Ilang taon na rin akong naghihintay at nag aabang, merong mga byahe na nasubukan matagtag, kaskasero at mabagal. Hindi mo naman talaga mapipili, magtyatyaga ka doon kung iyon ang napili mong sakyan hanggang makarating ka sa patutunguhan mo, kapag hindi ka nasiyan bumaba ka, meron naman mga driver na binababa ka kasi hindi kayo magkasundo sa presyo o nalalayuan sya o kaya cutting trip ipamimigay ka sa iba dahil hindi na nya kaya pang magpatuloy sa byahe nyo.
Nasa terminal pa rin ako. Naghihintay nag aabang, masusi kong tinitignan iyong mga paparating. Hindi naman ako mapili sadyang maingat lang kasi gusto ko maging comportable sa byahe, ngunit may mga panahon na kailangan kong magmadali kasi baka mahuli na ako sa byahe ko , kaya kung sino nalang dumating doon sumasakay.. akala ko okey yun pala hindi.. Minsan nakakasakit.. hindi mo alam kung paano ka makakarating sa paroroonan mo.
Magpapakatatag … iyon naman ang laging dapat gawin.. maging matibay ang mga binti sa pag aantay ng panibagong byahe, minsan magpahinga kapag napapagod.
ano bang magagawa kundi maghintay nang mas maayos, malay mo matimingan ko rin iyong hindi puno.
“Love happens… when the stars align and two people have open hearts – fate and destiny take over and the rest is history.”
Happy 7th Anniversary pala sa Lambing lang ang katapat mo! Salamat sa mga napapadpad, salamat sa mga mambabasa ko na natuwa, naiyak at natulungan ng blog ko. Magsusulat pa rin ako hindi nga lang madalas pero kapag nasagot yun prayers ko madadalas na akong magsulat.
nag comments na may Lambing