Posts Tagged ‘heartaches

22
May
11

art of letting go ( di ko kayang tanggapin)

Di ko kayang tanggapin
Na mawawala ka na sa akin
Napakasakit na marinig
Na ayaw mo na sa akin

Hapdi at kirot
Ang dulot sa ‘king damdamin
Di ko kayang mabuhay sa mundo
Kung mawawala ka sa piling ko

I.

Kahapon lamang ay kaysarap
Ng ating pagmamahalan
Ang sabi mo pa, pag-ibig mo’y walang hanggan
Kahapon lamang tayo ay nagsusumpaan

II.

Ang sabi mo pa, ako’y di mo iiwan
Ngunit bakit ngayo’y nagtatapat
Na mayroong ibang mahal
At sinabi mo pa na mas mahal mo siya
Kaysa sa akin

Nagdurugo ang puso ko dahil sa sinabi mo
Nais kong magmakaawa sa ‘yo
Suyuin ka, pilitin ka
Na ako’y muling mahalin…

toinks! toinks!

Medyo may kakornihan ang lyrics.. pero kung nanamnamin mo ang bawat salita.. masakit nga , lalo sa mga taong nakakaranas o nakaranas ng kabiguan sa pag ibig mahirap talaga tanggapin. Sasabihin ko nanaman ulit ito na walang sinoman ang pwedeng humusga sa nararamdaman mo kasi hindi sila ang nakakaranas ng sakit na yun. Sila na ang lumugar sa katayuan mo.. yung feeling na ang sakit sakit… kahit saan ka bumaling laging parang may kumukurot sa puso mo. Huwag mong sabihing umaarte lang dahil kung may choice sila , hindi nya pipiliin maramdaman yun impyernong pakiramdam na paulit-ulit nalang nagsusumiksik sa sistema nila. Iyong iba mag sasabi ang O A naman nyan!!! Try to put yourself in her/his shoes.. baka sakali lang maramdaman mo at maunawaan ang pinag daraanan nya.

Hindi madali, dahil kung madali lang kalimutan ang lahat at lunukin ang katotohanan di sana hindi ka na maya maya naglalabas ng likido sa mata tuwing tatamaan ka ng kirot na iyon. Naiintindihan ko rin yun pakiramdam na gusto mo nang maglaho sa mundo kapag ganon yung shet na pakiramdam na iyun… pero hindi dapat ganon.. dapat labanan mo ang emosyon mo.

Lahat daw ng bagay sa mundo pwedeng maglaho, lahat may katapusan, lahat hindi pwedeng magtagal , walang forever. Syempre nasasayangan ka kung ikaw yun tipo ng tao na mapagpahalaga, lahat ng bagay na ipinaramdam sayo eh pinasasalamatan mo at pinahahalagahan at in return gusto mo ibalik yun favor na iyon sa kanya o mas higit pa dahil …. sinasabi ng puso mo na..

Ikaw ang dahilan kung bakit pagkatapos ko masaktan noon eto ka nagpapangiti saken..

Ikaw ang dahilan bakit nagtitiwala ako ulit pagkatapos ng kabiguan ko…

Ikaw ang dahilan bakit iyong puso ko na dati basag na basag ikaw ang bumubuo unti unti..

Ikaw ang dahilan sa bawat kinang ng mata at tamis ng ngiti sa aking labi..

Ikaw ang dahilan sa bawat kanta ko..

Ikaw ang dahilan sa bawat pag bangon ko..

IKAW ANG DAHILAN KO ♥♥♥


Tapos biglang may magbabago… hindi ka na kayang mahalin, o kaya naman nag taksil sayo, o talagang hindi pwede.. WASAK! bakit mo pa ipinaramdam saken lahat ng ito kung lahat ay magbabago rin?

Sige sumigaw ka, sabayan mo iyong rock music na tumutugtog kasi umay na umay ka na sa mga love songs na pinapatugtog sa radyo na lahat ay parang patama sayo.. ” how do i live without you” ” how am i supposed to live without you” ” Paalam na” ” Iloveyou Goodbye” habang hawak hawak ang isang bote ng redhorse na malamig na malamig tapos nag iisa kang naglalaklak o bakit o bakit! Napaka miserable ano???

Iyon iba tapang tapangan mode.. Hindi lang sya ang babae/ lalaki sa mundo ano??? I deserve someone better! Mukha mo! Hindi ka naman kagandahan/ kagwapuhan anong karapatan mong i reject / lokohin ako ng ganito nalang anooooo??? Pero kapag nag iisa nalang yan tataob rin yan.. Minsan ayaw tanggapin ang pagkatalo dahil sa PRIDE. Pero itong tipo ng mga tao na ito ang pinaka kawawa  kasi hindi pinapakita yun tunay na nararamdaman.. ayaw aminin sa sarili , iyung nagkikimkim maya maya bigla nalang iyan sasabog na parang bulkan at hindi mo kaya pang kontrolin ito kapag umabot ka na sa hangganan mo.

Sasabihin mo… ” Sa tingin nyo madali lang ba ang pinag daraanan ko??? ” I HATE YOU! ” ” I HATE THIS CRAZY FEELING” ” I HATE MYSELF FOR FEELING THIS WAY!” ” I HATE THAT I LOVE YOU”  ” YOU LIAR!” Pero bakit MAHAL pa rin kita 😦

Hindi ako magkakaganito kung hindi kita mahal! Mahal lang kita kaya ako nagkakaganito kasi totoo ako , totoo ako.. ( buntong hininga…)

  • Hindi naman lahat ng gusto mo pwedeng mangyari diba?
  • Hindi rin lahat ng tao pwedeng maintindihan yang pinagdaraanan mo, iyun iba dadamayan ka lang , makikinig, pero pagkatapos nun ikaw pa rin ang makakatulong sa sarili mo. Kahit sundin mo lahat ng 3 entry ko kung paano ba mag move on ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo, hindi si YOU..
  • Hanggang kailan mo titiisin ang SAKIT na iyan? Sakit sya literally kasi hindi na healthy lagi kang
  1. malungkot
  2. lagi kang umiiyak
  3. lagi ka nagseselos
  4. lagi kang parang kawawa
  5. lagi kang bitter..

Lahat ng bagay may dead line..

TAHAN NA…

HUSH….

HE/SHE MAYBE THE BEST THING THAT EVER HAPPENED TO YOU… may mga bagay talaga na hindi nagtatagal..Iyon ang dapat mong isipin , iyon ang dapat mong tanggapin, huwag ka nang mag matigas , mahirap tumanggap sa kabiguan lalo na at binuhos mo lahat lahat sa kanya pero wala pa rin … Siguro may mas magandang ibibigay si Bosing sayo.. iyong hindi ka sasaktan iyon kapares mo talaga… iyong mas sasaya ka pang hawakan mo iyon..  Kung sa tingin mo parang hindi mo kaya… kailangan mo ipanalangin iyon na bigyan ka ng kapayapaan , katahimikan ng puso mong nasasaktan.. ” Lord ang sakit sakit naman! ” Hindi ko na kaya… itinataas ko na sa iyo lahat ng nararamdaman ko… soon your worries, pain  and fears will disappear because only GOD CAN HEAL THE BROKEN  HEARTED. Surrender it.

How good it is to give thanks unto the Lord

How good is to give thanks unto God..

OH HE HEALS THE BROKEN HEARTED BINDING UP THEIR WOUNDS..

It is good to bless HIS HOLY NAME .

Learn to give up if you think that you already did your part. Goodbye is not really an end, but a beginning of a love you deserve to have.

Advertisements
29
Jan
10

Paano nga ba mag move on take two ( andyan ka nanaman ….)


Andyan ka nanaman tinutukso tukso ang aking puso

Habang patulog ka at nakikinig ng radyo bigla ka makakarinig ng song na ..

Paminsan-minsan
Naaalala pa rin kita
Kahit ngayon mayr’ong nagmamahal na ngang iba
Tuwing maiisip mong damdamin nagbabalik

At para bang nar’yan ka pa sa aking tabi
Muling nadarama ang yakap ko
Matitikmang muli ang halik mo
Naririnig sinusumpang

Ako ay mahal mo..

TOINKS! erase erase! hanuu ba yan nakikinig pa kasi ng love songs eh.. tumigil ka , nataon lang na yan ang music sa radyo. Tapos maya maya inaayos mo na sarili mo para matulog bigla nanaman patutugtugin ang ganitong lyrics…

I’d still do anything for you
In spite of it all
I’ve learned so much from you
You made me strong
Don’t you ever think that I don’t love you
That for one minute I forgot you
But sometimes things don’t work out right
And you just have to say goodbye

Stop it! nakakabago ng mood itong mga songs nato.. patayin mo nalang kaya ang radyo … Sya pinatay na ang radyo.. bigla naman mapipikit ang mga mata mo tapos.. tapos.. mukha ng mokong na yun ang makikita mo.. Ano ba talaga????

Okey… so watcha gonna do when you thought you’ve already moved on from that (*^&_(^*+_ ##@@@ of yours? Then suddenly biglang mag aappear sa existence mo. Hello ??? Bakit ? Nang aano ka?

Nag text lang sayo ng hi.. wazzup? pa fall ka nanaman?? Wala kang kadala dala.. pa fall ka ha ? pa fall?!

Sasabihin mo na naka moved on na ko eh.. nag text lang nababahala ka na? So naka move on ka na non sa tingin mo? Well well… ganon talaga ang tao kasi mahilig mag emote eh.. nadadala ka lang ng sitwasyon kasi iniisip mo, bini big deal mo yun pag pansin nya sayo.. Oweno naman ngayon kung nag text ? text lang? Gusto ka lang i add sa friendster o facebook eh assuming ka na agad.

Mag hunos dili ka… kelangan mong panindigan ang pag momove on mo dahil diba sinabi mo sa sarili mo na tama na … owver na ayon kay melai ng PBB, as in owver na owver ka na sa kamartiran. Ano ba ang dahilan mo bakit mo sinabi sa sarili mo na dapat mag move on ka na? Dahil nasasaktan ka na ng bonggang bongga diba?

Masokista ka ba? Gusto mo nanaman maramdaman yun pakiramdam na para kang sinasaksak ng punyal, yun halos ayaw mo huminga dahil sa tuwing hihinga ka eh kasabay nun yun hindi maipaliwanag na sakit..

O common.. i know its really hard to move on.. lalo na at talaga namang minahal mo ng bonggang bongga si ex. Pero heto.. konting konti nalang eh makakalimutan mo na wala nang sakit, tapos bigla mag aappear watahecks na yan.

Tingin ko tinetest lang yung selfcontrol mo nyan, kung kaya mo pa panindigan yun sinabi mo sa sarili mo na mag momove on ka na nga. Pero paano ba ka ba naman mapapanatag nyan kung hanggang ngayon eh single ka pa rin at walang lablayp hindi ba nakakainis yun?

Oweno naman ulit ngayon? Tigilan mo na ang pagseself pity, wag ka nang mag ampalaya pa dyan.. let’s just accept the truth that nothing in this world is permanent.. people change.. hndi ka na nya mahal, mahal ka man o minahal ka man nya minsan may mga pangyayaring hindi natin kontrolado.. lahat ng magagandang bagay may katapusan din.. masakit ba?

Oo naman masakit lalo na kung isa kang sensitive na tao.. konting sakit iniinda mo ano ka baby? Konting pitik lang eh magngangawa ka na? Minsan kasi kelangan din nating turuan yun sarili natin na maging manhid para naman di tayo gaano nasasaktan.

At tigilan mo na ang pag iisip ng ano kaya? Naiintindihan mo ako? Gusto mo ng panibagong chance? Baka naman maging kontrabida ako sa tingin mo nyan dahil ang alam kong gusto mong marinig eh ang simpatya ko sa nararamdaman mo, ang makakapag pasaya ng puso mo sa tingin mo kakampihan kita?

Bahala ka sa buhay mo! Buhay mo kaya yan.. at ikaw lang din ang makakatulong sa sarili mo sa pagtupad ng bonggang bonggang pag momove on dyan sa ex mo. Pero may tip ako sayo..

  1. Isipin mo nalang ham yan… na gets mo? (medyo ginugutom lang..) Kapag daw iniisip mo ang isang bagay lalo mo ito maiisip. Tama naman yun. Kaya nga mas mataas utak natin sa puso kaya dapat gamitin mo utak mo hindi puro puso. Gusto mo sya makalimutan? May nabasa ako eh.. Para daw yang gripo.. pag binuksan mo ang gripo tatagas ang napakaraming tubig bumubulusok.. iyon ang mga memories nyo ni ex.. tulad ng walang katapusang sweetness sa isat isa at kung ano ano pa . At wag kanang mag ano ano pa dyan hinaan mo yun gripo hangang sa patak nalang ang matira.. Gawin mo yun self control lang ang katapat nyan.
  2. It is finished – Tapos na. Past is past. At kapag ang isang pilikula ay tapos na tapos na. Pwera nalang kung nagustuhan mo talaga yun movie at gusto mo ulit ulitin, pero ulitin mo man ganon pa din ang ending diba? May movie ba na nabago ang ending pag inulit mo? Pwera nalang kung may part II o may saga katulad ng twilight yun. Pero tapos na nga diba?? Tapos na. End. Isaksak mo sa kukote mo yun.
  3. ACCEPTANCE – Oweno naman ngayon kung talo ka? Naloko ka? Pinagtaksilan ka? Kahit ginawa mo na lahat para sa kanya pero sa huli sasaktan ka lang? Tanggapin mo na sa sarili mo ganon talaga ang life parang buhay, ang tao may kanya kanyang kapal ng balat.. kung ipinanganak na insensitive talaga yan ex mo.. wala ka na magagawa.. hindi nya maiisip yun … nabalutan na nga ng makapal na apog yun self nya kaya tama na. Walang mawawala kung tatanggapin mo sa sarili mo na naisahan ka. Gusto mong gumanti? Magpanganda / magpagwapo ka na lang.. smile ulet.. kahit mapait pa.. masasanay ka din nyan.
  4. Dont hate your ex – Bakit eh_______ (bahala kung ano gusto mo sabihin sa ex mo) si ex bakit di ko sya kakamuhian? The more na kamumuhian mo sya the more na maiisip mo sya. At diba nakakalamang lalo sya.. habang si ex nagpapakasaya ikaw ito iniisip mo sya sa kung paanong paraan mo sya gustong isipin.. talo ka , alipin ka pa rin nya kahit nasaktan ka nya noon hanggang ngayon ba naman na wala na kayo pinapayagan mo pa rin masaktan ka nya? Tama na. At kahit paano may pinagsamahan din kayo.. wag mo nang ibulgar kung anong klaseng tao si ex. minahal mo yun eh… tapos sisirain mo? Kung sa tingin mo __________ ( insert your emotions here) si ex tantanan mo na sya, wag ka nang mag bitter bitteran sa kanya magmumukha ka lang desperate non.
  5. Forgive and forget – Patawarin mo na. Tingin ko kahit ganon si ex gaano ka man nya nasaktan dun sa isang bahagi ng puso nya hindi nya sinasadya yun. May mga bagay lang talaga na hinde na pwede. Masisira lang ulo mo sa kakaisip ng kakaisip, nakakapanget yun… patawarin mo na at kalimutan mo na unti unti. Sasabihin mo nanaman hindi madaling lumimot.. madali lang yan.. refer to number 1. Isipin mo nalang ham yan . 😆

Colossians 3:13
Bear with each other and forgive whatever grievances you may have against one another. Forgive as the Lord forgave you.

So ayan pinatawad mo na wala nang galit tapos andyan ka nanaman tinutukso tukso ang aking puso? One more chance mala John lloyd at Bea. Its still up to you. Gaano mo pa ba kayang i take? Mahal mo? Pero dapat this time wag ka nang eng eng. Make sure na kapag nakipagbalikan ka kaya mo dalhin ang sarili mo kung ano mang mangyari pa kung happy ending di maganda e paano kung dun lang din ulit ang bagsak?

Kaya next time na ma fall ka ulet.. hmmm mas mahalin mo naman yun sarili mo kaysa sa kanya . Tamang balance lang kapatid.. para di masakit pag bagsak . Sa ngayon hugs hugs na lang kita muna 😉

At napahaba yata.. pero marami pa ko gustong sabihin kaso sobrang mapapahaba na kaya next time ulet 😀

“Watching you walk out of my life does not make me bitter or cynical about love. But rather makes me realize that if I wanted so much to be with the wrong person how beautiful it will be when the right one comes along.”

27
Jun
09

Halaga

Lambing paano ka ba magpahalaga???

Hindi ko alam yun tamang paliwanag o kung paano i express, basta alam ko lang kapag mahalaga sa akin ang tao, lagi ko ito kinakausap, hinahanap pag wala, pinaaalalahanan, may ginagwa akong bagay na sa kanya ko lang ginagawa, kahit minsan labag sa kalooban ko basta ikakasaya ng taong yun ginagawa ko.

Kahit minsan nasasaktan ka na, still nandun ka pa rin para sa tao na yun.. Dahil mahalaga sya sayo.. Kahit konting bagay na magpapasaya sa kanya gagawin ko para lang maging happy sya.. Kahit ilang beses kang nasasaktan ng di sinasadya, binibigyan mo pa din ito ng chance, kasi you value that person so much, your willing to give him/her chances para lang di masira yun bonding o kung  ano man relasyon meron kayo..

Yun mga taong mahalaga sa kanya nagiging mahalaga na rin sayo…. pero hindi pa rin nasusukat yun kung gaano ka kahalaga… kasi ako yun taong hindi sinusukat yun mga pagpapahalaga na ipinapakita at ipinadarama.. Dahil hindi talaga ako negosyante… Na kelangan gawin mo yan o eto para pahalagahan kita.. Ang pagpapahalaga ay free will. Kasi ang pagpapahalaga sa isang tao ay hindi dapat sinusukat, gaya rin ng pagmamahal .. hindi mo rin dapat sinusukat yan, kasi hindi lahat ng bagay nadaraan sa math kelangan pang malaman ang sukat sukat! At kung sakaling ikaw may pagkanegosyante sige.. sukatin mo pero dapat kung marunong kang sumukat marunong ka rin mag bigay ng sukli..

Bakit ka ba mahalaga??? Hindi ko rin alam.. kasi may nagsasasabi dun sa isang bahagi ng puso ko na mahalaga ka.. dapat pahalagahan ka.. Ang pagpapahalaga sa isang tao ay hindi pinipilit tulad na rin nag pagmamahal.. basta basta nalang ito nararamdaman. At mararamdaman mo nalang na iba ang taong to kasi ready ka mag ubos ng emosyon mo para sa taong ito. Kahit minsan magmukha kang tanga sa ibang tao o much worse eh mapahiya ka sa sarili mo..sasabihin mo sa sarili mo ” ay.. bat ko pa ginagawa sa kanya to.. e di naman nya naaapreciate yun..” Pero hindi mo iniisip yun ganon.. bagkos.. sasabihin mo uli… ” okey lang yan” Lahat okey lang …

okey lang ba talaga Lambing????

Basta ipinadama sayo na mahalaga ka, at naramdaman mo naman yun ipagpasalamat mo na. At kung matalino ka, sana pahalagahan mo din yun bagay na ginagawa para sayo… Hindi dahil ibig sabihin na pinapahalagahan ka ng tao gagawin mo yun gusto mo.. I tatake mo for granted yun bagay na ginagawa para sayo… wag naman ganon… kasi yun taong yun nagubos ng panahon sayo para mapasaya ka lang in any way, di man nya sabihin sayo na magpasalamat ka..

Sana kahit konting “respeto lang” …. ang ibigay mo para sa kanya..

12
Sep
08

Paano nga ba mag move on?

Lonely-1

Minsan sa buhay ng tao, meron tayong mamahalin ng sobra. At kung sino pa yun pinahalagahan mo at minahal ng sobra yun pa ang sobrang nakasakit sa atin. Sabi ng iba kung gaano ka daw nasaktan ganon mo din sya kamahal, kasi kaya ka nasasaktan kasi mahal mo, di ka naman daw masasaktan kung wala lang.

Heartaches kasama sa buhay natin yan eh. Pero paano nga ba ang gagawin mo pag yun sobrang minahal mo ay hindi pala para sayo? Iyon bang buong buhay mo pinangarap mo na sana sya na nga at sana kayo na forever. Pero yun forever na yun ay hindi pala “sya” .

Pinipilit mong intindihin pero hindi maabot ng tamang pag iisip mo, kung bakit hindi pwede maging kayo. Masakit , oo sobrang sakit , kung baga sa kanta “knife cuts like a knife how will i ever heal im so deeply wounded knife” meron pa.. ” the first cut is the deepest” o yun kay Michael V na

Sinaktan mo ang puso ko
Sinaksak mo ng kutsilyo
Binuhusan mo ng asido
Pinukpok ng martilyo

Sinaktan mo ang puso ko
Ngayon ako’y naghihingalo
Mauubusan na ‘ko ng dugo
Sinaktan mo ang puso ko

At marami pang kanta na sumikat dahil sa heartaches. Naiisip ko normal lang naman talaga ang masaktan eh. Kasi halos lahat ng tao nakakaranas non.

At dahil nakita ko sa stat na marami nagtatanong kung paano daw ba mag move on sa isang broken relationship? Eto ang sagot ko. Depende siguro sa sitwasyon kung paano ka nasaktan . May ibat iba kasing sitwasyon eh tulad nito:

  1. Sobrang minahal mo sya, akala mo kayo na, umikot ang mundo mo sa kanya, pero nang tumagal nag iba na sya ng hangarin, iba na ang nararamdaman sayo.
  2. Sabi nya friendship is all he/she can offer. Pag katapos ng lahat sasabihin nya cool off muna tayo, after a week or so friends na lang tayo. Hello? pwede ba yun? friends? can exlovers be friends? Mahirap yun.
  3. O kaya its not you, its me.. hindi ikaw ang problema .. ako. Mga tamang alibi ba.
  4. Eto ang mas masakit, ” Hindi na kita mahal, meron nang iba”
  5. OR.. Ikaw lang ang may nararamdaman one sided love ba.

At marami pang scenario kung paano ka nasaktan. Ang hirap … kasi kung mahal na mahal mo tapos ganyan mga approach ang maririnig mo, malamang kung di malakas ang tolerance mo sa pain mabaliw kana. Una tatanungin mo ang sarili mo ..

BAKIT? BAKIT AKO PA? WALA NAMAN AKONG KASALANAN NAGMAHAL LANG AKO?.

Minsan sinisi mo pa si BOSING kung bakit nangyayari sa iyo ito? Ano ang gagawin ko? Bigla na lang tutulo ang luha mo… bababa ang tingin mo sa sarili mo, iisipin mo unlikable ka, loser, walang kwenta.. sadyang nakakababa ng self esteem pag yun taong gusto mo hindi mo makuha kahit anong gawin mo. . Mahirap kalaban ang puso lalo na ang ego.

Yung iba gagawa ng paraan para mawala ang sakit na nararamdaman.. magwawala, kung dati good girl.. ngayon ang tawag sa kanya ” GOOD GIRL GONE BAD” sisirain ang sarili dahil lang dun. Kung lalaki naman syempre good boy naging BADBOY .

Yun iba maglalasing, lulunurin ang sarili sa alak para mawala yun sakit na nararamdaman pero pag gising mo bukas doble ang balik sayo.. Broken hearted ka na nga broken head ka pa! Kasi masakit ang ulo mo sa hang over pero andun pa din ang sakit.

Yun iba naman maghahanap ng panakip butas which is not advisable kasi lalo lang lalala ang sitwasyon, may mga taong ka pang masasaktan at idadamay para mawala lang yan sakit na nararamdaman mo.

Paano ba mag move on?

  1. Umiyak ka – Iiyak mo lang, hindi masama umiyak, pag sobrang sama na ng loob mo, minsan masarap umiyak, kahit lalaki ka pa umiyak ka lang, nakakagaan yun ng pakiramdam. Syempre sa tagong lugar ka umiyak or sa mga friends mo. Minsan masarap pag may humahagod sa likod mo habang umiiyak ka.
  2. Magdasal ka – Humingi ka ng strenght kay Bosing para kayanin lahat ng pagdadalamhati mo. Without the help of God we can do nothing sabi nila. Thank him kahit sa heartaches pasalamatan mo sya, tapos mag sumbong ka sa kanya, lahat ng nararamdaman mo sabihin mo sa kanya. Magugulat ka nalang dahil pag katapos mo mag pray ang gaan na ng pakiramdam mo.
  3. Libangin mo sarili mo – Meaning wag kang mag focus sa kakaisip sa heartache mo, kasi the more na iniisip mo lalo ka lang mahihirapan.
  4. Develop new skills or learn new skill – Focus mo nalang ang atensyon mo sa ibang bagay, tulad ng pag aaral ng bagong skill, pwede ka ding mag blog, matuto mag drive, mag aral kang mag luto kung di ka marunong.. that way makakalimutan mo na yun misery mo may bago ka pang natutunan.
  5. STAY AWAY FROM HIM – Lahat ng memories nya itapon mo na kung gusto mo mag move on, kasi the more na nakikita mo mo mga gamit nya, maalala mo pa din sya, pati number nya burahin mo na sa phone mo, para hindi kana ma tempt na i text sya. Basta kung gusto mo maka move on dapat lahat ng bagay na nakakapag paalala sa kanya iwasan mo na.
  6. Free will – Sarili mo lang ang makakatulong sayo. Dapat kung gusto mo kalimutan ang isang tao, meron kang sapat na kakayanan na gawin yun. Dapat talagang gusto mo. Kasi kahit sundin mo lahat ng sinasabi ko kung hindi ka pa ready, di ka talaga makakamove on. Lahat may rason, kaya dapat may rason ka din bakit mo gusto gawin ito.
  7. Love yourself – Para masabi mo sa sarili mo na karapat dapat kang mahalin, mahalin mo muna sarili mo. Paano ka mamahalin ng tao kung sarili mo ayaw mo? Love yourself ika nga , magpaganda/ magpagwapo ka. Improve yourself. Tapos ngumiti ka.. yan ang pinaka murang pangpaganda/pangpagwapo. 😉

Eto muna mashashare ko. Hindi naman ito mahirap gawin basta ba ready kana mag move on! 😉

The sand taught me one thing, you cant hold too many things, no matter what you do to make them stay, The wind will always blow them away… So learn to LET GO & choose carefully which you want to stay. Because like the sand, only those which in the center of our palm will last.. “

May part II na pala click mo to… _______

30
Aug
08

Bato

Paano ba maging bato? Yun kahit anong gawin mo di pa rin natitinag. Ibato mo, ipukpuk mo, durugin mo  di ka pa rin nasasaktan. Minsan naiisip ko sana ganon ako katatag tulad ng bato. Pero kahit anong gawin kong magpakatatag minsan sinusumpong ako ng pagiging pusong mamon, nagkakaroon ng heartache. Yun bang sumusuot ang kirot hanggang sa kaduluduluhan ng kalamnan mo. Ayoko ng ganito.

Paano bang magkunwaring masaya ka? Kung ang puso mo puno ng pagdadalamhati.. magagawa mo bang ngumiti? Kahit yun puso mo bugbog na bugbog na, pilit mong nilalabanan pero natatalo ka ng emosyon mo.

Paano magkunwaring di ka nasasaktan sa mga bagay na gumugulo sa isip mo. Pilit mong iniiwasan pero parang nang aasar na bawat pahinga at buntong hininga may kirot na humahagupit. Bugbog man ang puso pilit kinakayang huwag indahin ang sakit.

Paano bang kumapit tulad ang unggoy sa isang sangang malapit nang mahulog… bibitaw na ba ako o mas kakapit pa ng mahigpit?

Paano ko ba sasabihing nasasaktan ako? Na sana pag sinabi kong nasasaktan na ako.. haplusin mo ang puso kong sugatan, na naghihintay na gamutin mo..  walang kakayanan gamutin ang puso ko mag isa dahil ikaw ang lang ang alam kong makakagamot.. 

Hindi ko alam kung paano mo ito gagamutin, pero kung sakaling di mo na kayang gamutin, sabihin mo. Na kahit sa iyo na nasanay ang puso ko magpagamot.. sana magawa kong lumipat ng ibang doctor na pwede gamutin ang puso kong sugatan… Pero sana ganon kadali..

Paano ba? Sana turuan mo ako..
dahil tulad mo na may pusong bato …
na di makaramdam nang pangungulila ko sayo.. 😦




Dyosa ng Lambing

Blog na puno ng lambing, ka cutan at pagpapacute, kakikayan, kaemohan, kagandahan at kalulitan walang kokontra blog ko to ! sa presinto ka magrelakmo hmmkei!

lambings lullaby

src="http://grooveshark.com/widget.swf" /><param name="wmode" value="window"

Mga Nilambing

  • 615,493 ang nagpalambing na

♥♥♥Sabi ng Puso ko..♥♥♥

I've let people take advantage of me, and i accepted way less than i deserve. But i've learned from my bad choices and even though there are some things i can never get back and people who will never be sorry, I'll know better next time and i wont settle anything less than i deserve

♥♥ pa click ♥♥

oopsss bawal mangopya ng walang paalam !

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

tweet tweet

Error: Please make sure the Twitter account is public.

♥♥♥nobody nobody but you ♥♥♥

Emoticon

♥♥♥ ano daw???♥♥♥

I never push someone to love me back.. I never wait too long just for nothing.. If he really likes me, he'LL do his thing.. I learn to keep a little for myself. Pride is not always negative.. Sometimes , it defines DIGNITY .."

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

galing sa baul ni lambing

taga saan ka?

May Problema ba???

Kung may problem po sa pagcocomment pwedeng gumamit ng mozilla firefox

Anong araw na?

Disyembre 2017
L T M H B S L
« Nov    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
award

Ipasok ang sulatronikong adres mo para mahatiran ng blog na ito at makatanggap ng pabatid ng mga bagong paskil sa pamamagitan ng sulatroniko.

Join 148 other followers