Posts Tagged ‘lessons in life

30
Jul
13

Paano nga ba?

Minsan may nagtanong sa akin kung paano mo daw malalaman na mahal mo ang isang tao?

Paano nga ba?

Parang pag inom ko ng kape, alam kong may side effect ito pero mas pinipili ko pa rin inumin ito dahil iyon ang nakakapag pasaya sa akin. Kahit ilang beses kang bawalan ng mga nakapaligid sa iyo mas pipiliin mong maranasan iyong effect na naidudulot sa iyo. Iyong pakiramdam na kada iinumin may pakiramdam na nasasatisfy sa pagkatao mo. Ang lalim no? Hayaan mo na.

Katulad nang pagkahilig ko sa pula,  maraming choices pero sa kulay pula ako mas masaya, mas kumportable, mas na e-excite, mas gumaganda ang araw.

Katulad ng pagkahilig ko sa kanta.. kahit paulit paulit mong pakinggan hindi ka nagsasawa.

Katulad ng pagsusulat, maraming beses kang hihinto, pero babalik at babalik ka pa rin para makapagsulat tulad ngayon.

At higit sa lahat nararamdaman mo.

You feel it.. inulit ko lang para humaba ahek..  Kapag willing kang magsakripisyo ng isang bagay para sa kasiyahan ng isang tao, iyong tipong lahat ng prinsipyo mo nababali dahil lang ayaw mo mawala ang isang tao. Bakit? Dahil nagmamahal ka dahil mahal mo sya. Gusto mo syang protektahan sa lahat ng bagay na pwedeng makasakit sa kanya.

Kapag may kumukurot sa puso tuwing may magbabanta na anytime pwede sya mawala sa iyo, iyong pakiramdam na natatakot kang mawala sya.

Kapag naririnig mo ang boses ng taong iyon nakakapag kumpleto na ng iyong araw, isang text , isang call o kahit magbabad pa kayong mag usap , iyon nalang ang hinihintay mo sa araw araw.

Hindi ka natatakot buksan ang puso mo sa kanya , sabihin lahat ng nararamdaman mo kase alam mo na mahal ka rin nya. Hindi ka natatakot ipakita kung sino ka talaga bubuksan mo ang buong pagkatao mo para sa kanya .

Kapag hindi ka natatakot na sabihin mong mahal mo sya, kahit ano man ang isasagot sa iyo.

Inlove ba ako? Lipas na ako sa mga pa tweetums na iyan. Nag mature na nga siguro ako.. hindi na ako nag babase sa kilig feeling, mas iniisip ko na ngayon iyon kapakanan isang tao. Masasabi kong nagmamahal ako kapag mas pinili kong intindihin sya , ang sitwasyon nya kaysa mga gusto kong mangyari.. higit sa lahat iyong kahit masakit aminin sa sarili kayang kong magparaya ng isang tao gaya ng nakasanayan ko, kung alam ko saan sya mas magiging masaya o ano ang mas ikakabuti nya.

At kaya ko rin ipaglaban ang isang bagay kung alam kong may patutunguhan, kakayaning maghintay. Kakayaning bumitaw kapag kinakailangan.

You can’t stop loving or wanting to love because when its right it’s the best thing in the world. When you’re in a relationship and its good, even if nothing else in your life is right, you feel like your whole world is complete.

Keith Sweat

IKAW? PAANO MO BA MALALAMAN?
Advertisements
27
May
13

choice

no one falls in love by choice, it is by chance. no one  stays in love by chance, it is by work.  and no one falls out of love by chance, it is by choice.

choice

Sabi nila falling inlove is by chance, falling out of love is by choice. Ansabe?? Ang sarap ng feeling na pareho nyong mahal ang isa’t isa. Wala na sigurong sasarap pa sa pakiramdam na gigising ka tuwing umaga na alam mo anu’t anu pa man may taong nagmamahal sa iyo.

Ang sarap sa pakiramdam kapag may isang tao na nagparamdam sa iyo na sa lahat ng kakulangan mo buo pa rin ang tingin sa iyo, iyong taong nagapapaganda ng paligid mo at nagsasabing ikaw ang pinaka maganda para sa kanya. Kung baga sa lahat ng kakulangan mo para sa kanya ikaw ay perfect isang mamahaling bato. Isang pakiramdam na napakahirap pakawalan.

Bakit kasi ang gulo ng earth. Hindi ba pwedeng mahal nyo nalang ang isa’t isa okey na iyun? Sapat na.. happy ending na. Pero kung bakit masaya na kayo ang dami pang sumisingit.. nakakabaliw, nakakatimang, nakakawala ng katinuan sa isip .. nakaka lurkey!

Masarap magmahal.. nakakabago ng pananaw sa mundo, nakakabago ng buhay, nakakapag paganda, nakakabata.

Maraming beses na akong nadapa. May mga dumampot at pinagpag ako pero sa huli ay bibitiwan din dahil may mas pinili silang pulutin kaysa sa akin. Lagi nalang ganun, pero lagi kong dasal na sana… sana may dumating na ako naman ang pipiliin ako yung  choice…

God knows who belong in your life and who doesn’t..

TRUST AND LET GO..

Who ever is meant to be there.. will still be there..

05
Jan
13

ilog

May isang ilog sa di kalayuan, nahalina akong mag tampisaw, noong una natakot ako pero gusto ko talaga ang nakakahalinang agos ng ilog na iyon. Una hinakbang ko ang paa ko malamig , at tuluyang lumubog sa tubig. May mga sumisigaw sa likuran ko” huwag kang tumuloy malalim yan” sabi ko sa sarili ko kaya ko to marunong naman ako lumangoy ng kaunti.

Sa pagtatampisan di ko namalayan lumalakas ang agos.. patuloy akong inaagos ng tubig patungo kung saan.. mabato pa rin. Lumingon ako sa kanan nakakahalina pa rin magpaanod pero di ko alam kung saan ako dadalhin noon, natakot ako nang tumama ang tuhod ko sa may batuhan nagasgas, nagdugo.

Sabi ko sa sarili ko tama na, kailangan ko nang umahon medyo mahapdi na ang sugat ko dulot ng bato. Nilingon ko ulit ang ilog.. gusto ko pa rin lumusong doon pero hindi muna ngayon, nakakadala mag paagos di ko rin alam kung ligtas pa ako doon. Tatanawin ko nalang muna ang ilog sa ngayon hindi ko rin sisihin ang ilog dahil alam ko naman sa sarili kong ginusto ko rin yun.

Maraming ilog dyan na pwedeng pagtampisawan dyan, mas kumportable lang ako dun sa ilog na malapit sa amin, nagmadali kasi ako hindi ko muna natantya kung gaano kadelikado doon. Pero syempre sa susunod alam ko na.

 

 

06
Jun
12

Panalangin

Natatandaan ko noong college ako masipag akong magdasal. Gabi , umaga, madaling araw nag dedevotion ako. Pinapanalangin lahat ng pangangailangan ko, mahal sa buhay , kapit bahay, kras at kahit na sino ang maisip ko hanggang sa lahat ng tao nababangit ko pati presidente ng Pilipinas at world peace.

Hanggang sa magkatrabaho na ako unti unti na nababawasan ang pagiging madasalin ko. Minsan nalang.

Pag may kailangan..

Pag nasasaktan..

Kapag hindi makatulog…

Pero nagdadasal naman ako sa isip ko. Hindi nga lang pormal katulad ng dati. Namimiss kong maglambing sa best friend ko.. si ” Bosing” . Alam kong nagbago na ang relasyon namin. Kung baga sa pakikipag break ” its not you.. its me ” Its my fault.. the one who got away.

Ewan gawa siguro ng may nagawa akong kasalanan at di ko mapatawad ang sarili ko.. Guilty feeling.  Pero sabi ko naman sa isip ko Lord babalik ulit ako mag aayos lang ako ng sarili ko. Alam ko namang ikaw ay mapag patawad lalo na sa mga humihingi ng kapatawaran at nag sisisi.

Na miss ko yung bonding naming dalawa, ang pagising ko sa madaling araw alas tres enpunto nakikipag usap sa kanya medyo puyat pero nagigising ako ng alas tres para makipag usap sa kanya.  Masarap ang feeling.. magaan sa pakiramdam kaya may kapayapaan ka palagi sa puso..

Gusto ko ulit ibalik iyon.. kasi alam ko kailangan natin ito , iyon ang pinaka mahalaga sa lahat.. unahin ang relasyon sa kanya at lahat ng panalangin kanyang tutuparin sa lahat ng sumusunod.

Nagpapasalamat ako sa kanya kasi kahit pasaway ako, kahit madalas nasasaktan ko sya sa katigasan ng ulo ko. Hindi nya ako pinapabayaan, bagkos pinagpapala pa ng higit sa kailangan ko.

At nitong mga huling araw naramdaman ko nanaman ang pagmamahal nyang umaapaw. Nandoon na ako sa point na di na alam ang direksyon ko, kung kakayanin pa ba.. pero sabi ko sa sarili ko na di nya ko pababayaan.. at araw araw ko rin namang hinihiling iyon sa kanya.. Kapos man sa mga bagay na hinihiling ko pero hindi Sya nagkukulang sa mga pangangailangan ko.

Nanalangin ulit ako ng mataimtim…

Sabi ko Lord gusto ko nang pumayat… akalain mo kinabukasan nagtatae na ako. 😀

Seryoso.. Nanalangin ako na pagpalain nya pa ako, di ko alam kung saan mang gagaling ang pagpapala at kanino pero humiling ako.

At sinagot nya nga.

Walang hanggang pasasalamat ang gusto kong iparating at ipag kalat sa buong blogsperyo na ang Panginoon ay sumasagot ng panalanging puro ang hangarin.

At sa pagbigay nya sa akin ng isang taon uli para mabuhay sapat na iyon para maging masaya ako at makuntento lalo na sa mga instrumentong ginagamit nya para matupad ang mga kahilingan ko.

Salamat sa mga kaibigan na nagpapahalaga sa akin. Sa mga mambabasa ko.. isa man o dalawa salamat sa inyo sa pag bibigay sa akin ng inspirasyon para ngumiti ng madalas lalo na sa pagbabasa ng mga nagpaparamdam 🙂

At sa mga bumati at gumawa ng paraan para mapasaya ako sa kaarawan ko kahapon salamat 🙂

Every long lost dream led me to where you are
Others who broke my heart, they were like northern stars
Pointing me on my way into your loving arms
This much I know is true, that God bless the broken road
That led me straight to you

01
Jun
12

Noon at ngayon..

Sabi nila ang buhay parang gulong, minsan nasa itaas minsan nasa ibaba. Pero para sa akin ang buhay weather weather lang yan..

Kung noon nagtataka ako sa nanay ko kung bakit galit na galit na may malapit lang sa akin na lalaki aba,  ngayon nararanasan ko na ito sa kapatid ko bilang tumayong ina sa kanya nang gagalaiti ako may maka text lang ang kapatid ko.. At sinong hindi magagalit dalawa dalawa tumatawag sa kanya may hon tapos mahal ko.. sinong inang hindi uusok ang ilong dun.. Ayaw ko pa may pangarap pa ako para sa kanya..

Sa isip ko.. sayang naman pag papaaral ko sa iyo kung hindi ka makakapag tapos at mag aasawa ka lang agad. Aba eh iba na kasi ang panahon ngayon ano? Daming temptasyon.. gusto ko lang mapabuti sya… hay nanay ngayon naiintindihan na kita bakit umuusok ilong mo noon.. pero pinatunayan ko naman sayo na magtatapos ako diba? At hindi ako maaga mag aasawa.. yun nga lang ikaw ang nang iwan.. Kita singol pa rin ang lambing mo ngayon.

Kung noon asar na asar ako sa nanay ko kakautos , maghugas ng pinggan , kung ano ano pa eh.. malamang si osang na ang asar na asar sa akin sa kauutos ko. Natural galing ako sa trabaho at dadalawa lang kami.. kelangan nya matuto sa gawaing bahay isa pa tinitirahan nya yun kelangan malinis iyon . Salamat uli kay inay at natuto ako sa gawaing bahay kahit san man ako mapunta may alam ako at mabubuhay ako ng hindi umaasa sa iba.

Kung noon nalilito ako bakit laging mainit ang ulo ng nanay ko, makagawa lang ako ng mali yun lagi nakikita kapag nakagawa naman ako ng magagandang bagay hindi na aappreciate .. ngayon nararanasan kong mainit lagi ang ulo, siguro dahil sa responsibilidad na nakapatong sakin.. walang kasalo siguro nga ganon rin si nanay noon.

Siguro nga may mga bagay lang tayong maiintindihan kapag nararanasan na natin. Tulad ng pag titipid dati rati noong nag aaral ka pa sige ang gastos mo.. pero kapag ikaw na ang kumakayod halos ayaw mo na maglabas ng pera dahil sayang kung hindi naman para sa mahahalagang bagay.

Kung noon nagtatampo ako sa nanay ko bakit kelangan pa nya mag asawa ulit eh nandito naman ako. Hindi ko naman sya iiwan… Hindi ko lubos maisip bakit kelangan pa nang ibang tao eh pwede naman kaming dalawa lang masaya naman kami.. kaya noong nag asawa sya parang pinagtakluban ako ng langit at lupa…  pero ang  sagot nya BALANG ARAW ANAK MAIINTINDIHAN MO RIN AKO… “

Dumating na yata iyong panahon na naiintindihan na kita.. kasi ngayon.. ramdam ko yung takot na mag isa .

Pero ganon pa man.. kahit natatakot ako maiiwan pa rin saken iyong mga baon kong turo mo.. na kapag natatakot ako magtiwala lang ako sa Maykapal at iyon ang hindi mawawala saken..

Wala lang namimiss lang kita nay… belated happy birthday at happy mothers day na rin 🙂

17
May
12

Hindi nauubos ang bukas

Ang pag move on daw ay parang pag papapayat, laging sinasabi na mag mo-move on na ako pero kapag na alala mo iyong tao, lagi mo nanaman iisipin.

Tulad ng mga bawal na kainin ng isang taong nag papapayat , ang pag kain ng kanin  dahil marami itong content ng sugar .  Tulad ng pag kain ng mamantika at matataba, mga matatamis at maaalat.

Parang mga alala na akala mo maganda sa kalusugan mo, kasi nasasatisfy ka, pero paano mo makukuha ang goal mo kung binabalikan mo ang dapat iniiwasan mo na…

Magulo ba? Hayaan mo na. Ang gusto ko lang naman sabihin.. mahirap magpapayat ganon din ang pag move on..

Pero kung may disiplina ka sa sarili mo, magagawa mo yan. Ika nga ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo, hindi ang kapit bahay mo, ang tito mo o ang best friend mo.. Ikaw mismo. 🙂

At kapag napagtagumpayan mong alisin sa sistema mo ang mga bagay na nagpapalala sa kalusugan mo ay nako ang laking ginhawa non…

Gasgas na daw ang salitang .. Bukas mag da diet nako, bukas mag mo move-on na ako. Oweno naman ngayon? Karami kaya ng bukas.. ang mahalaga meron kang drive na baguhin kung nasaan ka mang sitwasyon ngayon.

At hindi pa rin gasgas saken yan next week …. mag uumpisa ulit ako!

Ang saya lang.. 🙂

At kapag napag tagumpayan ko ito… maglaway kayo ! bleh!

Joel Osteen quotes

 You must make a decision that you are going to move on. It wont happen automatically. You will have to rise up and say, I dont care how hard this is, I dont care how disappointed I am, Im not going to let this get the best of me. Im moving on with my life. 
09
Apr
12

balang araw..

Ilang beses na ba nangyari sa iyo ito?

Bawat kabanata may kanya kanyang kirot?

Masakit? Sino ba ang hindi nasasaktan?

Namatay ka ba? Hindi naman..

Kaya mag isip ka.. kahit masakit basta hindi nakakamatay

Magiging okey ka..

Isang buntong hininga..

Isang taimtim na panalangin..

Pagluluksa…

Pagpapalaya.. 

Pagpapatawad…

Lalo na sa sarili mo..

Gaya nang lagi mong naririnig…

May bukas pa..

Lahat ng masasakit  na pangyayari  na nararanasan mo ngayon

magiging kwento nalang yan balang araw..




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 604,878 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Oktubre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 147 other followers