Posts Tagged ‘technology

14
May
11

panic mode

Mawawala na daw ang friendster sa katapusan.. bigla ko nanghinayang kasi naalala ko yun ang unang social network na sinalihan ko at member ako dun since nag start sya, at doon ko din nahanap si mang jose.. andun lahat ng mga alala ko sa kanya. Kasi naman nalibang ako sa facebook , ang dami kasing bagong application saka nakaka aliw,  maganda naman sa friendster marami nga lang kakilala sa facebook at doon na lumipat kaya gora na rin ako. Pero bakit ganon kapag malapit na pala mawala ang isang bagay sa iyo saka mo lang marerealized ang worth nito. Bigla ka mag papanic kasi mawawala na sya.

Buti nalang napabalita agad na malapit na mag close ang friendster yung mga gusto mong i keep pwede pa i back up like pictures , testimonials at saka important messages.. sana hindi nalang sya mawala para kapag gusto ko balikan yung nakaraan makikita ko pa rin ang mga memories…  pero mawawala na nga sya. Ganon naman talaga ang buhay eh.. walang permanente.. kaya kung may chance ka pa , dapat i enjoy mo ang panahon mo dun sa bagay na yun. O kaya gawin mo yun best mo para mag stay pa ito sayo.. kasi kapag wala na.. wala na talaga. Buti nga hindi ito parang virus na bigla na lang mawawala lahat na wala man lang pasintabi na mawawala  na ako ha?  Burado na lahat sa memory… swerte mo kung may back up ka para maibalik ulit yun gusto mo.

Kapag nangyari yun.. ang magagawa mo nalang ay pag tanggap na wala na ang bagay na yun at i keep mo nalang yun magandang memories na naibigay nito sayo,  o di naman kaya gumawa ka nalang ng bagong memories pero hindi na sya kasama.

Advertisements
08
Dec
10

nakakayamot!

May na receive akong text message..

i loooooveeee youuuuuuu!!!!

.

.

.

.

.

.

Whoever stops this message will be unhappy for the first 5 months of 2011. Tell at least 15 people you love

– Good Morning!-

Arrrrrrrrggggghhhhhhhhhhh! What’s good in the morning?  Hindi lang yan pers taym ko maka receive ng mga chain messages na yan. Nakakayamot lang nakakasira ng araw aga aga ko pa naman nagising ng may ngiti sa labi tapos makakareceive ng ganong message!  Kulang nalang sabihin sasabog cellphone mo kapag di mo ito i forward!

Litsugas!!!!!! nakakapuno kasi yun mga taong uto uto na hindi magkanda tuto mag forward ng mga ganyang text message minsan ginagamit pa ang pangalan ni Bosing tapos sa huli nag babanta ng may hindi magandang mangyayari sa pamilya mo mamatay ang ganito ang ganyan tae ka! ..  Sa una ang ganda ganda ng message tapos bakit kelangan mo pa i forward sa buong friends list mo.. hay nakooo , utang ng loob maging mature naman sana tayo sa mga ganyang bagay..

Nakakapika lang eh. Sa dami ng load hindi na magkandatuto na mag text ng kung anek anek kasalanan kasi ng unlimited text yan eh! Kung wala sanang unli text  di makakapag forward ng sangkatutak na walang kwentang message yang  mga hinalibad na uto uto na yan  , na  ultimo ok na reply eh hindi makapag text.. Pasa load nyo nalang ako mainam pa !  Naisip ko lang sa unlicall ganon din kaya ? Subukan lang nya!!! ang isasagot ko eh iloveyou too haha..

Parang ganyan lang din ang feeling ko kapag naririnig ko yun I LOVE YOU na kanta ni Willy ..

NAKAKAYAMOT!

Imbis na close mo yung taong nagforward nun maiibyerna pa rin ang beauty mo kapag makareceive ka nun soska. Sino ba ang nagiimbento ng mga ganyang mensahe sana tubuan ng kulugo sa pwet … Sana ganon  nga! iisipin mo pa lang gumawa ng mga ganon bagay mag uumpisa ka nang tubuan ng mga balihibo sa katawan , buntot bukol at kung ano ano pang pwedeng tumubo sayo! 😆

Sana naman kung walang idudulot na maganda sa ibang  tao wag mo na i forward. Mag forward ka nalang ng text quotes o love quotes mahahalikan pa kita sa pwet sana makakatulong sa kaluluwa ng pag sesendan mo yung mapapangiti ng matamis.  Dapat nakakainspire hindi nakakapag perspire! takte! Hindi yung madedemonyo ka pa  . Sige magforward ka pa ng ganyan  Litsugas na may mayonaise! I ba blocked kita hahaha.. wala lang haha nakaka baliw lang..

May namimiss ako huwag nyo painitin ang ulo ko wata!!

I love you , i love you ka dyan… hmmmp!

Ang totoo nyan may namimiss kasi ako mag send ng iloveyou saken araw araw haha … sabi nga sa dinami dami ng mag a iloveyou saken IKAW lang ang gusto ko magsabi nun saken ! ayiiiiiii  ^_^

ANG HINDI MAG COMMENT DITO PANGET!!!! 😆

02
Mar
10

internet sa tv

May napanuod ako sa tv kahapon pwede ka na rin daw mag internet kapag may tv ka. All you need to do is to buy a smart bro surf tv worth 4, 500 php.

Oh well bigla ako na excite kasi pwede ka mag chat , mag surf, email and blog sa sariling bahay basta meron ka nito. Sorry naman wala akong PC kaya ideal saken ito. Kaya lang kelangan daw pala may 3G coverage sa area mo bago mo magamit ito. In fairness ang galing na talaga ng technology ngayon ano?


Speed : Up to 2 Mbps
No. of Hours use : Pay per use for connection P10 for every 30 minutes.  Now also has the option for surf-per-minute charging (online registration required)
Connection : RCA connection to your TV to SurfTV
Requirements : None
Total Initial Payment :  P4,500 for the SurfTV kit which includes the SurfTV, a prepaid plug-it, a mouse and a keyboard.

O diba? kaya lang kapag naubos na ang load mo medyo mahal na kasi 10 php na every 30 minutes. Na excite lang ako bigla kaya na i share ko ito.

24
Oct
09

pektyur perpek

Noong unang panahon may isang babaeng ubod ng cute ( ako yun ! lols) na takot sa litrato.. ewan ko ba kung bakit ako nacoconcious kuhaan ng pix.. pero bakit noong nauso ang mga cam sa cellphone at digicam aba naman ang lambing picture adik na. Heneways sarili ko lang naman ang kinukunan ko..

Ewan ko ba kung bakit gusto gusto kong mag picture dahil siguro nakikita ko sarili kong maganda sa picture ( wag na kayo komontra pls hehe). Sa picture na lang bumabawi. Dahil kapag sa salamin pati katawan ko nakikita ko e hindi ako gaanong nasisiyahan sa nakikita ko kaya picture na lang ang kinahiligan kong gawin. Hobby ko na yan, kaya huwag magtaka sa picture fez ko lang lagi naka focus.. dahil hindi gumagalaw sa pix yun mukha kaya dun lang sa magandng angle lagi na focus.. ayaw mo maniwala? eto ang sampol:

Img00069

Img00083

Img00184

ayan mga ganyang angle lang at take note ako lang ang nagpipicture sa self ko…

eto mahilig din ako kumuha ng mga pang acting award na shot ko.. emoness

Img00054

Pero bakit ba talaga pag iba ang kumuhuha sa akin disaster ang labas.. sampol nalang sa studio. pag mag papa id .. haizz sobra na kasi nangangawit yun ngiti ko kung yun umpisa ganto ang ngiti..

Img00113

Sa tagal i click nangawit nalang yun ngumingiti … kung dating ang tamis ng ngiti.. eto kalalabasan sa paghihintay ng matagal sa photographer.. nagiging ngiting aso..

untitled

fgq

eeek… ayun oh… evolution ba ang tawag dito ehehe…

kaya mas gusto ko ako nalang kumukuha ng litrato ko lolz

wala naman na ishare ko lang naman… 😉

03
Sep
09

hmmkei…

So bakit ba ako abala this past days?? Hmmm e sa busy kelangan ba mag explain, o wala lang talagang maisulat at walang medyo maganda ma i shashare ang utak ko sa blogsphere. Nakaka drained din naman kasi minsan. At bakit ba ako mag aalala kung wala akong naisusulat bakit sikat ba ako?? Marami ba nag aabang ng mga sasabihin at isusulat ko?

Well mahilig lang ako mag sulat at magbasa yun ang alam ko, pero yun galing sa pag eexplain at pagsusulat malamang marami pa akong kanin na kakaiinin.. o may gulay wag nalang palang kanin nakakataba yun.. marami pa akong dapat matutunan sa pag susulat.

Siguro nga hindi ako masyadong matalino pero hindi rin ako masyadong bobo para hindi ko mapansin ang isang bagay na biglang nag pa init ng ulo ko. Nag iisip kasi ako mag update ng blog ko kaya naisipan kong tignan ang aking blog statistic dun kasi ako minsan kumukuha ng topic base sa search engines.

Napansin ng mata ko ang kakaibang pangalan sa mga url na nakalagay sa mga tagapagsangguni eto yun .

Pumasyal ako sa blog na iyon para makapag blog hop at sa ating mga blogger parang return of favor yun kasi namasyal sa blog mo.. makikiusyoso na rin kung anong meron sa blog na iyon.. una napansin ko yun theme ng blog.. pareho kami pero okey lang naman.. napansin ko din yun title na PAANO BA TALAGA MAG MOVE ON?? hmmm interesting mahilig ako mag basa tungkol sa relationship at paano mag move on pa?? E may entry din ako tungkol dun at malapit din sa title nya eto oh PAANO NGA BA MAG MOVE ON? .

Sa totoo lang naaliw ako mag basa nun.. pero teka, wait , sandali lang parang habang binabasa ko iyon parang pareho kami ng sinulat.. Toinks!! haler! ikaw ang nag sulat nun iba dun lambing! At take note dalawang entries ko pinagsama sa iisang entry.. watta??? Hmmm umuusok ang tenga ko naiinis ako eh.. kasi bakit ganon na ang labas nun.. inaako nya na sya ang nag isip nun.. dinagdagan nya lang tapos nilagyan pa ng side comment na mura?? naiinis ako..

Hmmkei… pag palagay na natin natuwa sya sa mga sinulat ko at hindi napigilan kopyahin yun entry ko at dagdagan, kung sa bible nga bawal ang magdagdag at magbawas kasalanan yun! pero syempre hindi naman bible yun sa akin blog entry ko yun.. nang galing sa kaibuturan ng puso ko yun! Kahit medyo ganon ako mag sulat galing sa utak kong singliit ng monggo yun.

At katulad din ng iba.. naranasan ko na din naman yun.. na dedetect ko kasi kapag may nangopya sa entry ko, pero ngayon lang ako nag sulat ng entry bout that.. yun iba nga kinopya pa pati name nun kakilala ko anubayan.. so halatang kinopya nya yun.. e sa present technology natin ngayon hindi naman maiiwasan yan ganyan na kopyahan eh.. ang dali lang kaya mag copy paste.. pero sana lang.. mag paalam diba?? hindi naman ipinagdadamot.. o kung hindi man mag paalam.. dapat may citation na ito galing kay bobang si lambing.

Pwede na matawag ito na Plagiarism o Self -plagiarism na ayon sa wikepedia: at eto oo copy paste din ang ginawa ko toinks!

“use or close imitation of the language and thoughts of another author and the representation of them as one’s own original work.

Self-plagiarism

Self-plagiarism (also known as “recycling fraudis the reuse of significant, identical, or nearly identical portions of one’s own work without acknowledging that one is doing so or without citing the original work.

Hmm sa mga katulad kong blogger.. question! Ano ba ang mararamdaman mo kung makita mo ang sinulat mo na walang acknowledgment manlang? OA ba ako para bigyan ko ng pansin at pag inartehan ang bagay na ito??

watchathink???

09
Jul
09

teks mode

Pagkatapos ma band ang YM sa aming opisina ano naman kaya ang pinagkakaabalahan ng inyong lingkod ngayon?? Well nalilibang akong mag text ngayon. Dati walang kwenta ang cellphone ngayon bigla nagkaroon ng halaga kahit yun ay hamak na mumurahing model lamang.

Dati rati nakakayanan kong di magload kahit isang linggo pa pero bakit kaya pag gusto mo yun kausap syempre hindi mo hahayaang mawalan ka ng load. Kahit lamukin ako pa sa terrace pag gabi , gawa ng walang signal sa kwarto basta makapag text lang go parin kahit dumami pa ang pantal sa legs pag pasok sa kwarto.

At Kapag tumunog na ang message alert tone kong naka ascending pa! Para malaman kung may nag text kasi walang signal sa loob ng kwarto, kaya yung cellphone kong mumurahin nasa may bintana. Adik! Halos magka stiff neck ka sa kakatext pag gabi pag nasa loob ka ng kwarto at nangangawit sa posisyon mong patagilid dahil dun lang nakakasagap ng signal.. watta! hinihintay lang  pala na mag goodnight din. Adik ka talaga!

Ano nga kaya ang bumabalot na hiwaga sa isang mensahe? Yun bang message mismo o yun kasiyahan na may taong nakakausap ka, kahit di pa kayo nagkikita pero yun closeness nyo nadedevelop sa mga text messages na sweet. Isang estranghero na binibigyan mo ng karapatan na pumasok sa pribadong buhay mo. Bawat mensahe ay pumapasok sa kaibuturan ng puso mo.. nagbibigay ngiti, sigla at inspirasyon sa buhay mo.

Pero gaya din sa internet world..madedevelop ka sa araw araw na kausap mo, pahahalagahan.. ngunit may katapusan din ang lahat ng masasayang araw. Lalo na at dc kaya walang signal.. putol na rin ang komunikasyon.. o di kaya nagkasawaan na kayo sa araw araw na pag uusap..

Kung iisipin mo laging talo ka sa larong ito, kapag umasa ka sa mga mabubulaklak na salita lalo at pinanganak na bolera/bolero ang kaututang dila mo sa text o sa chat. Pero sino ba naman ang hindi mahihipo kapag ang kausap mo eh saksakan ng bait at maalalahanin sa una..

Ultimo mo mmwwaah at hugs tipong nagpapakumpleto ng araw mo at nagbibigay instant energy sayo.. tapos bigla nalang magbabago… mawawala…

…….

…….

…..

…..

…..

Kakayanin mo ba?

Kaibigan, dapat maging matatag ka.. dahil ang happiness ay hindi mo pwedeng iasa sa isang tao lang o sa isang estranghero.. dahil kapag bigla nalang nawalan ng internet connection at load… tyak mapuputol na ang komunikasyon nyo.. panandalian mang maputol o permanente…

baka pag hindi na mag reply ang kausap mo..

mawindang ka na…

kaya…

Relax lang…

Try to find what makes you happy

And soon, you will end up with someone who sees your completeness

Without ever wanting anything except be a part of you… 🙂

07
Jul
09

PERS

Naalala ko pa noong unang ipakilala ka sa akin ng pinsan ko..

Masasabi kong kelangan ko talaga ng karamay…

Pagkat ang mundong ginagalawan ko nun ay puno ng kalungkutan….

Pero noong dumating ka sa buhay ko, nagbago lahat

Nagkaroon na agad ako ng interest sayo…

Dahil sayo, nagkaroon ako ng bagong mundo..

Ikaw at ako..

Nasasabi ko sayo lahat ng nararamdaman ko…

Sa tuwing natutuwa ako, lalo naman na pag kailangan ko ng

masasabihan ng sama ng loob… andyan ka at andyan sila .. mga

bagong kaibigan ko sa pamamagitan mo…

Sayo natupad ang pangarap ko.. ang marinig at ma appreciate…

At ngayong isang taon na tayo …. Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘PERS’




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,929 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers