05
May
10

PAANO NGA BA MAG MOVE-ON ULI? PART III ( not again … )

Akala ko noon naranasan ko na yun pinakamasakit sa pakikipag relasyon… dami ko na na-experience na pain pero kanya kanya palang level ang sakit ano.. merong mild , meron naman super strong parang kape lang. Ang dami ko nang nasulat about moving on, at ang dami din nagsusulat tungkol dyan pero ewan ko ba bakit kapag moving on stage na dyan nagkakatalo talo.

Ang tao kasi prone sa sakit lalo na at lampa ito, idagdag mo na kung sensitive.. kapag nasaktan syempre uma aray. Nakagawaian ko nang mag bigay ng advice sa mga taong nakakasalamuha ko based on experience ika nga.. pero yun ibang advice ko galing lang sa utak ko kasi di ko pa na experience eh.. tama sila parang ang dali lang sabihin.. pero kapag ikaw na yun nandoon sa sitwasyon na yun mahirap nga pala talaga.

PAANO NGA BA MAG MOVE-ON ULI? PART III :LOL:

SCENARIO: MALING PAG-IBIG

Meron bang maling pag-ibig? Alam ko lahat ng pag-ibig maganda, masarap pwera nalang kung may mali talaga. Kelan ba nasasabing mali ang isang pag-ibig? Kapag umiibig ka na meron maaaring masaktan. Mali kapag umiibig ka tapos nasasaktan mo ang sarili mo sa kagustuhan mong mapagbigyan ang nararamdaman mo.

Mali kapag nakakarinig ka nang bulong na mali yan stop it. Mali talaga, dahil kung hindi mali wala kang maririnig sa safeguard ( konsensya) mo.

Hindi ko hawak ang puso ng bawat tao pero para sa akin mahirap kapag pumasok ka sa isang sitwasyon na alam mong masasaktan ka lang at makakapanakit ka pa ng ibang tao. Pero kung sadyang malakas ang tawag ng sinasabi mong pag-ibig sige magpakasaya ka… dun ka masaya eh.

Mali kapag akala mo dalawa kayong lalaban pero matatauhan ka nalang bakit ka nag iisa ngayon?

Minsan hindi rin pala sa sapat ang nararamdaman lang… is it enough? will that make you happy or your partner? Mabuhay ng puro nararamdaman lang.. kapag wala ka nang makita na tama sa pinasukan mong relasyon abay mag move on ka na? Paano ba uli?

  1. Maging mapagpasensya sa sarili mo – Okey lang magwala , magalit,okey lang umiyak, natural nasaktan ka kaya ka nagkakaganyan.. hindi naman kaagad agad isang iglap lang eh mawawala agad yun feelings mo, na sa isang iglap lang mag di disappear agad ang heartaches.. yan si heartaches matindi kung kumapit yan… minsan kahit nililibang mo na sarili mo bigla yan papasok para palungkutin ka.. it takes time sabi nga.. okey lang yan… hindi ikaw si superman na kapag nasugatan eh gagaling agad.. unti unti yan.. pero ipaalala mo palagi sa sarili mo na makaka move on ka din.
  2. Maging matatag at stay positive – Sakit sakitan fever -natural lang masaktan kapag yun pag -ibig na binuhos mo nang sobra eh hindi mo na uli makukuha sa kanya, yun mga pinagsamahan nyo eh mabubura na.. okey lang masaktan pero wag kang umarte na ikaw lang ang biktima. . syempre naman may mga taong umeffort talaga para mag work out ang relasyon pero sa wala din pala mapupunta ang saklap diba? Pero that’s life instead of acting like a victim kelangan maging
    strong tayo .. stay positive ika nga.
  3. Humanap ka ng kausap – alam ko masakit ang pinagdadaanan mo, pero kung sinasarili mo lang lahat ng iyan nakow! May posibilidad na mabaliw ka. Tawagin mo ang mga friendship.. mahirap mag isa kaya wag mo paikutin ang mundo mo sa isang tao.. dahil kapag ito ay nawala sa yo disaster ang labas non.. Makipag kaibigan ka sa mga totoong tao pwede mong mapagsabihan ng nararamdaman mo. Pwede mo rin ito isulat sa papel nakakatanggal din yun ng stress.
  4. Open your eyes- Minsan masarap lumabas tapos mag observe ng ibat-ibang tao.. may kanya kanyang problema, magugulat ka nalang ay mas mabigat pala problem nya saken pero she can take it lightly. Hindi lang ikaw ang dumadanas ng lungkot, paghihirap na nararamdaman kanya kanyang level ika nga.
  5. Bagong buhay- leave the past behind.. kung pwede i refocus mo yun buhay mo.. mag hanap ka ng bagong interest , yun trabaho mo pag butihin mo lalo, relasyon mo sa family mo.. o relasyon mo sa Panginoon. May sinasabi ba SYA sayo? ano ba ang binubulong sayo? Baka kasi hindi ka nakikinig sa KANYA kaya laging palpak ang lablyf mo may tinuturo sayo pero nakapikit ka at yun gusto mo lang tignan ang tinitignan mo. Minsan masarap rin pakinggan kung ano ba sinasabi NYA after all ang Panginoon lang naman nakakapag pagaling sa lahat ng sakit na pwede mong maramdaman dahil SYA ay healer..
  6. Look forward – marami pang i ooffer ang life sayo.. may darating pa, sabi nga kapag may nagsara may magbubukas din. At kapag dumating yun time na yun yakapin mo ng mahigpit at sasabihin mo eto na yun!

In your life you search and search for the right person for you. Every time you break up with someone you get one step closer to that person. You should look at moving on as getting closer to meeting the one.


P.S

Nainspire ako uli mag sulat nito kanina kasi kahit nasa kalagitnaan ako ng kalungkutan ngayon natutuwa ako na may purpose din pala ang pag ba blog ko.. nakakatulong din yun mga pinagsusulat ko sa mga taong dumadanas din ng pinag daraanan ko at nakaka touch yun…

i dnt know u personally pero i would like to say thank you kasi nakita k sa blog site m ung tips how to move on and it really help alot.



94 Responses to “PAANO NGA BA MAG MOVE-ON ULI? PART III ( not again … )”


  1. Mayo 5, 2010 bandang 4:35 hapon

    hehe.moderated pala! anyway, sadya ngang mahirap magmove-on lalo na kung mahal na mahal mo sya at hindi ka handa nung natapos ito…biglaan at pakiramdamdam mo iniwan ka sa ere. pero siguro, makakatulong yong tanggapin ang pangyayari.na wala na sya.na hindi sya para sa iyo.
    maganda yong 6 steps na isinulat mo ate lambing. natuto ako.ahihi.

    nga pala. paki-link naman po ako. add na kita sa links ko ha. tnx

  2. Mayo 5, 2010 bandang 4:47 hapon

    Kung paano ka nag move on sa unang pagkakataon ganun din naman sa susunod. Nagkataon lang na kailangan ulit mag moveon for good reason.

  3. Mayo 5, 2010 bandang 5:13 hapon

    hmmm.Maging matatag at stay positive, tama ka po jan!.
    Humanap ka ng kausap,sobrang korek po yan!.

    en share q lang po. pag aq nabrobroken ang lage kong iniicp na everthing happens 4 a reason, at kung kaya mag move on ng iba kaya ko din..:) it works nman po. gandang araw!

  4. Mayo 5, 2010 bandang 11:36 hapon

    Elow po nakiraan at nakibasa…gusto ko yung no. 6 tama ka may darating pa, di nauubos sabi hangga’t may buhay may pag-asa. Ingat po. (pasok pala d2 ang malalambing na tao hmmm in ako d2.)

  5. Mayo 6, 2010 bandang 8:17 umaga

    hi adel.

    tama ang lahat ng sinabi mo.idadagdag ko din na importanteng part ng moving on ang pagtatago ng mga happy memories at aral na natutunan sa mga pinag daanan.happy memories keeps us warm.yung learning experience gives us the wisdom not to travel the same road all over again.and never ever regret.regret is like a monkey on your back na tatakip sa mata mo habang pinipilit mong umusad.

    take care and have a nice day adel!

  6. Mayo 6, 2010 bandang 9:13 umaga

    gusto ko yung pang apat lambing.. tama ka open your eyes:) lahat naman tayo may dinadalang pasanin e

  7. Mayo 6, 2010 bandang 1:30 hapon

    next time ko na lang babasahin to kapag nawasak na rin puso ko!
    wahahaha!

  8. Mayo 6, 2010 bandang 3:06 hapon

    Adel,
    Walang maling pag-ibig kung ito ay kinusang umusbong.

    Madaling sabihin, mahirap gawin.

    Makasarili ang tao, ayaw na ayaw na nalalamangan siya lalo na kapag puso na ang sangkot.
    Kung magmamahal, huwag ng umasa ng hihigitan pa ang iyong ginagawa dahil kapag ang iyong kapareha ay ganun din ang ginawa, magpapataasan lamang kayo ng ego.

    Ewan ko lang kung may punto.

  9. 26 shea
    Mayo 6, 2010 bandang 3:52 hapon

    ate… ang ganda ng cartoons.. parang narinig ko na yan, sinabi ng nanay ko sa tagalog ha? hehe

    smile ate…

    thank you po ulit sa kulambo… mwah…

    • Mayo 6, 2010 bandang 5:11 hapon

      ehehehe sinabi na rin ng nanay ko yan nun nabubuhay pa huhuhu

      smile nako shea

      walang anuman shea… ano mag business nalang ako ng canopy mosquito? mukhang marami may gusto nyahahaha

  10. Mayo 6, 2010 bandang 5:06 hapon

    Hahaha… Hehehe… Hihihi… Hohoho… Huhuhu…
    Ganun talaga lagi, hindi happy ending ang lahat… Sa umpisa masaya, ngunit hindi ka nakasisiguradong masaya padin sa huli… Kung umpisa pa lang ay masaya kana, gawin mo ang lahat upang hangang sa huli mapanatili ang kasiyahang iyong nadarama… At kung hindi ka naman masaya, huwag kang mabahala, malay mo sumaya ka kapag wala na siya…

    Magandang Araw…

  11. 30 jason
    Mayo 6, 2010 bandang 10:49 hapon

    alam mo ate lambing minsan talaga, kahit may mga saftey guidelines at precautions…

    sadyang baliw tayo sa pag-ibig. nakaklimutan lahat. di iniisip na masasaktan, basta magmahal lang..

    wahhhhhhhhhhhhhhhh’

    ATE LAMBING!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  12. Mayo 6, 2010 bandang 11:21 hapon

    Tama si BUSYOK sa comment nya sa taas.. yun lamang..🙂

  13. 35 jason
    Mayo 8, 2010 bandang 11:23 umaga

    aTE NAMAN nagka goosebumps ako nung narinig ko music d2 sa site mo..

    di ko alam….

    maligayang sabado sayo ate lambing namiss kita ah

    paakap nga po ate

  14. Mayo 8, 2010 bandang 11:55 umaga

    hinihintay ko ang part IV at part V😀

    • Mayo 8, 2010 bandang 11:56 umaga

      HAHAHAHA… natawa ko Jong wag ka na… sana naman wala na ganong eksena hahaha mwaaah!

      • Setyembre 18, 2012 bandang 10:32 umaga

        Hi..ate lambing sali nmn po aq ohh!!!
        Isa rin aq mahirap mg mov_on nuh!!

        Guy’s anu b kau!!
        Marmi pang lalaki dyan na darating sa ating mga sawi..dyos lng ang nkkaalam qng sino tlga ang bagai x atin..ipanampalataya nlng natin kai bosing n sana bgyan tao ng lalaki na magmmahal x atin!!! Ng sapat pa x kanila??

        (^_^)

  15. Mayo 8, 2010 bandang 10:29 hapon

    yeah ang pagsi-share ng experience at pagbibigay ng tips ng blog ay may potensyal.

    you entertain, you inform and you persuade public opinion. but ang ultimate sa lahat ay may outlet ka to xpress your inner self.

    i agree sa lahat ng punto mo Cute. may tips ka ba dyan kung paano naman ang magmahal ulit. naubusan na ata ako ng kiri sa katawan. wahahaha

  16. Mayo 9, 2010 bandang 12:34 hapon

    i know this will make you miss her again,but i guess i have to say it anyway.

    happy mothers’ day sa mama mo.

    dahil kapag napagod ang mga nanay,nagpapahinga rin sila sa ulap habang sila sa ati’y nagbabantay.

    • Enero 5, 2012 bandang 5:07 hapon

      hay nko ganyan rin ako nasaktan khit alam ko na mali hala habol parin ako ng habol sa knya at ang masakit nlman ko na may nililigawan pla sya grabe!at may crush sya rin sya buti nlang at nlaman ko kunghindi nko magiging tanga tangahan ako pero alm nyo lilipas din yan makakalimuta mo nman yan eh kung gugugstohin mo.tama dba at iwasan mo ang pagiisip 2ungkol sa kanya after a days wala na sya sa mind mo:) at kung binaliwala ka nya eh mangyayari rin yun sa knya blang arw na may magugustohan sya na babaliwalain rin sya babalik rin yan sa knya masasaktan rin yun kng gano kasakit ang naramdaman mo gann kasakit ang ma fe feel nya some day at kung walang wla na sya sa mind mo ma iisip mo na hate mo na sya at magiging ka-angry mo na sya ganun lng!thats it ma fefeel mo na wla syang kwenta for you kung hindi mo sya kakalimutan eh hehehe lalo ka lng masasaktan the best way todo is forget him or his at kung nasaktan ka tlga eh wag knang magmahal muli buti nga yong iba syota2x na broken hearted na eh ako crush plang broken heart na ngayon nka move o nko at ska hahbolin ka rin nyan someday or maybe

  17. 44 errz
    Mayo 9, 2010 bandang 7:14 hapon

    ayan mapipilitan nqng mag koment . . salamt poh dito wow huh super thanks tlaga . . naghanap tlga qoh ng mga ganto sa NET para maintindihan qoh din sarili qoh . . and2 ksi aqoh ngaun sa stage nha toh ehh . . and its really help me alot . . sobrang sakit nga tlaga masaktan pero tama mai tamang reason qng bkit nanyayari mga bagay . . now im really want to move on and erase erase the past hehe . .

  18. Mayo 12, 2010 bandang 11:05 umaga

    aii’nko buhay tlga,,ang dmi nasasaktan huh bakit kc umuso pa ang umibig ea,,ang skit nman huh’pero masay sah una pero sah bndang huli ang sakit at ang hrap dba pero kahit masakit or nasaktan ako may natutunan nman ako pero kahit piang laruan lng ng mhal koh minahal koh aman sya pero ok lng kahit wla nah kme fwend koh aman sya hanggang ngyun ea pero ok lng skin mas maganda panga ang mag fwend ksa sah 22ong pag kakaibigan dba ang fwend tatagal kah ang pag sseryoso sandali lng tyka masasaktan klng pag umibig kah ng lubusan,,pero dpat mag tira kah kahit knti pra sayo wag bigay lhat sah mahal muh dpta knting tra pra syo pero yung nag mahal ako binigay koh tapos tinapatan ako ng taong mhal ko piang laruan nya lng daw ako habng ako nag mumuka akong tnga pra lng mabigay koh ang lhat,,kahit malayu kmi sah isan\t isa mahal na mhal koh prin sya pero hanggang ngyun sya prin lman ng pusu koh thnx poh sah mag babasa nito =)

  19. Mayo 12, 2010 bandang 11:49 umaga

    pag may pang partIV pa to Ate babatukan na kita..seryoso..

    pakinggan mo kase minsan ang blog mo.. di lang ikaw malulungkot nyan sige ka.. sa 15 alis na ulet ako.. sana sa sunod na uwi ko makita kita sa mata..

    see you around Ate,, ingat ka lagi or lagot ka sa kin..=)

    • Mayo 12, 2010 bandang 12:49 hapon

      ahahahaha mabigat ba kamay mo?? kung ganon sana be gentle saken hihi

      actually lahat ng sinusulat ko binabasa ko din palagi para ipaalala ko sarili ko mina😉

      aawww iingat ka ha? kelan ba sunod na uwi mo? iingat na ko kasi baka malagot ako sayo hahaha

      huggsss ng mahigpit😉

      • Mayo 12, 2010 bandang 10:21 hapon

        plan ko magtrabaho hanggang magsawa na ulet ako sa monitor ko.. yung tipong nasusuka na naman ako sa bawat luto ko..sa panahong yun sasabihin kong maghanda ka na sa pag-uwi ko..=)

        ingat ka rin at wag masyadong malikot habang wala ako.. mmwah..

  20. 49 jmak
    Mayo 30, 2010 bandang 12:49 hapon

    masarap mag move on kapag my nahanap na kanang iba…
    trust me, it works.. =)

  21. Nobyembre 8, 2010 bandang 11:27 hapon

    pede pa din po bang maging mag frend kahet ex mo n lng sa ??

  22. 51 lavidaloca1
    Disyembre 28, 2010 bandang 11:18 hapon

    hirap pla ung u suddenly feel something very special for a friend pro s simula p lng at khit saan tingnan ..mali…no other choice but to get over it and move on. pro pano ko kya sisi mulan..

  23. Enero 3, 2011 bandang 5:13 umaga

    minsan akala mo kapag bago plang kayo sa relasyon kayo na din hanggang sa huling buhay mo .ganito ang nararamdaman ko ngayon akala ko non sya na panghabang buhay ko pero dumating din sa punto na nagbago din ang pagmamahal nya sakin dahil masakit yun pra sakin dahil sa kanya lang umikot ang buhay ko mula ng lokohin din ako ng dati ko pra sakin sa ngayon tama na lang na maging malapit sa panginoon dahil alam ko ang dyos hinding hindi nya ako iiwan tama nga ang kasabihan na ang mga mahal mo sa buhay kaya kang iwan pero ang god hnding hindi ka nya iiwan…………….kya salamat dahil napunta ako sa website na to at dahil sa mga nabasa ko unti unti kung nalalabanan ang pagsubok ng mundo.

  24. 53 Janette
    Hunyo 17, 2011 bandang 11:10 hapon

    broken hearted ako ngyon..pero gumaan loob ko sa site mo mis lambing…

  25. Hunyo 23, 2011 bandang 7:29 hapon

    .. i just got hurt by my bf . pinagpalit nya ko ..😦 pero eto ako habol paring habol .. kahit na niloko na nya ko .. hahhaha. sakit sakit na ehh😦

  26. 56 meo
    Hulyo 4, 2011 bandang 6:30 hapon

    mas mhrp sken sukat pag tabuyan murahin svhng di ka na mahal suntukin ng gf ko eto prin ako habol ng habol

  27. 57 addicted14
    Hulyo 16, 2011 bandang 11:19 hapon

    ask ko lng poh.. nid ko pb syang mging friend? kht sya ung dhilan bkit ako nssktan ngaun?? bestfriend kmi kc bago nging kami ehh.. nssktan ako pg iniiwasan ko sya.. nssktan dn ako pg pinakikisamahan ko p sya bilang kaibigan.. wat po ggwin ko?? til now kc mahal ko p sya… advice nmn poh please?? thanks!!

  28. 58 addicted14
    Hulyo 16, 2011 bandang 11:27 hapon

    nakakagaan tlga ng damdamin ang blog n2.. thanks!!! pero dko prn maiwasan n naiicp sya s gn2ng oras.. 1week plng kmi ngbreak,, meron n syng iba.. sbi nya,, un dw ang paraan nya n makalimutan ako.. haaaaay!! bkit kc bawal ang gntong pagibig!! ang sakit sakit!! mahal ko prin sya hnggang ngaun!!!!

  29. 59 cj cruz
    Agosto 16, 2011 bandang 2:54 hapon

    ako po si cj hindi ko makakalimutan ang babaeng minahal kuh cya si merly joy belleza mahirap poh kc ang sitwasyon nmin pamakin poh cya ng hipag ko away bati po kami nauwe lng po sa biruan ang pagmamahalan ng makita ko sya tinanong ko sa hipag ko ang pangalan nya ng malaman ko doon na ako nag simulang mangligaw ang saya ko po ng makilala ko cya madalas po akong pumunta sa trabaho nya mag uuzap nagtatawana hanggang sa ma in love ako sa kanya hindi ko akalain sa bandang huli ay mawawala rin pla cya ayaw nya kc paalam sa mga tao ang aming relasyon yon madalas naming pag awayan minsan tinanong ko cya mahal mo ba ako hinintay ko ang sagot nya ng malaman ko ang sagot nya nasaktan ako hindi nya pla ako mahal …. sabi ko ok lng kahit masakit mahal ko pa hindi ko po alam kung ano gagawin ko di ko po alam kung maniniwala ba sa kanya sabi ko sa kanya galit kalang sa akin kaya nasabi mo sa kin yan!!!!!!!!!!!!!!payo nmn po jan kung ano ang dapat ko pong gawin pde ko bang balikan ang babaen galit sakin salamat po………?

  30. 60 shedivei
    Setyembre 6, 2011 bandang 1:03 hapon

    kapag nagma2hal tlaga ita2ya mo lahat kahit na alm mo n pede k rin masaktan, pero kapag nagmahal k dont expect n ma2halin k rin nia 2lad ng pagma2hal mo, una d nia cnbi mahalin mo xia kusa loob mo bigay un at hindi nia hiningi. dapat magtira k pa rin para sa sarili mo wag mo paikutin ang mundo sa kanya lang dahil kapag iniwan k nia o mwala xia sau labis kng masa2ktan at mahi2rapang bumangon…ganyan ang pag-big minsan masaya, minsan sad d kc natin hawak o alam ang mangya2ri kya ga’t kau p pahalagahan mo at ingatan bawat arw n magksama kau at pagma2hal n binigay nia sau…

  31. 61 shedivei
    Setyembre 6, 2011 bandang 1:24 hapon

    pero lagi natin ta2ndaan na khit masaktan man tau o iwan ng tao mahal natin, dp rin tau dapat sumuko o magmukmok n lang, maaaring nangyari un kc mas meron p n higit n nkalaan para satin, o nangyari un para mas lalu tau 2mibay…

  32. 63 cyper lark
    Disyembre 26, 2011 bandang 8:16 hapon

    gud pm. . . ang hirap masaktan na kahit anu gawin mo maging bz kaman sadyang darating na papasuk parin sya sa isip mo. . . ang masakit na kahit masaya na sya sa iba pilit mo parin e sinusugal sarili mo sa kanya kahit alam mong ginagawa kana nyang tanga. . . . opho mahal mo sya hindi mo kaya syang mawala mas pipiliin mo ngang saktan ka nya huwag lang syang mawala sa buhay mo dahil ang alam mo kung wla siya wla narin saysay ang buhay mo. . . . sadyang napakadamot ng tadhana kung sino pa ang tapat siya pa ang ginago. . .

  33. Enero 10, 2012 bandang 9:12 hapon

    msaktan man tayo ng lubusan,, mawawala din yan.. sabi nga nila God will send us time to learn from those pain.. para nex time alm n natin yung dapat at hindi dapat.. pero pra sakin nsasaktan man ako ngayun umaasa naman ako na balang araw mawawala din to.. more pa na maging matatag tayo pag nasasaktan tayo.. paano tayo matototong palaban kung hindi natin mararanasan ang mga yan.. be humble always kahit masakit na sa kalooban natin.. mahirap pero kaya natin yan with partner of prayer.. kumapit lang tayo..

  34. 66 ms.hurt
    Enero 16, 2012 bandang 4:36 hapon

    para sa akin,kala ko xa na talga kasi sinagip nya m sa freind nya sa panloloko sa akin sa huli xa pa rin,makakapanakit sa akin sana di nalang xa dumating sa buhay ko,nasanay ako sa tawag at txt tapos bigla nalang nalang sya nawala ,di nalang me pnrangka na ayaw na nya sa aakin,kasi di nya kaya,kasi wla syang rison para ebreak ako,kasi naging nice naaman me kahit papano,sabi ko di me iiyak sa lalaki pero ngun,the pain is still there,ang sakit as in ang sakit-sakit,di ko alam kung kelan hihilom ang sakit na ito,im kip praying kay god i know ang eneexpect ko ay di un eneexpect ni god para sa akin,asking a guidance na makapag-move on ako,ngun ko naapreciate ang mga freinds ko..andyan sila to ask guidance…ang hirap magmahal sa maling guy kung minsan

  35. 67 maryfrancis
    Enero 18, 2012 bandang 7:27 hapon

    thnx a lots dis advice kasi kahit papanu nalinawagan din ako…..tama i ned 2 mov,on forget & forgive til now masakit pa…..cheer up sa mga taong nasaskan ngayn tulad ko…….life goes on

  36. Pebrero 9, 2012 bandang 2:13 hapon

    mahirap po talagang makapag move on lalo na kung sobrang minahal mo yung taong yun…hind agad agad maalis sa isip kasi may pinagsamahan din dba…pero kung kinakailangan talagang mag move on para mawala na ang sakit..go ako dyan pero hindi ganun kadali yun… dahil minsan ok na ko pero may time din na malulungkot nanaman ako dahil naiisip ko siya…ganun po ba talaga yun???

  37. 69 collinaquino
    Abril 12, 2012 bandang 2:59 umaga

    mas maganda n habang maaga n kilala m xia.pero masakit.kaya nsa ko pare pareho lng cla.sana may mag mhal ng hgt pah s pag mamahal ko.inaamin ko n miss ko xia pero wla ako magawa

  38. 71 dan
    Mayo 12, 2012 bandang 2:35 hapon

    salamat! sa tip.. makakatulong ang mga yan.. ^^

  39. 72 crisel@lesirc
    Hulyo 6, 2012 bandang 4:44 hapon

    …. bakit po ang hirap mag move on sa taong minahal mo ng sobra , , , sobra na nya kong nasaktan pero bakit hanggang ngayon parang lagi pumapasok sa isip ko na di ko kayang wala siya sa tabi ko . .
    please help naman po sa pwede kong gawin…. nahihirapan na poh kasi ako e… at naguguluhan….

  40. 74 pj
    Hulyo 28, 2012 bandang 12:25 umaga

    mahirap mg move on lalo n kung ang nkaskit sa ay ang taong pinaka mamahal mo 2lad ng nka sulat dn mahilig dn ako mg advice 13plng ako ngaun peo parng alm ko n lht tungkol sa love peo pag ikw n nsa sitwasyon ay hirap nun at nding ndi ko n papangarapin n mapunta ako sa sitwasyon n un parang hirap kse eh thank nga pla sa nag susult kng paano mag move on grabe 22o laht ng sinult mo thank.

  41. Agosto 22, 2012 bandang 9:21 hapon

    hi lambing! maraming salamat po sa mga blog mo.. ung unang blog mo dati un ang lagi ko din binabasa twing naalala ko ung ex ko.. ngaun biktima na nmn aq ulit sa maling relasyon kia nghahanap ako ng pweding mkatanggal ng lungkot lalo na andi2 aq sa saudi mahirap kalabanin at pakiramdam ko depress n aq sa ngaun.. ang hirap pla pg mgmahal ka sa babae ng subra2x tapos mauwe lng pla sa wla.. di pa nmn kmi tlgang hiwalay na kaso npansin ko n sa kanya ngbago n xa.. masakit na magsalita at wla n halos kmi time dahil mgkaiba din ang oras nmin nsa canada kx xa at andito aq sa saudi.. dati rin xa nandito sa saudi pero npagkasundoan nmin na pupunta xa don sa canada para sa future nmin at susunod nlng aq sa kanya.. pero di ko akalain gani2 pala LDR ang hirap.. gusto ko sana manghingi ng advice sa nyo kung cno mn mkabasa din ni2.. anung dapat kung gawin? every weekend nlng kx kmi ng away dahil every saturday night n xa lagi sa disco.. di n xa ngpapaalam sakin ng maayos sabihin lng nya na na2log xa sa time na un.. minsan pg kausap ko xa sa skype taz my mga kachat xa n dating katrabaho nya d2 sabihin nya sakin pwedi ba raw xa mangumusta sa crush nya.. ang selos pg tinamaan ka khit anung lawak ng pag-iisip mo kikitid tlga i2.. pg ng away kmi lagi nya sinasabi na hiwalayan ko n raw xa para di n aq mamomroblema sa knya.. anu po ang pwedi kung gawin? ako ba ang my problema dahil kilangan ko ang time nya, kung ako mn paanu ko i adjust ang sarili ko? gusto ko umuwe sa pinas para mabawasan mn lang ang naramdaman ko dhil depress n tlga aq d2 pero binabalaan nya ako pg uuwe aq sa pinas mghahanap nlng daw xa ng iba don.. sana mabigyan nyo po aq ng advice anu dapat ko gawin… tanx!

  42. Agosto 27, 2012 bandang 5:04 umaga

    pwede ko ba malaman kung cno ang nagsulat n2..??

  43. Mayo 23, 2013 bandang 10:02 umaga

    hellp naman oh subrang sakit kc ng nararamdman ko ngaun brenik kc ako ng gf ko. Ng walalang dahilan walanan akng kasalanan subrang mhal ko kc nd ko makalim0tan. An0bang dapat kng gwin pls gave me advice. Think’s

  44. Hunyo 30, 2013 bandang 10:07 hapon

    Sobrang hirap tlga slmat at nbasa q blog muh ngaun kc nsa stage aq ng pagmomove on ung ex q kc bumlik skin pero my gf na xa sav nya kpg ksma nya aq pkrmdm Mya kumplto xa pro mhal nya rin ung gf nya prang naging kami ulit pro ngaun pkrmdm q blwla na ulit aq nd na nya cnsgot twag at txt q nrmdmn q ulit ung sakit n un ngaun at prang ang hrap ulit mgcmula pra mklmtan xa..heartaches ikaw n tlga…

  45. Setyembre 25, 2013 bandang 8:56 hapon

    hello po. ako po c darm. 19 na gulang, ako po my boyfriend. 2 yr and 5 months po kme, sa loob ng pinagsamahan namin. parati nlang ako nasasaktan, siya po ung taong di marunong makuntento, ang dami nyang ngawang kasalanan. pero sa kbila ng lahat. mahal q parin xa, tinanggap q lahat. dumating ung hanggang pati kaibgan q pnatulan nya. at pna tulan dn xa ng friend q. ang saklap. pero iniyak q lang lang. d ko inaway kaibgan q. ako nlang lumau.ngparaya aq. sa ngaun. tanggap ko na po. na wala na tlga kame, tao lang dn aq. tama na ung ka tangahan. pagod n aq. pasenxa n po.

  46. 82 joylene
    Marso 13, 2014 bandang 10:14 umaga

    please tulungan moko advice ka kung papano ko makakayang kalimutan ang past ko almost 8months nadin mula nang nangyari yung incidenteng yun pero tinanggap ko muli bf ko pero napraning yata ako pilit padin bumabalik sa isip ko na di kaya nagkikita pa sila nun kahit ako na pinili niya much worst wala na si girl di nga namin alam kung nasan siya pero ginugulo padin ng nakaraan utak ko

  47. Marso 25, 2014 bandang 3:35 hapon

    Gs2 q magshare dto kakaibang hist0ry may lovelife n may love pa. Add nyo nman aq.tnx

  48. Abril 25, 2014 bandang 2:28 hapon

    Reblogged this on jontilla20 and commented:
    thank you

  49. Mayo 8, 2014 bandang 8:46 hapon

    Tama habang binabasa ko to magktxt nmn kmi ng live in partner ko…ugali ko daw problema pero sia lgi mariringan mo ng mura..di ko alm bat gnun pride nia..inintndi ko n lng alm nia kse di sia perpect lalo na mga past nia pero minahal ko sia kahit tingin sa knya ng iba eh..pokpok..kabitera……well thanks sa mensahe…sana mka move on n rin ako…

  50. 88 ydnic
    Hunyo 19, 2014 bandang 8:13 hapon

    Pano mka pag move on if my anak na kami

  51. Marso 1, 2015 bandang 12:27 umaga

    pano ko nga ba siya makakayang kalimutan? sa 22o hirap na hirap aq ngaun..
    nagmamahalan kme pero dahil sa mali ang relasyon namin iniiwan nia aq..
    isa akong lesbian, sa tatlong taon ng relasyon namin wala kaming naging 3rd party kc pareho kaming
    loyal at faithful sa isat isa.. ang sakit para sa akin na ang dahilan kaya gusto na nia aq
    kalimutan kc nagi guilty na cia dahil nga sa lesbian ang karelasyon nia..
    nakokonsensya na daw cia at nahihirapan na raw ciang ipagpatuloy pa ang relasyon namin
    at gusto nalang nia aq maging kaibigan.. sinabi nia saken na mahal nia aq pero mas mahal ni ang Diyos..
    ang sakit kc wala aq magawa dhil alam ko tama naman cia.. ang hirap lang tanggapin kc sobrang
    mahal na mahal ko cia.. dumating aq sa punto na gusto q na magpatikwakal dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman aq.. sa sobrang pagmamakaawa q skanya bumalik cia sken pero sinabi nia hnd na namin pwedeng gawin ang gnagawa ng isang mag syota.. na holding hands nalang ang pwede nia ibigay na lambing sa
    akin.. guys, ang sakit kc kme man ngaun para kaming mga sira na nagmo move on.. nasasaktan man din cia
    ngaun, paunti unti natatanggap nia na hanggang dun nalang ang lahat at maging magkaibigan nalang kme
    pero aq hnd q magawang magmove on kp iniiisip q palang na magiging iba na ang trato nia sa akin sobrang sakit na.. nasanay na aq na palagi ciang andyan para sa akin.. nasanay na aq na sa lungkot man at saya magkadamay kme.. hirap na hirap aq.. gusto ko man lumapit din sa Diyos pero sa tuwing naaalala q na cia ang dahilan kaya aq nasasaktan ngayon hnd ko na magawang lumapit skanya.. sana mabasa nio ito kc hirap na hirap na aq sa kalagayan q..😥

  52. 92 dreemz
    Pebrero 22, 2016 bandang 6:32 hapon

    Ako po iba ang case namin, sa topic ni ate lambing boyfriend/girlfriend. Ako po boyfriend/girlfriend kami at nagbunga ng isang anak na babae. kakahiwalay lang namin last feb 11, 2016 alam kong may pagkukulang ako sakanya pero hindi porket may pagkukulang kailangan ng palitan? Nasa poder ko ang anak ko dahil kahit magulang po niya ayaw ipadala sakanya ang anak ko dahil walang patutunguhan yung nanay niya. Swerte po ako dahil sakin pinagkatiwala ang anak ko kesa sa nanay niya.

    Mahirap kalimutan at maka move-on sa 6 years naming pagsasama, may away at madalas ok naman kami. Simula ng nagkabarkada siya eto na ang simula ng kalbaryo ko, lahat tiniis ko at pinalampas para lang masabing buo ang pamilya ko at hindi maapektuhan ang anak namin. Masyado siyang makasarili ate lambing, kahit alam niyang mali na ginagawa niya siya pa din ang tama. Mahal ko siya dahil siya ang nanay ng anak ko at ang pinagsamahan namin eh hindi naman basta basta din.

    Tama ka ate lambing, it’s easy to say pero mahirap gawin…sa ngayon nasa 11 days na kaming walang communication. Hindi ko alam kung paano ako makaka-move on…napakahirap at napakasakit…

  53. Marso 22, 2016 bandang 9:38 umaga

    masayahin ako palangiti palatawa super makipag kaibigan dami kong friends.ako yong tipong babae na malakas ang loob malakas ang paninindigan at kaya labanan ang lahat ng hamon sa buhay. Un ang pagkakaakala ko noon pero pagdating pala sa pag ibig walang pinipili ito kusang dumating at ngayon pilit ko maging matatag sa nangyari. minsan na kasi ako nasaktan noon 15 year’s old palang ako nakaramdam ng pag ibig or first love ika nga! ang sakit sobra ng mabigo akala ko guguho na ang mondo ko tumagal lang kami ng 6months ang masaklap pa itinaon pa niya sa araw ng birthday ko ang paghihiwalay namin at nag iwan pa ng isang maxx na yellow kaya ayoko na ulit bumili or Kumain ng yellow na maxx. diko talaga lubos maisip na iiwanan niya ako dahil maeffort siya hatid sundo ako sa school noon at lagi kami nasa Photoshop nagpapagawa ng album every time na aalis siya sa lugar namin dahil may hasyenda sila sa ibang lugar part ng bacolod. pero wala ako magawa pinilit ko ngumiti at mag umpisa muli at dahil doon lumipat ako ng ibang school at sinabi ko sa aking sarili na ito ang first and last cry ko never na ako iibig pang muli at ako naman ang makikipaglaro. simula sa araw na iyon inumpisahan ko kaagad ang galing galing ko magpapaikot ng mga boy’s kaya ko makipag relasyon ng sabay sabay at madami din umiyak pero of course di ako nakaramdam ng saya sa tuwing nakikita sila umiyak sa akin lang kaya ng boy’s maglaro so kaya ko din. hanggat sa dumating ang isang araw mayroon talagang nag seryoso sakin na kaya niya magpakamatay huwag lang ako mawala pero diko siya love sinagot ko lang siya dahil sa isang deal pero ayon napasubo ako nagsama kami at nagkaroon ng dalawang anak. Prensisa niya ako kong ituring never ako gumawa sa mga gawaing bahay may tagapag alaga pa sa mga anak pero ako si tanga! di makuntinto naghanap ng ka chat ss internet at yon nakatagpo ako ng seryoso ulit mabait din sobra pinasok ko ang relasyon na alam kong mali kasi tanga nga ako kaya ito ngayon nagdadalamhati sa sobrang sakit na pakikipaghiwalay gusto ko na siya kalimutan dahil yong tatay ng mga anak ko nag aantay pa din sa pagbabalik ko hindi siya sumusuko sa panunuyo sa akin pero Grabe ang sakit sobrang sakit pala minsan iniisip ko mababaliw na ata ako pero Salamat at nakita ko ang blog na ito dahil wala akong ibang mapagsasabihan ng nararamdaman ko ngayon dahil alam ko na kung ano sasabihin sa akin na isa akong TANGA! alam na mali pinasok pa. kaya Salamat sa payo dito ko nalang idaan lahat sa sulat ang sakit ng pagkabigo.

  54. Hunyo 19, 2016 bandang 5:55 hapon

    Napakasakit tlga kapag puso ang nasaktan..feeling mo hindi mo kaya.feeling mo ngiisa klng..at ngiisa lng cya sa mundo na walang ktulad….
    Iiyak mo LNG…at magdasal..malalampasan din natin ang sakit….
    Kapag may nawala….may darating din na mas higit kesa sa knya…..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Dyosa ng Lambing


Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

like like like

Mga Nilambing

  • 522,708 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Mayo 2010
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers


%d bloggers like this: