Posts Tagged ‘relationship

06
Jul
15

Byahe

Ilang taon na rin akong naghihintay at nag aabang, merong mga byahe na nasubukan matagtag, kaskasero at mabagal. Hindi mo naman talaga mapipili, magtyatyaga ka doon kung iyon ang napili mong sakyan hanggang makarating ka sa patutunguhan mo, kapag hindi ka nasiyan bumaba ka, meron naman mga driver na binababa ka kasi hindi kayo magkasundo sa presyo o nalalayuan sya o kaya cutting trip ipamimigay ka sa iba dahil hindi na nya kaya pang magpatuloy sa byahe nyo.

Nasa terminal pa rin ako. Naghihintay nag aabang, masusi kong tinitignan iyong mga paparating. Hindi naman ako mapili sadyang maingat lang kasi gusto ko maging comportable sa byahe, ngunit may mga panahon na kailangan kong magmadali kasi baka mahuli na ako sa byahe ko , kaya kung sino nalang dumating doon sumasakay.. akala ko okey yun pala hindi.. Minsan nakakasakit.. hindi mo alam kung paano ka makakarating sa paroroonan mo.

Magpapakatatag … iyon naman ang laging dapat gawin.. maging matibay ang mga binti sa pag aantay ng panibagong byahe, minsan magpahinga kapag napapagod.

ano bang magagawa kundi maghintay nang mas maayos, malay mo matimingan ko rin iyong hindi puno.

 

“Love happens… when the stars align and two people have open hearts – fate and destiny take over and the rest is history.”

Happy 7th Anniversary pala sa Lambing lang ang katapat mo! Salamat sa mga napapadpad, salamat sa mga mambabasa ko na natuwa, naiyak at natulungan ng blog ko. Magsusulat pa rin ako hindi nga lang madalas pero kapag nasagot yun prayers ko madadalas na akong magsulat.

 

27
May
13

choice

no one falls in love by choice, it is by chance. no one  stays in love by chance, it is by work.  and no one falls out of love by chance, it is by choice.

choice

Sabi nila falling inlove is by chance, falling out of love is by choice. Ansabe?? Ang sarap ng feeling na pareho nyong mahal ang isa’t isa. Wala na sigurong sasarap pa sa pakiramdam na gigising ka tuwing umaga na alam mo anu’t anu pa man may taong nagmamahal sa iyo.

Ang sarap sa pakiramdam kapag may isang tao na nagparamdam sa iyo na sa lahat ng kakulangan mo buo pa rin ang tingin sa iyo, iyong taong nagapapaganda ng paligid mo at nagsasabing ikaw ang pinaka maganda para sa kanya. Kung baga sa lahat ng kakulangan mo para sa kanya ikaw ay perfect isang mamahaling bato. Isang pakiramdam na napakahirap pakawalan.

Bakit kasi ang gulo ng earth. Hindi ba pwedeng mahal nyo nalang ang isa’t isa okey na iyun? Sapat na.. happy ending na. Pero kung bakit masaya na kayo ang dami pang sumisingit.. nakakabaliw, nakakatimang, nakakawala ng katinuan sa isip .. nakaka lurkey!

Masarap magmahal.. nakakabago ng pananaw sa mundo, nakakabago ng buhay, nakakapag paganda, nakakabata.

Maraming beses na akong nadapa. May mga dumampot at pinagpag ako pero sa huli ay bibitiwan din dahil may mas pinili silang pulutin kaysa sa akin. Lagi nalang ganun, pero lagi kong dasal na sana… sana may dumating na ako naman ang pipiliin ako yung  choice…

God knows who belong in your life and who doesn’t..

TRUST AND LET GO..

Who ever is meant to be there.. will still be there..

06
Oct
12

LBM vs. CONSTIPATED

WARNING! Kung maarte ka wag ka na magbasa!

Ano ba ang mas maganda? LBM o Constipated? Paumanhin sa mga kumakain o kakain pa lang. . Mag coconnect lang ako tungkol sa pag-ibig pero sa dami ng ihahalintulad eh sa pag ebs pa talaga no? Hayaan mo na pagbigyan nyo na ako ngayon lang ulit ako nakakatipa. Nakapag kape na rin ako kaya yun nerves sa utak ko eh medyo nagana, hindi  nga lang sing talas ng utak ng iba pero promise may sense itow 😀

LMB kung ihahanlintulad mo sa pag ibig yung walang pakundangan kung magparamdam ng pag ebak este pag-ibig sino ang ganito? Yun tipong hindi mo kayang pigilan , kahit saan pwede mong iparamdam, kahit pigilan mo mahahalata pa rin sa iyong mukha kase  ” mukhang guilty”.  Panay panay ang pag labas ng nararamdaman hanggang sa maubusan ka na ng katinuan sa katawan este ng tubig pala. Bahala na kayong umintindi. Nagagamot ito sa pag kain ng saging.. wag lang sobra baka maconstipate ka naman. O kaya uminom ka talaga ng gamot. Ayusin mo buhay mo.. Nagbabasa ka pa ba? Bahala ka.. next!

CONSTIPATED eto naman daw tawag sa pag ibig na hindi mailabas labas.. ehem natatawa ako.. ang hirap kaya sa pakiramdam nun! Yun tipong gustong gusto mo ilabas pero hindi mo magawa.. lahat ng powers mo binuhos mo na hindi talaga.. bakit? dahil matigas… oo matigas ang dibdib mo.. dami mong iniisip kaya ayaw lumabas.. kelangan mo talaga magconcentrate pare / mare para mailabas mo yan.. Ang sarap kaya sa pakiramdam kapag nailabas mo success ika nga!

Eto na! Kung tatanungin mo ako kung nasan ako dito? Hmm pareho siguro… masarap din mag ka LBM kasi na eexpress mo yung gusto mo iparamdam nailalabas kung baga… kaso nga lang eto yun paraan na hindi mo mapipigilan medyo pangit rin yun sobra sobra… kapag its constipated naman masakit sa tumbong yun este sa puso pala magkakaroon ka pa ng sakit sa puso nakakadugo ng tumbong este puso haha . Ang kulit lang ng mga tumatakbo sa isip ko…

Gusto ko kasi maglambing hindi ako makapaglambing.. pero naglalambing naman ako.. Lambing lang naman ang katapat ko.. haist buhay! Minsan gusto ko rin magka LBM para success lagi ang dating yung tipong walang pake.. sarap kaya pakiramdam nun.. kaso hindi ganon… may pumipigil… sana lang maging maayos ang lahat… sinusunod ko naman ang puso ko.. sana lang maramdaman ko rin na mahalaga ako o importante ako yun lang… Ayan na emote na tuloy…

Isa lang naman talaga ang gusto ko.. iyung sa pagpaparamdam ko.. maisigaw  ko sa huli na ….

SUCCESS! 😉 BOOM!

06
Jun
12

Panalangin

Natatandaan ko noong college ako masipag akong magdasal. Gabi , umaga, madaling araw nag dedevotion ako. Pinapanalangin lahat ng pangangailangan ko, mahal sa buhay , kapit bahay, kras at kahit na sino ang maisip ko hanggang sa lahat ng tao nababangit ko pati presidente ng Pilipinas at world peace.

Hanggang sa magkatrabaho na ako unti unti na nababawasan ang pagiging madasalin ko. Minsan nalang.

Pag may kailangan..

Pag nasasaktan..

Kapag hindi makatulog…

Pero nagdadasal naman ako sa isip ko. Hindi nga lang pormal katulad ng dati. Namimiss kong maglambing sa best friend ko.. si ” Bosing” . Alam kong nagbago na ang relasyon namin. Kung baga sa pakikipag break ” its not you.. its me ” Its my fault.. the one who got away.

Ewan gawa siguro ng may nagawa akong kasalanan at di ko mapatawad ang sarili ko.. Guilty feeling.  Pero sabi ko naman sa isip ko Lord babalik ulit ako mag aayos lang ako ng sarili ko. Alam ko namang ikaw ay mapag patawad lalo na sa mga humihingi ng kapatawaran at nag sisisi.

Na miss ko yung bonding naming dalawa, ang pagising ko sa madaling araw alas tres enpunto nakikipag usap sa kanya medyo puyat pero nagigising ako ng alas tres para makipag usap sa kanya.  Masarap ang feeling.. magaan sa pakiramdam kaya may kapayapaan ka palagi sa puso..

Gusto ko ulit ibalik iyon.. kasi alam ko kailangan natin ito , iyon ang pinaka mahalaga sa lahat.. unahin ang relasyon sa kanya at lahat ng panalangin kanyang tutuparin sa lahat ng sumusunod.

Nagpapasalamat ako sa kanya kasi kahit pasaway ako, kahit madalas nasasaktan ko sya sa katigasan ng ulo ko. Hindi nya ako pinapabayaan, bagkos pinagpapala pa ng higit sa kailangan ko.

At nitong mga huling araw naramdaman ko nanaman ang pagmamahal nyang umaapaw. Nandoon na ako sa point na di na alam ang direksyon ko, kung kakayanin pa ba.. pero sabi ko sa sarili ko na di nya ko pababayaan.. at araw araw ko rin namang hinihiling iyon sa kanya.. Kapos man sa mga bagay na hinihiling ko pero hindi Sya nagkukulang sa mga pangangailangan ko.

Nanalangin ulit ako ng mataimtim…

Sabi ko Lord gusto ko nang pumayat… akalain mo kinabukasan nagtatae na ako. 😀

Seryoso.. Nanalangin ako na pagpalain nya pa ako, di ko alam kung saan mang gagaling ang pagpapala at kanino pero humiling ako.

At sinagot nya nga.

Walang hanggang pasasalamat ang gusto kong iparating at ipag kalat sa buong blogsperyo na ang Panginoon ay sumasagot ng panalanging puro ang hangarin.

At sa pagbigay nya sa akin ng isang taon uli para mabuhay sapat na iyon para maging masaya ako at makuntento lalo na sa mga instrumentong ginagamit nya para matupad ang mga kahilingan ko.

Salamat sa mga kaibigan na nagpapahalaga sa akin. Sa mga mambabasa ko.. isa man o dalawa salamat sa inyo sa pag bibigay sa akin ng inspirasyon para ngumiti ng madalas lalo na sa pagbabasa ng mga nagpaparamdam 🙂

At sa mga bumati at gumawa ng paraan para mapasaya ako sa kaarawan ko kahapon salamat 🙂

Every long lost dream led me to where you are
Others who broke my heart, they were like northern stars
Pointing me on my way into your loving arms
This much I know is true, that God bless the broken road
That led me straight to you

17
May
12

Hindi nauubos ang bukas

Ang pag move on daw ay parang pag papapayat, laging sinasabi na mag mo-move on na ako pero kapag na alala mo iyong tao, lagi mo nanaman iisipin.

Tulad ng mga bawal na kainin ng isang taong nag papapayat , ang pag kain ng kanin  dahil marami itong content ng sugar .  Tulad ng pag kain ng mamantika at matataba, mga matatamis at maaalat.

Parang mga alala na akala mo maganda sa kalusugan mo, kasi nasasatisfy ka, pero paano mo makukuha ang goal mo kung binabalikan mo ang dapat iniiwasan mo na…

Magulo ba? Hayaan mo na. Ang gusto ko lang naman sabihin.. mahirap magpapayat ganon din ang pag move on..

Pero kung may disiplina ka sa sarili mo, magagawa mo yan. Ika nga ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo, hindi ang kapit bahay mo, ang tito mo o ang best friend mo.. Ikaw mismo. 🙂

At kapag napagtagumpayan mong alisin sa sistema mo ang mga bagay na nagpapalala sa kalusugan mo ay nako ang laking ginhawa non…

Gasgas na daw ang salitang .. Bukas mag da diet nako, bukas mag mo move-on na ako. Oweno naman ngayon? Karami kaya ng bukas.. ang mahalaga meron kang drive na baguhin kung nasaan ka mang sitwasyon ngayon.

At hindi pa rin gasgas saken yan next week …. mag uumpisa ulit ako!

Ang saya lang.. 🙂

At kapag napag tagumpayan ko ito… maglaway kayo ! bleh!

Joel Osteen quotes

 You must make a decision that you are going to move on. It wont happen automatically. You will have to rise up and say, I dont care how hard this is, I dont care how disappointed I am, Im not going to let this get the best of me. Im moving on with my life. 
06
Mar
12

HALO HALO THOUGHTS

Ngayong araw na ito ay pinag halo halo ang aking nararamdaman.. lungkot , saya , yamot bugnot at saya ulet bakit?

  1. Second death anniversary ng nanay ko ngayon.. dalawang taon na pala ang nakalipas . Namimiss ko pa rin sya.. at oo umiiyak pa rin ako kapag naalala ko sya.
  2. Pareho pala ang araw ng pagkamatay ni idol Francis m at nanay. At wala pa rin tatalo kay Francis M.
  3. Masarap pala ang nilagang mani .. kahit araw araw mo ko pakainin di ako mag sasawa.
  4. Masarap  mag halo halo ngayon sobrang init ng panahon dito sa amin. Ang paborito sa halo halo eh saging.
  5. Bakit kaya may mga taong bumabalik balik, kung kelan nakalimot ka na saka babalik manunumbat na ipinagpalit daw.. may expiration kaya ang pag hihintay…  kung ang pagkain nga kapag pinabayaan napapanis eh .. swerte mo kung napanis eh paano kung nadampot na ng iba may magagawa ka pa ba?
  6. Birthday ng pinsan ko ngayon…
  7. Gusto ko tuloy kantahin ng kantahin yung later ni fralipo lippi pwede rin yung stitches and burns.
  8. Nasubukan mo na ba magparamdam sayo ang lahat ng naging mahalaga sayo sa buhay ng isang araw? Ako kanina sabay sabay sila.
  9. Bakit kaya may mga taong hindi sweet.. Lambing lang naman ang katapat ko.
  10. Gusto kong may makausap.. yung magsasabi saken goodnight mahal ko iloveyou 😆 eh nako naman bakit kase hindi iparamdam kung mahal… Gusto ko rin ng may name of endearment.. namimiss ko tuloy pag may tumatawag saken na BEBE 😉
  11. May boyfriend NA ako.. sinabi ko dun sa bumabalik.. pero gusto ko rin sana sabihin ewan ko kung gf ba ang turing saken.. baka pag nalaman nya na bf ko sya break na kami.
  12. Ang bilis humaba ng buhok ko ngayon.. at mahal ko na sya
  13. Marami nag sasabi blooming daw ako…. gusto mo ng katunayan???? oh heto  
  14. Mahal ko si barney.. napatunayan ko kanina yown…
  15. Yung kapatid ko.. nag bigay ng report card pero naka lista sa notebook gusto mo ng proof? eto ulet

Sa mga gusto malaman ang lovelife ko eto…

mahal ko to…

makinig na nga lang tayo nito 

People say that I’m a fool 
Well I don’t know 
At least I found out 
What it takes to be strong 

19
Oct
11

Sagot sa tanong na… bakit single ka pa girl?

Isa ka ba dun sa mga nagpagtatanungan palagi kung kamusta na ang lovelife mo? Bakit hanggang ngayon wala ka pang boyfriend? Asawa? Habang Lahat ng mga ka klase , kapit bahay, mas batang pinsan, kapatid , ex boyfriend eh may kanya kanya nang pamilya. Samantalang ikaw eh walang maisagot sa bawat tanong nila. What happen to you? Hanggang ngayon ba naman eh choosy ka pa rin? You’re running out of time my dear baka sumara na lahat ng dapat sumara sayo. Huli ka na sa byahe. Mga ganon comments.

For all I care!!!! Wa ako care!!! Wala nga ba talaga? Hmmmm empre meron.. kapag nag iisa ka nalang at nag mumuni muni tatanungin mo rin yan sa sarili mo.. why o why bakit nga ba o bakit hanggang ngayon eh hindi pa nasusungkit ang iyong pusong bato ? Pusong bato ka ba? Ennnngggg ( katunog ng buzzer pag mali ang sagot) Manhid ka ba? ENGGGG!!!! ( parang pareho lang naman yun) Picky ka ba? Enngggg! uli… Choosy ka ba???? Enggggg! (Hindi ako choosy juicy ako juicy!)  Ang chappy mo naman… ( hindi ako chappy .. chubby ako chubby!! )

Oweno ba talaga ang problema bakit singol ka pa rin???  Meron din naman ibat ibang dahilan kung bakit single pa kami.. siguro yung iba may dahilan baka…

  • May trauma na sa pagiging sawi. Sobrang nasaktan sa huling relasyon kaya naduduwag sumubok ulet.. thinking na mauulit lang ulit yun,dahil sa sobrang sakit na naranasan nya.
  • Siguro dahil sa hirap ng buhay ngayon , naisip nya mahirap mag pamilya, paano na yung mga magiging anak ko? Takot sa responsibilidad.
  • Galing sa broken family… siguro natakot sya kase nakita nya yun hindi magandang nangyari sa relasyon ng magulang nya kaya ayaw nya matulad dun. Hindi naman sa ayaw nya magkapamilya gusto nya lang wag maulet sa kanya yun nangyari sa magulang nya kaya sya nag seset ng standards.
  • Siguro dahil Masaya naman na sya sa buhay nya , kontento na sya dahil maraming nag mamahal sa kanyang kaibigan mga kamag anak, may sarili syang career kaya hindi sya nag aalala na kahit na walang lalaki sa tabi nya kaya nyang mabuhay dahil kumikita naman sya .
  • Baka may hinihintay? Bakit mag hihintay? Siguro dahil doon tumibok yun puso nya ,kahit nasaktan sya nito ng sobra sobra eh hindi na nya kayang ipagkatiwala ulet yun puso nya sa panibagong mang iibig kaya nag I stick sya dun sa taong kahit nasaktan sya nito eh alam nya na mahal nya eto, takot sya na magtiwala ulet sa ibang tao kasi paano kung saktan din sya nito di ang dami na nakasakit sa kanya? Tama na ang isa, dalawa, pangatlo eh too much na yun.. Napapagod din kami.

Pero lahat naman yan eh nadadaan sa mabuting usapan, pwede pa rin kami masungkit kahit may mga dahilan kami kung bakit kami single..  Kailangan lang siguro Makita naming yun qualities na hinahanap namin sa isang lalaki. Siguro nga Kaduwagan lahat ng dahilan sa itaas pero pwede din naman maalis ang takot namin kapag may isang tapat na mag aalis lahat ng takot na nararamdaman naming at magpapatunay na hindi lahat ng kinakatakutan mo eh magkakatotoo meron ding happy ending at the right time at sa tamang tao. Pero bago kami mag tiwala syempre kailangan muna may qualitities sila sa mga listahan namin.. You heard it right .. may listahan kami…

Hindi naman sa pihikan kaming mga babae, meron lang talaga kaming mga listahan , checklist  , standards para masungkit ang iniingatan naming mga puuuusooo…  Alam lang naming talaga kung ano yung hinahanap namin.. eto ang sampol…

  • May itsura ba? ( Empre lahat naman ng tao unang tumitingin sa physical appearance… No one falls inlove agad sa character unang tinitignan eh yung unang lumilitaw.. Mukha.. kahit hindi gwapo basta maginoo at hindi bastos… So ano ang gusto ko mangyari? Hindi rin masyadong mahalaga ang appearance samen,  kaya  kung your running out of time babaan mo na yung standards mo kung may itsura ba kunwari kung 1-10 kahit 4-5 patusin mo na… ok ok  kaming mga babae hindi basta basta bumibigay , kahit gwapo ka kung mayabang ka naman eh major turn off yun.
  • Responsable ba? Eh kung sugalero, at madami kang bisyo , alak. Sigarilyo, babae hay nako….. Para lang kami kumuha ng batong ipopokpok namin sa ulo . Di mas magandang mag isa nalang kaysa mangunsumi ka sa lalaking ito. Pero kung nakita mo naman na responsible aba eh dagdag pogi points yun..
  • Gwapo (optional)
  • Polite
  • May dimples
  • Maganda ang ngipin
  • Matangos ang ilong
  • May sense of humor
  • Talented
  • Responsible
  • Matalino
  • Maginoo pero medyo bastos ( ayaw namin ng binabastos agad… mag paka ginoo ka muna)
  • Father material
  • Marunong magluto
  • Matangkad
  • Mahilig sa Music
  • Humble
  • Sweet
  • Maalaga

….. at marami pang iba…

Yung iba napakahaba ng listahan… pero sabi nga if your running out of time aba eh lower your standards… yang haba ng listahan mo eh minsan mauuwi nalang yan sa 5

  1. Kung nararamdaman naming na mahal kami kahit wala ka pang itsura
  2. Kung secure kami sayo winner ka tsong…
  3. Kung napapatawa mo kami another pogi points
  4. Kung pareho kayo ng interest hobbies para walang dull moment
  5. Kung pareho kami ng paniniwala… relihiyon.. malaking point din ito kasi kung ang hanap mo eh magiging partner kailangan talaga pareho kayo ng pananampalataya para hindi mo na kailangan magaya kay supsup na sumagot kung sino ang pipiliin God o Sya … dapat pareho kayong may God. Yowwwnnnn…
  6. Kung pareho kayo ng level ng pag iisip… o mas maganda mas mataas sya… mapaguusapan kayo at hindi magiging boring.. dahil kung hindi kayo magkakaunawaan eh nakaka disappoint lang yun.

Kaya kung etong mga qualities na ito meron sa listahan naming eh malamang masungkit din ang tinatawag nilang pusong bato. Kaya kapag tinatanong ka ng mga echoserang frog na naawa sayo kung bakit ka pa single hanggang ngayon?  Huwag kang ma stress…  Nakakabawas ba ng pag katao ang pagiging single? Nakakapangit ba? Tingin ba nila eh may kapansanan ka?  May kulang sayo? Miserable ka ba????

HINDI NO!!!!

Being single doesn’t mean that you are unloved, unwanted, unhappy, or unappreciated. In the end, it’s wiser to be single, than in the wrong relationship.

CHECKLIST  VS. CHUVACHUCHOOO?

Alam mo lang kung ano yung talagang gusto mo, at alam mong kapag hinintay mo yun mga nasa listahan mo hindi man kumpleto alam mo sa sarili mong magiging Masaya ka sa mga choices mo. . after all checklist lang naman yan at kapag ang puso ay tumibok kiber din sa checklist checklist nay an ang mahalaga pa rin eh yung nararamdaman mo…chuvachoochooooo wins!

Women need to value themselves more and see that it is better to choose wisely than to waste time with the one they settled for. If they are patient and choose wisely, they will be rewarded.




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 592,695 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Agosto 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers