na iyan. Nag mature na nga siguro ako.. hindi na ako nag babase sa kilig feeling, mas iniisip ko na ngayon iyon kapakanan isang tao. Masasabi kong nagmamahal ako kapag mas pinili kong intindihin sya , ang sitwasyon nya kaysa mga gusto kong mangyari.. higit sa lahat iyong kahit masakit aminin sa sarili kayang kong magparaya ng isang tao gaya ng nakasanayan ko, kung alam ko saan sya mas magiging masaya o ano ang mas ikakabuti nya.

At kaya ko rin ipaglaban ang isang bagay kung alam kong may patutunguhan, kakayaning maghintay. Kakayaning bumitaw kapag kinakailangan.

You can’t stop loving or wanting to love because when its right it’s the best thing in the world. When you’re in a relationship and its good, even if nothing else in your life is right, you feel like your whole world is complete.

Keith Sweat

IKAW? PAANO MO BA MALALAMAN?
Advertisements
25
Feb
10

ang sarap

Gusto ko ng …

MASARAP…

MABANGO…

MALAMBOT…

at

MAINIT – INIT NA..

Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘ang sarap’

06
Aug
09

Kulam

WitchFaceWO184Kung nakikita mo itong mukhang ito… medyo ganyan ang nangyari sa mukha ng tita kong pagka ganda ganda. Una napansin ko na namamaga ang mukha nya parang katatapos umiyak ang mga mata, tapos maga ang mukha parang may manas. Dalawang buwan na syang may sakit, pabalik balik sa hospital wala naman daw makitang sakit.

“Ate nakulam daw si tita..”

Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Kulam’

04
Jul
09

GAPANGAN

Naranasan mo na bang sa kalagitnaan ng iyong pagtulog yun tipong humihilik ka na tapos bigla may mang iistorbo sa iyong pagkakahimbing? Dahil ayaw mong maistorbo kahit may nararamdaman kang kakaiba eh sige ka pa rin sa pagtulog at baliwalain ang kakaibang nangyayari sa paligid mo. Pero hindi talaga ako makatulog kasi parang may humahawak sa aking mga…. Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘GAPANGAN’

14
May
09

lagay

Sa tinagal tagal kong pagsusulat ng entry dito sa wordpress wala pa akong naging topic tungkol sa mga seryosong bagay tulad ng nangyayari sa paligid ko. Bilang isang mamamayang Pilipino biglang kinurot ng aking konsensya na maging aware din sa paligid at mag bigay ng aking opinion sa lumalalang corruption sa bansa. Hindi ko bibigyan ng pansin yun nasa malalaking pamahalaan dahil alam ko naman na marami ng pumupuna sa mga buwaya ng lipunan.

Ako ay isang anak ng isang simpleng empleyado ng gobyerno, bilang isang anak mataas ang pagtingin ko sa aking ama. At dahil sa paghangang yun pinangarap ko din na balang araw magtrabaho sa opisina gaya ng tatay ko. Ang tatay ko ay nagtratrabaho sa gobyerno sa LTO ( Land Transportation Office).

Noong bata ako bilib ako sa kanya, hanggang ngayon naman eh, pero habang lumalaki ako, may mga naririnig ako sa paligid ko, na ang nagtatrabaho daw sa LTO ay mga buwaya. Nagtatanong ang mura kong isipan bakit kaya sila tinatawag na buwaya? Hanggang sa natuklasan ko na ang buwaya pala ay tumutukoy sa mga taong nanamantala ng kapwa, yun mga taong nangingikil ng pera o ano mang bagay sa taong naka labag ng batas. Minsan naman para mapabilis ang pag lakad ng papeles kailangan may LAGAY.

Kaya kahit di ko man nakikita na ginagawa ng aking butihing ama ang mga binibintang nila sa mga empleyado ng LTO, syempre damay ang tatay ko sa mga binibintang nila. Kaya kung tatanungin nila ako ano trabaho ng tatay ko at sasabihin kong LTO nakikita ko sa iba na meron silang ngiting nakaka insulto. Naiirita ako pag ganon ang persepsyon ng tao sa lahat ng nagtatrabaho sa LTO lalo na at ama ko yun. Ngayon malaki na ako, gusto ko pa rin magtrabaho dito pero naiisip ko kaya ang pressure dito. Hindi ko gustong matawag na buwaya, dahil kahit kelan hindi ako sang ayon sa pagsasamantala sa aking kapwa. Mukha lang wala akong walang pakialam sa paligid ko pero sa totoo lang i care po.

Kung bakit ako nakapagsulat ngayon kasi nainspire ako kanina o nainis ako sa narinig ko …

Sa opisina

CO WORKER 1 : Nahuli daw si boknoy ng LTO, kinuha yun plaka. patay nanaman sya sa babayaran nyan.

CO WORKER 2 : Ano ba ang violation? .

CO WORKER 1 : Driving without license.

CO WORKER 3: patay si boknoy kasalanan pala nya di sa kanya sisingilin ni boss yun babayaran.

CO WORKER 2 : wag kayong mag alala andyan naman si Lambing o, easy lang LTO tatay nyan.
CO WORKER 1: Sa susunod kasi na dumaan kayo pag may nakita na kayong mga buwaya sa daan hagisan nyo na agad ng sitseria ( produkto na tinitinda namin), para dina kayo hulihin sa susunod na pagdaan nyo.
CO WORKER 2 : Di masasanay naman yun, tuwing dadaan kayo hihingan na kayo nun???

Lambing : Hay naku kayo, nag rereklamo kayo sa mga mangungurakot ng bayan, sinasabi nyong buwaya sila , pero kayo din naman ang naglalagay , imbes na ituwid nyo ang pagkakamali kayo pa ang nag bubuyo sa taong mangikil. ( iiling iling)

Naalala ko pa na minsan nahuli yun truck namin, ng LTO ako pa ang kinausap ng boss ko para tubusin yun truck namin. Okey lang naman sa akin. Pero hello? Ano ba maitutulong ko dun? Kung nakalabag ka man ng batas dapat pag bayaran mo yun diba? Walang palakasan system. Dapat ganon naman talaga pero sad to say na marami talagang nag ba bribe din ng mga empleyado sa goberyno dahil gusto lagi sa mabilisan, ayaw mag hintay.

Yun iba naman nag lalagay sa titser para pumasa. Naisama ko rin ito dahil narinig ko ito sa dalawang estudyanteng nag uusap kanina. Nakakalungkot talaga kasi sabi nun kakilala ko kanina binigyan nya yun titser nya ng 500 pesos para bigyan uli sya ng case, kasi graduating na ito.

Hindi ba kung gusto natin may magbago sa lipunan natin o kung gusto nyong mawala ang corruption sa bansa dapat mag simula ito sa atin.

Nakakalungkot isipin na kahit sa mga ganitong sitwasyon, kahit saan ka pa mapunta sa malaking syudad man o liblib na pook ang form of corruption tulad ng extortion ay nagaganap, kung meron man mga taong gumagawa nito, masasabi ko lang na nakaka inis kayo, mahiya naman kayo sa balat nyo, mga mapagsamantala, at dun sa mga taong imbis na manindigan eh sila pa mismo ang nag uudyok sa tao para mangikil mas nakakainis kayo. Pinoy gumising ka!!!




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,493 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers